webnovel

Seduced By A Lesbian (Filipino/Tagalog)

Samantha was in a nine year relationship with her boyfriend, Janus. She gave up everything just for him. Her life, her family, her finances, and even her virginity. Kasal na nga lang ang kulang sa kanila. Ngunit hindi iyon ang nangyari. Janus left him with no idea. Ibinigay naman niya ang lahat ng meron siya, ngunit iniwan pa rin siya. At sa huli ay nalaman niya pang sa iba na pala ito ikakasal at engage na pala si Janus for almost a year! Pakiramdam niya tuloy ay pinagsakluban siya ng langit at lupa nang malaman niya iyong masamang balita. Until she met Allison, a dominant lesbian. And also her neighbor who was secretly obsessed with Samantha for five fucking years! When Samantha offers herself to be a submissive of Allison, She didn't waste her time to claimed Samantha's body. Ginawa iyon ni Samantha dahil feeling niya, ay iyon lamang ang tanging paraan para makalimutan ang ex-boyfriend niyang nang gago at nanloko sa kanya. But what if Samantha finds out who's the reason of their broke up? Will she continue to be a submissive for Allison whom she gradually loves? *** Note: BDSM MATURED CONTENT GxG

EmilySuperb · LGBT+
分數不夠
26 Chs

Chapter 5

"Ganyan ba kayo bumati ng customer?" Naabutan kami ni Allison na parehas na nakasalumbaba ni Cheska sa counter ng aking coffee shop, malungkot at nakatingin lang sa pinto.

"Paano ba naman kasi pangalawa ka palang sa customer namin ngayong araw." Malungkot na pahayag ni Cheska. Ang malas yata ng presensya ko, dahil ngayon na nga lang ako dumalaw sa MC ay ito pa ang madadatnan ko, wala man lang customer.

Ginaya naman kami ni Allison na nakasalumbaba na rin sa counter. This is the first time that Ali, visited Mugs Coffee. Matagal niya na ring pinaplano na magpunta rito kaya lang masyado raw hectic ang schedules niya. Heto nga siya at mukhang kakagaling lang sa isang photoshoot. She looks tired pero bakas pa rin sa mukha niya ang pagiging cute niya, wearing a simple white tshirt and fitted jeans.

Mabilis akong umiwas ng tingin nang titigan rin niya ako. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong titigan ang halos perpekto niya na ng mukha.

"Okay!" Nagulat pa kami ni Cheska nang bigla nalang niyang hampasin ang ibabaw ng counter. Napaka pilya talaga. Tuwang tuwa pa siya sa reaksyon namin, samantalang parang nalaglag na yung puso ko dahil sa gulat. Kasalanan ng kape 'to e, nagiging nerbyosa na ako.

"I'll order everything on your menu." Pare-parehas kaming hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nagawa pa nga namin magtinginan ni Cheka. At ano namang balak niyang gawin sa kape? Lalaklakin niya?

"Baka naman mag palpitate ka buong buhay mo!" Pagbibiro ni Cheska. Pero mas lalo kaming nagulat nang ilabas ni Allison ang kanyang credit card at iniabot iyon sa aming cashier. Seryoso ba talaga siya?

She was so busy looking on our menu board, para bang inaaral niya ang lahat. Our desserts, our signature coffees, frappes, shakes as in everything! Salaula yata ang lesbian na ito, mauubos niya ba ang lahat ng inorder niya?

"Saka. ." Inilagay niya ang kamay niya sa baba at parang genius na nag iisip. "Yung owner nitong shop baka pwedeng orderin?" Seryoso niyang sambit habang hindi inaalis ang mga mata niya sa akin.

Nagkumpulan si Cheska at ang mga staffs ko sa sinabing iyon ni Allison, at sabay sabay na naghiyawan. My face turned into red nang mag sink in sa utak ko ang sinabing iyon ni Ali. Para bang nag iinit na rin ang aking pisngi. Ano ba namang tingin niya sakin? Isang kape?

Humawak siya sa kanyang dibdib na parang nasaktan nang inirapan ko siya at diretsyong pumasok sa office ko. Buwisit na Allison yun, kung anu ano nalang ang pinagsasabi sa harapan ng mga staffs ko. Nakakahiya kaya!

