webnovel

Seduced By A Lesbian (Filipino/Tagalog)

Samantha was in a nine year relationship with her boyfriend, Janus. She gave up everything just for him. Her life, her family, her finances, and even her virginity. Kasal na nga lang ang kulang sa kanila. Ngunit hindi iyon ang nangyari. Janus left him with no idea. Ibinigay naman niya ang lahat ng meron siya, ngunit iniwan pa rin siya. At sa huli ay nalaman niya pang sa iba na pala ito ikakasal at engage na pala si Janus for almost a year! Pakiramdam niya tuloy ay pinagsakluban siya ng langit at lupa nang malaman niya iyong masamang balita. Until she met Allison, a dominant lesbian. And also her neighbor who was secretly obsessed with Samantha for five fucking years! When Samantha offers herself to be a submissive of Allison, She didn't waste her time to claimed Samantha's body. Ginawa iyon ni Samantha dahil feeling niya, ay iyon lamang ang tanging paraan para makalimutan ang ex-boyfriend niyang nang gago at nanloko sa kanya. But what if Samantha finds out who's the reason of their broke up? Will she continue to be a submissive for Allison whom she gradually loves? *** Note: BDSM MATURED CONTENT GxG

EmilySuperb · LGBT+
分數不夠
26 Chs

Chapter 17

Allison's POV

4:30 a.m

Ririririringggg. . .

Napabalikwas kaagad ako ng bangon nang tumunog ang cellphone ko.

Lucia calling . . .

"Argh!" Nasapo ko ang ulo ko nang mag register sa screen ang pangalan niya. I was expecting for Samantha's call tapos pangalan lang ng babaeng ito ang makikita ko.

Ilang araw na kaming hindi nag uusap ni Sam. Ni hindi ko nga alam ang problema niya o kung may problema ba kami. Ang sabi niya ay pupuntahan niya ako sa studio noong umuwi ako mula sa Japan. Pero ni anino niya hindi man lang nagpakita. Umasa pa naman ako.

Maka ilang beses na rin akong pumuslit sa condo niya, pero wala siya doon. Hindi ko rin siya nakikita sa Mugs Coffee. Saan kaya nagsususuot ang babaeng iyon?

Even my messages and calls, hindi rin niya sinasagot. Ang sabi naman ni Cheska, ay ayos lang daw si Sam. Pero hindi ako kuntento sa sabi-sabi lang. Gusto ko siyang makita, gusto ko siyang mayakap at mahalikan and also I want to fuck her hard. How I miss her pussy.

Ririririririringggg. . .

Lucia calling . . .

"WHAT?!" Ano bang problema ng babaeng ito?

"Good morning." Masaya niyang bati sa kabilang linya. Kung noon siguro ay kinikilig pa ako sa boses niyang ito, pero ngayon ay kumukulo na ang dugo ko sa tuwing naririnig ko siyang magsalita.

"Fuck you Lucia, mag aalas singko palang ng umaga!" Ginulo ko ang buhok ko sa sobrang inis.

"You can fuck me later baby." Saad niya habang tumatawa pa. Nagagawa niya pa talagang mang asar. "Don't forget the party tonight. Inaasahan ka ni mom and dad."

"Wala ako sa mood para diyan." Muli akong humiga at itinakip ang unan sa mukha ko. Antok na antok pa ako.

"Ang bitter mo naman!" Napabuntong hininga ako sa sinabi niya. Susme! Limang taon na kaming walang kahit na anong komunikasyon. Matapos niya akong iwan ng ganun ganun nalang. Tapos ganito ang sasabihin niya? Baka gusto niyang ipamukha ko sa kanya na hindi na ako naaapektuhan sa kanya.

"Hindi ako bitter Lucia."

"Then you should come! Tandaan mo, hindi kita titigilan buong araw kung hindi ka pupunta!" Umandar na naman ang pagiging isip bata niya. Palibahasa ay spoiled brat kaya ganun na lamang siya kung umasta.

Napapadyak ako sa kama! Tama nga si Kim, bad news talaga ang pagbabalik ni Lucia dito sa Pilipinas.

"Fine!" Narinig ko ang pagtili niya sa kabilang linya. Kaya nailayo ko sa tainga ko ang cellphone ko. Mula sa kabilang linya ay narinig ko kung paano niya ipamalita sa parents niya na pupunta ako sa birthday party ng mommy niya.

