webnovel

Chapter 30

"Seatbelt mo madam, baka gusto mo pa na akong mag lagay." Agad kong kinuha ang seatbelt at ikinabit sa sarili ko. Tumingin na ako sa harapan at nag hihintay na paandarin niya na ang sasakyan. Hindi parin nag sisimula kaya naman tumingin ako sa kan'ya, napakunot ang noo ko nang nakapikit siya. Nag dadasal ba s'ya? Agad naman akong umiwas ng tingin nang tumingin siya sa gawi ko, umaakto na walang nakita. Hindi ako makapaniwalang nag dadasal siya, well nag dadasal naman talaga siya simula no'ng una naming kita pero hindi halata sa mukha niya.

Nag simula na siyang mag maneho at nag patugtog para maiwasan ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa. Nag simula nanaman siyang mag kwento tungkol sa mga nangyare sa kan'ya sa buong linggo habang nakikinig naman ang mga tenga ko dito.

"Bait ng mama mo." Napatingin ako sa gawi niya nang mabanggit niya ang tungkol sa nanay ko.

"How can you say na mabait siya, hmm?"

"Kase inaya niya akong kumain sa inyo tapos pinayagan niya pa akong makasama ka, o diba ang bait? Kaya nga nag tatanong ako sa sarili ko....bakit kaya hindi mo siya kasing bait 'no? Ampon ka ba?" tanong niya na may halong pang aasar. Sarkastisko naman akong ngumiti at tumingin sa kan'ya.

"Mamaya ka pag kababa natin, makikita mo Yvo," pag babanta ko. Nairita naman ako nang marinig ang tawa niyang nakakapag painit sa ulo ko, bakit ba kase sumama ako sa lalakeng 'to?

Malapit na kami at hindi parin siya tumitigil sa kaaasar kaya naman palagay ko ay mapupunit na ang noo ko sa pag kakunot. Kating kati na ang kamay ko at hindi na ako makatiis na dumapo ito sa katawan niya. Nang tumigil na kami sa parking lot ay nag bayad kami dahil may bayad kapag nag pa-park dito.

Mukhang kilala naman siya ng bodyguard kaya naman nakakuha siya ng discount at bunos na din kase mag pa-pasko. Nang maka-park siya ay agad niyang inalis ang seatbelt niya at bumaba. Tinanggal ko na din ang seatbelt ko at bubuksan na sana ang pinto para bumaba pero naunahan niya na ako. Inilahad niya ang kamay niya kaya naman awtomatikong kinuha ito ng kamay ko.

Nawala ang inis ko sa kan'ya, bakit ba alam ng lalakeng 'to kung paano mawala ang galit ko, tsk! Nanatili lang nakadikit ang palad namin habang ang isang kamay niya ay abala sa pag dial ng numero ni Kio.

"Hoy? Asan ka na? Ah kasama mo? Sino? Sinong kasama?" Napakunot ang noo niya, hindi ko masyadong marinig ang pinag uusapan nila dahil masyadong mahina ang boses ni Kio. "O sige sige. Oks lang yan! Nandito na kami, kita tayo sa main campus!" Ibinaba niya ang cellphone niya at tumingin sa akin. "Okay ka lang?" tanong niya. Napansin niya ata ang pananahimik ko kaya naman tumingin siya sa kamay ko at dahan dahan itong binitawan, para namang nanlumo ako. "Malamig kase," he reasoned out. I just gave him a nod and a small smile, not showing my teeth. Hindi na 'ko nagsalita at sumunod na lang sa kan'ya sa likuran. He would always look back to check if nakasunod pa 'ko because I was so far from him. Paano naman kase ang haba ng legs niya dahil ang tangkad niya tapos ang liit ko pa!

Medyo malayo din ang lalakarin namin dahil malayo ang main campus sa pinag mulan namin. I focused and followed him, I might lost. He's the one who knows the way here.

