Lumipas ang mga araw naging abala na ulit ang lahat. Si Vein ay may lipad pa Jakarta. Mawawala ito ng Ilang araw dahil may 24 hours layover sila. Even Clau has a flight to Japan today pero babalik din agad sa pilipinas. Nung nakaraan ay sa Lebanon ito. Si Jay naman ay balik na sa mga naiwang trabaho nya nung nagleave sya at umalis para sa business trip nya sa New York.Bumalik na rin si Dawn sa Chicago. He is still studying neuroscience in Chicago University. Umuwi lang naman ito para dumalo sa party ni Clau. While Gino is in his law school. Vaness is in her internship in St.Luke's hospital. And Xym? He's busy on monitoring their factories. Nasa factory nila siya sa bulacan para maggeneral inspection ngayon. It's their Monthly Inspection.
Nasa gitna sya ng magiinspection si Xym ng tumunog ang Cellphone nya. Inilabas nya ito.
'Claudlyn's Calling' tumatawag ito sa messenger nya.
"Ikaw na muna bahala dyan" bilin nya sa kasama nya. "I'll take this call"
"Sige,Sir" tumango ang assistant nya.
Lumayo sya sa mga ito saka sinagot ang tawag
"Napatawag ka? Di ba nasa japan ka ngaun? " sabi nya pagkasagot ng tawag.
"Oo.May itatanong lang ako."
"Ano yun?"
"May Facebook din ba si Xam?"
"Wala ata kasi ang alam ko mula ng makauwi kami dito sa pilipinas" namewang sya habang hawak sa kaliwang kamay ang cellphone "hindi na yun gumagamit ng cellphone.Bakit?"
"Ia-add ko sana sa group chat. Kaa-add ko nga lang sayo eh" she giggled
"Ahhh..."
Maya maya nagsimula na mag-ingay ang cellphone nya. Kaya inilayo nya muna ito mula sa tenga nya. Mabibingi sya sa ingay ng chat ng mga kaibigan nya.
"Ayan na. Nagsimula na mag-ingay" he chuckled "Sige na. Sige na. ibaba ko na to. Nasa trabaho ako eh"
"Ay, ganun? Sorry nakaisturbo ata ako"
"Hindi naman sakto lang. sige na ibababa ko na"
"Okay,bye" paalam nito saka ito na ang unang nagpatay ng tawag
Itinago na nya ang cellphone sa bulsa nya saka bumalik sa trabaho. Mamaya na nya babasahin ang mga chat ng kaibigan nya.
"Ano na nangyayari dyan?" tanong nya sa mga kasama ng makabalik sya.
"so far, maayos naman po lahat"sagot ni josh. Ang assistant general operating manager nya.
Nagikot pa sila sa ibang department para masigurado na maayos ang lahat kasi matatagalan pa ulit bago siya makabalik dito.
"I want all the paperworks in my office now. From manufacturing to deliveries." bilin nya saka tinalikuran ang mga ito at naglakad pa punta sa office nya.
Agad naman kinuha ng mga depertment head ang mga kailangan nyang papel saka dinala sa office nya. Every factories they have, he has his own office where he read and sign the papers. While he was waiting, he opened their new group chat
Claudlyn add Xymir in the group
Gino: Welcome to the Group, Xym!!!
Vaness: oy! Kasali na rin pala si Xym. Kakaopen ko lang
Dawn: ang ingay naman
Vaness: E'di isilent mo
Gino: Nasan na yung iba?
Natawa sya sa chat ng mga ito.
Emerald: Nasa trabaho kami ngayon
Luke: wish I can meet you Xym in person
Ralf: I'm in Canada right now. I have flight to Hongkong to Philippines later.
Reply nito kay Gino
Clau: free ba kayo this weekend?
He reply 'yup'
Dawn: I'm not. I have class
Bryan:Why?
Clau: Let's meet. Sa bahay na lang nila Gino. Total sya ang naghahanap satin
They replied 'Game'. Some are just 'G' and 'Okay'
He turn off his phone and put it aside when the door opened.