Nagkakilala kami ni Lucia sa bar. We were both in college that time. We are from different school. Tama nga sila na kapag college ka na, ay legal ka ng gawin ang lahat ng ipinagbabawal noong bata pa.

Pag iinom ng alak, pag sisigarilyo, bar hopping, car racing, party drugs at roadtrip.

We started with a bet.

Pinagpustahan namin si Lucia noon dahil siya ang may pinaka angat ang kagandahan sa kanilang magkakaibigan. Inaamin ko naman yun.

Lahat ng mga kaibigan ko ay inaya siyang makipag sayaw sa dance floor, kasama na doon si Kim. Pero hindi siya pumayag kahit isang beses. Hanggang sa ako na yung ipinagtutulakan nila kay Lucia. Noong una ay ayoko pa, dahil mahiyain ako at wala akong tiwala sa sarili ko noon.

Lingid sa kaalaman ko, ay pinagpupustahan rin pala ako ng mga kaibigan niya. Pinag pustahan nila na kung sino man daw ang lapitan ko, ay aayin daw ako na mag check in sa malapit na hotel. Hanggang sa nangyari na nga ang dapat mangyari.

Ako ang naka virgin kay Lucia.

Nagulat pa nga siya dahil hindi niya akalain na tomboy daw pala ako. Inamin din ni Lucia na na-hook daw siya sa akin kaagad noong unang kita niya palang sa akin. Kaya daw hindi siya pumayag na makipag sayaw sa mga barkada ko, dahil ako daw ang hinihintay niyang mag aya sa kanya.

Wala pa kaming label noon, pero halos araw araw na siyang pumupunta sa condo ko. Palagi siyang may dalang pa-isa isang damit. Hanggang sa hindi nagtagal ay naipon na sa condo ko at doon na nga siya tuluyang tumira kasama ko.

Nagawa ko rin nga siyang ipaglaban sa mga magulang niya. Dahil daw sa akin ay nasira ang pangarap ng anak nila. Kung tutuusin nga ay hindi ko naman pinilit si Lucia na tumira sa iisang bubong. Its just that, nahihiya lang akong i-confront at paalisin siya noon sa condo ko. Kaya doon ko na siya pinatuloy.

Then, as the time goes by, we realized that we've falling in love with each other. At ayun nga, sampung taon kaming naging magkarelasyon. Sampung taon na nag mahalan.

Parehas naming pinilit na makapag tapos ng pag aaral. Hanggang sa nakamit ko ang passion ko, ang pagiging photographer. She's actually my first model and also my number one fan.

Palagi kong iniisip na si Lucia na ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko. Sobra ko siyang minahal at inalagaan.

Then five years ago, my step-brother asks for a favor, kung puwede daw siyang makitira sa akin dahil pinalayas daw siya ni mommy. Nag iisang anak siya ng napangasawa ni mommy. Hindi kami masyadong close, pero pinatuloy ko pa rin siya sa condo ko. Dahil sabi ni Lucia, kapatid ko pa rin daw ang kuya kong iyon.

Hindi nagtagal, ay napansin kong sila ni Lucia ang naging mas close. Dahil madalas ay nasa photo shoot ako noon at palaging wala sa condo.

Kahina hinala ang naging mga kilos nila kapag umuuwi ako. Akala siguro nila ay hindi ko nahahalata iyon.

May mga pagkakataon na sila ang magkatabi sa sofa kapag nanunuod kami ng movies. May kumot pang nakabalot sa kanila na parehas nilang pinagsasaluhan.

Hindi ko alam na may ginagawa na pala silang kababalaghan kapag wala ako. That's why I decided to pretend that I need to go to a photo shoot. Pinili kong tumambay sa parking lot ng halos isang oras para hulihin sila sa akto.

And when I went back to the condo, I reached them there.

Having sex on our bed.

Nagunaw ang mundo ko sa naabutan kong eksena. Hindi sapat ang salitang 'masakit' sa naramdaman ko noon. Dahil pakiramdam ko ay namanhid ang buong katawan ko sa gumimbal sa akin. Gusto ko silang patayin pareho noong mga oras na iyon, pero tinakasan nila ako. At hindi ko na sila muling nakita mula noon. Pasalamat nalang din ako dahil hindi na sila nagpakita. Kung hindi ay baka hanggang ngayon ay humihimas pa rin ako sa rehas.

