webnovel

11. Progress

(Shantell POV)

Back to class again. Abala si sir Kloro sa pagdidiscuss about sa history ng kaharian ng Manta.

The second war against the demon, kung saan ang kasalukuyang hari ang siyang tumapos sa digmaan.

Tuluyan na sanang masasakop ang buong kaharian, natalo na ang mga mandirigma ng kaharian ng Manta dahil sa taglay na lakas at pwersa ng mga demonyo ngunit, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap.

Ang mahigpit na kalaban ng mga demonyo ay dumating. Libo libong anghel ang bumaba mula sa kalangitan upang tulungan hari na noon ay nawawalan na ng pag-asa.

Kaya sinasabi na ang mga anghel ay nasa kalangitan. Sila din ang itinuturing na Guardian ng mga mamamayan ng Manta.

Ngunit kasabay din nito, ang pagtulong ng mga guardian ay ang tuluyang pagsumpa sa reyna ng Holy Light Palace na hinding hindi na magkakaanak.

Ano ang Guardian? Makapangyarihan sila. Isa sa lahi ng mga guardian ang mga anghel.

Maging ang bawat elemento ay mayroong mga Guardian. Pero sinabi nila na kahit isa ay wala pa silang nakikita o nararamdaman na kahit anong guardian of their element. Kaya hanggang ngayon ang libro patungkol sa history ng Manta ay hindi pa din tapos.

Ipinagpasa-pasahan na ito sa bawat henerasyon ng mga manunulat upang gawin ang kanilang misyon, iyon ay ang tuluyang matapos ang librong ito. At ngayon nga nasa puder ito ni sir Kloro, dahil siya ang manunulat sa henerasyong ito.

Nagulat nga ako dahil nasali ako sa libro, binanggit ni sir Kloro ang paglitaw ng isa pang Light Master galing sa Mortal World  na ako daw ngunit ang chapter ko sa book na yun ay hindi pa natatapos dahil sa hindi malinaw ang lahat.

Kahit ako din ay naguguluhan na sa pagkatao ko. Bakit may kapangyarihan ako? Bakit Light? Wala naman ako kinalaman sa pamilya ni Selena, sino ang mga magulang ko? Minsan napagtanto ko na ito ang mundo ko, na dito talaga ako nararapat at naligaw lamang ako sa Pilipinas.

Pagkatapos namin sa History sumunod naman ang Weaponry. Ganoon pa din ang nangyari. Nilabanan namin ang higanting gagamba o evil spider. We did it by pair, nakapartner ko si Grim kaya medyo alanganin ako sa mga galaw ko. Pero unti unti ay nasasanay ang sistema ko sa galaw na kaya ko pala.

Nahirapan kami dahil sa mga sapot nito na laking sagabal ngunit kahit papaano ay nagawa naman namin itong matalo na hindi nakakatanggap ng anumang pinsala.

Lunch na ngayon, at dito kami sa usual place namin sa foodcourt naka-upo at kumakain. Tawanan, asaran, kwentuhan ang naririnig ko sa kanila. Napakasarap sa pakiramdam. Unti unti ay nasisira ang harang na binuo ko para sa sarili ko. Unti unti na silang napapalapit sa akin.

Huminga ako ng malalim at tinignan siya, hindi ko alam kung bakit tinignan ko siya ngunit nagulat ako dahil nakatingin din ito sa akin kaya naman ay tinapos ko nalang ang pagkain. Gezzz nakakakilabot!

After lunch ay Elementalist. Gaya ng nauna ay pinalabis sa amin ang aming awra. Ngayon masasabi ko na nagagawa ko na ito ng maayos. Kapag wala akong ginagawa ay nagkukulong ako sa kwarto at nagsasanay nito. Sabi nga nila walang hindi kakayanin hangga't pursigido kang matuto. Kaya magsanay lang ng magsanay.

Nafefeel ko ang paglakas ng awra ko. Noong una kong subok alam kong manipis ang inilalabas nito, ngunit ngayon napangiti ako dahil sa kapal nito. Nagniningning din ang kulay puti at ginto na awra ko.

Kaya ko na itong panatilihin sa loob ng kalahating araw. Kaya masasabi kong nagbunga ang gabi gabi kong pag-ensayo nito.

Halata ko ang pagkagulat sa aming guro at nginitian ko na lang ito bago muli itinuon ang atensyon ko sa pagsasakanay.

