webnovel

Seduced By A Lesbian (Filipino/Tagalog)

Samantha was in a nine year relationship with her boyfriend, Janus. She gave up everything just for him. Her life, her family, her finances, and even her virginity. Kasal na nga lang ang kulang sa kanila. Ngunit hindi iyon ang nangyari. Janus left him with no idea. Ibinigay naman niya ang lahat ng meron siya, ngunit iniwan pa rin siya. At sa huli ay nalaman niya pang sa iba na pala ito ikakasal at engage na pala si Janus for almost a year! Pakiramdam niya tuloy ay pinagsakluban siya ng langit at lupa nang malaman niya iyong masamang balita. Until she met Allison, a dominant lesbian. And also her neighbor who was secretly obsessed with Samantha for five fucking years! When Samantha offers herself to be a submissive of Allison, She didn't waste her time to claimed Samantha's body. Ginawa iyon ni Samantha dahil feeling niya, ay iyon lamang ang tanging paraan para makalimutan ang ex-boyfriend niyang nang gago at nanloko sa kanya. But what if Samantha finds out who's the reason of their broke up? Will she continue to be a submissive for Allison whom she gradually loves? *** Note: BDSM MATURED CONTENT GxG

EmilySuperb · LGBT+
分數不夠
26 Chs

Chapter 16

Sam's POV

"Excuse me, sarado na ang shop. Pero nandito ka pa rin." Saad ni Cheska habang nakapameywang pa sa pinto ng kitchen ng Mugs Coffee.

"Excuse me! Baka nakakalimutan mong ako ang may ari dito!" Pinameywangan ko rin siya. At parehas kaming natawa.

"Ano ba kasi yan?" Tuluyan na siyang lumapit sa akin at nagmasid sa kung anong ginagawa ko. Kasalukuyan kasi akong nag bebake ng cake para kay Allison.

"Wel. . Come. . Back . . Baby. ." Inismiran niya ako matapos niyang basahin ang message sa ibabaw ng cake na ginawa ko.

"Ilang araw lang nawala si Ali, may pa-cake pa talaga."

"Because she's so special." Lihim akong napangiti habang inilalagay na sa box ang cake. Mabuti nalang at hindi ko pa rin nakakalimutan ang mag bake na natutunan ko mula kay mommy.

"Ikaw ba, totoo yang nararamdaman mo kay Ali?"

"Oo naman." Pag amin ko. Totoo naman talagang nagugustuhan ko siya. Hindi lang dahil sa gusto niya ako. Ito talaga ang nararamdaman ko at hindi ko naman ito pupwedeng pigilan.

"Hindi mo siya rebound? Just to forget Janus?" Natigilan ako. Inamin ko naman noon na gusto kong makalimutan si Janus, in a way na maging submissive ako ni Allison. Pero as the time goes by, nakakalimutan na rin namin ang dom-sub relationship namin. Basta masaya kami, at iyon lang ang mahalaga sa amin.

"Of course not." She crossed her arms. Ayaw pa yata niyang maniwala. Itinaas niya ang kilay niya at mukhang may hinihintay pa na sabihin ko. Iniwasan ko ang tingin niya.

"I have to go now, baka hinihintay na ako ng baby ko." I show her my genuine smile. Bumeso na ako sa kanya at agad na lumabas ng kitchen habang dala ang cake na ginawa ko.

I didn't expect na mamimiss ko ng ganito si Allison. Ilang araw ko rin siyang hindi nakama ano! Ay, mali! Nakasama pala.

Natawa tuloy akong mag isa sa bagay na naglalaro sa isip ko. Mas masarap sigurong kainin yung cake kapag ipanahid sa katawan. Ow my naughty mind!

I tried to call her pero hindi niya sinasagot. Siguro ay busy pa rin siya hanggang ngayon. Pero it's alright dahil ilang minuto nalang naman ay magkikita na rin kami. Kanina pa nga ako hindi mapakali at parang gusto ko na siyang yapusin ng yakap. At paliguan ng halik.

Pagkarating ko sa tapat ng studio niya ay napansin ko ang dalawang sasakyan na nasa parking lot. Ang isa ay kay Allison at ang isang sasakyan ay hindi pamilyar. Kaya siguro hindi siya sumasagot sa mga tawag ko dahil may client pa siya.

Hindi ko napagilang huminga ng malalim bago pumasok sa loob ng kanyang studio. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Ganito yata talaga kapag excited kang makita ang taong gusto mo.