And that exact year, five years ago. I decided to hate girls. Sa iba't ibang babae ko itinuon ang galit ko kay Lucia. Pinag aralan ko ang BDSM, and I found out that it gives pleasure to my body.

Hanggang sa nakasanayan ko na iyon. Pinaniwala ko ang sarili ko na lahat ng babae ay manloloko at hindi kayang makuntento sa tomboy na katulad ko. Masayang masaya ako sa mga hiyaw at sigaw ng mga babae sa tuwing sinasaktan ko sila.

It actually gives me satisfaction.

Siguro ay dahil wala akong ari na katulad ng sa lalaki kaya ipinagpalit ako ni Lucia. Naisip niya siguro na hindi naman siya magkaka anak sa akin. At hindi siya magkakaroon ng masayang pamilya kagaya ng iba. Kaya ganito nalang ang naging galit ko sa kanya. She makes me feel worthless.

Kung ganun man ang nasa isip niya, sana ay hindi nalang niya pinatagal ng sampung taon ang relasyon namin..

Dahil wala naman akong ibang maipagmamalaki e.

Daliri lang naman ang meron ako at idagdag na rin ang talented kong dila.

Ririririringggg. . .

Agad akong napatakbo mula sa banyo papunta sa kwarto nang tumunog ang cellphone ko. I'm still hoping that it's from Samantha.

Lucia calling . . .

Muli kong inihagis ang cellphone ko sa ibabaw ng kama. Nang pangalan niya na naman ang mag register sa screen. Hindi pa rin ba siya titigil? Sinabi ko na ngang pupunta ako sa birthday ng mommy niya. Kahit pa labag iyon sa kalooban ko.

Ririririringgg. . .

Lucia caliing . . .

"ANO NA NAMAN BA?" Singhal ko nang sagutin ko ang tawag niya.

"Anong oras ka pupunta?" Napapikit ako ng mariin. Malapit ng maubos ang pasensya ko sa babaeng ito.

"I don't know. Basta pupunta ako."

"You should be here before 6 p.m." At sino ba siya sa akala niya para magdesisyon pa sa buhay ko?

"Pupunta ako kapag malapit ng matapos ang party."

"No way!!" Sigaw niya sa kabilang linya. "Kapag na-late ka, ipagkakalat ko na nagkabalikan na tayo!"

"Luc--" Pinutol niya na ang tawag.

"Shit!" Sigaw ko dahil sa inis. Nababaliw na yata ang babaeng iyon!

I tried to call Samantha to ease my annoyance. Pero mas nainis ako nang marinig na busy siya sa kabilang linya.

Sino naman kayang kausap niya? Baka kaya siguro hindi niya na sinasagot ang messages at calls ko ay baka may nakakausap na siyang iba! Kapag nalaman ko lang kung sino yung kausap niya, baka maging kriminal ako ng wala sa oras!

Naisipan kong si Cheska naman ang tawagan. Manghihingi lang ako ng tip kung nasa coffee shop ba ngayon si Samantha. I miss her so much! Mababaliw na ako kung hindi ko siya makikita at makakausap.

"Anong kailangan mo?" Iyon ang bungad sa akin ni Cheska. Kung hindi lang siguro siya niligawan ni Kim ay baka naging matandang dalaga na siya habambuhay dahil sa kasungitan niya.

"Si Samantha?" I scratched the back of my head. Mag papaligoy ligoy pa ba ako? E wala naman akong ibang kailangan kung hindi si Sam.

"Wala dit--- Cheska! I-ready na natin yung mga dadalhin -- Oo sige wait --- Shit!" Singhal niya. Natawa ako dahil narinig ko mula sa kabilang linya ang boses ni Samantha.

"Okay fine, nandito siya. Pero huwag mong sasabihin na ako ang nagsabi! Sige na, busy kami. Bye." Ibinagsak ko pahiga ang katawan ko sa ibabaw ng kama. Tila baliw na ngumingiting mag isa. Pakiwari ko'y nawala na ang pagkainis ko dahil narinig ko na ang boses ni Samantha.

***

Tanaw ko mula sa loob ng sasakyan ko ang magandang hubog ng katawan ni Samantha. She's wearing an orange crop top at tinernuhan ng fitted skirt.

Argh! Nakakagigil.

Ipinark ko ang kotse ko, sa katabing shop ng Mugs Coffee. I really want to surprise her. Nang makita kong ipinasok niya ang kalahati ng katawan niya sa loob ng kotse niya, ay mabilis na akong napatakbo papunta sa puwesto niya.

