For the next months, I became busy with my studies. Unti unti akong nawawalan ng pag-asang masunod ang gusto ko. Lagi lagi nalang kase akong pinapasama sa mga programs ng hospital. Kaya naman wala akong magawa kundi ang sumunod.
"30 minutes," saad ng prof namin. May exam kami ngayon at halos kalahati palang ang nasasagutan ko. I groaned and massage my head in frustration. I inhaled a large amount air before exhaling slowly, tried to calm myself. Natapos ang pag susulit at umingay ang mga blockmates ko.
"Tara milktea!" Masiglang alok ni Achilles, he giggled when i accept his offer agad niya akong inakbayan at lalabas na sana kami ng sumulpot si Kae.
"Saan kayo?Cafeteria? Tara!" Agad siyang sumingit sa pagitan naming dalawa at inakbayan kami. Nang makarating kami sa cafeteria nag babardagulan nanaman sila.
"Kamusta mga programs natin d'yan? Dapat sinabi mo sa amin na may ganiyan eh de sana kasama ka namin!" She pouted and looked to Achilles. "Ako lang pala napakatamad kase nung isa dyan," dugtong niya.
"Hoy ikaw babae ka napaka ano mo talaga!" And here we go again.
"Ikaw nga tatakasan niyo kong dalawa! Siya lang bibilhan mo ng milktea! Ikaw talaga napaka ano!" Agad inabot ni Kae ang buhok ni Achilles para sabunutan pero agad din itong nakailag, tumawa ito ng malakas nang hindi ito naabutan ni Kae.
Bumalik na kami sa room at nag discuss na ang prof namin. Mayroon kaming presentation and kailangan mag interview ng isang taong nanggaling sa surgery, agad ko naman tinawagan ang tita ko para humingi ng tulong.
[Hi Ruth!] she called my name with her energetic voice.
"Hi tita did i disturb you po?"
[Oh no sweetie,so why did you ca--- babe can you turn the volumes down?] she shouted. [ Im talking with someone!] I stiffened,a what?! b-babe? I didn't know that she have a boyfriend. [Okay thank you! Love you!... Im sorry oh what the... Shit! Hello ruth? You still there?] Huminga ako ng malalim at umaktong walang narinig. [Hello?]
"Im sorry tita binaba ko po yung cellphone ko," i lied. She sighed as a relief.
[Oh god, i thought uhm never mind...so why did you call me?] Her voice was shaking. Para siyang nabisto sa maling ginagawa niya.
"I have a presentation po tita and kailangan may interview. Meron ka po bang kilalang nang galing sa surgery?"
[Hmm yun lang ba? I see... I'll check it later okay? Then I'll message you.]
"Okay tita thank you."
[Always welcome sweetie!]
"Room 43... Room 43." Paulit ulit na lumalabas sa bibig ko ang room number na aking pupuntahan dito sa hospital. Ito lang ang ibinigay ng tita ko sa akin. "Eto na ata yun." Huminga ako ng malalim at inayus ang salamin ko. I knocked 2 times pero walang nagbubukas kakatok na sana ako nang may biglang magsalita sa likuran ko.
"Are you.....ruth?" Dahan dahan ako humarap sa kaniya. She's wearing a hospital gown with a bonnet. Taller than me and look like a model.
"Yes I am, Razel right?" Ngumiti siya at tumango, inilahad ko sa kaniya ang kamay ko at malugod naman niya itong tinanggap.
"Sorry may pinuntahan kase ako tara pasok tayo." Binuksan niya ang kwarto at pinaupo ako.
"Im not prepared.... should i put some make up?" Halata sa boses niya na kabado siya nang makaupo siya tapat ko.
"Hindi naman na kailangan maganda ka naman na." A sweet smile formed in her lips.
"Thank you."
"Shall we start?" Mabilis siyang tumango at umupo sa harapan ko. Nilabas ko ang isa kong cellphone na gagamitin ko sa pag rerecord.
