webnovel

Chapter 16: Odd behavior

××× OOO ×××

Sa lalim ng pagiisip niya, hindi niya namalayan na marahang lumapit sa kanyang tabi si Makee na may dalang kape. Mabilis niyang napansin na namumutla si

Jerrylyn. Kahit maliit lang ito, alam niyang may nangingilid na luha sa gilid ng

mata ni Jerrylyn. Sinundan niya ang tinitingnan ni Jerrylyn na traffic light.

"Kape mo. Mocha frap."

Isang pamilyar na boses ang muli na namang sumulpot sa pandinig ni Jerrylyn.

Ngunit sa pagkakataong iyon, ang lipad ng mga paruparo ang siyang nagpagaan sa

kanya. Muli na naman siyang napalingon na hindi naabutan ang ngiti sa labi ni

Makee nang inabot na sa kanya ang isang cup ng kape na hawak nito sa kaliwa.

"Sa-salamat."

Naramdaman ni Jerrylyn ang hiya kaya marahan niyang kinuha ang kape. Doon malinaw

na nakita ni Makee ang pamumutla ni Jerrylyn. Sa pagkakataong iyon, sigurado

siyang may problema si Jerrylyn.

"Nasusuka ka ba?"

Diretsyahang tanong niya kaya Jerrylyn bago muling lumingon sa direksyon kung na

saan ang traffic light. Pakiramdam ni Jerryln, nakatape ang bibig niya. She was holding back. Just one word be blurted out, everything will fall apart. Hindi niya lang sigurado kung ano ang dapat niyang maging reaksyon dito kaya mas pinili niya lang manahimik. Hindi na rin niya tinanong kung nagaway na naman sila ni Hansel. Maingat na hinigop ni Makee ang mainit niyang kape na ginawa rin ni Jerrylyn habang nagaantay ng sagot. Kaso walang imik si Jerrylyn hanggang sa

nagnaging berde na ang ilaw.

"Halika na. Baka malate na tayo."

"A-aalay ako sayo, pwede ba?"

Agad namang tumango si Makee na walang pag-aalinlangan. Unti-unting uminit ang

palad ni Jerrylyn. Parang ayaw na niyang bumitaw pa. Buti nalang at sinabayan

siya ni Makee sa paglalakad kundi baka nandilim na ang paningin niya. Ngunit

napansin niya na tahimik lang si Makee hindi tulad ng dati na sa tuwing magkikita

sila ay lagi silang nagaasaran o kaya ay nagkwekwentuhan tungkol kay Hansel.

Nakakabingi ang katahimikan ni Makee kaya naisip ni Jerrylyn na magumpisa ng

usapan.

"Ummm, wala kang duty ngayon? O lumipat ka ng hapon?"

"Actually, rest day ko. Kaso nagpa backup si Madam dahil magiging kulang daw

kayong magdu-duty ngayong hapon. Rerentahan daw kasi mamayang hapon yung meeting

hall.".

"Ah kaya ba ganyan ang mood mo. Mabuti yan para hindi mo ko inaasar."

"Aba parang hindi ka mukhang natatae kanina ah. Ha,ha,ha,ha."

Naiinis ako pero sa kabilang banda, tila nakalimutan ko ang mundo. Kahit

napuno ang usapan namin ng pangalan ni Hansel ay ayos lang. Kahit biglaan lang

kami magkita ay ayos lang. Lahat ay ayos lang basta kasama ko siya. Nagpatuloy

ang kwentuhan namin hanggang sa makarating kami sa pila sa gate ng campus.

Maya-maya pa ay nakalagpas narin kami sa gate. Umalingawngaw na ang matinis na

pagtunog ng bell namin para sa unang warning

"Sige magkita nalang tayo mamaya sa trabaho."

"Salamat pala ulit sa kape."

Nakangiti lang siyang tumango saakin bago naglakad patungo sa kanang hallway.

Akama na sana akong lalakad sa kaliwang hallway nang biglang may maingay na babae

sa likuran ko.

"Miss! Excuse me "

Sa tinis ng boses ng babae, hindi lang ako ang napalingon dahil pati rin si

Makee. Ngumiti ang makintab niyang labi saakin kaya ngumiti rin ako sa kanya.

Bu5i nalang at may isang metro ang layo niya saakin para hindi ako naka tingala

sa kanya. Maiksi ang suot nitong pencil skirt pero naka stocking. Katulad ng suot

ko pero ang kaibahan lang ay kulay purple ang polo niya at nakasuot ng itim na

vest. Mukhang tumakbo talaga siya palapit saakin dahil sa mahinang paghingal

niya.