Matapos ang buong araw, kinabukasan ay ang klase namin sa Physical Training kay Ginoong Marcus. As usual nakasigaw naman siya habang nagcocommand.

Ewan ko ba kung ganyan talaga siya o pinagtitripan lang niya kami. Matapos ang 50 rounds na jogging sa field ay muli kaming bumalik sa harap niya.

Napangiti ako dahil kahit pawisan ako ay feel ko kayang kayang ko pa ang another 50 rounds.

"Nais kong batiin si Shantell dahil nagawa mo ng makipagsabayan sa iba. Napag-alaman ko na nag-eensayo ka tuwing umaga kaya nagbunga ito ng maganda" malumanay na wika nito na ikinangiti ko.

"Ngayon naman ay dadako na tayo sa susunod na aktibidad. Magkakaroon ng laban sa pagitan ng lalake at babae" kinakabahan ako sa sinabi niya pero masaya then kasi walang gender discrimination sa mundong ito. Na nag-eexist yung sinasabing kaya din ng kababaihan ang kaya ng kalalakihan.

"Sasabihin ko na ang maglalaban."

"Una Shantell at Kael, pumunta na kayo sa harap" tila nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig. Seryoso ba to? Tinignan ko si Ginoong Marcus pero hindi nga siya nagbibiro dahil seryoso lang siyang nakatingin sa akin. I'm dead!

Okay Shanty! Kalma lang, kere mo to gurl!

Nagsimula ang hudyat ng laban. Dahil wala siyang balak na sumugod ay tumakbo na ako papunta sa kanya. Alam kong pagpapakamatay itong gagawin ko pero bahala na!

Tulad ng inisip ko ay, nagpakawala ito ng suntok, niliyad ko ang sarili ko para maiwasan ito. Bago pa ako lumagpas sa kanya ay hinawakan ko ang braso niya at ohh yummy!! Teka ano itong iniisip ko!

Ginamit ko ang braso niya para gawing alalay, malakas akong tumalon at bibigyan sana siya ng sipa sa batok ngunit mabilis niyang binalya ang braso niya na hinawakan ko kayo bumagsak ako sa sahig.

Napaliyad ako sa sakit ng pagtama ko sa lupa ngunit dahil sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa kanya ay mabilis akong bumangon at tumalon sa likod niya.

Nakasakay ako sa balikat niya, nilaglag ko ang ulo ko pababa at gamit ang dalawang kamay ay tinukod ko ito sa lupa. Ang dalawang paa ko naman ay nakasabit sa leeg nito, sinigurado kong mahigpit ito at gamit ang buo kong lakas ay binalya ko din siya sa lupa gamit ang mga paa ko. Tss now we're even.

Mabilis akong tumayo at tumalon paatras bago siya pinagmasdan. Nagpapagpag siya ng katawan habang dumura ng dugo, so ulo niya ang unang humampas sa lupa.

Huminga ako ng malalim at pinikit saglit ang mata ko para magconcentrate. Inisip ko ang mga larong nilalaro ko dati. Ako ang character ko habang siya ang isa pang player na kailangan kung tapusin.

Pagmulat ng mata ko ay isang suntok ang papalapit sa mukha ko, nagulat ako ng bahagya ngunit mabilis kong tinagilig ang ulo sa kaliwa dahilan na hindi ako tinamaan ng suntok ngunit hindi lang iyon. Mabilis akong tumalikod at hinawakan ang braso na ginamit niya pununtok at walang pagdadalawang isip na binalya ito sa sahig.

Akala ko magagawa ko pero mabilis niyang pinulupot ang dalawa niyang paa sa isa kong paa dahilan para hindi ko siya mabalya. Mabilis ko siyang binigyan ng siko ngunit nasangga niya ito kaya naman ay wala na akong magagamit na pang atake dahil nalock niya na lahat.

Nilingon ko siya sa gilid ko at may ngisi sa kanyang mukha, pogi! Kaya nginisihan ko din ito na halatang kinagulat niya, mabilis kong ibinaling pakaliwa ang ulo ko kaya maging ang buho ko ko ay nasama dito at tumama ito sa mga mata niya kaya napabitaw siya sa akin. Binigyan ko siya ng sipa sa mukha ngunit mabilis niyang hinarang ang dalawang braso niya, akala ko titilapon siya ngunit mabilis siyang kumapit sa paa ko kayo hindi natuloy ang pagtilapon niya at binigyan ako ng sipa mula sa likod ko at sakto itong tumama sa batok ko na ikinawala ko ng malay.