Nabunggo ako ng isang babae kaya naman muntik na akong maupo, may galos sana ako! Mabuti nalang may railings kaya napakapit ako dito. Inayos ko ang tayo ko at luminga linga sa paligid, hindi ko makita si Yvo. Nag patuloy ako sa pag lalakad dahil dinadala ako ng mga tao. Abala parin ang mata ko sa pag hahanap.

Nagulat ako nang may humawak sa aking kamay. Tumingin ako sa kamay ko at dahan dahang tumingin sa humawak dito. Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya habang nanatiling gulat ang mukha ko. "Halika nga," he gestured.

Nang makalapit ako sa kan'ya ay nag da-dalawang isip pa siyang ilagay ang kamay niya sa balikat ko kaya naman kinuha ko ang kamay niya at inilagay ito sa balikat ko. Sobrang lapit namin sa isa't isa kaya naman naamoy ko ang pabango niya, tinangay niya ako sa pag lalakad.

Malapit na kami sa campus kaya naman bumitaw na ako sa kan'ya, tutal wala naman ng masyadong tao. Nang makita namin si Kio ay agad kaming pumunta kung nasaan sila. Napakunot ang noo ko sa kasama ni Kae na lalake. Ngumiti siya sa amin ng tipid at tumingin sa lalakeng kasama niya.

Ngumiti ako sa kan'ya ng pabalik, hindi niya sinabing may boyfriend pala siya. Lumapit yung lalake sa amin at inilahad ang kamay niya sa akin. Malugod ko namang tinanggap ang kamay niya nang mag pakilala siya.

"Ruth," i introduced. Nabigla ako nang agawin ni Yvo ang kamay ko doon sa lalakeng kasama ni Kae.

"Tol! Migo! Migo name ko. Baka gusto mong tanongin," sabi niya. Napatawa naman ng mahina si Kio sa ginawa ng kaibigan niya.

"Nice to meet you, Migo," saad nito ng walang emosyong makikita sa mukha. Tinanggal ni Yvo ang kamay niya dito at marahang tinapik ang balikat ng lalake.

"Bagay kayo! Huwag na kayong mag hihiwalay ha!" dagdag niya pa. Hindi naman maipinta ang tingin no'ng lalake kaya naman nang mag sasalita ulit si Yvo ay agad kong kinuha ang kamay niya para pumasok na sa loob. Tumingin muli ako sa kan'ya at nanatili lang siyang nakatingin sa akin, nakangiti at namumula.

"Ay ganon? Hindi niyo naman sinabing scorer ako dito, dapat nag dala ako ng partner diba? Para patas! Nakakabastos sa mata," reklamo ni Kio, napatawa naman si Yvo dito.

"Deserve mo yan!" si Yvo, minura naman siya ni Kio. Nag simula nanaman silang mag asaran, tumingin ako sa likod at nakitang comfortable naman yung dalawa. Tinext ko si Achilles para itanong kung nasaan siya dahil ang sabi niya ay pupunta siya.

_We're here, where are you? _

✓ delivered.

[On my way.]

-achilles

Drive safely.

✓seen.

Inilagay ko ang cellphone ko sa bulsa at tumingin ulit kay Yvo na nakikipag asaran pa rin kay Kio. Napag pasyahan naming bumili ng milktea at popcorn, mahaba ang pila kaya naman pinaupo nila kami ni Kae sa isang mini bench, umupo kami at nag hintay.

"Hindi ko siya boyfriend," Kae said. I immediately looked at her with so much confusion. "He is someone," she corrected. Ngumiti siya ng tipid nang banggitin niya 'yon habang ako...hindi parin na ge-gets siya. Napatawa naman siya ng mahina sa reaksyon. "Huwag mo ng alamin," sambit niya, tumango nalang ako at tinignan ang mga taong nasa paligid namin.