Nakatuwad siya habang may inaayos sa loob ng sasakyan niya.

And it feels like, I want to fuck her in that position. I imagine using my strap-on dildo to her. Panigurado akong sisigaw siya sa sarap kapag nasa loob niya na ang bagay na iyon.

Naupo ako sa hood ng kotse niya. Habang pinapasadahan ng tingin ang makinis at maganda niyang katawan. Hindi ko tuloy mapigilan ang maturn on at mapakagat sa labi. I wanted to lick every inch of her body.

"Hi beautiful." Bati ko sa kanya habang gulat na gulat siyang makita ako. I smiled at her pero hindi pa rin nagbago ang reaksyon ng mukha niya. Akala niya siguro ay multo ako. Lumapit ako sa kanya at binigyan siya ng mabilis na halik sa pisngi niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Ang taray naman! Siguro ay may buwanang dalaw siya kaya ganito nalang siya kung mag sungit sa akin.

"Dumaan muna ako dito bago ako mag punta sa photoshoot." Malambing kong ibinigay sa kanya ang tatlong white roses na kabibili ko lang. I know this is her favorite. Sa limang taon ba namang pag stalk ko sa kanya ay napag aralan ko na ang mga paborito niya.

"Tapos miss pa kita!" Naupo ako sa driver's seat ng sasakyan niya. At hinila ko siya papalapit sa akin. Napasinghap siya ng yakapin ko ang beywang niya. Aww, her strawberry scent. Namiss ko ang amoy niyang ito.

"I missed you too." Sambit niya at niyakap ang ulo ko. Mas naramdaman ko tuloy ang malambot niyang balat.

"Busy lang kasi ako."

Tumingala ako upang makita ang maganda niyang mukha. At tumitig sa makinang niyang mga mata. I pouted my lips, gusto kong iparamdam sa kanya ang pagtatampo ko. Pero nawala ang lahat ng iniisip ko nang siilin niya ako ng halik. Napapikit nalang ako at nadala sa masarap niyang halik.

"Ehem. Rupok ka girl?" Narinig ko ang pagtikhim ni Cheska. Agad naman akong lumabas ng kotse at kumaway sa kanya.

Riririririringggg. . .

Lucia calling. . .

Tinitigan ko lang ang screen ng cellphone ko. Hinihintay na mamatay ang tawag niya.

Riririririringggg. . .

Lucia Calling. . .

Ubos na talaga ang pasensya ko sa babaeng ito. Napansin ko rin ang oras. And it's already 5:40 p.m!

"I have to go now, baka ma-late ako sa photoshoot." Mabilis kong hinalikan si Samantha sa labi.

I really need to go, dahil kilala ko si Lucia. Alam ko namang gagawin ng baliw na babaeng iyon ang sinabi niya. Hindi ko naman hahayaang sirain niyang muli ang buhay ko.

Riririririringggg. . .

Lucia Calling . . .

"I'm driving Lucia!" Narinig ko ang malandi niyang pagtawa sa kabilang linya. Sirang sira na ang araw ko dahil sa kanya!

"So I think you're on your way here?"

"Yeah, and stop calling me!" Pinatay ko na ang tawag niya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan ko.

***

Narating ko ang bahay nila Lucia at exactly 6 p.m. I am really worried dahil hindi niya pupwedeng gawin ang binabalak niya. I already have my Samantha, at ayoko siyang masaktan dahil lang sa gagawin ni Lucia. Maniniwala na akong baliw na talaga siya kapag itinuloy niya iyon.

"Allison!" Narinig ko ang nakaririnding boses ni Lucia. Patakbo siyang lumapit sa akin at mahigpit na niyakap ako. Pilit kong inilayo ang sarili ko sa kanya.

"I'm glad you came." Inismiran ko siya. Ngunit nagulat na lamang ako ng hawakan niya ang kamay ko. At hilain nalang niya ako papunta sa mga kamag anak niya.

"Miss ka na ng family ko, alam mo ba yun?" Napabuntong hininga ako. Hindi niya ba alam na muntik na akong patayin ng mga pinsan niya noon. Dahil sa pag aakala nilang niloko ko si Lucia.

"Hi guys!" Bati ni Lucia sa kumpulan ng mga pinsan niya. Sa braso ko na siya nakakapit at sinasadya niyang ikiskis doon ang gilid ng boobs niya.

