webnovel

CHAPTER FIVE

Alas syete pa lamang ng umaga ngunit inaantok na kaagad ako, sobrang nakakapagod ang mga nangyari kahapon hindi rin ako nakatulog ng maayos kakaisip ng mga sinabi nila hays.

"I can't believe this" diretsong saad ni Professor Gemini habang nakatingin sa hawak niyang papel.

Nagtataka namang napatingin kami sa kaniya. Ano nanaman kaya ang nakapaloob sa papel na ikinagulat niya. Bakas pa rin sa mukha nito na hindi siya makapaniwala.

"ano kaya ang laman ng papel?" mahinang tanong ni Acxius pero sapat lamang upang marinig ko.

Nasa kanan ko si Ichiro at sa kaliwa naman ay si Acxius. Narito kami sa upuang nasa likod.

Hindi na ako nag-abala pang sagutin ang tanong niyang iyon dahil kahit ako ay hindi alam kung ano yon.

"ang papel na ito class ay naglalaman ng listahan ng ranking ninyo rito sa inyong silid at nakakagulat na malamang kasama kayong lahat" hindi makapaniwalang usal nito saka muling tiningnan ang papel. "sa pinakaunang pagkakataon" dagdag pa nito saka ngumiti.

"wow!"

"hindi nasayang ang pagod at puyat natin"

Kitang kita ang tuwa sa kanilang mga mukha, hindi nila ito maitago dahil walang paglagayan ang kanilang kasiyahan.

"wait Prof, did i heard it right? lahat kami? as in kasama itong mga ito?" taas kilay na tanong ni Rovainne saka tiningnan ang iba naming kaklase na tinutukoy niya.

Ito nanaman sya, eeksena nanaman ang kontrabida. Baka mamaya ay kung ano nanaman ang maging ganap dito dahil sa ginagawa at pinagsasasabi niya.

"yes Ms. Rovainne, all of you are in the list nakakatuwa hindi ba" malumanay na tugon ni Professor Gemini saka ngumiti.

"no, no way! how come Prof? they're stupid, they can't even answer a basic question, they're not active in the class and I'm pretty sure that they got a lowest score in the recent examination" taas noong saad nito saka inilibot ang kaniyang paningin. "they don't deserve to be on the list" mariing ani pa niya.

"Can you please stop it Rovainne, takot ka lang malamangan kaya hindi mo matanggap na yong tinatawag mong bobo noon ay nasa ranking na ngayon" napatayo na si Xyreign nang sabihin iyon.

"hindi lang noon Xyreign, tatawagin pa rin kitang bobo ngayon dahil I believe na nagkaroon lang ng error kaya napasama sa list ang basurang pangalan mo, ninyo!" agad na tugon ni Rovainne saka seryosong tiningnan si Xyreign. "at kapag nalaman kong nandaya kayo sisiguraduhin kong bibigyan kayo ng punishment na hindi ninyo malilimutan!" mariing dagdag pa nito.

"shut up Ms. Rovainne what I heard is enough, napakabastos mo hindi ba't nandito ako sa harapan at ganyan mo na lang kung kausapin ang kaklase mo, wala ka bang natutunan sa mga Professor mo!?" diretsong saad ni Professor Gemini.

Akala ko ay panonoorin na lamang niya na pagsalitaan ni Rovainne ang mga kaklase namin.

"I don't care kung nasa likod ka pa, nasa gilid o nasa kisame Prof Gemini. Anyway, I've learned a lot Prof that's why I know that this woman in the front of me doesn't deserve to be on that list. She's nothing but a stupid creature" mariing saad nito.

Hindi man lamang niya tinapunan ng tingin si Prof, hindi niya inalis ang kanyang paningin kay Xyreign na nasa kanyang harapan.

Hindi na nya ginalang si Prof, parang kaklase nya lang ito kung kausapin niya at nagawa pa niyang sabihin ang mga iyon. Napakaitim talaga ng budhi niya!

"One more word Rovainne at ibabagsak kita sa subject ko!" bakas ang inis sa tono ng pananalita nito.