I silently went inside the studio. Avoiding to make noise just to surprise Allison. Hindi ko mapigilang mapangiti. Alam niya namang pupunta ako pero wala siyang ideya kung anong oras ako makakarating dito.

Napansin ko ang nakauwang na pinto ng kanyang office. Marahil ay naroon siya. Dahan dahan kong tinungo ang pinto ngunit agad din akong napatigil.

"I missed you." Narinig ko ang isang boses ng babae mula sa loob. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Mas kasama ba sa loob si Allison? Si Rita kaya iyon?

Hindi ko alam kung saan ako humanap ng lakas ng loob para sumilip sa maliit na siwang na iyon ng pinto. Madilim sa loob ng office niya pero kita ang dalawang taong halos magdikit na ang mga mukha. Habang nakaupo sa swivel chair. Natutop ko ang bibig sa nakikita ko.

Parang kailan lang, sinabi niyang gusto niya ako. Tapos ngayon, heto siya at may kasamang babae sa kandungan niya. Ganito yata talaga ang mga tomboy, mabilis mag palit ng babae.

Napahawak ako sa door knob, at doon kumuha ng lakas na makatayo. Nanghihina ang tuhod ko sa nakikita ko. Hindi ko magawang sugurin silang dalawa, dahil naalala kong wala naman kaming label ni Allison. Gusto lang namin ang isa't isa. At hanggang doon lang iyon.

Hindi ko na yata kaya ang nakikita ko. Kaya naman pabagsak kong isinara ang pinto at tumakbo na palabas ng studio.

Kababaeng tao, napaka babaero!

Mas mabuti pa sigurong sa iba ko nalang ibigay itong cake. Kaysa naman masayang lang. Hindi ko naman maaatim na ibigay pa ito kay Allison dahil sa mga nakita ko. For sure, ibang cake ang makakain niya ngayong gabi. Mamaga sana ang bunganga niya!

***

"Sure ka ba na ikaw nalang ang pupunta doon sa party?" Tanong ni Cheska habang inaayos namin sa sasakyan ko ang mga gamit na dadalhin namin. Ngayon kasi ang araw ng birthday party ng mommy ni Lucia. She's very hands on, dahil minu-minuto ang paghingi niya ng updates mula sa akin.

"Oo naman, ikaw nalang ang maiwan dito." Mapait kong ngiti. Isang linggo ko ring iniiwasan si Allison matapos ang lahat ng nakita ko sa studio niya.

Doon ako sa parents ko nag stay just to make sure na hindi niya ako guguluhin sa condo ko. Makailang beses na rin niya akong tinatawagan at minemessage pero hindi ko iyon sinasagot. Manigas siya!

Kapag naman pupunta siya sa coffee shop ay talagang tinataguan ko siya. Hindi ko alam kung inis ba o selos itong nararamdaman ko.

"O sige, ipapasama ko sayo yung dalawang bagong hire natin na staff." Pumasok na siyang muli sa coffee shop para kunin pa ang ibang kagamitan. Ipinapasok ko ang ilang gamit sa loob ng kotse nang matigilan ako dahil tila mayroong nanunuod sa mga galaw ko. Kaya naman agad akong lumabas sa sasakyan.

Napatalon ako sa gulat nang makita si Allison na prenteng nakaupo sa hood ng kotse ko.

"Hi beautiful." Napasinghap ako dahil may dala pa siyang tatlong pirasong white roses. Ano yun suhol? Agad siyang lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.

"Anong ginagawa mo rito?" Pagtataray ko. Akala niya ba madadala niya ako sa halik niya?

Pwes!

Magrerequest pa ako ng isa!

"Dumaan muna ako dito bago ako mag punta sa photoshoot." Inabot niya sa akin ang dala niyang bulaklak at tinitigan ko lang iyon.

"Tapos miss pa kita!" Naupo siya sa driver's seat habang bukas ang pinto ng sasakyan. Hinapit niya papalapit sa mukha niya ang beywang ko at mahigpit akong niyakap.

Ano bang akala niya?

Namimiss ko siya?

Akala niya ba yayakapin ko rin siya? Akala niya siguro marupok ako! Pagkatapos ng ginawa niyang pang lalandi sa iba?

Wag ako Allison!

"I missed you too." Sambit ko at niyakap ang ulo niyang nasa tiyan ko.

"Busy lang kasi ako." Pagsisinungaling ko. Sige na nga , palalagpasin ko ngayon ang kasalanan niya. Bakit ba kasi kaunting paglalambing lang niya ay nawawala na ang inis ko.