"Sir, ito na po yung pinapadala nyo" It's his Assintant, may dala-dala itong magkakapatong na papeles
"Just put it here" turo nya gilid ng lamesa nya "Thank you" Xym said before he started his worked load
His assistant bowed before he leaved. Binuksan nya ang laptop nya bago Kinuha ang isang folder na naglalaman ng mga detalye ng mga dumating na mga supply. Nagsimula na sya magtype sa laptop nya. Naging abala sya sa ginagawa nya kaya di nya namalayang hapon na.
Si Jay naman ay abala sa pagbabasa ng Report para sa upcoming project nila.
"Engineer?" kumatok ang secretary nya bago pumasok sa opisina nya.
"Yes?" Nagangat sya ng tingin dito.
"May meeting po kayo with Wynxi real state company by 3pm today." she inform him. t's already 2 pm.
"Who will be the representative?" sumandal sya sa sandalan ng swivel chair nya. I
"Ang alam ko po yung mismong acting CEO po ang makakausap nyo saka ung iba sa power house nila"
"Okay. Just ready the files needed then inform me again later. Tatapusin ko lang 'to" he gestured the folder he was holding earlier
When he's done. He prepare himself for the meeting. While he was waiting for his secretary, he opened his messenger to see if there's he is missing out. Kakabukas pa lang ng messenger nya, sunod-sunod na na dumating ang mga chat ng mga baliw nyang kaibigan.
Nagreply sya ng 'what's with weekend?' saka nagbackread ng kaunti.
Naghihintay sya ng reply ng mga kaibigan nang kumatok ang secretarya nya saka ito pumasok.
"They are all in the meeting hall now, Engineer" she inform him again.
"Then let's go" nauna na syang naglakad. nakasunod lang ito sa kanya.
Nang makarating sila sa Meeting hall pinagbuksan sya nito ng pinto sabay nang pag aanounce ng pagdating nya.
"Good Afternoon, Engineer" bati sa kanya ng mga taong nandun.
Pagkapasok nya, naagaw agad ng isang tao ang atensyon nya. Nakaupo ito sa kaliwang bahagi ng lamesa at nakatitig ito sa kanya. Hindi nya na malayan na napahinto sya sa pagpasok.
"Engineer?" tawag sa kanya ng secretarya nyang gumising sa kanya
"Huh?" bumaling sya dito
"Ayos ka lang po? Napatigil ka po" may pag-aalala ang boses nito.
"Y-yeah" tango nya saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa designated chair nya.
When he seated, he looked back to her again but her attention is not already at him now. It's already on the front now, where the presenter are. Tumayo ang isa sa representative ng WRSC.
"Good afternoon, everyone. May I introduce our acting CEO, Miss Wynter Fei Collin" tumayo ang taong kanina pa nya tinitingnan.
"Good Afternoon" tumingin ito sa lahat bago tumingin sa kanya. "And to you too, Engineer Romualdez" tango nito sa kanya bago naupong muli
Kanina pa nya ito tinititigan pero hindi inaasahang magugulat pa sya pero hindi nya iyon ipinahalata kaya tanging tango lang ang naisagot nya dito habang walang emosyon ang mga mata.
Bumaling sya sa mga nasa harapan "Shall we start?" Tanong nya sa presenter.
"Sure, Engineer" sagot ng presenter saka sinimulan ang presentation.
"So we are here to discuss the design and the duration of this project. There are four design. You have copy in your tables already"wika ng presenter kaya tiningnan nya ang folder na nasa table nya "And I already sent it to Engineer Romualdez and Miss Collin through email"paliwanag nito.
The first design is a two storey parallel building. Second, a five storey building in L shape. Third one, Still five storey but a single building with connected bridge in third floor of the building. And the last one, a three storey building with three wings. It's more look larger than the other.
"The duration of this project will be depend of the design that will be choosen"
The presentor continue discussing every detail to them. And him? He try his best to focus in their meeting.
He uttered when the presenter asked him"Miss Collin will decide." He looked at her.
"I will consult it to my father first before I decide."she said while looking to the folder she's holding "I will tell you our decision next meeting " then she look at him
"Oh!Sure, Miss Collin."he retorted " if that's all. Meeting adjourned" he announced.