"Remember her? It's Allison!" Tipid akong ngumiti. Ngunit masasamang tingin lang ang nakuha ko mula sa mga pinsan niya. Kulang nalang ay maghamon sila ng suntukan.

"Ow, ayun na pala si mommy." Naramdaman niya siguro ang tensyon sa pagitan namin ng mga pinsan niya kaya hinila niya na ako papunta sa mommy niya. Nagpadala nalang ako sa kanya kung saan niya ako gustong dalhin. Dahil pagtapos ng mga pinag gagagawa niya, ay aalis na rin ako dito. Wala sa forte ko ang umattend ng mga ganitong birthday party.

"Mommy, look who's here." Gulat na napatingin sa akin ang mommy niya.

"Allison, is that you?" Sinuklian ko rin siya ng ngiti at mataman akong tinignan. "Is it true na kayo na ulit dalawa?" This time ay ako naman ang nagulat sa sinabi ng mommy niya.

"Hahaha mommy!" Saway sa kanya ni Lucia. "Alam mo ang mabuti pa, magkape tayo dun!" Hinawakan niya ako sa kamay at hinila na naman kung saan.

"Akala ko kasi late ka e. Kaya ayun sinabi ko kay mommy na tayo na ulit." Napairap ako sa ere. Baliw na talaga siya!

"And kung lumagpas ka pa siguro sa oras na sinabi ko sayo, kakalat talaga sa social media ang comeback natin!" Inismiran ko siya. Pinilit kong itahimik ang sarili ko dahil hindi niya gugustuhin ang masasakit na salitang pwede kong sabihin.

"Nasaan s--" Dinala niya ako sa isang booth ng kape. Napansin ko rin na sa akin nakatingin ang babeng naroon.

"Nag cr po ma'am." Sagot kaagad sa kanya ng staff.

"Ow, maybe I should get some cupcakes!!!" Para siyang bata na kumuha ng isang cupcake na nasa mesa. At walang habas na isinubo sa akin ang kalahati ng cupcake. I glared at her at tinawanan lang niya ako. Kapag hindi pa ako nakapag pigil ay baka kung ano nalang ang magawa ko kay Lucia.

Ririririririringgg. . .

"Someone's calling you." Natigilan kami nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong kinuha iyon.

Samantha calling. . .

Agad kong nalunok ng diretsyo ang cupcake na isinubo sa akin ni Lucia. Labis akong nataranta, na naging dahilan para ma-reject ko ang tawag ni Samantha.

Shit!

Riririririringggg. . .

Samantha calling. . .

"Excuse me for a while?" Paalam ko kay Lucia upang mailayo ang sarili ko sa kanya.

"Hi." Nangingimi kong bati kay Samantha.

"Nasaan ka?" Mariin niyang tanong. Nilamon ako ng konsensya. Hindi ko naman pupwedeng sabihin na nandito ako sa birthday party ng nanay ng ex ko. Dahil baka kung ano pang isipin niya. I don't want her to get hurt.

"Nasa photoshoot di ba?" Nilakumos ko ang mukha ko dahil sa pagsisinungaling na nagawa ko.

"Photoshoot ng?" Muli niyang tanong. I bit my lower lip. I hope she won't get mad pagkatapos kong mag sinungaling sa kanya. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

"Photoshoot ng wedding." Pero happy birthday ang tumutugtog sa malaking speaker.

"Baby!" Mariin akong napapikit. Shit! Ngayon pa talaga Lucia! Paano kung marinig iyon ni Samantha? Ano nalanh ang iisipin niya?

Yumakap mula sa likuran ko si Lucia at marahang hinahalikan ang likod ko.

"Bye Kim. I have to go." I have to call her Kim, dahil kapag nalaman ni Lucia na babae ang kausap ko ay tiyak na aagawin niya ang cellphone ko. Ganun siya kabaliw.

Marahas kong tinanggal ang kamay niyang nakayapos sa akin.

"I have to go." Nakita ko ang pag lungkot sa mga mata niya nang sambitin ko iyon.

"Ha? Mamaya na." May pagmamakaawa sa boses niya.

"Ano pa bang kailangan mo? Nagpunta na ako." Umikot ang mga mata niya at saka muli akong tinignan.

