webnovel

Sad Ending Stories

This is Short Sad Random Stories. Tagalog languange/ Taglish it depends on the story.

AsteriaLuns · 奇幻言情
分數不夠
25 Chs

Ang Nanay kong kumakabet

'Ang Nanay kong kumakabet.'

Published Date: June 16 2020

Genre: Sad Story

Ako si Zechariah Waylon, 8 year's old . Mayroon akong isang kapatid na lalaki mas matanda siya sakin. 20 year's old na si Kuya Nico. Pero minsan lang siya umuwi dito sa bahay para lang daw dalawin ako. Nakikitira si Kuya sa mga kaibigan niya. Pala sugal si Mama. Si Papa naman ay nagta trabaho para samin ni Mama. Alam ko kung bakit umalis si Kuya rito sa bahay dahil sa ugali ni mama. Si papa naman pinagpapasensyahan na lang ang ugali ni mama na walang tigil sa pagsusugal at wala rin itong trabaho kaya nanghihinge si mama kay papa ng pera para lang sumugal ng sumugal. Minsan ayaw na niya itong bigyan pero marupok si papa eh mahal niya kasi kaya hindi niya matiis ito.

Ikwekwento ko sainyo ang istorya ng buhay ko. Kung anong laging nangyayare sa bahay na ito. Tinatawag ni kuya na impyreno ang bahay na to.

"Umalis ka nga ditong bata ka!" sigqw ni mama sakin ng makitang nagwawalis ako sa kusina namin.

"oh ano pang tinitingin tingin mo riyan! umalis ka nga sa pagmumukha ko!!" sabi nito kaya kaagad ko itong sinunod. Hindi ko na tuloy na itapos ang paglilinis ng bahay.

-----------------------------------------------------------

may narinig akong kumatok sa pintuan ng kwarto ko. Pagkabukas ng pinto ay niluwa nito si Kuya Nico.

"wahhhhh!! kuya nico!!" sigaw ko sa sobrang tuwa. Gabi na kaya tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang pagkatuwa.

"shhh bunso. Musta ka na dito? sinisigawan ka pa din ba ng nanay mo?" tanong nito. hindi na ako magugulat lagi na lang niya sinasabi na 'nanay mo' hayst halata talagang galit siya kay mama dahil sa ginagawa nito saamin noon hanggang ngayon. Si papa lang ang kinikilalang magulang nito.

"ayos naman kuya alam mo naman na hindi maiiwasan ang hindi masigawan ni mama eh. sanayan na lang po talaga eh" sabi ko.

"wala talaga siyang kwentang ina! mga pinaggagawa puro kalokohan akala mo walang pamilya" sabi ni kuya. ayan na naman siya sinisisi na naman niya si mama.

"kuya si mama yun eh mama kaya natin yun po" sabi ko.

"tsk, hindi ko nanay yung ganong ka iresponsableng ina!"

"at alam mo malapit na kitang kunin dito, may trabaho na ako at malapit na magtapos isang year na lang makakapagtapos na si kuya mo bunso" ngiting sabi ni kuya sakin medyo nalungkot na natuwa ako

"oh ayaw mo ba kong kasama?" tanong nito. umiling ako sakaniya.

"gusto syempre pero iba pa din yung magkakasama tayong pamilya kuya" sabi ko. Nagpaalam na siya sakin dahil gabi na daw. Kailangan ko ng matulog.

----------------------------------------------------------

Walang pasok ngayon dahil sabado kaya kinakailangan kong maglinis ng buong bahay namin. Nakita kong lumabas si Mama sa kwarto nila papa at nakasunod si papa sakaniya. mukhang naga away yung dalawa.

"bakit mo naman ginawa yun! Carole!!" sigaw ni papa kay mama.

"wala kang pakeelam! isa lamang hamak na bagong palamunin yun sa bahay!" galit na sigaw ni mama kay papa.

"hindi naman ikaw ang nagpapakain sa pesteng pamilyang to huh?!" sabi ni papa

"tsk wala nga akong pake, kahit ilan pa ang ipalaglag ko!" nagulat ako sa sinabi ni mama, pinalaglag niya ang dapat bagong bunso namin ni kuya? kawawa naman yung baby huhu. Napaluha ako dun

"Zech, dun ka na muna sa labas makipag laro ka. magu usap muna kami ng nanay mo" sabi ni papa sakin kaya tumango ako at naglakad palayo at pinunasan ang mga luhang tumulo kanina.