Nag kanya-kanya ng ng labas ang mga taong nandun. Sinadya nyang magpahuli sa paglabas.
"Sir, Hindi pa po kayo aalis?" his secretary asked him
"No, not yet. You can go first" he said while staring at Wynter.
Nang makita nya na tumayo si Wynter, tinawag nya ito
"Wynter, can I speak with you?" formality is long gone now. "Please" ibinuka nya ang mga braso nya para bang naghihingi ng yakap
Pinanlakihan naman sya ng mata nito saka tumingin sa paligid. Buti na lang , silang dalawa na lang ang natitira sa kwarto na yun. Lumapit ito sa kanya para hampasin siya sa braso
"Are you nuts?" pa bulong na singhal nito sa kanya.
"Aray ah" hawak niya ang brasong hinampas nito "Nakakasakit ka na ah"
"Wag mo na ulitin ang ginawa mo kanina, huh? Ayaw kong isipin ng mga tauhan naming na kaya yung kompanya nyo pinili namin sa project na ito dahil magkaibigan tayo." Singhal nito sa kanya.
"Okay, fine" itinaas nya ang dalawang kamay sinyales ng pagsuko nya.
Inirapan lang sya nito saka tumabi sa kanya ng pagkakasadal sa lamesa.
"Kamusta ka na? long time no see." Binalingan niya ito na may ngisi sa labi "Tagal mo ring nawala ah. Apat na taon"
Nag kibit balikat lang si Wynter "I got an emergeny. That's why" she shrugged then look at him"Kayo ni Xam, Kamusta?"
"We got broke up a year after you disappear" nagkibit balikat rin sya.
Ikinagulat ni Wynter ang mga sinabi ni Jay."Do you mind if I asked why?"
Umiling sya bago sumagot " it's my fault. I made a wrong decision" bumaling sya dito " but we're okay now"
Napatango tango na lang si Wynter pero halata sa mukha nito na may iniisip na malalim.
"Kababalik lang rin nila ng pilipinas last month ng pilipinas" Dugtong ni Jay."Ikaw?kilan ka pa nakabalik?" Umaayos sa pagkakatayo si Jay "Saan ka nag punta?"
"Last week lang pero baka bumalik rin kami agad sa Washington pag nagawa ko na ang dapat kong gawin" tumingin si Wynter sa kanya. "May tanong ako" may katanungan sa mga mata ni Wyntee
"Ano yun?" tanong nya habang nakapamiwang
"If ever na malaman mong…"malikot ang mga mata nito.
"Malaman ko ang ano?" curious nyang tanong.
"Ano…may—" natigil sa pagsasalita si Wynter ng tumunog ang phone nito "Excuse me" sabi nito bago tumalikod at lumayo sa kanya ng konti. "Hello?...yeah, I'm still here, why?...what happen?"Bigla nagbago ang tono nito–napuno ng pagaalala ang boses nito. "What!?...okay.okay. I'll be there in a minute"saka nito iibinaba ang tawag. Nagmamadali nitong kinuha ang bag.
"What happen?" tanong nya.
"I need to go now" paalam nito ng hindi sinasagot ang tanong nya saka derederetsong lumabas ng hall
Iniwan syang naguguluhan. Napabuntong hininga na lang syang lumabas ng hall.
"What wrong with her?" bulong nya na wala sa sarili habang kinukuha ang mga folder sa table nya.
Sa kabilang panig ng mundo. Kakalapag lang ng eroplanong sinasakyan ni Vein.
"Sa wakas, nakalapag din" inistrength nya ang kaliwang braso nya at likod.
It's already midnight in Jakarta. Kakalabas lang nya ng eroplano.
"Tara na, Captain. Nandyan na daw ung service natin" sabi ni Miles ang Head Attendant ng flight.
"Tara na" aya nya sa mga co-pilot niya.
Sabay sabay silang naglakad palabas ng airport.
"Ang gwapo talaga ni Captain, noh?" one of the attendant giggled.
"Kaya nga eh. Kaya lang mukhang taken na" bulong pabalik naman ng isa.