"Of course ikaw! I mean it, I really missed you." She pout her lips. At nagulat nalang ako ng hilain niya na naman ako papunta kung saan.

"Saan ba tayo pupunta?" Inis kong sambit. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko. Sinisiguradong hindi ako makakalayo sa kanya. Pinagtitinginan rin kami ng mga taong nasasalubong namin dahil naghihilaan na kaming dalawa.

Hinila niya ako papasok sa cr. At nang tuluyan na kaming pumasok ay isinandal niya ako sa likod ng pinto. She's teasing me to kiss her. Agad akong tumingala at iniwasan siyang tignan.

"Let me go!" Giit ko. Isinabit niya na ang kamay niya sa leeg ko at tumitingkayad pa para maabot ako. Mahina ko siyang itinulak para makalabas na sa lugar na ito. Ngunit marahas niya akong hinila at mabilis na siniil ng halik.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Matapos ang ilang taon ay muli na namang naglapat ang mga labi namin ni Lucia. Muli kong naalala ang pang gagago niya sa akin noon.

Maybe it's time for some revenge. Siya dapat ang makaranas ng sakit na ipinadama ko sa mga naging submissive ko. Dahil siya naman ang naging dahilan kung bakit kinamuhian ko ang mga babae. At kung bakit ako naging dominant.

"Hmmm. . ." Marahas ko siyang isinandal sa pader at kinagat ang labi niya. Nalasahan ko ang dugo mula roon. Ngunit wala na akong pakialam at itinuloy pa ang walang habas kong paghalik sa kanya.

Pero imbis na masaktan si Lucia ay nakipagsabayan lang siya sa halik ko. Gutom na gutom ang mga tugon niya. Sinubukan niya akong hawakan ngunit hinuli ko ang kamay niya. At itinaas ko iyon at ikinulong sa isa kong kamay.

"Ali. . ." Humiwalay siya sa mainit naming halikan. Hingal na hingal siya habang magkadikit ang mga noo namin. Pilit niyang binabawi ang kamay niyang hawak ko. At isinampay sa balikat ko.

Muli niya akong siniil ng halik.

The next thing I knew, nakayakap na ang mga hita niya sa akin. At pilit na idinidikit ang katawan niya. I manage to hold her ass, upang hindi siya malaglag.

"Hmm. . ." Impit na ungol niya nang marahas kong i-massage ang namimintog niyang puwetan.

Naglakad ako patungo sa lababo at doon siya iniupo. Habang hindi pinuputol ang paghahalikan namin. Kinuha niya ang kamay ko at agad na inilagay sa malulusog niyang dibdib. Hindi naman ako nag atubiling lamasin iyon.

"Ahhhh. ." She groaned. Dahil sinadya kong diinan ang paglamas sa mga dibdib niya. Siniguradong mag iiwan iyon ng sakit sa parteng iyon.

Naitulak ko si Lucia nang makarinig kami ng ingay sa loob ng cr. Napansin ko kaagad ang nagkalat na basura. At ang babaeng nakatungo na tiyak ko'y hiyang hiya dahil aakalin niyang nakaistorbo siya.

Halos lumundag ang puso ko nang makita ang pamilyar na damit na suot ng babaeng iyon.

Imposible!

Imposibleng si Samantha ito. At ano namang gagawin niya dito? Magkakilala ba sila ni Lucia? O baka naman sinundan niya ako?

"SAMANTHA?!" Sabay na bulalas namin ni Lucia. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita niyang puwesto namin ni Lucia.

Wala ni isa sa amin ang gumagalaw. Para bang pati pag-ikot mundo ay tumigil na rin. Nakatitig lang siya sa amin si Samantha. Bakas sa kanya ang gulat at pagtataka.

Gusto ko siyang takbuhin upang saluhin ang nagbabadyang pag tulo ng mga luha niya.

"Samantha!" Pero huli na ang lahat dahil nakalabas na siya sa lugar na ito.

"Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Lucia. Ngunit imbis na sagutin ko ang tanong niya ay marahas kong tinanggal ang nakayakap niyang hita. At hindi na nagdalawang isip na habulin si Samantha. Panigurado akong hindi pa nakakalayo iyon.

Pagkalabas ko ng cr ay nagpalinga linga kaagad ako sa paligid. Hinahanap ko kung saan ba siya tumakbo palayo.

"Allison!" Narinig kong tinawag ako ni Lucia mula sa loob. Kaya naman nagmadali agad akong makaalis para hanapin si Samantha.