Tumingin siya sa camera at ngumiti "Hi! I'm Ray...Razel Amelia Castro im a tourism graduate sa feu," pagpapakilala niya. Nag simula akong mag tanong ng mga bagay bagay tungkol sa sakit niya katulad nalang kung ano yung mga sintomas na naramdaman niya, kung kailan niya ito naramdaman, kung anong parte ng katawan niya ang na-apektuhan at kung ano ano pa.
"May i ask? Sinong tao yung nagpatibay sa'yo? I mean cancer is not a joke," pag tatanong ko. Bumaba ang tingin ko sa cellphone ko para tignan ang sunod na itatanong ko.
"Of course my family and.... my," Napahinto siya na tila ba pinutulan siya ng dila" m-my ex," nauutal niyang sabi. Tumingin ako sa kaniya at nginitian niya lang ako ng tipid. "Pinangakuan ko kase siyang babalik ako." I feel pity to her. Hindi maipinta ang nararamdaman niya ngayon. Kaya naman nag patuloy nalang ulit ako.
"I thought that last day ko na yun. Halos mawalan na ako ng luha kakaiyak pero mabait si God dahil may mga doctor siyang pinadala para mapagaling ako," she said while crying in joy. Muli pa siyang napatitig sa akin at ngumiti. " And katulad mo na mag do-doctor alam kong marami kang taong mapapagaling." Napatigil ako sa sinabi niya. Napatanong nanaman ako sa sarili ko. Mangyayare kaya yun? Magiging magaling kaya akong doctor?
"Ruth? Are you okay?..... Ruth?" Bumalik ako sa katinuan ko ng maingat niyang inalog ang balikat ko, kanina pa pala ako nakatulala ngumiti ako sa kaniya at nag patuloy.
"Okay uhm so how di-----," hindi ko na natapos nang may biglang pumasok sa kwarto.
"Doc. Santos!" Tumingin ako sa doctor na tinawag ni razel. Inangat ko ang tingin ko at halos hindi ko na maalis ang paningin ko sa doctor na ito. Para bang tumigil ang mundo ko. My heart was beating so fast i was afraid it would jump out of my chest. I was also thinking kung bakit ganto nararamdaman ko.
"Doc! This is Ruth a med student," pagpapakilala sa akin ni razel. Ngumiti naman sa akin yung doctor at nilahad ang kaniyang kamay. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba yun o hindi pero nakakabastos naman kung hindi kaya naman wala akong nagawa at tinanggap ko ito. Bumitaw ka agad ako at umaktong may ginagawa. Napatawa siya ng mahina at nagpakilala.
"Hi Ruth im Doc Martin." He smiled after introducing his self. "You're a student from?" Nag angat ako ng tingin at sinagot ang tanong niya.
"U.P."
"Really?... I see." Tumango tango pa siya at bumaling sa pasyente niya. Wala akong maintindihan sa mga pinagusapan nila. Tumingin ako sa kamay ko at pinagmasdan ito. Ramdam na ramdam ko parin na nakadikit ang palad niya sa akin. Hindi ko naiwasang pagmasdan ang kabuuan niya, naka suot siya ng dark blue polo with his white coat and stethoscope. I inhaled a large amount of air before exhaling slowly, calming myself and fixed my hair. Bakit kasi ganito pang nararamdaman ko?!
"Excuse me i think i have to go. Thank you for your time Ms. Castro," pag papaalam ko.
She smiled at me."Nice meeting you ruth! Ingat ka!"
"I have to go na din Razel may appointment pa ako don't forget to drink your medicine's okay? Papupuntahin ko dito si Nurse Ava para may kausap ka." Agad naman tumango si Razel. Dumako ang tingin saakin ni Dr. Martin ng may kasamang ngiti, nagsimula nanamang tumibok ng mabilis ang puso ko. "Sabay na tayo Ms. Ruth." Pinag buksan niya ako ng pinto at agad naman akong lumabas. Ramdam na ramdam ko ang pag kainit ng aking mga pisngi at nakakahiya kung makikita niya ang mukha ko, bakit ba kase ganito ang nangyayari sa akin! Kaming dalawa lang ang nasa elevator parehas kaming tahimik kaya naman nagulat ako ng bigla niyang binasag ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa.