Tumingala siya sa akin. At tinitigan ako sa mata. Hindi ko tuloy napigilan ang idampi ang labi ko sa labi niya. I mean it, I really missed her. Lalo na ang mga halik at haplos niya. Ewan ko ba, kung bakit nakakaadik 'tong tomboy na to!

"Ehem!" Tikhim ni Cheska habang hirap na hirap na sa mga dala niyang paperbag na may lamang mga desserts. Habang masamang nakatingin sa amin ni Allison.

"Rupok ka girl?" Natawa ako at madaling lumapit sa kanya para tulungan siya.

Riririririringggg. . .

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bag, dahil baka si Lucia na naman ang tumatawag. Ngunit nang buksan ko iyon, wala namang pangalan ni Lucia ang lumabas sa screen.

Ririririririringggg. . .

Kunot noong tinititigan ni Allison ang cellphone niya. Sa kanya pala ang cellphone na nagriring. Client kaya yun? O bagong babae niya?

Sa halip na sagutin niya iyon, ay lumapit siya sa akin at siniil ng halik ang labi ko.

"I have to go now, baka ma-late ako sa photoshoot." Muli niya akong hinalikan. Hahabulin pa sana ng labi ko ang labi niya pero mabilis na siyang nakatakbo papunta sa kotse niya. Ni hindi ako nilingon.

Ipinagsawalang bahala ko nalang ang pagmamadali niya. Baka nga late na siya. Dapat nga ay magpasalamat pa ako dahil dinaanan pa niya ako bago siya pumunta sa photoshoot.

"Sam, itong mga coffee cups nalang muna yung dalhin mo. Naubusan na kasi tayo ng coffee cups na may logo natin e." Iniabot sa akin ni Cheska ang mga tinutukoy niyang cups. At inilagay na iyon sa compartment.

Pinasama rin sa akin ni Cheska ang bagong hire na si Lucas at Jessa para daw may makatulong ako doon sa birthday party. Mabilis na rin kaming bumyahe patungo sa exclusive subdivision, kung saan nakatira si Lucia.

Sa labas pa lamang ng bahay nila ay nahirapan na akong mag park ng sasakyan. Paano ba naman kasi ay sandamakmak ang kotseng nakaparada. Pati tuloy ang dalawa kong staff ay tumulong na rin maghanap ng parking space.

"Samantha!!" Itinaas ni Lucia ang kamay niya sa ere habang nakatayo sa harap ng maganda nilang gate. I saw how beautiful she is. Para siyang anghel na bumaba sa langit. She's wearing a fitted white dress na humubog sa maganda niyang katawan.

Pinaandar ko ang kotse palapit sa kanya.

"I have a parking space for you." Pinabuksan niya ang gate sa guwardya. At iginiya akong ipark ang sasakyan sa tabi ng truck na pag mamay ari ng isang catering services. Napansin ko rin na sa bandang likuran pala ng bahay nila itong gate na ito.

"Sa garden nalang kayo dumiretsyo ha. Pinaayos ko na yung table na para sa inyo." Nakangiting sambit ni Lucia. Pagkatapos niya kaming kausapin ay yung mga staff naman ng catering service ang kausap niya. Aligaga at hindi siya mapakali sa pag aasikaso sa birthday ng mommy niya.

Hindi naman na kami nag sayang pa ng oras at agad na naming tinungo ang garden. Tumambad sa amin ang mayayamang bisita ng mommy niya. Nahiya naman ako dahil talagang ito pang kape namin at desserts ang napili ni Lucia. Marami namang mas mamahalin na kape sa merkado.

"Samantha!" Muli akong tinawag ni Lucia. Bakas man ang pagod sa kanyang mukha ay naroon pa rin ang kagandahan niya.

"Lucia." Nakangiting bati ko sa kanya habang inaayos namin ang mga kagamitan namin.

"Kumpleto na ba kayo dyan? Malapit na kasing mag start yung party." Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. She still managed to smile kahit pa sobrang busy siya sa pag aasikaso.

"If that's the case, then iwanan ko nalang muna kayo dito ha?"

"Okay, sige." I waved back at her. At doon naman siya pumwesto sa pinapasukan ng mga bisita nila. Sinundan ko nalang siya ng tingin habang papalayo sa amin. I secretly amazed by her, maganda na nga mabait pa. Tapos idagdag pa na mayaman siya. Nasa kanya na talaga ang lahat.

