"Wala ka atang flight ngayon at nangugulo ka sakin?" Tanong ni Jay sa katabi nya.
"Paano ba manligaw?" bilang tanong nito habang nakatulala kung saan. Problemado-peoblemado ang mukha.
Nasa Bahay ni Jay si Vein ngayon. Hindi nya alam kung ano ba ang pakay nito sa kanya. Basta pagka gising nya ay nasa sala na nya ito. Nakaupo at nakatulala. Halatang malalim ang iniisip.
"Huh!? ikaw manliligaw?!" Gulat na napalingon sya sa katabi "Sino namang malas na babae yan?" exaggerated pero pabirong niyang tanong
Tiningnan sya nito ng masama habang nakabusangot pa rin ang mukha.
He chuckled "Okay okay" pagsuko nya. itinaas pa nya ang dalawa nyang kamay. "Sino ba kasi yan?" Humarap sya ng upo dito. Malumanay na ang pagkakasabi nya ngayon.
Humarap rin ito ng pagkakaharap sa kanya.
"Kilala mo sya" sagot nito sa kanya. "Nakasama mo na sya dati"
"Kilala ko?"nangunot ang nuo nya "Si Emerald?" Umayos sya ng pakakaupo " Si Riza?" Yung katrabaho nya na dati nitong crush.
Umiling si Vein.
Naputol panandalian ang usapan nila ng Tinawag sila ni Manang Lita.
"Sir, nakahanda na po yung breakfast nyo" Anito.
Nilingon nya ito."Sige po, Manang"nakangiting sagot nya saka binalik ang tingin muli kay Vein "Tara, Dun na natin pagusapan yan sa hapag kainan" tinapik nya ang braso nito bago tumayo at naglakad papunta sa dining area. "Nagugutom na ako" he chuckled.
Sumunod naman sa kanya si Vein.
Naupo si Jay sa Kaliwang parte ng 8 seater table. Si Vein naman ay Umupo sa kanang parte ng lamesa.
Naglagay si Jay ng pagkain sa sariling plato. "Eh sino?"tanong nya ng matapos maglagay ng pagkain sa plato.
"Si Xam" Vein answered while putting some Hotdog in his plate.
Natigilan si Jay sa narinig. Ang akma nyang pag-inom ay hindi natuloy. Imbes ay napalingon sya dito.
"Si X-Xam?" Nauutal na wika nya habang wala sa sarili. Ayaw nya ipahalata dito ang gulat nya kaya pilit nyang inayos ang sarili pero tumatakas pa rin ito.
"Hmm-hm" Vein hummed while chewing his food "I'd been seeing here for almost two months." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Pero hindi pa ako makadiskarte eh." he shrugged. "Kaya magpapatulong ako sayo" He chuckled.
Maraming tumatakbo na katanungan sa isip ni Jay. Maraming 'Bakit' at 'Paano' pero di nya maisatinig.
Napansin naman ni Vein ang biglaang pagkakatulala ni Jay " You okay?" tanong nito. "Bakit?" Iwigayway pa nito ang kamay sa harap ng mukha ni Jay.
Doon nagising si Jay mula sa pagkakatulala. Hindi nya namalayan na natulala na sya sa dami ng iniisip.
"Ha?"
"Sabi ko 'Ayos ka lang ba?"
"Ha? A-Ayos lang ako." Pilit nyang inaayos ang sarili "B-Bakit naman hindi?" he tried to smile while trying to look away.
"Bigla ka na lang natutulala jan eh" He shrugged.
"By the way, What are you saying about Xam?" Pagiiba nya ng usapan. "Kailan mo sya nakilala?"
Nakahinga sya ng maayos ng bumalik na ito muli sa pagkain.
"How long do i know her? Naaalala mo yung sinabi ko sayo na babae na nakabungguan ko sa Mall?"Sabi nya bago sumubo "She's that girl that I've looking for. Kaya patulong ako since you got friends with her first. " Sabi ni Vein nang maubos ang pagkaing nasa bibig "Ano ba ang gusto nya sa isang lalaki? Marami ba syang naging manliligaw dati?Ano ang alam mo about sa kanya?" Tuloy tuloy na tanong nito.