-----------------------------------------------------------

Pag uwi ko sa bahay ay nakita ko si papa na may hawak na dalawang bag. kaya napakunot noo ko siyang tinignan. at nasaan si mama?

"pa? san punta mo po?" tanong ko sakaniya.

"aalis muna ako anak huh? babalik ako kapag okay na ang mama mo"

"ha? anong okay po? papa? hindi ko po maintindihan" sabi ko

"bata ka pa hindi mo pa alam ang iilang bagay kaya matatagalan ang pagkaintindi mo anak"

"eh? san po kayo pupunta?" tanong ko

bumuntong hininga ko.

"magta trabaho lang matatagalan pero babalik din si papa" kiniss niya noo ko at umalis na si papa. Makalipas ng ilang oras ay may narinig akong maingay sa baba kaya agad akong bumaba para tignan kung ano yung ingay na yun. Nakita ko si mama magkalapit ang mga bibig sa isang lalaki na parang kilala ko kung sino ito. Napakunot noo ako ng makitang si Tito Don iyon. anong ginagawa nilang dalawa?

"tito? mama? anong ginagawa niyo po? bakit po ang ingay?" inosenteng tanong ko kaya napatigil sila sa ginagawa nilang dalawa.

"matulog ka na ngang bata ka! wala ka ng pake dun, umakyat ka na! bwiset na buhay to oh! tara na nga dun sa kwarto Don" sabi ni mama kaya nauna silang umakyat papuntang kwarto nila mama. Napag pasyahan kong matulog na lang din kahit may naririnig akong yugyog at kung anong ungol o ingay sa kabilang kwarto kung saan kwarto nila mama at papa.

-----------Makalipas ng ilang araw----------

"maghiwalay na tayo! nalaman na ni Angela yung sating dalawa kaya tama na! Carole, mali tong ginagawa natin! hindi na tama to may kaniya kaniya na tayong sariling pamilya." rinig ko sa kwarto nila mama. Nagising ako sa ingay dahil mayroong nagsisigawan.

Ilang linggo si tito pabalik balik dito sa bahay laging tuwing gabi naririnig ko na naman yung ingay nila na puro ungol na ewan parang mga aso at puso. tas ouro yugyog ng kama at kahoy.

"ilalaglag ko ang batang ito kapag iniwan mo ko Don! ipapalaglag ko ang bata na nabuo ng pagmamahalan natin" rinig ko sa kabilang kwarto. Boses iyon ni mama.

"oh sege ipalaglag mo! para wala akong ebidensya na may nangyare saatin mas mabuti pa ngang mawala yang bata kesa ipahamak pa ko niyan!" sigaw ni Tito Don. Narinig ko na naman ang 'paglalag sa bata'

paulit ulit ko na lang iyon naririnig. Mukhang madami akong kapayid na inulog ni mama hindi ko nga lang makita kung nasaan na ang mga kapatid ko. Alam na kaya ni kuya? Na marami kaming kapatid at mayroon din kay Tito Don? Sabihin ko kaya ang good news kay kuya pag balik niya? Sabihin ko na lang pag dinalaw niya uli ako.

Narinig kong nagsisigawan pa din sila kaya bumaba ako para kumain ng makitang may pagkain nga. Isang hotdog at kapiranggot na kanin na lang pero ayos lang masarap naman ang hotdog ih. Maya maya pagkatapos kong kumain at mag hugas ng plato au bumaba na si tito. mahigit 30 minutes ata silang nag usap antagal naman nung usapan na yun.

"pakisabi sa mama mo, Zecha na hindi na uli ako babalik pa dito" sabi ni tito sakin.

"bakit naman po?" tanong ko

"ayaw ko na sa mama mo at magagalit si tita mo sakin" sabi ni tito kaya napatango na lang ako at nagpaalam siya na aalis na daw siya. Habang nanonood ng T.V ay bumaba na si mama. Mukhang may hinahanap.

"ma, ano po yun?" tanong ko

"nakita mo ba si Tito Don mo?" tanong ni mama sakin.

"opo kanina nagpaalam po siya sakin" sabi ko, at napakunot noo siya.

"ha? ano naman sinabi sayo?"

"hindi na daw po siya babalik dito dahil magsgalit daw si Tita Angela sakaniya ayun po ang pagkakasabi ni Tito sakin" sabi ko. agad naman itong bumaba ng hagdan at lumapit sakin at hinila ang buhok ko.

