webnovel

Serendipitious Academy (A Tale Of A Lazy Woman)

Chastlett, A girl who's a goddamn lazy. The only thing she wants to do in her life is 'relax'. She doesn't like the feeling of getting tired. But everything turns upside down when she enrolled to Serendipitous Academy. She became a person she never dreamed off. Of course! She never ever dreamed about her being a "Personal Slave." language: Filipino (Tagalog/Taglish)

AeiCoCoLate_ · 青春言情
分數不夠
16 Chs

Eight- Quiz

Chast's POV

= Room =

Pansin na pansin ko talaga si Akira kahit nasa unahan ito, kasi naman tulala ito at bigla biglang iiling, Maya maya naman ay biglang kukunot ang noo nito, tapos iiling nanaman.

Well, i think nag iisip lang 'yan ng igaganti kay Jasper. Ganyan si Akira eh, Palaganti.

"Titig na titig ah" bulong sa'kin ni Blue.

"Hmm.. Nothing.. Nawiwirduhan lang ako kay Akira do'n sa unahan mukha siyang tanga eh" sabay turo ko kay Akira na ngayon ay iling nanaman ng iling.

"Ahh sus masanay ka na d'yan, nagiisip lang yan ng igaganti kay Jasper" sambit ni Blue. See? I told you Palaganti si Akira.

"Gantihan lang yang dalawang 'yan eh" muling sambit ni Blue habang Natatawang napailing.

Hindi pa ako nakakasagot kay Blue ng Nabaling ang tingin namin kay Prof na kakarating lamang.

"Okay class, our lesson for today is..." blah, blah, blah.. Whatever.

Nangalumbaba na lang ako.

*Yawns*

Zzzzzz..

---

Nagising bigla ang diwa ko ng may malakas na bagay na umalingasaw sa buong classroom. Takte. Ano ba 'yon?!

Napatingin ako sa unahan. Tsk, si Prof lang pala na nang gagalaiti sa galit, mukhang hinampas nito ang table niya. Bakit nanaman kaya nagagalit itong si Prof? Bumaling ako kay Blue upang magtanong.

"Psst...Woi Asull..." Agaw ko sa pansin niya.

Lumingon ito sa'kin. "Bakit??"

"Ba't nagagalet si Prof?" Napangisi naman siya sa tanong ko.

"'Yan sige tulog pa Chast" mapangasar niyang sambit sa'kin.

Inirapan ko na lang ito at umayos na ng upo. Tinatanong ng maayos, tapos pangaasar ang isasagot, Tch.

"Kasi po Ms. Chast walang nakasagot sa tanong niya, kaya ayan na beast mode" napalingon naman ako agad rito.

"Anong tanong ba 'yan?" Nagtatakang tanong ko kay Blue habang nakakunot ang noo.

Hindi pa nakakasagot si Blue ng narinig namin na sumigaw ulit si Prof.

"MS. ANDRADA!!!" Agad naman akong napaayos ng upo.

"STAND UP!!!" Napalunok ako. Takte naman! Kagigising ko lang eh! Tumayo na lang ako ng dahan dahan habang nakayuko.

"WHAT ARE THE 6 TRIGONOMETRIC FUNCTIONS?!" Pasigaw na tanong sa'kin ni Prof.

"6 Trigonometric Functions?" Bulong ko sa sarili. Ano nga ba 'yon?

Huminga muna ako ng malalim. Medyo kinakabahan ako dahil sa mga matang nakatingin sa'kin.

Nang medyo kalmado na ako ay umayos na ako ng tayo at deretsong tumingin kay Prof.

Ano nga ulit yung tanong?? 6 Trigonometric Functions? Sus, Basic.

"Prof, The 6 Trigonometric Functions are the sine, cosine, tangent, cotangent, secant, and cosecant." Napatitig ako kay Prof ng hindi nag bago ang ekspresyon nito. Mali ba ang sagot ko??

"Good! Sit down!" Nakahinga ako ng maluwag. Tama naman pala eh.

"Now Ms. Andrada Write plus 5 in your quiz later!" Sambit ni Prof ng makaupo ako sa upuan ko.

Ngiting ngiti ako na tumango kay Prof "Yes Prof!"

Nice! May plus 5 ako!