"Go on Prof do you think I'm scared? no not at all, I'll make sure that my dad, the one of the heads will know about what you did and what you said" nakangising tugon ni Rovainne. "hindi mo naman ata gustong mangyari yon, hindi ba?" nang aasar pa ang tono ng pananalita nito.

Doon pa lamang niya tiningnan ang aming Prof. Ginagamit nanaman nito ang posisyon ng tatay niyang head para magawa ang lahat ng gusto nya. Napakasama talaga nya, kahit Professor ay hindi niya pinapalampas.

Siya naman ang mali umpisa pa lang. Lalo nya lang pinapalala ang nangyayari.

Bumaluktot ang buntot ni Prof, tila naging isa itong masunuring bata na nakatayo sa harap at tahimik lamang na nagmamasid.

Napangiwi na lamang ako.

"Immature" diretsong saad ni Ichiro saka tumayo saka dahan dahang lumapit kay Rovainne.

"is this really what you want? does it make you happy?" walang buhay na tanong nito.

"no-"

"then why are you doing this!?" sigaw nito sa kanya.

"gusto ko lang naman mapansin mo'ko, para nagustuhan mo rin ako!" inis na sigaw ni Rovainne.

" damn it Rovainne! fuck that reason! sa tingin mo ba kung magiging ganyan ka kasama magugustuhan kita? hell no! I am very disappointed Rovainne" seryosong tugon ni Ichiro. "you let your emotions to control your actions, you hurt many people including me! kung naging mabait ka baka nagustuhan pa kita" huling saad nito saka iniwan doon si Rovainne.

Dire-diretso itong lumabas sa aming silid. Naiwan naman si Rovainne na napatunganga sa kanyang kinatatayuan.

"wow that's quite a show, entertaining huh" mahinang saad ni Acxius na sapat lamang upang marinig ko.

Napailing na lamang ako.

Saan naman kaya pupunta si Ichiro?

Siguro ay magpapalamig muna ito, diretso na niyang nasabi kay Rovainne ang mga gusto nyang sabihin kaya siguro nakagaan na rin ito sa kanyang loob.

"Arghhhh!" malakas na sigaw ni Rovainne saka tinapon ang lahat ng notebook na makita niya.

Nakahinga ako ng maluwag nang lumabas na ito sa aming silid. Hindi ko talaga maintindihan si Rovainne, ganoon ba talaga ang nagagawa ng pagmamahal? Pakiramdam ko tuloy nakakatakot magmahal.

"hoy kanina pa kita tinatanong nakatulala ka dyan" kunot noong ani ni Acxius na nakapagpabalik sa akin sa huwesyo.

"ah sorry, don't mind me na lang mayroon lang akong iniisip" tugon ko saka pilit na ngumiti rito.

"Let me guess, you're thinking about Ichiro right?" nalukot ang mukha nito.

"ofcourse not why would I?" pagsisinungaling ko.

Alam kong alam naman nyang yon nga ang iniisip ko pero ayaw ko pa ring aminin baka mamaya kung ano pa ang maisip nya tungkol doon.

"coffee tayo" saad niya saka nagpamaunang naglakad.

Hindi pa naman ako pumapayag pero naroon na kaagad sya sa labas, desisyon masyado.

Nagpasya akong huwag na sumunod sa kanya, bukod sa tinatamad akong maglakad ay ayaw ko muna magkape sa ngayon, pampadagdag lang yan ng kaba.

"Hyactih" saad ni Yvette.

Lumapit ito sa akin kasama sina Xiana, Xyreign, Hailey, Katy at Khlouie.

Isa isa akong napatingin sa kanila. Ano naman ang kailangan ng mga ito sa akin?

"gusto ka sana naming makausap" saad ni Xyreign.

"tungkol saan?" nagtatakang tanong ko.

Parang ang importante ng sasabihin nila, kitang kita sa kanilang mga mukha.

"tungkol sa ranking at sa sinabi ni Rovainne kanina" si Hailey ang tumugon. "Alam namin sa sarili namin na we did our best lara makasama sa ranking pero natatakot pa rin kami na baka may error nga doon" dagdag pa nito saka tingnan ang iba pa.