Halos mapigtal na ang leeg ko dahil sa kakalingon ko kung saan saan. Nagawa ko ring tumakbo ng patalikod, nagbabakasakaling nasa malapit lang si Samantha.

"Samantha. ." Habol hininga kong hinawakan siya sa braso nang maabutan ko siyang palabas na sana ng front gate. Narinig ko ang pag hikbi niya. And it hurts me a lot!

"Let me explain." Mahina kong iniikot siya paharap sa akin. Pero nakatanggap ako ng malakas na sampal. Pakiramdam ko ay tumabingi ang ulo ko sa lakas ng impact ng sampal niya. Well, I deserve it.

"Hindi ko maintindihan kung bakit trip na trip niyo akong lokohin. ." Basag ang boses niya. At halatang pinipigilan ang pag iyak niya. My knees become jelly nang makita ko ang pag uulap sa mga mata niya. Nanghihina akong makita siyang nasasaktan dahil sa akin.

"Ipapaliwanag ko sayo ng maayos Samantha. Pakinggan mo lang ako." Marahas niyang binawi ang braso niya mula sa akin. Nang muli ko siyang hawakan ay siya na mismo ang umiwas sa akin.

May mga bisita na rin na naki usyoso sa pagtatalo naming dalawa. Karamihan doon ay ang mga bagong dating na pumapasok sa gate.

"Kilala na kita Allison, kung may pagkakataon kang mangbabae, gagawin at gagawin mo iyon. Hindi mo na ako maloloko." Giit niya at tinalikuran ako.

"Mahal kita." Bulalas ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon nasabi. Pero hindi ko naman iyon pinagsisisihan. Kung i-reject man niya ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Mahal na kita Samantha." Tatakbo na sana siya nang muli akong magsalita. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ko hinayaang maramdaman niya ito.

"Sinungaling!" Giit niya habang hindi ako tinatapunan ng tingin. Saka siya muling tumakbo palabas ng gate.

"Samantha!" Agad ko siyang hinabol.

"Ali?" Nasalubong ko pa si Kim na imbitado rin pala sa birthday party. Ngunit hindi ko siya pinansin at hinabol si Samantha. Hinahanap niya ang sasakyan niya dahil napansin ko ang pagpindot niya sa susi na hawak niya.

"Samantha! Please pakinggan mo ako!" Hindi niya ako pinansin at inisa isa ang mga sasakyang naroon. "It's not what you think!"

"At anong gusto mong isipin ko? Na naglalaro lang kayo dun ng bato bato pick?" Muli siyang nagtungo sa gate at mabilis kong hinawakan ang braso niya.

"Saan ka pupunta?" Tinignan niya ako ng masama at pilit na hinihila ang braso niya.

"Nasa likod yung kotse ko, wala dito!" Inagaw ko ang susi niya at agad kong inihagis kay Kim. "Ano ba!" Galit na galit niyang sigaw.

Kung hindi ko rin naman siya madadaan sa maayos na pakiusap ay wala na akong choice kung hindi idaan siya sa dahas.

"Ikaw na ang bahala sa kotse niya!" At agad kong binuhat si Samantha na parang sako ng bigas.

"Ano ba Allison!! Ibaba mo ako!!" Panay ang suntok niya sa likuran ko. Ngunit imbis na ibaba siya ay hinalikan ko ang parte ng katawan niyang malapit sa mukha ko.

"Sinabi kong ibaba mo ako!" Mas lalo pang lumakas ang suntok niya at ininda ko ang sakit na dulot nun. Hanggang sa marating namin ang kotse ko. Kumakawala pa siya na parang batang iyakin nang iupo ko siya passenger's seat.

"Ano ba!!!" Sa sobrang likot niya ay nasampal na naman niya ang mukha ko. I glared at her kaya natigilan siya. "Ano bang ginagawa mo?!" Galit na saad niya.

"Gusto lang kitang makausap."

"Sa paraang ganito? Binuhat mo ako ng ganun! Sa tingin mo ba hindi maaalog ang utak ko? Paano kung hmmp--" Hindi niya na naituloy pa ang pagsasalita ng sakupin ko ang labi niya. Napaka ingay kasi! Pinalo niya ang balikat ko at pilit na itinutulak ako pero mas nilaliman ko pa ang paghalik ko.

