webnovel

Chapter 6: From Baler to Baguio

Malalaman pa kaya niyang nabasa ko ang text kung pipindutin ko ang delete button? Nakatitig lang ako dito. Samantalang tahimik si Hannibal sa kabilang linya.

"Ganito nalang gawin mo." Tunog ng kumaluskos na mechanical keyboard ang sumingit sa tawag. "Tawagan mo siya. Kasi mukhang seryoso siya. Location ngayon ng phone mo ay sa Suclayin. Sabihin mo ang totoo na binuksan mo ang phone niya."

Mabilis na kumabog ang puso ko sabay sa pagkunot ng noo ko. "Nababaliw ka na ba?"

"Hindi siya tanga katulad nila ok? Baka nga malamang pinapakinggan niya yung pinaguusapan natin. Kaya ang sasabihin mo lang ay binuksan mo etong phone niya. Kaya nagawa mong matawagan siya. Then tell him na kung suspetsa siya na ginalaw mo yung gallery, sabihin mo sa kanya yung monologue mo kanina."

Ayos na sana ang seryosong usapan kaso biglang may singit siyang tawa. Nang-aasar na naman siya. Pero kahit papaano gumaan ang atmosphere ng usapan.

"Sabihin mo nalang kay bossing na sira yung phone."

"O sige… Pero siguraduhin mo lang na tama yung sinabi mo sakin na wala siyang makukuha doon maliban sa basic information. Alam mong hindi kita matutulungan kapag si Boss na ang nagdesisyon."

"Oo. Sigurado ako."

Sa pagtapos ng tawag niyang iyon, muling bumalik ang pangamba ko. Pangambang maaaring magkatotoo ang kanyang kutob.Pangambang alam kong hindi lang basic. informations ang nandoon sa cellphone ko. Buti nalang nandyan siya kung hindi, wala parin akong ideya kung gaano kalaking tao si Rick sa mundo ng mga nakakataas. Tila ako ang lumabas na numero sa roleta nila ng mga taong pinaglaruan nila dahil wala na silang mapaglagyan ng mga pera nila.

Ginawa ko nga ang payo niya. Tinawagan ko si Rick at sinabi ang totoo. Sa lahat ng taong nakilala ko, siya lang ang hindi nagalit sa katotohanan. In fact, he even praised me for telling him everything. I did felt so much relief upon hearing it from a someone who was stranger. For so many years of my life, I've never thought that someone would listen to what I have to say. Though he hung up first, I still held his phone on my ear. Like time had frozen me. I didn't even realized it immediately that I just gave him the place where we would meet. I just told him Fiesta house, Mamang's restaurant.

Sarado ang gate ng apartment pero tanaw mula sa kinatatayuan ko ang bukas na ilaw ng unang palapag kung saan kami nakatira ni Marilyn. Nakakapagtaka lang dahil nauna siya sa akin na umuwi. Kadalasan ay isa o dalawang oras pagkauwi ko ay ang paguwi na rin niya. Hinatid na siya ni Franco kapag ganoon. Agad kong binuksan ang pintuan namin umaasang makikita si Marilyn. Ngunit tanging bag niya lang na nakaupo sa maroon na sofa ang bumungad sa akin. Sa lukot na itsura ng doormat, sa patabinging direksyon ng babasaging coffee table at sa nagiisang ilaw lang sa sala ang nakabukas, halatang nagmamadali si Marilyn.

Nabulabog ang katahimikan ng apartment namin ng biglang tumunog ang teleponong napagitnaan ng flatscreen T.V. at modem ng internet. Nilapitan ko ito, meron ng limang missed calls ang numero ni Marilyn ayon sa call history. Alam na niyang wala sakin ang phone ko. Pero ang mas nakakapagtaka ay ang dami na niyang missed calls. Hindi ko na inaantay pang matapos ang tawag at sinagot ko na nga ito.

"Marilyn?"