"natatakot kaming mabigyan ng parusa lalo na at hindi naman talaga kami nandaya, wala kaming ginagawang masama Hyacith kilala mo naman kami at si Rovainne kilala mo rin sya kapag sinabi ay posibleng magkatotoo nga baka kung anong gawin at sabihin nya para maparusahan kami" nag-aalalang saad ni Katy.

Nagulat naman ako sa sinabi nila, ano naman ang magagawa ko tungkol doon? maging sa akin ay galit si Rovainne at baka madamay pa ako.

"wala akong magagawa tungkol dyan pasensya na" malumanay na saad ko saka sila tiningnan.

"Hyacith you can do something about it, you're a good friend of Ichiro and Rovainne loves Ichiro so you can talk to Ichiro para kumbinsihin si Rovainne na huwag nya na ituloy ang binabalak nya, please Hyacith it would be a big help for us" tugon ni Xiana.

Gagamitin pa nila ako para sa kapakanan nila hindi lang ako pati si Ichiro pero makakatulong din yon para hindi na dumami pa ang masaktan ni Rovainne.

"I'll see what I can do" tugon ko.

Hindi ko na inisip ang maaaring mangyari but as long as it can help them why not.

"thankyou" sabay sabay na saad nila saka ako tinalikuran.

Napalunok na lamang ako saka hinampas hampas ang ulo ko, natatangahan ako sa sarili ko bakit kasi hindi ako marunong tumanggi nakakainis!

"hey, hey why are you hurting yourself?" tanong ni Acxius.

Hindi ko napansing nakabalik na pala ito, mayroon siyang dalang dalawang kape at ipinatong naman nya sa armchair ko ang isa.

"may nangyari ba habang wala ako?" nagtatakang tanong nito saka sinimsim ang kanyang kape.

"wala naman gusto ko lang maalog yong utak ko baka sakaling tumalino pa" pagsisinungaling ko saka pilit na ngumiti.

Mas mabuting hindi na nya malaman, mas mabuting kami kami na lang ang makakaalam dahil baka makialam pa sya.

"if you say so" tugon niya saka nagpatuloy sa pag inom ng kanyang kape.

Hindi na lamang ako muling nagsalita pa wala na rin naman akong sasabihin at nakakatamad magsalita.

"si Ichiro nasa Library" pagwasak ni Acxius sa katahimikan.

Hindi ko siya tiningnan baka masyado na akong halata. Gusto ko magtanong pero baka sabihin niya napaka interesado ko naman.

Interesado naman talaga ako pero bawal ipahalata. Interested as a friend lang naman. No more reason.

"nakita ko sya roon holding a book" saad muli niya.

Pakiramdam ko tuloy ay nababasa niya ang naiisip ko at sinasagot nya yong mga tanong na naglalaro sa aking isipan.

I let out a heavy sigh saka inilabas na lamang ang brown na notebook kung saan nakasulat ang mga nakalap naming impormasyon.

Napakunot ang aking noo nang makitang hindi ko pa pala naisusulat doon ang mga sinabi ni Bryx o dapat ko pa bang isulat iyon? ilang buwan nya itinago at hindi pinaalam sa iba, siguro mas makabubuti kung hindi ko na lang muna isulat.

Para akong wala sa sariling binalik nanaman ang notebook sa loob ng aking bag saka nangalumbaba na lamang.

"naboboring ka na ba?" tanong ni Acxius. "gusto mo bang lumabas na muna para mahimasmasan ka naman?" ani pa niya ngunit umiling lang ako.

Tamad talaga akong tumayo, pakiramdam ko ay ambigat ng katawan ko at pagod na agad ako kahit na wala naman akong ginagawa lalo pa't maaga pa naman.

"hindi pa ba kayo lalabas para mag lunch?" tanong ni Katy.

Nagliligpit na sila ng kani-kanilang gamit at ang iba ay nagsilabasan na.