"Ma'am, di ba yun po yung nagbigay sa inyo ng bulaklak kanina?" Nilingon ko ang itinuturo ni Jessa gamit ang nguso niya.

Hindi ako nakasagot nang makita si Allison na may hawak na camera. Kung alam ko na dito din pala siya pupunta ay sana nagsabay nalang pala kami.

"Allison!!" Narinig ko ang masayang pagtawag ni Lucia kay Ali. Tumatakbo pa ito papalapit sa kanya, at nagulat nalang ako ng bigla siya nitong yapusin ng yakap. Yung yakap na animo'y miss nila ang isa't isa. Siguro ay si Allison ang tinutukoy niyang kakilala niyang photographer. Maybe they are good friends kaya ganun nalang sila kaclose.

Hindi ko naman mapigilang sundan sila ng tingin nang hilain ni Lucia si Allison. Hinila siya nito palapit sa mga kumpulan ng mga bisita. Hindi ko na narinig pa kung ano bang pinag uusapan nila doon.

At maya maya pa'y lumapit sila sa mommy ni Lucia. Gusto ko sanang lumapit doon para marinig ang pinag uusapan nila, lalo na't nakayakap na siya sa beywang ni Ali.

Ang hirap naman kasing paniwalain ang sarili ko na baka magkaibigan lang sila.

Mabilis akong tumalikod nang mula sa kinaroroonan nila ay lumingon sila sa pwesto namin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang harapin ngayon si Allison.

"Mag ccr lang ako ha?" Paalam ko sa dalawang staff habang hindi pa rin sila nililingon. Pero imbis na sa cr ako dumiretsyo ay nagtago ako sa likod ng malaking puno.

I bit my lower lip, nang makitang magkahawak na sila ng kamay. But Allison's face was too serious. Nakikinig lang siya sa mga sinasabi ni Lucia sa kanya.

"Nasaan s--" Tuluyan na silang nakalapit sa booth. Mabuti nalang at hindi kilala ni Allison ang kasama kong mga staff.

"Nag cr po ma'am." Agad na sagot ni Jessa. Pinilit kong itago ang sarili ko sa puno upang hindi ako makita ni Allison.

Humingi si Lucia ng cupcake sa staff ko, at sweet na sinubuan si Ali. Hindi ko alam kung namamalik mata lang ba ako, dahil napansin ko ang kakaibang mga titig ni Allison kay Lucia.

Mga titig na may kasamang pag mamahal.

Naguguluhan na ako. Isa din ba si Lucia sa submissive ni Allison?

"Someone's calling you." Kung kanina ay nababaitan pa ako kay Lucia, binabawi ko na ngayon. Hindi pala siya anghel kung hindi isang demonyita.

I was the one who's calling Allison. Tignan ko lang kung sagutin niya habang katabi niya si Lucia.

Agad naman na kinuha ni Ali ang cellphone niya at pinakatitigan lang ang screen nun. Narinig ko nalang na nireject niya ang tawag ko.

Nakaramdam ako ng pagkalungkot. Ito palang ang unang pagkakataon na ni-reject niya ang tawag ko.

Pero hindi ako sumuko at muli siyang tinawagan.

"Excuse me for a while?" Paalam niya kay Lucia.

"Hi." Tipid niyang bati sa kabilang linya.

"Nasaan ka?" Sinadya kong hinaan ang boses ko dahil kaunti lang ang distansya naming dalawa. Kita ko ang malapad niyang likod mula sa kinaroroonan ko.

"Nasa photoshoot di ba?" Bakit parang galit siya?

"Photoshoot ng?" Nakita ko ang paglakumos niya sa sariling mukha. Parang naiinis na hindi ko alam. Pakiramdam ko ay kinukurot ang puso ko sa nakikita ko ngayon. Hindi ba siya masaya na tumawag ako?

"Photoshoot ng wedding." Tuluyan ng tumulo ang luha ko. Ngayon pa talaga siya nagsinungaling. Baka nga tama ang sinabi sa akin ni Rita, iiwan lang din ako ni Allison matapos makahanap ng panibagong ipapalit sa akin.

"Baby!" Nadinig ko ang boses ni Lucia mula sa kabilang linya. Patakbo siyang lumapit kay Allison at niyakap ito mula sa likod.

Biglang nagbago ang mood niya nang magdikit ang mga katawan nila ni Lucia.

"Bye Kim. I have to go." Sambit niya sa kabilang linya. At ibinaba na ang tawag. Kim? Mukha ba akong si Kim?