Hindi ko naman namalayan na napapangiti na rin pala akong mag isa nang paulit ulit kong narinig sa utak ko ang sinabi niya. Allison never missed a chance na pangitiin ako in her own simple ways.

"Pst! Sam!" Tawag sa akin ni Cheska na nakasilip sa pinto ng office. Aligaga siyang iwinawagayway ang kamay niya para lumapit ako sa kanya.

We saw Allison who were busy taking pictures of her orders na ginawa niyang models. Ano ba naman yang ginagawa niya? Nagsasayang lang siya ng pera kung hindi rin naman niya gagalawin yung mga inorder niya.

"Smile!" Awtomatikong nagpose si Cheska habang sa amin na itinapat ni Allison ang camera niya. Marahil ay napansin niyang tinitignan namin ang ginagawa niya kaya kami naman ang napag diskitahan niyang kuhanan ng litrato. Nahihiya man, ay pilit akong ngumiti sa harap ng camera niya.

Nang matapos na siya sa pagkuha ng mga litrato ay isa isa niyang tinawag ang mga staffs ko at gulat ang naging reaksyon ko nang makitang ipinamigay niya ang mga inorder niya sa mga ito. Ang iba naman ay ipinamigay niya sa mga taong nasa lansangan na pilit niyang pinapasok sa coffee shop kahit nahihiya pa ang mga ito.

"Salamat, anak." Nakangiting inabot ng matandang babae ang kape at cheesecake na ibinahagi ni Allison.

I was really amazed by her. Hindi ko alam na ganito pala kabusilak ang puso niya para sa ibang tao.

Gusto ko sanang tanggalin ang tingin ko sa kanya kaya lang muli siyang lumingon sa pwesto namin at nahuli nya ang mga tingin ko. Mas lalo akong napatitig sa kanya nang tumayo siya at naglakad papalapit sa amin habang dala ang kanyang laptop. Pati siya ay hindi rin inaalis ang tingin sa akin.

Shet! Bakit parang nagkaroon ng slow motion sa pagitan namin?

"I think, it might help." Nagising ako sa pag iimagine nang makitang nasa harapan na namin siya at ipinapakita ang mga pictures ng orders niya kanina.

"Wow!" Suminghal ako nang makita ang mga litratong iyon. It looks like she made a major upgrade on our products, ang ganda sa mata.

"I'll post it on my page, and recommend it to my friends." Relax na relax niyang sabi.

"Ahh, A-Ali. Wala pa kaming pambayad para sa ads." Kumento ko habang nagkakamot ng ulo. She laughed softly at nakangiting tinitigan ako.

Ewan ko ba kung bakit lumalambot ang mga tuhod ko sa mga titig niyang ito.

"Don't worry its free!" Napapalakpak si Cheska sa tuwa at bigla nalang inagaw ang laptop kay Allison. She's now busy scrolling para makita ang iba pang pictures. "How was it, Cheska?"

"Ang ganda ng mga kuha mo!" Nakisilip na rin ako sa mga litratong iyon na kuha ng isang magaling na photographer. Syempre si Allison yun at wala ng iba pa. Hindi rin naman sya magiging sikat na photographer kung hindi sya magaling dito.

"Ay ang ganda nga!" Muling kumento ni Cheska nang makita ang mga pictures naming dalawa habang isinu-zoom in iyon sa mukha niya.

"Pero mas maganda 'to!" May mapang asar na ngiti sa mga labi ni Cheska nang makita niya ang sunod sunod kong pictures. Karamihan ay mga stolen shots. Wala man lang akong ka ide-ideya na kinukuhaan na pala ako ng mokong na 'to!

Nahihiyang ngumiti sa akin si Allison. Ngayon pa talaga siya nahiya, e halos mas marami pa ang mga pictures ko kaysa sa mga products namin. Bawat kilos ko yata ay pinipicturan niya.

"O kay ganda, O kay gandang mag-alay sa 'yo. ." Panimulang kanta ni Cheska na halata naman ang pang aasar sa akin at sinabayan na rin siyang kumanta ng mga staffs ko.