Bahagya niyang inayos ang buhok niyang nakabun bago siya nagsalita. "Kaano-ano mo

si Sir Cua? By the way, I'm Donna Dela Cruz. Taga Tourism department."

Kahit excited siyang nagpakilala, hindi ko naiwasang makipagtitigan kay Makee na

pareho ko rin na nagtataka habang nakatayo sa kabilang hallway.

"Hin-hindi ko siya kaano-ano. Ni hindi ko nga siya kilala." Pagpapaliwanag ko.

Mukha namang kuntento na ang babae sa na laman niya. Tumango lang siya na

nakangiti parin at naglakad palayo. Sinundan namin siya ng tingin hanggang sa

nakalayo na siya.

"Ano yun?"

Kahit medyo nasa kalayuan na si Makee ay naaninag ko parin ang pagsalubong ng

kanyang kilay.

"Ewan ko."

Nagkibit balikat nalang ako at mabilis na tumalikod. Nakaramdam ako ng matinding

kabog sa dibdib. Kahit nakatalikod nako, pakiramdam ko ay nakatitig lang si

Makee.

Muli na namang umalingawngaw ang tunog ng bell. Nang matapos ang klase ko

ay mabilis akong lumabas ng classroom para mabilis rin akong makapaglakad palabas

ng campus. Nagdagsaan ang mga estudyante sa hallway. Hindi naman siksikan pero

mahirap na baka may magkabungguan pa ako. Panigurado kakalat ang balitang

magkakilala kami ni Rick dahil sa Donna na iyon.

"Jerrylyn!"

At kahit anong ingat ko, nagawa parin akong mapigilan. May tumawag sa pangalan ko

ngunit boses ng lalaki. Sa paglingon ko, mabilis na kumunot ang noo ko sa kanya.

Dala-dala niya ang tila isang ream ng bond paper.

"Bakit-"

Handa na sana akong singhalan siya ngunit gumalaw pakaliwa ang direksyon ng mata

niya. Kaya agad akong napahinto nang mapagtanto ko ang dahilan niya. Halos ilang

segundo lang ang lumipas at nakasunod lang sa kanya si Rick na may kausap sa

phone. Pareho kaming nagkatinginan na may pagaalinlangan ng malapit na si Rick sa

kinatatayuan namin dalawa.

"Go on Will. Give that to her."

Kahit nasa cellphone si Rick ay nagawa parin siyang utusan. Hindi naman siya

makatingin sa akin ng diretso. Kaya kahit anong galaw ng mata ko ay hindi niya

napansin.

"I'm Will Dukat from HRM department. Sayo ko daw ibigay itong

papers."

Propesyonal siya kung magsalita. Nakakapanibago sa kanya. Wala na akong nagawa kundi tumango nalang at kinuha ang papers. At naglakad papunta sa faculty.

Tinignan mo ang oras sa relo ko at limang minuto na makalipas ang alas-dose.

Nag-excuse ako sa isang instructor na naroon na mukhang aalis na din. Inilapag ko

kaagad ang bungkos ng papel na dala ko. At ang pangalan ni Marilyn ay nakasulat

sa unang test paper. Doon ko napagtanto na seryoso nga si Rick sa sinasabi niya.

Kaya agad kong ipinailalim ang papel. Saktong palabas na ang instructor ay

sumabay nako. Ngunit akala ko diretso na akong makakalabas ng campus ngunit

saktong paparating si Rick sa pinto ng Faculty.

"Leave her out of this." Mahinang sabi ko kahit na naiinis na ako.

Humagikgik lang siya na tila nakikipagbiruan ako sa kanya. "Nagsisimula palang

ang laro Jerrylyn. The more, the merrier, diba?"

Akama na sana niya akong dadakmain sa braso ko ngunit mas mabilis ako. Mabilis

kong tinapakan ang rubbershoes niyang puti. Nakita ko kung paano nagseryoso bigla ang mukha niya at tinitigan lang ako. Tila nasemento siya ng tingalain ko siyang

nakangiti.

"The world doesn't revolve around you, Mr. Cua." Sarkastiko kong sabi. "And I'll

make sure na sa akin papanig ang kaibigan mong si Krayven."

"Go on, Ms Jerrylyn." Make sure to do it. Make sure you'll make me laugh to death."

Tinitigan niya muna ako ng blanko bago unti-unting gumuhit ang isang ngisi sa

kanyang labi. Inirapan ko siya at tsaka ako naglakad palayo.