Marahas kong pinunasan ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. Anong ganap ni Allison sa buhay ko? At anong ginagawa niya sa amin ni Lucia? Para siyang namamangka sa dalawang ilog.

Pero iba ang tingin niya kay Lucia, may kasama iyong pagmamahal.

Samantalang ang mga titig ni Allison sa akin ay puno lang ng kalibugan.

Ano pa nga bang aasahan ko? Isa lang naman akong submissive ng gagong tomboy na 'to. Bakit ko pa kasi pinaniwalaan ang sinabi niyang gusto niya ako? Bakit ko pa ipinagkatiwala ang sarili ko sa kanya?

"Ma'am Samantha, wala na po sila." Nagulat ako nang magsalita mula sa likuran ko si Jessa. Tipid itong nakangiti sa akin.

"Dito ko po kayo nakitang tumakbo e. Nandun po yata yung cr." Turo niya sa kabilang daanan.

"Ahh. . Oo nga pala." Iniwas ko ang tingin sa kanya at patakbong tinungo ang cr.

Hindi ko pa nga tuluyang napapatawad si Allison sa una niyang kasalanan, dinagdagan pa niya ulit ng panibago. Nagsawa na ba siya kaagad sa akin kaya naghanap siya ng panibago?

O baka talagang nag aassume lang ako na gusto niya ako? At nahulog lang ako sa lahat ng patibong niya?

Nang marating ko ang pinto ng cr ay hindi na ako nag atubiling pasukin iyon.

Hindi ko na sana itutuloy ang pagpasok ko dahil sinalubong ako ng dalawang taong naghahalikan. Hindi ko sila maaninag masyado dahil nahaharangan ng luha ang mga mata ko.

Itinungo ko nalang ang ulo ko para hindi nila mapansing pumasok ako. Tutal naman ay parang wala silang pakialam sa paligid nila. Dito pa talaga sila sa cr inabutan ng libog nila.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasipa ko ang basurahan at nagdulot iyon ng ingay sa loob ng cr.

Kung kailan nag iingat naman ako.

Shit! Naistorbo ko yata ang dalawa. Dahil nakita ko mula sa peripheral vision ko ang paglingon nila sa pwesto ko.

Dahan dahan kong iniangat ang mukha ko upang humingi ng tawad sa kanila.

"SAMANTHA?" Sabay nilang sambit sa pangalan ko. Gulat akong napaatras nang naging klaro na sa paningin ko ang dalawang iyon. Salitan ko silang tinignan na animo'y nakakita ng multo. Muli ko na namang naramdaman ang pagtulo ng mga luha ko.

Si Lucia, prente siyang nakaupo sa lababo. Habang nakayakap pa ang mahaba niyang biyas sa beywang ni Allison. Hindi ako pwedeng magkamali, totoong naghahalikan silang dalawa kanina!

"Samantha!" Narinig kong sigaw ni Allison habang tumatakbo ako palabas sa lugar na iyon. I really can't imagine na magagawa niya iyon! At makikita ko iyon ng harapan!

Ito siguro ang napapala ng isang taong napaka bilis magtiwala sa mabulaklaking salita ni Allison. Nasasaktan.

"Samantha. ." Natigilan ako ng may biglang humawak sa braso ko. Mariin akong napapikit, hindi ko kayang makita ang mukha niya.

"Let me explain." Ano naman kayang pag sisinungaling ang sasabihin niya?

Iniharap niya ako sa kanya at awtomatikong binigyan ko siya ng sampal. Nagdulot iyon ng mabilis na pamumula ng kanyang pisngi.

"Hindi ko maintindihan kung bakit trip na trip niyo akong lokohin. ." Mahina ngunit mariin ko iyong sinambit. Hindi ko gustong gumawa ng eksena sa kasiyahang nagaganap na ngayon.

Marahas kong binawi ang braso ko mula kay Allison.

"Ipapaliwanag ko sayo ng maayos Samantha. Pakinggan mo lang ako." Akma niyang hahawakan ang kamay ko pero agad kong iniwas ang sarili ko.

"Kilala na kita Allison, kung may pagkakataon kang mangbabae, gagawin at gagawin mo iyon. Hindi mo na ako maloloko." Tinalikuran ko na siya nang maramdaman ang nagbabadya kong luha. Ayokong makita niya iyon. Ayokong kaawaan niya ako.

"Mahal kita." Natigilan ako sa sinabi niyang iyon. Tatakbo na sana ako ulit nang marinig ko siyang muling magsalita.

"Mahal na kita Samantha."

Kasinungalingan!