"Buti naman at nakauwi kana! Naka-silent ka ba? Kanina pa ako tawag ng tawag sa phone mo tapos puro lang ring!"

Buti nalang at alam ni Rick ang ibig sabihin ng boundaries. Kung nagkataon, hindi ko magagawang magdahilan.

"Eh nakalimutan ko kung saan ko nilagay sa kwarto ko. "

"Anyway, nakalimutan ko ata yung i.d ko sa uniform ko pang trabaho. Pwede bang pakikuha mo? Tapos pakidala na lang dito sa King's Plaza?"

"Ha? Grabe ang layo ha"

Nagreklamo ako pero agad ko namang pinuntahan ang sinasabi niyang uniform sa kwarto niya. Kawawa naman kasi kapag hindi ko tinulungan.

"Sige na Je" nakakatawa talaga kung magmakaawa si Marilyn. Parang batang nagpapabili ng kendi sa nanay niya. "Ipapakilala kasi sa amin yung bagong supervisor namin."

Bumungad sakin ang malinis na study table, mga nakalinyang make-ups at polbos, tila kwarto ng hotel ang kwarto niya. Ultimo ang bedsheet ng kama niya ay maayos na nakapailalim sa gilid.

"Sige, antayin mo na lang ako sa labas."

Sa tinis ng hiyaw niya dahil sa tuwa, pwede ng dumugo ang tenga ko. "Thank you!"

Binaba ko na ang tawag para maayos kong mahanap sa loob ng kahoy niyang kabinet. Maski ang mga damit ay nakaayos na parang color wheel. She really tried to live a perfect life ever since. Everything she do must be accordingly. She had set her rules to follow. That scar in her heart was the reason why she's like this.

In this very room, the past still lingers. The scent of bitterness of it still fights the new sweeter scent. The rustic red atmosphere that once coated this very room was gone years ago. But still has its tint on this new beige colored wall. No matter what we do, she'll still be part of us. A part of who we are.

Kahit binaha ang kalsada ng mga sasakyan na parang kanal kapag umuulan, nagawang malampasan ito ng taxi na sinasakyan ko. Mabilis akong nakarating sa King's Plaza. Nagmukhang showroom ng bentahan ng sasakyan ang labas ng King's Plaza. Hindi na ko nagulat nang hindi ko makita si Marilyn sa labas dahil malamang nag uusap na sila ng mga katrabaho niya. Pumasok nalang ako sa loob at hinanap nalang sa paligid si Marilyn. At sa kung saan man siya nanggaling ay hindi ko alam. Basta narinig ko nalang ang pasasalamat niya. Tsaka siya bumalik ulit kung saan man siya galing. Hindi ko na inalam kung saan man ang table nila at lumabas nako.

Alas ocho y medya na nang tignan ko ang relo ko bago tuluyang lumabas ng gusali. Hindi pa rin nababawasan ang mga sasakyan sa harap ng gusali. Malamang ang iba roon ay mga turistang naka check in. Malamig pa rin kasi ang simoy ng hangin kahit umpisa na ng pangatlong linggo ng enero. Sa kanilang kalsada, kumikinang ang iba't ibang kulay ng XYZ Club. Kung sa ibang tao, gustong pumunta doon, ako ayoko na. Nakalimutan ko na kung ano mang nangyari dati. Marami pa namang ibang katulad ng club na yan.

Kahit rinig ko ang musikang nanggaling doon, hindi ko ito nilingon. Nakatingin lang ako sa kanan habang nagaantay sa pagitan ng Raptor at Inova. Pero may naamoy akong cinnamon na lotion. Mukhang kumapit na naman sakin ang amoy ni Makee. Kung hindi lang siya busy, at kung meron man ang phone ko, siya na ang tinawagan ko. May dumadaan mang taxi, may sakay na man. Ako naman ngayon ang nahirapan sa paguwi.

Unti-unti kong naramdaman na may presensyang papalapit. Inakala kong may daraan kaya bahagya akong puma-gilid. "Magandang Gabi..." ang pamilyar na boses na iyon. Ang pormal pa ng tono niya. Mabilis nitong pina pintig ang tenga ko. Kaya hindi ko na napigilang mapalingon.