Ngunit maya maya lang ay natigilan ako. MAY QUIZ?!

Nanlaki ang mata ko. Kailangan ko ng notes! Yes i know na marunong ako sa Math pero kailangan ko din ng notes, Baka makulelat pa ako sa quiz mamaya, Napalingon ako kay Blue at napansing may kinokopya ito mula sa Board. Napatingin din tuloy ako sa Board.

Umayos ako ng upo. Ahh kumokopya lang pala siya ng Lecture.

Biglang nanlaki ang mata ko. Lecture? MAY LECTURE KAMI?!

I rolled my eyes. Chast, Estudyante ka ba talaga? Tsk.

Whatever makahiram na nga lang! 'di pa naman start ng quiz.

"Ahhh Bl------"

"GET A ONE PIECE OF SHORT BONDPAPER NOW!!!" Makakas na sigaw ni Prof. Tsk! 'Di tuloy ako nakaheram ng Notes.

Sumimangot na lang ako at umayos na ng upo. Wala na, Zero na ako sa Quiz.

Nilabas ko na din ang isang balot ng bondpaper mula sa bag ko. Bakit ako may Bondpaper? Ask Akira about it.

Siya ang nag ayos ng bag ko. Kaya nga may kabigatan ang bitbit ko ngayon. Ginawa ata akong National bookstore ni Akira.

Kumpleto ako mapa highlighter, Correction, Bond paper, Colors, Ballpens, Pencil, Papers, Masking Tape, Double Sided Tape, alcohol, tissue, wipes at kung ano ano pa.

Muntik ko na ngang mabatukan si Akira sa pinaglalagay nito sa bag ko. Kanina ko lang din ito napansin ng nasa sasakyan ako.

Akmang itatago ko na ang bond paper ko ng May kumalabit sa'kin.

Tinaasan ko lang ito ng kilay. "Chasttt nyehehe, pengeee ako pleaseee?" hingi ni Blue habang nag pu-puppy eyes. What the hell?

Inirapan ko na lang ito at binigyan na ng bond paper. Pagkaabot ko ng bond paper rito, syempre ngiting aso din ang loko.

"Psst Zai!! Ako din! Penge hehehe" rinig kong sambit ni Akira. Napatingin din tuloy ang mga kaklase ko sa'kin. Napabuntong hininga na lang din ako at inabutan ito ng bond paper.

"Hehehe Thanks Zai! love you talaga mwah!!"

"Yeah, Whatever." Tanging sambit ko. Literal na ginawa niya talaga akong National Bookstore.

Please do remind me to fix my bag later.

Nang akmang itatago ko na muli ang bondpaper ko ng may kumalabit nanaman sa'kin. Inangat ko ang ulo ko at napansin kong lahat sila nakatingin sakin. Sinasabi ko na nga ba eh.

"Penge ako Chast" nahihiya pang sabi ng nasa unahan ko.

"Ako din Chast" sabi naman ng nasa unahan ni Blue.

"Ahmm ako din"

"Me too"

"Me neither"

"Ako din hehe"

And so on and so forth. Tinignan ko na muna si Prof kung ano na ang ginagawa nito.

Great, nagsisimula na itong magsulat sa board. Inabot ko na lang ang isang buong bond paper sa taong nasa unahan ko.

Nginitian ko ito. "Sige sainyo na, kayo na lang din ang kumuha nakakatamad kumuha ng isa isa, ibalik niyo na lang pag may sobra hehehe" Mga Ngiting aso din naman ang mga kaklase ko ng dahil sa sinabi ko.

Hindi na ako nageexpect na may babalik pang Bondpaper sa'kin. Daladalawang bondpaper ba naman ang kinuha nila.

Mahal mahal ng tuition dito tapos wala silang bond paper?

--

Tapos na ako sa sinasagutan ko, nalagyan ko na din ng plus 5 para sigurado!

Napatingin ako sa mga sagot ko. Takte! Tama kaya itong pinagsasagot ko? Baka naman maging score ko dito ay yung plus 5 ko lang. Tsk.

"OKAY! PASS YOUR PAPER FORWARD FINISH OR NOT FINISH!!" Sigaw nanaman ng Prof namin.

Inabot ko na lang ang Bond paper ko sa unahan. Bahala na talaga!