webnovel

Chapter 9

"Sssshh....tahan na." Imbis na tumahan ay lalong lumakas ang pag iyak ko. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang aking nararamdaman, siguro dahil matagal kong kinimkim ito. Lumipas ang ilang minuto at gumaan ang pakiramdam ko kaya naman humiwalay na ako sa kan'ya. 

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Ngayon ko lang napansin na naka suot siya na pang laro. May suot pa siyang cap na may logo ng tiger sa gilid.

"May laro kami dito ikaw? Bakit ka andito?"

"Sinamahan ko yung mommy ko na mag donate ng mga stuff's sa orphanage." Bumaba ang tingin ko nang maalala nanaman ang mga nangyari. May kung anong kumirot sa bandang puso ko, pinigilan kong umiyak ulit.

"Alam mo ba ang papunta dun?" Umiling ako, narinig ko ang pag buntong hininga niya. "May dala kang cellphone?" Mabilis akong tumango at tumingin sa kan'ya. "Text mo mama mo ipapahatid nalang kita kay Kuya. Wait tetext ko siya." Nagulat ako ng kuhain niya ang cellphone niya. 

"Huwag na please! Kaya ko naman umuwi eh. Saka ayokong makita niya ako na ganito." Napaisip pa siya at parang nag dadalawang isip na payagan ako.

"Sama ka nalang kaya sa'kin? Ako ng lalaro maya maya ... manood ka lang tapos sabay ka nalang sa akin umuwi." Mabilis akong tumango at sumunod sa kaniya. Ginawa ko ang sinabi niya na itext ko ang mama ko.

'Im watching something mom, you can go na and please don't wait for me i just need some fresh air.'

Nandito kami sa isang mini court maraming tao at maraming manlalaro. Sobrang init at pinag papawisan na ako. Naramdaman ko na may nakapatong sa ulo ko dali dali ko yung kinuha. Nakita ko na wala na yung cap ni migo kaya naman na realize ko na sa kan'ya pala ito. 

Bigla niya akong hinigit at pinaupo sa hindi kainitang pwesto.

"Dito ka lang, kukuha akong tubig." Mag sasalita na sana ako nang mabilis siyang tumakbo. May sakit ba siya? Bakit parang sobrang bait niya. Bumalik na siya at umupo sa tabi ko. Napansin ko na kinakabahan siya, ganiya ba kapag kinakabahan? Nagiging mabait? Hinawakan ko ang kamay niya na kanina pa nag nangingilig. Kaya naman gulat siyang tumingin sa akin.

"Para hindi ka kabahan," kalmado kong sabi. Naramdaman ko na nagiging okay na siya. "Okay na?" Pulang pula na ang mukha niya ng makita ko siya. Siguro dahil sa init ng araw, saglit pa siyang tumitig sa akin at umiwas ng tingin. Katahimikan at namagitan sa'ming dalawa. Todo supporta naman ang mga tao sa kanilang pambato. Napatingin ako sa pangalang nasa likod ng t-shirt ni Migo.

"Yvo," i whispered. Tumingin naman siya sa akin at nag tataka kung bakit ko siya tinawag. 

"Bakit?"

"Nothing i just.... noticed your back, the name i mean." Tumingin pa siya dun at mahinang tumawa.

"Nakakasawa na yung Migo eh kaya Yvo naman." Bigla akong napangisi sa naalala ko. Sa sobrang inis ko non sa cafeteria hindi ko sinasadyang ikumpara ang pangalan niya sa salitang bobo. "Bakit ka tumatawa?"

"Wala lang Yvo." May pagka diin ang pag kakasabi ko ng pangalan niya. Nakatitig nanaman siya sa akin. Tinaasan ko siya ng tingin. "Oh ano?" Umiwas siya ng tingin at itinuon ang mata sa harapan.

"GO KIO! GO KIO! GO KIO!"

"GO USTA!"

"GO USTA! GO USTA! GO USTA! GO! GO! GO! GO!"

Iba't iba ang pag che-cheer na ginagawa ng mga tao dito nang si Kio na ang sumunod na lumaro. Agad naman siyang dumako sa kina-uupaan namin pero bigla siyang natigilan nang makita ako. Nag pabalik-balik naman ang tingin niya sa aming dalawa na parang nag tataka kung bakit kami mag kasama.