Pasalamat sila at walang mga customer na maaring magalit sa kaingayan nila. Dahil kung hindi ay isa isa silang makakatikim ng galit ko, mas lalo na ang pasimuno nilang si Cheska!

Hindi ko nalang mapigilan ang makitawa sa patuloy nilang pagkanta.

Ito talaga ang pinaka namiss ko, ang bonding with my staffs. They are all like my siblings, tapos si Cheska ang pinaka matanda. Haha!

Walang humpay na tawanan at kantahan lang ang nangyari sa buong araw namin sa shop, kahit na wala kaming gaanong naging customers ay masaya naman ang maghapon namin. Lalo na si Allison na nakipagsabayan rin sa pagkanta.

"Hindi mo naman ako kailangang hintayin." Sambit ko habang ibinababa ang roll up ng Mugs Coffee. Ako na ang nag close ng shop dahil maagang sinundo ni Kim si Cheska dahil may date pa daw sila. Kami nalang tuloy ni Ali ang naiwan dito.

Siya na rin ang tuluyang nagbaba ng roll up at nilagyan ng kandado.

"It's okay. Kung hindi siguro kita hinintay ay baka hindi mo maaabot yung roll up." Natatawang hinampas ko sya sa braso. Nang dahil kay Cheska ay natututo na rin tuloy itong si Ali na mang asar e. Palibhasa kasi ay mas matangkad siya sa akin kaya may karapatan syang maliitin yung height ko!

"Sya nga pala, salamat sa pag advertise ng coffee shop." Wala pa mang resulta ay malaking tulong na rin ang ginawa ni Allison para sa Mugs Coffee. Kung hindi pa ako bumisita sa shop ay hindi ko malalaman na hindi na pala iyon masyadong pinupuntahan ng mga customers dahil na rin siguro sa mga bagong shops na katabi namin. Wala rin naman kasing update na ibinibigay sa akin si Cheska dahil abalang abala siya sa lovelife nila ni Kim.

"No need to thank me." Umakbay siya sa akin at saka tinitigan ako sa mata. Ayan na naman ang mga tingin niyang nakaka pang lambot ng tuhod. "Ilibre mo nalang ako dun!" Turo niya sa ihawan ng barbeque na hindi naman kalayuan.

Hindi ko mapigilang matawa sa reaksyon niya dahil hinihimas niya ang tiyan nya na parang sinasabing gutom na siya kahit pa wala namang lumalabas na boses mula sa bibig niya.

"Hinay hinay naman!" Sita ko kay Allison na hindi na alam kung anong una niyang kakainin. Hawak niya sa kanang kamay ang isang stick ng isaw, at sa kabila naman ay stick ng betamax. Nakatingin lang ako sa kanya habang sarap na sarap siyang kumakain.

"Ang tagal ko ng hindi nakakain nito e. ." Sambit nya habang puno ng laman ang bibig. Natawa naman ako dahil kitang kita sa mga mata niya ang excitement. Ngayon ko lang nalaman na may pagka childish din pala siya.

Hindi ko tuloy namalayan na kuhaan siya ng litrato gamit ang cellphone ko dahil sa pagiging cute niya. Tapos nagkalat pa ang mga sauce sa pisngi niya, mas lalo siyang nag mukhang paslit na inosenteng kumakain ng isaw.

"Ali. ." Natigilan siya sa pagkain ng idikit ko ang hinlalaki ko sa pisngi niya na, nadumihan na dahil sa kinakain niya. Tila naestatwa siya ng dumikit ng kaunti ang daliri ko sa labi niya.

"Napaka kalat mo kasi kumain." Nataranta ako nang hawakan niya ang kamay ko at bigla nalang niyang isinubo ang daliri ko. Hindi lang niya isinubo ito, kundi sinipsip pa.

She's just staring at me at parang may kuryente ang titig na iyon na dumaloy sa katawan ko. Bakit ba ganito nalang ang epekto niya sa akin?