Madami pa itong tinanong kanya. Maayos naman nyang nasasagot. Pero ang huli ay ang pinaka ikinagulat nya.
"Did you know her ex-boyfriend?"
Napatanga siya sa tanong niyo. "Ha?"
May alam kaya sya??Ano ang alam nya tungkol sakin?? sa isip-isip nya.
"Nabanggit kasi ni Emerald noong Welcome party"paliwanag nya ng mapansing natahimik si Jay "Tapos pinutol naman ni Xam kaya hindi na rin natuloy" He shrugged.
Nakahinga sya ng maluwag sa narinig.
"Ahhh..."
"So,Kilala mo nga?!" there's a uncertain emotion in Vein's face.
He don't know if it is joy because of his smile or Sadness because of the expression of his eyes. But he just shrugged it.
"Hmm...not really" he shrugged
"Tell me something?" Vein faced him and urged him to talk
"Ang alam ko lang ay masyado syang gago para lokohin si Xam." there's a pang in his chest while talking. Nangilid ang luha nya ng maalala ang ginawa nya kay Xam noon "He don't deserve her."nanginig ang boses nya "He's such an asshole to do that" a lone tear stream his cheek unconsciously. "He's just like me an asshole—who will do that"
"Hey, what's wrong with you?" natarantang tanong ni Vein kay Jay ng makita ang luhang tumulo mula sa pisngi ni Jay.
Bintawan ni Jay ang mga hawak saka agad na pinunasan ang luha nya "Nothing" he tried to smile "I'm okay"tumawa sya para mapiggilan ang luhang nagbabadya na naman "I'm really fine" pero pagkasabi nya nun ay nagtuluan na naman ang mga luha nya.
"Hey!" Napatigil si Vein sa pagkain "Hey ayos ka lang ba talaga?"he asked worriedly.
Nakatakip na ang dalawang palad ni Jay sa sariling mukha habang umiiyak ng tahimik. Nakaramdam sya ng awa sa lalaking nasa harapan nya ngayon. Ang lalaking nakilala nya years ago.
Base sa mga sinabi nito ay may pagkakahawig ang nangyari dito at ginawa ng Ex ni Xam.
Alam ni Vein kung gaano kamahal ni Jay ang ex-girlfriend nito na kahit minsan ay hindi nito nasabi sa kanya ang pangalan o kung sino man ito. Basta ang alam nya pagnaaalala o may nagpapaalala dito tungkol sa ex-girlfriend ay nagiging emosyonal ito. At alam nyang mahal pa rin ni Jay ito. Kasi kung hindi, Hindi dapat ito nasasaktan ng ganito ngayon. Alam nya na ang kaibigan ang may kasalanan sa nangyari dito at sa ex-girlfriend nito pero may dahilan ito para gawin yun.
Vein is 2years older than Jay kaya parang Nakakabatang kapatid na ang turing nya dito.
Nakilala nya ito noong nagkayayaan gumimik ang mga kaibigan nya bago pa nya makilala ang buong grupo nya ngayon. Day off nya noon kinabukasan kaya pumayag syang sumamang mag bar. Nasa gitna sya ng pakikipagusap ng makita nya itong nagwawala sa may counter dahil ayaw na ito bigyan pa ng alak ng bartender dahil lasing na lasing na ito. Nagpaalam sya sa kausap at pinuntahan ito.
Sa pangalawang pagkikita nila ay nalaman nya na kaibigan ito ng pinsan nya kaya naman pinilit nya ang makipagkaibigan rin dito. Noong una ay pinagtatabuyan sya nito. Kasi kada magiinom ito ay sumasama sya o Bigla-bigla na lang sya lilitaw sa harap nito. Halos araw-araw ito kung mag-inom noon kaya ganon sya kapursigido mag-close dito para mapigilan nya ito—gawa na rin ng pakiusap ng pinsan nya sa kanya.