"bakit hindi mo pinigilan?! bwiset ka wala ka talagang naitulong sakin bata ka!" sigaw sakin ni mama, ansakit ng pagkakasabunot niya sakin. Napaiyak ako sa sobrang sakit.

"wag mo kong iniiyakan lumayag ka na nga dito! mga bwiset kayo!" sigaw ni mama sakin bago man siya lumayo sakin ay binatukan niya ako ng malakas kaya napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit ng pagkakagawa ni mama agad akong tumakbo palabas ng bahay. Umiiyak ako habang naglalakad sa kalsada.

"Bunso?! ano nangyare sayo bakit ka umiiyak?" tanong ni Kuya Nico saakin.

"si mama po kuya huhu, binatukan at sinabunutan ako tas sinigawan po ako " sabi ko habang umiiyak pa din. ansakit pa din ng ulo ko.

"bakit na naman niya ginawa sayo yub? ang lupet talaga ng matanda na yun! walang awa pati ikaw pinatulan!" inis na sabi ni kuya.

"sinabi ko lang naman kasi sakaniya na kung ano yung pinapasabi ni Tito Don sakaniya bago umalis ng bahay eh nagtanong kaya si mama kuya" iyak kong sabi habang yakap si kuya.

"ano ba pinapasabi ni Tito Don kay mama? i mean kay mama mo?" tanong nito kaya sinabi ko sakaniya lahat pati kung anong ginawa ni Tito sa bahay namin. Nakita kong nandilim ang mukha ni kuya at nakakuyom na ang kaniyang mga kamay. Nasa gilid kami ng isang tindahan dahil nilibre ako ni kuya ng pagkain. Dahil nagutom uli ako dahil miryenda time na kasi eh.

"mga hayup sila! kailangan nilang malagot sa batas mali ang ginagawa nila! at si papa kawawa alam siguro ni papa yunaya siya umalis sa bahay?" sabi ni kuya.

"siguro po kuya, hindi ko alam eh" sabi ko.

"tara na sa bahay, kailangan mo ng umuwi" sabi ni kuya hinatid ako ni kuya napahinto kami sa paglalakad ng makita namin ni kuya na may pulis sa labas ng bahay namin at maraming mga chismosa nakapaligid sa bahay.

"ano pong mayroon sa bahay?" tanong ko sa isa sa kapit bahay namin.

"hinuhuli nila ang mama mo iha" sabi ng babae.

"bakit naman po hinuhuli siya?" tanong ni kuya dun sa babae.

"ang sabi ng mga pulis pinapadampot daw ng isang babae dahil kumabet daw ito sa asawa nito at dalawa ang kaso na mayroon ang mama niyo. Isa ding drug dealer ang mama niyo" sabi nito. Ano daw iyon? wala akong naintindihan pero feeling ko si kuya naintindihan niya.

"ano dww yun kuya?" tanong ko ng tumingin sakaniya

"may maganda akong balita bunso, sa bahay ka na namin titira? duon tayo titira kasama ang barkada ko masaya duon at maga aral ka na uli" ngiting sabi ni kuya sakin kaya napangiti ako.

"yehey makakapag aral na uli ako!" tuwang sabi ko. Pagkawala na ng pulis at ng mga kapit bahay ay kinuha na namin ni kuya ang mga gamit ko at umalis na. tinanong ko si kuya kung alam ba ni mama na aalis kami sabi niya oo daw tinanong ko naman kung alam din ni papa sabi naman surprise ano kaya yung sagot na yun.

Pagkadating namin sa isang medyo malaking bahay ay ni tour ako ni kuya. mayroong lima na kwarto rito, tinuro niya ang kwarto ko at kwarto niya tas yung isa daw ay kwarto ng mga kabigan niya at yung isa pupuntahan palang namin. Pagkapasok namin sa loob ay madilim. Pagkabukas ng ilaw ay...

"you're home na anak! welcome sa new house natin" masiglang bati ni papa niyakap ko siya ng mahigpit.

"wahh bat ka nandito papa? bahay na natin to? yehey! madami na tayo" sabi ko. Nagsikain kami kasama mga kaibigan ni kuya para daw mag celebrate na nandito na ako. dito na ako titira. at makakapag aral na daw ako. yeheyyy!!

THE END!!