Iniangat ko ang dalawang hita niya upang tuluyang maipasok siya sa loob ng sasakyan. Nanlaban pa rin siya pero mas nanaig ang lakas ko. She even bite my lips para magkahiwalay ang mga labi namin. Pero tiniis ko ang sakit na idinulot nun.

Nang tuluyan ko na siyang maipasok sa sasakyan ay agad kong ikinabit ang seatbelt niya. At humiwalay na sa halikan namin. Habol hininga siyang masamang nakatingin sa akin. Kulang nalang ay patayin ako. I smirked at her, pero sinampal niya lang ako ulit.

Hindi ako nag reklamo dahil deserve ko naman iyon.

Sinarado ko na ang pinto. Nakita ko pa siyang pilit na binubuksan iyon. Pero malas siya, dahil may child lock ang sasakyan ko. Kaya hindi niya iyon mabubuksan mula sa loob. Mabilis akong umikot sa driver's seat. Habang hindi inaalis ang tingin kay Samantha.

She crossed her arms at nakasimangot na isinandal ang likod. Masama pa rin ang tingin niya sa akin nang maupo na ako sa driver's seat. Pinaandar ko na rin ang makina ng kotse. Bahala na kung saan kami mapunta. Ang mahalaga kasama ko na si Samantha.

"Ibababa mo ako dito o dito na kita papatayin?" Pagbabanta niya.

"Papatayin sa sarap?" Pagbibiro ko at nakaramdam na naman ako ng sampal sa pisngi. Ang sakit na ng mukha ko sa totoo lang.

"Sino si Lucia ha! Siya na ba ang bago mong submissive!! Matapos mo akong pag sawaan, iiwan mo nalang ako basta basta na parang basura!!" Gigil niyang sambit habang pinapalo ako sa braso. Nagseselos ba siya?

"She's my ex." Natigilan siya. "Siya yung kinukwento ko sayo." I saw how she looked at me kahit sa peripheral vision ko lang siya nakikita. Mas itinuon ko kasi ang paningin ko sa kalsada.

"Ex na pala e! Bakit naghahalikan pa kayo?" Umayos na siya ng upo.

"Akala ko kasi makakaganti ako sa pang gagago niya sa akin noon. She's the reason why I'm a dominant now. Lahat ng babae, kinamuhian ko. Sa kanila ko itinuon yung sakit na ipinaranas sakin ni Lucia noon. I hate her. I hate her so much." Nilingon ko siya. Bakas sa mukha niya ang pag aalala.

"But you're different from my submissives Samantha. Ayaw kitang masaktan at madamay sa pagkamuhi ko kay Lucia. You don't deserve those pain. Kaya palagi kong pinipigilan ang sarili kong saktan ka." Kinuha ko ang kamay niya. At idinikit iyon sa labi ko.

"Y-Yung sinabi mo kanina? Totoo ba yun?"

"Anong sinabi ko?" Marahas niyang binawi ang kamay niya.

"Kita mo! Nakalimutan mo kaagad! Halatang nag sisinungaling ka lang!" She's getting mad again. And it makes me, turn on!

"I mean it Samantha. Mahal na kita."

"Then, stop the car!" Nagtataka akong nilingon siya. Nakataas lang ang kilay niyang nakatingin sa akin.

"I said, stop the car!" Mariin akong napatapak sa preno. Nakita ko ang mabilis niyang pag tanggal ng seatbelt niya.

Nagulat nalang ako nang ipwesto niya ang sarili niya sa kandungan ko. At mariin na siniil ng halik ang labi ko. Naramdaman ko ang pagkasabik niya sa akin kaya sinabayan ko na ang masarap niyang halik.

"Hmmm . . ." Impit na ungol niya nang ipasok niya sa bibig ko ang dila niya. Na tila hinahanap ang kaparehas nito.

"Uhhhmmmm. . ." Hindi ko na napigilan ang mapa ungol nang sa wakas ay mahanap niya ang dila ko at sipsipin iyon.

Inilayo niya ang sarili niya sa akin. Nakatitig siya sa mga mata ko habang nakangisi. She even trace her finger into my face.

Shit! It really gives shiver to my body. I really want to fuck her, right here. Muli niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Ngunit hindi sa labi ko dumikit ang bibig niya kundi sa tainga ko.

At mas lalo akong kinilabutan nang ibulong niya ang mga salitang nagpakabog ng dibdib ko.

"Be my submissive tonight."