Hinintay nya hanggang sa bumuti na ang lagay nito bago nagsalitang muli
"Tama na nga. Kung alam ko lang ay sana hindi ako nagtanong pa" Bulong niya bago bumalik sa pagkain "Tama na at kumain na tayo"
Sa totoo lang ay naaawa sya dito. Marami na itong napagdaanang masasakit at mahihirap—siya mismo ang nakakita nun.
Wala na ni isa sa kanila ang nagsalita pa matapos ng nangyari . Pinagpatuloy nila ang pagkain hanggang sa matapos sila.
Nasa Entertainment room sila ngayon—nagmomovie marathon ng action movie.
"How was you with wynter?" Tanong nya makalipas ang ilang minuto
"We're fine" sagot ni Jay habang nakasandal sa sandalan ng sofa. Ang mga mata ay nasa screen.
"eh yung bata?"nilingon nya ito.
"Ayun…makulit pa rin." he shrugged "Binibisita ko pag may free time ako. Kadalasan dun na ako nagpapalipas ng gabi kasi ayaw na ako paalisin nung bata" Jay chuckled when he remember how they met each other.
"Eh Kayo nung Nanay?Wala ba talagang pag-asa?" pabirong tanong ni Vein.
"Alam mo naman ang dahilan, di ba?" Jay looked at him in sideways with a small sad smile.
"Hayyss...bahala ka nga. Kawawa naman yung bata. Kasi syempre, Naghahanap din yun ng buong pamilya"
"Magtutupad din yan someday"Rinig nya bulong ni Jay.
Agad na itong bumalik sa panonood. Gusto man nyang magtanong kung ano ang ibig sabihin nito pero nararamdaman nyang ayaw nito pagusapan kaya hindi na nya tinuloy. Bumalik na rin sya sa panonood.
Nanatili pa sya ng konti sa bahay ni Jay bago nagpaalam na uuwi na. Nagtanguan pa sila bago sya sumakay sa kotse nya at pinaharorot iyon paalis.
Naiwan namang nanlulumo si Jay sa may pintuan ng bahay nya.
"Sir. Ayos lang po ba kau,sir?" Tanong sa kanya ni manang ng makita sya nitong nakasandal sa hamba ng pinto at tila nanghihina.
Umayos sya ng pagkakatayo bago ito nilingon. "Opo, Manang. Nadrain lang ho sa usapan namin ni Vein. Dami nya hong tanong." Napakamot sya sa batok.
"Narinig ko kanina ang usapan ninyo ni Vein sa hapag-kainan—Kailan mo sasabihin sa kanila ang kondisyon mo?" may pag aalala ang boses nito.
"Hindi ko po alam, manang. Ayoko pa sa ngayon" Sabi nya saka tumingin ulit sa tanawin mula sa kinatatayuan nya. Malungkot ang tono ng boses nya."Ayaw kong makita silang nalulungkot kahit buhay pa naman ako"
"Pero Kailangan nila malaman. hihintayin mo pa bang magcollapse ka na lang sa harap nila na wala silang kaideideya kung ano ang nangyayari sayo?"
"Ewan ko po, Manang. May balak naman po ako sabihin kaya lang hindi pa talaga sa ngayon. Saka tumagal ako ng halos apat na taon mula ng mangyari yun "
"Ay, Ewan ko sayong bata ka" napakamot na sa batok ang kausap nya. "Dyan ka na nga" pagsuko nito sa argumento nilang dalawa.
'Sana talaga ay hindi pa sa ngayon. Mahabang panahon ang sinayang nya sa ginawa nya. tatlong taon na ang nakalipas.' Sa isip-isip nya ' Ngayon ko pa lang sinusulit ang panahong nalalabi sa akin. Ngayon ko pa lang sya nakakasamang muli' Napabuntong hininga sya sa iniisip.
Umalis sya sa pagkakasandal sa pinto saka naglakad papunta sa kwarto nya. Balak nyang maligo kaya dumeretso agad sya walk in closet nya para kumuha ng damit.