"Excuse me," saad ni Kio, umupo siya sa gitnang upuan namin ni Kae. Umupo naman sa tabi ni Kae yung kasama niya, binigyan siya nito ng potpots fries at fruit shake. Inalokan naman ako ni Kio na kumuha ng popcorn niya pero inilahad sa harapan ko ni Yvo ang dalawang kwek kwek na nasa maliit na plato. Kinuha ko naman 'yon at nag pasalamat, umupo siya sa tabi ko at kumain ng binili niyang calamares. Tahimik lang kaming kumakaing apat habang nag sasalita si Kio, mas maingay siya kay Yvo.

Napaubo ako dahil may nakain akong sili kaya naman humanap ako ng tubig. Napatigil ako sa pag linga nang ibinigay sa akin ni Yvo ang isang Macao Imperial Tea kaya naman uminom ako dito. Binigyan niya pa ako ng tissue nang matapos akong uminom at isang mineral na tubig.

"Ayos ka lang?" tanong niya na may tono ng pag aalala. Tumango ako lang ako at nag patuloy sa pag kain. Luminga ako sa paligid, wala parin si Achilles. Nag aya si Kio na pumunta sa may fountain kaya naman wala kaming nagawa kung hindi ang sumunod sa kan'ya. Hindi ko napansin na may dala pala siyang camera. Pinag dikit niya si Kae at yung kasama niya para kunan ng litrato. Ngumiti naman si Kae habang yung lalake ay ngumiti ng tipid, siguro hindi lang talaga siya showy.

Nagulat ako nang higitin ako ni Yvo. "Hoy tama na ang sampong lintrato, hindi naman ata kayo mag kakapalitan ng mukha niyan. Kio, kami naman ni Avery," utos ni Yvo. Hindi ko alam kung anong ia-akto ko. Nag simulang mag bilang si Kio pero wala parin akong maisip na pose. Gulat akong napatingin sa camera nang mag flash ito. Tumingin ako kay Yvo at nag flash ulit ito, tumingin si Yvo sa akin at naramdaman kong nag flash nanaman ito. Ngumiti siya sa akin kaya naman napangiti ako, humarap ako sa camera at nag flash ito.

"Tama na ang apat! Hindi naman ata kayo mag kakapalitan ng mukha," si Kio. Napatawa naman kaming lahat. "Ako naman! Ano? Kayo lang? Porket wala akong partner, kayo lang may karapatang mag lagay ng mukha sa camera ko?" tanong niya. Kinuha naman ni Yvo ang camera niya, agad naman nag pose si Kio. Nag flash ang camera at agad na ibinalik ni Yvo ang camera kay Kio, pumunta siya sa akin. "Anak ng? Isa lang?"

"Hindi naman ata mapapalitan ang mukha mo kung isang litrato lang!" si Yvo. Nag simula nanaman silang mag asaran.

Marami pa kaming pinuntahan hanggang sa mag aya si Kio. "Tara na! Mag sisimula na yung pre-concert," pag aaya niya. Tumayo naman kami at sumunod sa kan'ya. Marami ng tao sa venue kaya naman hirap kaming makapunta sa harapan. Hinawakan ulit ni Yvo ang kamay ko, mahigpit ito at ayoko ng bitawan niya pa.

Nasa harapan na kami, nasa gitna. Nag sasalita na ang emcee, masyado ng nag iingay ang mga tao. Luminga linga ako sa paligid dahil hindi ko makita si Achilles, kahit ngayon lang dapat mag kasama kaming mag ka-kaibigan. Naramdaman ko na nag vibrate ang cellphone ko kaya naman napatingin ako dito.

[I'm here, punta ako sa pre-concert. Where are you?]

-Achilles

'We're here sa pre-concert, sunduin kita.'

✓delivered.

Inalis ko ang kamay ko sa kamay ni Yvo at humakbang. Hindi pa ako nakakalayo nang higitin niya ako pabalik.

"Dito ka nalang," saad niya. Napatigil naman ako nang manlumo siya. Kinuha niya ang kamay ko at pinag dikit ang palad namin.

"Sa'kin ka muna kahit ngayong gabi lang."