"...Jerrylyn."

Tinaon niya talagang tumayo sa tabi ko. Bakas na naman sa kanyang mukha ang nakakakilabot niyang ngisi. Sigurado ako kahit na madilim na ang langit at ilaw lang ng poste ang nangibabaw. Ang bilis niyang nakarating dito sa Baguio.

"Diba-" Mabilis kong tinakpan ang bibig ko. Hindi niya pwedeng malaman ang nalalaman ko. Hindi ginagawa ni Damien na maglaglag ng kapwa niya, lalo na pagdating sa confidential information.

"Hindi mo man lang ako babatiin, kaibigan?" Kalmado niyang tanong habang palapit siya sa Raptor. Sinundan ko lang siya ng tingin habang pinoproseso pa rin ang nangyari.

Bigla niyang itinaas ang kamay niya sa ere na tila may tinatawag. Parehas kaming napatingin sa likuran ko nang may humintong sasakyan. Isang taxi na walang sakay na pasahero. Nagpatuloy lang siya sa pagsandal sa likod ng Raptor. Iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya pagsakay ko ng taxi.

Two days later…

Buong lakas kong inagaw pabalik ang braso ko. Binitawan na naman niya kaagad ito tsaka niya ako sinenyasan na muling maupo. Nanatiling naka kunot ang noo ko samantalang siya ay nanatili ang diretsong tingin ng mga mapungay niyang mata saakin.

"Bakit kilala mo siya?"

Sumandal lang siya sa upuan niya at tinanggal ang salamin niya tsaka pinunasan ito. Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang tanggalin sa supot ang phone ko. Lumalakas na ang kutob kong may masamang mangyayari.

"Akala ko ba, kilala mo na ko?"

Muli niyang isinuot ang salamin niya at sabay kalkal ng kung ano sa loob ng kanyang wallet. Mula roon, makapal na card ang inilabas niya. Akala ko isa lang iyon pero tatlong card pala iyon. Isang calling card na may pangalan ng resort, isang driver's license at isang calling card ulit na hindi ko na inabala pang tignan dahil agad kong tinulak pabalik sa kanya ang mga ito.

Lalong tumaas ang kilay ko at lalong kumunot ang noo ko. "What do you really want huh… Rick… Cua?"

"It's not just about the phone… you know that."

"It's been days, pagkatapos ng incident doon sa resort. Can you just get over it?"

Nagpakita na naman ang nakaloko niyang ngisi.

"Then what were you doing there when the party was at the shore?"

"Turista ako, bisita obviously." Sarkastiko akong natawa sabay nakadequatro ang mga braso ko. "Kaya hindi creepy at hindi mukhang stalker."

He clicked his tongue and continued to smirk as he shook his head. "Ang ganda ng resort right? It improved a lot right?."

"A-ano bang-ano bang gusto mo ha? Eto ba yung moment na magkakaroon tayo ng deal? Or is this the part na paglabas ko ng pinto ay bigla nalang akong bubulagta?

Bigla nalang bumungisngis na parang nagbibiro ako. Dahil nararamdaman ko nang nakakahiya na ang nangyayari, naghanda na ako sa pag alis. Kaso lalo pang nadagdagan ang hiya ng nagkatinginan kami ni ate Yumi nang maglinis siya sa katabing table namin. Ngumiti lang ito pagkatapos niyang tignan si Rick.

"Ganyan ba talaga kapag mayaman? Nababaliw?"

"Sa tingin mo, sino sa atin ang dapat tawaging baliw?"

Hindi ako nakasagot kaagad sa kanya. Umurong na naman ang dila ko.

"Natahimik ka na naman." muli ulit siya bumungisngis.

Pakiramdam ko ay wala nang patutunguhan ang usapan namin kaya pinili ko nang umalis. Hindi na rin ako lumingon..