Nasa gitna sya ng pagkuha ng pants nang biglang magring ang cellphone nyang nasa likurang bulsa ng short nya. Inilapag nya ang hawak na pants para kunin iyon.
"Hello?" sagot nya sa tawag ng hindi tinitingnan ang caller's id
"Hello?"
Nanlaki ang mata nya ng marinig ang boses ng tumatawag. Inalis nya iyon sa tenga saka tiningnan iyon. Napakurapkurap sya ng makita kung sino ang tumatawag.
It's Xym's number meaning ang kausap nya ay si Xam. Agad nyang binalik sa tenga ang cellphone nya.
"Xam?! ikaw pala yan!?" halata sa boses nya ang gulat sa pagtawag nito
"Gulat na gulat?" natatawang sabi ng kausap.
He chuckled "Not really. Just a little bit" he gesture like Xam can see it. Namiwang sya. "Di ko kasi tingnan kung sino ang caller kaya nagulat ako ng boses mo ang narinig ko" He laughed a little bit. "By the way, Napatawag ka?" Nakangiting tanong nya.
"Wala lang. Bakit masama na bang tawagan ka ngayon?" pagtataray nito sa kanya.
"Hindi naman. Kilala kita. Hindi ka tatawag kung wala ka talagang sasabihin."Nakapamewang pa rin sya. "Spill it out. What is it?" He urged her
"Uhmm.."she hesitated "kasi if ever you are not busy this coming Sunday"
"Uh-huh?"he nodded
Xam continued "Ahmm...we are having a party here in our house. I want to invite you sana..." nahihiya nitong tanong.
Alam kasi ni Xam kung gaano sya ka-busy this past few days.
"Hmm...I'm not really that busy right now so....yeah....i can attend" he answered "And what's with the party? What's the occassion" Alam nyang hindi basta basta nagdaraos ng party ang pamilya ni Xam kaya ganon na lang ang pagtataka nya.
Ipinagpatuloy na nya ang pagkuha ng mga damit nya.
"It's actually our Advance Birthday party"
Nanlalaki ang mga matang napatigil sya sa paghahalungkat ng closet nya.
"What!?"gulat na sigaw nya. kaya nailayo ng kausap nya ang cellphone mula sa tenga.
"Ang sakit sa tenga ha?" Singhal nito sa kanya. "Wag ka ngang sumigaw! nakakabingi eh!" Sigaw rin nito sa kanya kaya nailayo nya rin ang cellphone sa tenga.
Natawa sya"Okay, Sorry" pagsuko nya rito "Sorry na. okay?"
"Okay. So yun nga. Pupunta ka ba o hindi?" Tanong nito sa kanya. wala na ang Xam na mahiyain kanina.
Ang bilis talaga ng mood swing nito. sa isip-isip nya
"Oo na po. Pupunta na po ako, Madam" pabiro nyang sagot dito. "Mamaya bugbugin mo pa ako pag hindi ako pumunta eh" bulong pa nya.
"May sinasabi ka?" nakataas na ang kilay ng kausap.
"Wala..."tanggi nya "Sabi ko, Makakapunta ako." he chuckled" Ano gusto mo regalo?" pagiiba nya ng topic.
"Ikaw na bahala...basta pumunta ka"
"Okay. Ikamusta mo na lang ako sa Kakambal mo"
"I will" Sagot nito.
"Bye"
"Bye" Paalam nito bago pinatay ang tawag.
Ang kaninang malungkot na mood nya ay napalitan ng labis na kasayahan. Iba talaga ang Epekto sa kanya ng boses ni Xam kahit noon pa.
Ipinagpatuloy nya ang ginagawa habang hindi matanggal ang ngiti sa mga labi nya hanggang sa pagligo at paghahanda sa lunch meeting nya.
"Ingat, Jay" paalam sa kanya ni manang. "Drive safely"
"Opo, Manang. Salamat po" sagot nya bago sumakay sa sasakyan at pinaharurut iyon paalis palabas ng Village nila.
To Be Continue....
'Too close for comfortable'