Mariin kong nakagat ang labi ko nang maramdaman ko ang pag galaw ng dila niya habang pinapanuod ko siyang sarap na sarap sa daliri ko.

"Sayang e." Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya at tinapos ko na ang pagkain ko.

Shit, ano bang ginagawa niya? Hindi ba niya alam na she looks sexy while doing that? Is she trying to seduce me?

***

Makailang beses ko ng kinatok ang pinto ni Allison at pang lima na ito pero hindi pa rin siya nagbubukas. Sumasakit na nga ang kamay ko sa pagkatok.

Napag usapan kasi namin na sabay kaming pupunta sa Mugs Coffee para sa isang photoshoot na inoffer niya. Pero mukhang tulog pa siya.

"Tulog mantika ata." Bulong ko sa sarili. Napagdesisyunan ko ng umalis sa harap ng pinto niya nang gumalaw naman ang door knob nito. Sa wakas at nagising na siya.

"H-Hi. ." She greeted me with a low tone para bang naubusan siya ng energy o baka naman naistorbo ko ang masarap na pagtulog niya. Balot pa siya ng kumot at nangangalumata.

"Ali? Ayos ka lang ba?" Napansin ko rin ang pagiging maputla niya na ibang iba sa Allison na kasama ko kagabi. Tuluyan na niyang binuksan ang pinto at bigla na lang tumakbo palayo sa akin.

"Ali!" Sinubukan ko siyang sundan pero pinagsarhan naman niya ako ng pinto na sa palagay ko ay restroom niya. Nakaramdam ako ng pag aalala kaya hinintay ko siyang makalabas sa banyo.

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng unit niya. Organized ang lahat ng mga gamit niya na karamihan ay itim at puti. Very minimalist. Nakasabit sa dingding ang mga award niyang naka frame. Hindi na ako magtataka kung bakit napakaganda ng mga kuha niya dahil napaka professional niya na pala sa career na pinili niya.

"I'm sorry for waiting." Tila namimilipit pa siya sa sakit nang lumabas siya mula sa restroom.

"Aalis na ba tayo?" Mahina niyang tanong, para bang wala syang lakas na magsalita.

"Wait here, magbibihis lang ako." Tipid niyang ngiti ngunit bakas pa rin sa kanya na may masakit sa kanya na hindi niya masabi.

Papasok na sana siya sa kwarto nya nang mapahawak siya sa tiyan niya at muling pumasok sa banyo.

Hindi kaya sumakit ang tiyan niya dahil sa kinain nya kagabi? Paano ba naman kasing hindi sasakit, e napaka siba niya kung kumain. Akala mo ay aagawan siya.

"I think I can't go with you." Balot siya ng kumot nang maupo sa couch. Nanghihina siya dahil makailang beses na siyang nagpabalik balik sa banyo. "Sumama yata ang tiyan ko."

"Then I'll stay." Mabilis ko namang tinungo ang kusina niya at naghanap ng pwedeng igamot sa pag LBM niya. Nakokonsensya tuloy ako dahil sa dami ng pwedeng makainan ay dun ko pa siya naisipang ilibre, hindi ko naman kasi alam na sensitibo pala ang tiyan niya sa mga ganoong street foods.

Binalikan ko si Allison nang wala akong makitang gamot sa mga cabinet sa kusina niya. Nakahiga na siya sa couch at hinang hina na ang itsura niya. Aligaga akong bumalik sa condo unit ko at kinuha ang medicine box ko. Good thing is lahat ng gamot na pwede kong kailanganin ay meron ako.

"Ali. ." Mahinang tapik ko sa pisngi niya. Marahan naman siyang dumilat at inalalayan ko siyang bumangon. "Inumin mo muna 'to."

"Ohh! I hate medicine!" Pag iinarte niya.

"Then huwag ka ng kumain ng isaw, betamax, barbeque kung hindi rin pala kakayanin ng tiyan mo!" Hindi ko alam kung anong nagpabago ng isip niya ng kuhain niya ang gamot na hawak ko at ininom iyon.

"Napaka takaw mo kasi e." Sermon ko sa kanya habang inaabot ang baso ng tubig.