Buti na lang ay nasa hulihan sila Vein kaya hindi nito naririnig ang pinaguusapan ng dalawang flight attendant
"Balita ko, may girlfriend na yan eh"
"Wehh? Hindi ko alam yan."
"Tama na nga yan. Yan ba ang ipinasok nyo? Ang magchismisan?" saway sa kanila ni Miles na nasa likod lang pala nila at naririnig ang pinaguusapan ng dalawa.
"Sorry po, Ma'am"hingi ng paumanhin ng dalawa.
Sa likod naman ay nagkwekwentuhan din sila Vein at Ranz, yung kaibigan nya na kausap nya noong birthday ni Clau.
"Ano,bro. nahanap mo na ba?" tanong nito sa kanya.
Nalaman nito ang tungkol sa babaeng hinahanap nya nang bigla nya itong iwanan kahit naguusap pa silang dalawa noong birthday ni Clau.
"Hindi pa, Bro eh" umiling sya "Wala rin akong oras para hanapin sya. Lagi akong may flight eh"
"Sayang naman kung ganon" may nakakaloko itong ngiti "Maganda ba?"
"Hahanapin ko ba kung hindi?" sarcastic nyang sagot
"Sabi ko nga"natatawang bulong ni Ranz
Hanggang sa makasakay sila sa service nila ay yun pa rin ang pinaguusapan nila. Lumipas ang ilang minuto, nakarating na sila sa hotel na tutuluyan nila para sa 24 hours layover nila. Dalawang malaking kwarto ang sakop nila ang mga pilot at ibang lalaking flight attendant ay sa kwarto nila. Ang kada kwarto ay may tatlong queen size na kama. Pinasadya talaga ang kwarto na yun para sa mga piloto at attendant na maglalayover.
"Sasama po ba kayo mamaya, Cap" tanong isa sa male flight attendant sa kanila habang may hinahanap sa bag.
"Bakit? Ano meron?" tanong ni Ranz
"Magiikot daw po sila eh" sagot nito
"Hindi." Umiling sya "Dito na lang ako. Gusto ko magpahinga muna nakakapagod ang flight." Kinuha nya ang maleta para kumuha ng pamalit. "Shower lang ako." paalam nya
Tumayo na sya para pumasok sa bathroom. Inilagay na muna ang mga damit sa may marmol sa lababo bago pumasok sa loob ng shower. Nang matapos sya, agad na syang nagbihis ng simpleng t-shirt at grey jagger pants. Pagkalabas nya naabutan nyang tulog na ang iba nilang kasamahan. Pumalit naman sa kanya si Ranz sa Bathroom.
Ibinagsak nya padapa ang sarili sa kama.
"Hayy…sarap mahiga" Tumihaya sya ng higa bago kinuha ang cellphone na chinarge nya kanina.
Pagkabukas nya ng data nya. Sunod-sunod na nang dumating ang mga previous chat ng mga kaibigan nya.
Jayden: what's with weekend?
Luke: Tambay.
Clau: Isama mo na rin si Xam, Xym
Xymir: Sige. I'll try.
Marami pa iyon pero hindi na nya inisa-isa.
Nacucurious talaga sya kung sino ang Xam at Xym na yun kabinuksan nya ang profile ni Xym. Ngunit bigla syang napaupo sa gulat ng makita ang profile picture nito. Ito yung kasama nung babae sa mall. Ito rin yung kumanta sa birthday ni Clau. Binuksan nya ang photos nito. Ang ibang photos nito ay mag isa lang ito. Kinunan iyon sa ibang bansa. Nagscroll pa sya hanggang sa makita nya ang babaeng hinahanap nya na kasama ni Xym. Napakaganda ng mga ngiti nito–Naaakit sya
Aba'y akalain mong kaibigan ka rin pala ng pinsan ko. Sa isip isip nya.
"Xam pala ang pangalan mo.." wala sa sariling bulong nya habang ngiting ngiti.
Nag-scroll pa sya sa ibang picture. Ang iba na solo lang ni Xam ay isinave nya sa phone nya. Hindi mawala Ang ngiti nya hanggang sa makatulog sya
To be continue
'Every smile has a reason'