"Mali yang iniisip mo," saad ni Migo. Agad naman na lumapit sa amin si Kio.

"Wish me luck ha! Pustahan natin huwag mong kakalimutan!" Agad siyang nakipag kulitan kay Migo. "Hello Ruth! Ikaw na muna inspiration ng kaibigan ko ha! Kailangan niyang manalo!" Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, agad naman siyang tumakbo nang kukurutin sana siya ni Migo.

"PLAYER 07 FROM NATIONAL UNIVERSITY! LET US CALL IAN!" the energetic announcer said. "PLAYER 10 FROM UNIVERSITY OF STO. THOMAS! LET US CALL KIO!" Mag sisimula na ang laban at mukhang seryoso naman si Kio nang makatapatan niya ang kalaban niyang taga N.U.

"GO NATIONAL U! GO NATIONAL U! GO NATIONAL U!"

"GO IAN! GO IAN! GO IAN!"

"HEY N.U LET'S GO! GO BULLDOGS! GO BULLDOGS!"

"GO USTA! GO USTA! GO USTA! GO! GO! GO! GO!"

"GO KIO! GO KIO! GO KIO!"

"KIO KAPAG DI MO GINALINGAN MALALAGOT KA SA'KIN!" pag babanta ni Migo.

Maganda ang kinalabasan ng laban, kapag nakakapuntos si Kio nakakapuntos ang kalaban. Nang nakakuha ng 4 points na si Kio biglang nag sigawan ang mga tao na nangangahulugang panalo siya sa unang laban. Nag sunod sunod ang panalo niya at sunod sunod din dumami ang mga tao. Napansin kong naka pikit si Migo siguro nag dadasal. Dahan dahan niyang binuksan ang mga mata niya at tumingin sa akin. Binigyan niya ako ng ngiti na nag dulot sa akin ng kaba, iba ang dating ng ngiti niya ngayon.

"NEXT PLAYER. YVO SANTOS FROM UNIVERSITY OF STO. THOMAS"

Nag simulang umingay ang mga tao. Tinanggal niya ang mata niyang nakatitig sa'kin.

"Ikaw ang malalagot kapag natalo ka Migo," saad ni Kio pero hindi naman siya pinansin nito.Tumingin pa siya ulit sa akin."Doc kapag nahimatay yung kaibigan ko ikaw na bahala ha!"

" O.A mo," singit ni Migo. Tumingin siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Nagulat ako sa ginawa niya, close ba kami para guluhin niya buhok ko ha?! "Laro na ako," pag papaalam niya. Tumayo siya at hindi na ako hinintay pang mag salita. Nag simula na ang laban, kitang kita ko sa mga mata niya kung gaano siya kaseryoso at ka-kabado. Hindi naging maganda ang laban dahil laging nakakapuntos ang kalaban. Kung minsan ang serve niya ay hindi maintindihan o kaya naman hindi niya napapalo ang tennis ball. 

Nag bigay ng time out ang announcer agad naman na umalis si Kio para humingi ng tubig. Napakamot sa ulo si Migo nang makita niya ako, hiyang hiya siguro dahil ganon siya mag laro. Kitang kita ko ang lungkot niya nang tumabi siya sa tabi ko. Rinig na rinig ko ang buntong hininga niya kaya naman ibinigay ko ang tubig na ibinigay niya kanina sa'kin. Tinanggap niya 'yon at ininuman. 

"Bawi ka, kaya mo yan." Yun lang ang tangi kong sinabi bago siya tumayo. Nagulat pa siya at unti unting namula ang mga pisnge niya. Kakabalik lang ni Kio, may dalang tubig. Napakamot siya sa ulo nang makitang nasa court na ang kaibigan niya. Tinigan ko ng mabuti si Migo, kitang kita ko na domoble ang pagiging seryoso niya. Naging maganda ang laban at nakakuha agad siya ng puntos. Bumalik sa sigla ang mga tao, hindi ko naman maiwasan ang matuwa. Bigla akong hinigit ni kio para tumayo. Napapasabay ako sa pag sigaw niya nang tumagal ang bola sa court. Naging mainit ang labanan nila lalo na sunod sunod na panalo si Migo at itong set ay huli na niyang laro.