"Palagi nalang ganito." Malungkot niyang tugon. "Sa tuwing kakain ako nun, lagi nalang sumasakit ang tiyan ko." Hindi ko naman alam kung matatawa ba ako o maaawa sa rekasyon ng mukha niya. Nakanguso siya at para bang maiiyak na dahil ginusto nga lang naman niyang kumain ng street foods tapos ay parurusahan lang siya ng ganito.

"Sana sinabi mo sakin! Hindi na sana sumakit yung tiyan mo."

"Don't be so nagger!" Reklamo nya habang natatawa. "Argh!" Muli na naman syang tumayo at mabilis na tumungo sa banyo. Awang awa na ako sa kaniya dahil baka madehydrate na siya.

Ipinagluto ko siya ng lugaw para naman magkalaman man lang ang tiyan niya.

Mas lalo akong namangha nang makita fully organized ang laman ng ref niya. Nakakahiya tuloy galawin ang laman nun pero kailangan niya ng kumain dahil baka mas lalo siyang manghina.

"Anong lulutuin m--"

"Ay kalabaw!" Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang siyang sumulpot at prenteng nakaupo na sa upuan.

"Walang kalabaw diyan." Nagawa niya pa talagang mag biro kahit na ang tamlay na ng itsura niya.

Sinimulan ko ng magluto habang pinanunuod niya ako. Animo'y nanunuod lang siya ng isang cooking show.

"Swerte siguro sayo ng ex mo. . How I wish may girlfriend din akong kagaya mo." Kumento niya habang nakasalumbaba pa at mataman akong tinitignan. "Ano kayang problema nun, at iniwan ka pa." Hindi ko siya sinagot at itinuloy lang ang pagluluto.

Kamusta na kaya si Janus? Nakakakain kaya siya ng maayos? Namimiss nya kaya ang luto ko, at ang pag aalaga ko sa kanya?

Hindi ko na naman mapigilan ang isipin siya. Sa nagdaang ilang linggo ay hindi naman siya nawala sa isip ko e, nalilibang lang ako sa mga nakakasama ko. Pero kapag mag isa nalang ako, ay binabalot na naman ako ng sakit at lungkot.

"Kumain ka na." Inihain ko sa kanya ang isang mangkok ng lugaw na niluto ko.

"Nakakamiss pala kapag may nag aalaga sa'yo no?" Parang wala siyang sakit dahil sa pagiging madaldal niya.

Sinabayan ko na rin siyang kumain nang makaramdam ako ng gutom.

"She also left me, five years ago." Panimula niya. Hindi ko man kilala kung sino ang tinutukoy niya ay nakinig pa rin ako sa kwento niya.

"Pinaniwala ko ang sarili ko na siya na ang makakasama ko hanggang sa huli. We've been together for ten fucking years." Peke siyang tumawa habang umiiling nang madiin niyang binanggit ang '10 fucking years'. Para bang sariwa pa sa kanya ang lahat ng pangyayari.

"Pagkatapos ko silang maabutan ng step brother ko while doing sex, she broke up with me." Nalungkot ako sa sinabi niya. Bakit ba may mga taong hindi makuntento? I know she's a lesbian, pero hindi nya deserve ang lokohin ng ganun nalang.

No one deserves that pain.

"Sinubukan ko ring magpakamatay, kagaya mo." Natigilan ako. Ang taong nagligtas sa akin sa isang malaking kasalanan, ay pinagdaanan rin pala ang sakit na naramdaman ko. "But I'm glad na hindi ko itinuloy. Ayoko kayang mapunta sa impyerno."

Parehas kaming natawa sa sinabi niyang 'yun. Natuwa naman ako dahil sa wakas ay nakakapag open na si Ali sa akin ng mga kwento niya sa buhay. Mas maigi yata kung nagkakasakit siya araw araw para mas makilala ko pa siya e. Haha!

I silently looked at her. Napaisip ako kung paano niya kaya nakayanan ang sakit na idinulot ng panloloko sa kanya ng dati niyang girlfriend. Imagine, harap harapan niyang nakitang nakikipag sex sa iba ang dati niyang nobya. Sobrang natapakan siguro ang pagkatao ni Allison noong araw na yun dahil alam ko naman ang wala sa kanya na meron sa kuya niya.