"Anong year ka na?"
" 2nd year"
"Alam mo naalala ko sarili ko saiyo kase ganyan din kami, nag i-interview din kami sa mga pasyente dati," pag ku-kwento niya.
"Pero kaya mo yan! Keep it up!" Ngumiti siya at nag thumb's up pa. Bumukas na ang elevator at nauna akong lumabas."Nice meeting you ruth." My eyes widened when he pat my head. I bit my lower lip,feel uncomfortable."See you around." Tinalikuran niya na ako at nag simulang mag lakad palayo. Hinawakan ko ang dibdib ko at ramdam na ramdam ko ang malakas na mabilis na pag tibok nito, halos hindi ito maawat! Hanggang ngayon hindi parin pumo-proseso sa aking utak ang mga nangyari.
When i got home, i went to my room and laid down on the bed, staring at the ceiling for a long time. I can't stop thinking about him.
"Anong nangyayare saakin?" I whispered.
We're all here in the kitchen. I was shocked when i saw my brother. He's wearing a simple gray polo with his white coat, his hair was fixed too.He gave me a tight hug and kissed my cheek.
"I've missed you," he said. Umupo kaming dalawa at nag simulang kumain.
When we're eating my dad broke the silence. "How's work Rail?" he asked." I heard that you have a new project,what was that?" he added.
"Free check up for people,"my kuya answered. He glanced at me for a minute and continue eating.
"That's good andrei." my mom commented.
"Yeah that's good... by the way me and your mom we'll go to palawan next week, you know a business." He poured a wine and drink it." Take your sister Rail she'll enjoy that program." I stopped chewing my food. Did he make a decision again?Enjoy? Do i look like enjoying that shit? Well walang masama ang tumulong pero bakit kailangan niya pang isama ako dun, bakit kailangan niyang mag desisyon pa?
"Hon, our daughter need to rest. You know med is getting hard let's give her a free day," my mom. She smiled at me and assured that my dad won't refuse what she want.
"She can rest while taking a ride. Pwede din naman siyang mag pahinga sa condo ng kuya niya," my dad answered.
"I lost my appetite. Excuse me." Dali dali akong pumunta sa kwarto at agad na humiga. Mabigat nanaman ang nararamdaman ko. Napabuntong hininga nalang ako.
My tears started to fall so i grab my pillow and hugged it.
The next morning, i woke up feeling stressed. I realized na hindi ko na-edit ang video presentation ko ngayon. Nandito ako sa sasakyan at abala sa pag e-edit. Nakita kong papasok si Achilles kaya naman sumabay na ako sa kaniya. Maaga pa naman kaya nandito kami sa cafeteria, bumili ako ng milktea at nag patuloy mag edit. Iniiwasang kabahan dahil alam kong importante ang presentation na ito.
"Sure ka? Pasyente yan? Hindi halata," Achilles said.Tinignan kong mabuti ang mukha ni razel sa screen. Hindi naman talaga mukhang pasyente. "Ang ganda eh," dagdag niya pa.
"Bakit type mo?" pag bibiro ko. Tumawa pa siya at umiling.
"Hindi ah...mas maganda ata yung crush ko diyan!"
"Sino?"
"Secret! No clue." Tumawa pa siya kaya naman kinulit ko agad siya.
"Ruth. Ano ba!" Pinakadiin diinan niya pa ng pag bigkas sa pangalan ko habang kinikiliti ko siya para sabihin niya na kung sino.
Nag babalak pa sana akong itanong kung sino yun pero inunahan niya agad ako. "Huwag mo ng itanong,malalaman mo din." Tumigil na kami sa pag kukulitan at nag simula ulit mag edit. Nandito na si kae sa cafeteria at nag simula nanaman silang mag asaran. Napailing nalang ako sa kanila at pumunta sa counter para um-order.
My jaw dropped when i saw him ..... Doc Martin.
"Ruth?.... Yeah ikaw nga! Hi!" My heart started to beat faster again when he smiled, my face heated.
Anong nangyayare nanaman saakin?