"GO USTA!!"

Nakikisabay na ako sa sigawan ng mga tao dito. Natutuwa ako sa araw na ito, ang kaninang nararamdaman ko ay napalitan ng saya. Hindi ko itatanggi pero gumaan ang loob ko nang dinala ako niya ako dito. Natapos ang laban at nanalo si Migo agad siyang pinuntahan ni Kio at dun nag yakapan sila. Habang nag lalakad patungo sa kanila hindi ko maiwasan ang mapangiti. 

"Sabi ko saiyo eh kaya mo! Mana ako saiyo eh!" Rinig kong sabi ni Kio. Tinawag ng ibang player si Kio kaya naman kaming dalawa lang ang naiwan ni migo.

"Congrats," iyon lang ang tanging lumabas sa bibig ko

"Thanks... ah gutom ka? Kain na muna tayo tapos iuuwi kita." Tumango ako at agad namang sumunod sa kan'ya. Napatigil ako nang makita ang sasakyan namin. Isa siyang bus na may tatak na growling tiger na nangangahulugang sa U.S.T ito! So dito niya ako pasasakayin? Ano nalang sasabihin ng mga tao sa loob? 

Napansin niya ata na nakatunganga ako kaya naman nagulat ako ng bigla niya akong bigyan ng mask, bakit ba lagi siyang may dala nito! Mas mabuti na din toh para di ako makilala sa loob. Sinuot ko na agad ang mask at mabilis na sumunod sa kan'ya.

"Sana ol!" mapang-asar na bungad sa amin. Kinuha niya ang kamay ko at inilapit sa kaniya. 

Narinig ko ang pag tawa niya bago mag salita." Mga sira ulo talaga kayo!"

Saktong pag kaupo namin sa pinakadulo ng bus ay ang pag andar nito. Nakatingin lang ang mga mata ko sa labas. Naramdaman ko na bumigat ang aking kaliwang balikat na nag pakabog ng tibok ng puso ko. Amoy na amoy ko ang pabango niya kahit na pawisan na siya. Hinayaan ko nalang siya, siguro dito ako makakabawi sa kan'ya sa lahat ng ginawa niya para sa'kin ngayong araw. 

Naramdaman ko na may kamay na nakapatong sa akin.Bakit nakahiga ako sa hita niya? Mabilis akong bumangon at nauntog pa sa baba niya. Ngayon ko lang nalaman na nakatulog din pala ako!

"Aray!" pag sigaw niya.

Agad akong nag panic nang bigla siyang tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin at umakto na para bang walang nangyari. Tumigil na ang sinasakyan namin at nauna kaming lumabas ni Kio dahil tinawag ng coach nila si Migo. Narinig ko pa ang pag tawa nila bago ako bumaba. Pinag masdan ko ang main ng UST at napaka ganda talagang pag masdan nito.

Nang bumaba na sila isa isa, ibinaba ko ang aking tingin para hindi nila ako makilala. Hindi parin maawat ang kanilang pang aasar.

"Tara na!" Sumunod kay Kio, sabi niya kakain daw kami sa BonChon Chicken kase masarap daw ang bibimbowl dun tsaka yung crispy sea foods. Nag kukulitan sila habang nag lalakad, may mga pag kakataong inaasar nila ako pero hindi ko nalang sila pinapansin, parang mga bata! Saglit silang napatigil sa pag kukulitan at huminto sa pag lalakad. Nakatingin lang sila sa unahan, hindi sila gumagalaw na para bang naka kita ng isang multo. Tinignan ko kung saan naka tingin ang mga mata nila. 

My eyes widened when I saw her again. She's fully recovered now.

"Hi babe," she greeted Migo." I've missed you," she added. Are they two together? or He's the one? I don't know what to do,the air here suddenly felt heavier and the puzzle inside my head was slowly building on its own. Is he the ex? My heart started to panic when Razel looked at me, she stunned.

"Ruth?"