Napatingin naman ako sa Wall clock sa harap at nagulat ako nang makitang alas dose na pala.

"ambilis naman ata ng oras" saad ko saka napangiwi.

Napailing na lang ako saka kinuha ang gamit ko bago ito inilagay sa aking bag.

Hindi ko napansing nakatulog pala sa upuan si Acxius. Kaya pala walang nanggugulo sa akin dahil knock out sya.

"Acxius, acxius wake up!" paggising ko sa kaniya saka siya mahinang inuga.

"what?" nakapikit pa ito nang sabihin iyon.

"doon ka na sa dorm matulog, tara na" saad ko saka iniabot sa kanya ang kanyang bag.

Hindi naman na ito umimik pa.

Nararamdaman kong may nakatingin sa akin ngunit hindi ko magawang alamin pa kung sino iyon, nakatingin pa rin sya at parang inaaral ang bawat galaw ko. Tila nakasunod ito sa bawat hakbang ko, napalunok ako saka ipinagsawalang bahala na lamang ito.

Dumiretso lamang kami ni Acxius sa aming dorm. Sa aking palagay ay hindi ito napansin ni Acxius dahil parang wala pa ito sa sarili dahil kakagising pa lamang niya kaya naman hindi na ako nag- abalang magtanong pa sa kaniya.

"inaantok talaga ako, nakapagtataka dahil katatapos ko lamang uminom ng kape" saad nito nang makapasok na kami.

Humikab pa siya bago hinayaan ang kanyang sarili na mahiga sa kanyang kama.

"baka naman napagod ka lang"

"baka nga, o sya kung gusto mong magluto ng lunch go lang gusto ko na muna matulog dahil parang nilalamon ang mata ko" ani niya saka inayos ang pagkakahiga.

"kung aalis ka magpaalam ka sa akin para alam ko" huling saad niya bago niya tuluyang ipikit ang kanyang mata.

Inilapag ko na lang ang aking bag sa kama saka dumiretso sa banyo upang magpalit. Pagkatapos non ay naghanda na ako ng mga kasangkapan upang makapagsimula nang magluto.

Balak kong magluto ng sinigang lalo na't paborito iyon ng dalawa at tiyak na aayos ang pakiramdam nila sakaling makakain na sila nito.

Bigla pumasok sa aking isipan si Ichiro, bakit kaya hanggang ngayon ay wala pa rin ito?

"gising ka na pala, tamang tama at luto na ang sinigang" nakangiting saad ko.

Agad na dumiretso si Acxius sa lamesa saka nagsandok ng kanin.

"Eww! hindi ka man lang ba muna magt-toothbrush?" nakangiwing tanong ko saka ipinatong ang isang mangkok na sinigang.

Napakamot na lamang ito ng kanyang ulo ska pumunta sa banyo.

"oh ayan mabango na pwede na bang kumain?" tanong nito.

Tumango lamang ako.

Gusot ko pa naman sanang sabay sabay kaming tatlo na kakain ngunit nabigo ako dahil hanggang ngayon ay wala pa rin si Ichiro.

Mapait akong ngumiti saka nagsandok na rin ng makakain.

"ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin, ako na rin ang magtatabi ng para kay Ichiro" malumanay na saad ni Acxius saka iniligpit ang aming pinagkainan.

Nagpaalam akong lalabas na muna dahil wala naman akong magawa sa dormitoryo. Maglalakad lakad na lang muna ako wala namang klase ngayong hapon.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay natanaw ko si Ichiro, nandoon siya sa garden kung saan tahimik ang paligid. Napupuno ito ng mga magagandang bulaklak at harap ay mayroong fountain kung saan mayroong mga maliliit na isda.

Mag isa lamang syang nakatayo roon habang pinapanood ang paglangoy ng mga isda.

Gusto ko sana siyang lapitan ngunit nagdadalawang isip ako. Baka kailangan nya muna ng katahimikan kaya sya lumayo.

Minabuti kong huwag na lamang muna siya gambalain kaya dumiretso na lang ako sa Library upang magbasa ng libro.

---------------------

---------------------