Binalot ng lungkot ang puso ko nang marinig ang kwento niya, but on the other side, proud ako na nalagpasan niya ang lahat ng iyon.

"What are you thinking?" Hindi ko namalayan na naubos na pala niya ang kinakain niya. Tanging iling lang ang isinagot ko sa kanya at nginitian siya.

Sana kasing tapang nya rin ako na kayang harapin lahat ng sakit at lagpasan iyon.

***

Allison's POV

Hindi ko mapigilang mapangiti habang minamasdan si Samantha na nakatulog na pala habang nakaupo sa single sofa. Nakaunan pa siya sa mga braso niya at mahimbing na natutulog. Napagod siguro siya sa kakaalaga sa akin buong magdamag at thankful naman ako sa kanya dahil naging maayos na ang kalagayan ko sa mga pinainom niya sa aking gamot.

Mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa kanya at pinagmasdan pa siya. Kahit tulog siya ay hindi ko pa rin maiwasang humanga sa kanyang maliit at magandang mukha. Hindi ko alam kung bakit ang isang napaka gandang babaeng ito na nasa harapan ko ay nagawa pang iwan ng dati nyang nobyo.

She's almost a wife material for pete's sake! Marunong mag alaga, marunong magluto, palasermon man pero halata naman ang pag aalala.

At isa pa, hindi siya mahirap mahalin.

"A-Ali?" Napaatras ang mukha nya nang dumilat siya at ako kaagad ang nakita. "O-Okay ka na ba?" She's stuttering.

Palagi siyang ganyan lalo na kapag naglalapit ang mga mukha namin. Kaya mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko sa kanya para mas makita kung ano ba talaga ang epekto ko sa kanya. Madalas ko kasing mapansin na palagi niyang iniiwasan ang mga tingin ko.

Nasinghot ko kaagad ang mala strawberry niyang amoy. Ang amoy niyang halos gabi gabi ay hinahanap ko. Marahan ko namang hinaplos ang mga hibla ng mahaba at malambot niyang buhok. At hindi ko pa rin inililihis ang tingin ko sa mga mata niya.

I am now looking at her soft and kissable lips, para bang ang sarap halikan at lamutakin.

Hinawakan ko ang baba niya at marahang itinaas. Mas lalo akong nagkaroon ng pagkakataon na mas makita ng malapitan ang makinis niyang mukha.

I smirked nang makitang mariin niyang ipinikit ang mga mata niya nang maramdaman niya na marahil ang hininga naming dalawa. Senyales na kaunti nalang ang pagitan namin sa isa't isa.

Nakaawang ang labi niya na tila may hinihintay na lumapat.

Not now babe.

"I'm okay now. Thank you for taking care of me." Muli siyang dumilat at nagtama ang mga paningin namin. Tanging sa mata niya lang ako nakatitig.

Sa malamlam niyang mga mata.

"O-Ow, s-so I have to go now!" Babalakin na sana niya ang tumayo pero nakapatong na ang mga kamay ko sa side ng single sofa kaya muli siyang napaupo. "A-Ali. ." Bulong niya.

Hindi ko alam kung bakit gusto kong maramdaman ang mga labi niya sa tuwing babanggitin niya ang pangalan ko. I wanted her to scream my name while banging her. Ang sarap sarap niyang akitin dahil mas lalo siyang nagiging mukhang inosente.

"Stay with me." Bulong ko sa punong tainga niya. I know it gives her chill dahil naramdaman ko ang sandaling pag nginig niya. I hold her hand at hinila siya patayo mula sa kinauupuan niya saka muling humiga sa sofa.

"A-Allison. ." Pilit syang bumabangon pero pinipigilan ko siya. Mabuti nalang at nanumbalik na ang lakas ko kaya niyakap ko nalang siya sa beywang para hindi na sya tuluyan pang makawala at isiniksik ang mukha ko sa leeg niya.

"Goodnight Sam. ." Muli kong bulong sa tainga nya at pumikit na ng may mga ngiti sa labi.