webnovel

Sa Isang Tibok

Huminto ang oras habang nasa kasagsagan ako ng traffic sa EDSA. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Tumigil ang takbo ng mundo. Tumigil ang andar ng oras. Tumigil ang mga tibok ng puso - bukod sakin. Sa wakas. Kalayaan ang mararanasan ko sa bagong mundo. Akin na ang mundo. Ako lang ang gising sa mundo - Ako at ang tatlong alaala na gugulo sa payapa at bago kong buhay. Tatlong kwento na gusto kong malimot. At isang taong hindi ko (nga ba) kilala. Isang bagong kabanata ang lilitaw. Isang kwentong naging dahilan ng pagkakaluklok ko sa kahariang meron ako ngayon - o kulungang dapat sa mga katulad ko. Ako si Sept. Ito ang buhay ko. Ang mahabang buhay ko sa loob ng isang tibok.S

Conqueror_Arnold · 奇幻
分數不夠
20 Chs

Susunod na Tibok

"Sept, let's have a meeting at the conference room now. Thank you." huminga ako ng malalim nang mabasa ang chat ng boss ko. Ito na yun. Game ka na bang masabon pagtapos mong mabuhay ng malaya sa loob ng huling tibok ng puso mo, Sept?

Kung tutuusin, medyo excited ako. I mean, ayokong mapagalitan dahil sa late syempre, pero namiss ko ang human interaction.

Dalawang oras na nakaupo sa trabaho, halos tapusin ko ang buong gawain ko sa sobrang pump-up ako. Para kong galing sa mahabang bakasyon kaya ngayon masarap sa pakiramdam magtrabaho. Natatawa parin naman ako sa una kong ginawa dito sa office - kung papano ako nanggulo dito.

Narinig kong sinabi ng isa naming manager na nilalamig sya pagtapos niyang kumuha ng tubig hindi niya daw alam kung bakit. Gusto kong tanungin si Cherry kung may nalalasahan syang lips ng ibang tao. Hahahahaha.

Pero sa totoo lang, masaya ako pagpasok ko. Nakita kong nagalaw silang lahat. First time kong bumati ng "good morning" sa mga katabi ko kahit halos tanghali na ko nakapasok.

"Kung may lagnat ka, hindi ka na dapat pumasok." pagtatakang biro ng katabi ko sa opisina. Kung nilalagnat daw ba 'ko dahil sa matagal na panahon na kilala nila ko, ngayon lang ako pumasok ng good mood.

Pero ito na nga. Kakausapin ako ng boss ko malamang dahil sa mga late ko. Sobrang malala this time dahil oras na ang late ko ngayong araw. Nang hinabol ko pa si H sa baba ng bus kaya nadagdagan ng isang oras pa yung supposedly 2 hour late ko.

Maiintindihan ko talaga kung gigisahin niya na ko.

Kinakabahan parin naman akong mapapagalitan pero hindi ko maiwasang mas mag isip ng mga masa importanteng bagay. May sakit ang nanay ni Sir. Kailangan niyang umuwi. Si H na mismo ang nagsabi. Malubha ang lagay ng nanay niya at kailangan niyang makita 'to. Hindi importanteng manermon ng taong late ngayon.

Binuksan ko ang pinto ng conference room. Nakita ko syang nakaupo sa kabilang dulo ng lamesa. Seryoso ang muka niya. Gusto kong sabihing 'Dude, chill out' tulad ng kung papano sabihin yun sakin ni H pero hindi sya nakikipag biruan.

Umupo ako sa harapan niya. Wala nang hiwa hiwa ng sibuyas, gisa na kaagad.

"Sept, anong oras ka pumasok?" pagsisimula niya.

"10am, sir." magalang ang sagot ko. Kailangan kong itago ang excitement kong nararamdaman na sa matagal na panahon, nakaramdam ulit ako ng ganito. May kausap akong tao, galit nga lang siya pero may kausap akong iba bukod sa muka ni H. Hindi sa hindi ko sya gustong kausap pero, kakaumay din naman, diba?

"It's the third time this week na sunod sunod ka nang late, Sept. Bakit?" madiin ang tanong niya.

Malamang 'di ko pwedeng sabihin na 'di na ko motivated ako, na bored na ko sa trabaho, na ayoko na. Hindi ko pwedeng sabihin na nakakatamad na magtrabaho kasama sila. Kasi totoo naman. Tama man si H na nakalimutan kong makita ang mabuti, hindi ko kayang i deny na may masasamang elemento parin sa buhay ko. At nagbalik ako sa kanila, lahat ng pangit at hindi ko gusto.

Kailangan kong tandaan si H. Kailangan kong tandaan na makita ang mabuti. Gusto kong maging mabuti.

Ano nga bang magpapalaya sakin para maging mabuti?

Katotohanan. Halos marinig ko ang tibok ng puso kong nagsabi sakin. Oo nga pala, meron akong bagong puso. Ganun kabata para malinaw kong marinig ang gusto niyang sabihin.

"Sorry sir." natatakot akong magsimula. Papano kung hindi niya gusto ang sasabihin ko? Papano kung sabunin niya pa ko lalo.

Umikot ang dila ko. Hindi ako makapag salita. Tulungan mo ko H. Hindi ako sanay magsalita ng nararamdaman ko. Sanay akong mag rant. Hindi ako sanay magkaron ng constructive conversation.

"Do you feel… unmotivated?" tanong niya. Nakita niya na sigurong nahihirapan ako. Pagkakataon ko na.

"Yes, sir" buong tapang ang pagsasabi ko. Yes! First step yun. Kailangan ko na lang sundan ng mas makakasuporta sa sinabi ko.

"Birthday ko ngayon, sir." nakita kong nagtaka ang muka ni sir. Pinipigilan niyang matawa.

NICE. Birthday ko sir, kaya wag mo kong pagalitan. Bakit hindi na din tayo umorder ng cake tapos kantahan niyo ko ng happy birthday.

Bakit binigyan na ko ni H ng bagong puso, pero hindi niya na rin ako binigyan ng bagong dila.

"Well, Happy birthday. That's your reason?" pang aasar niya. Medyo deserve ko din yun. Pero wow, bwiset. 'Wag ko kaya 'to tulungan.

"Sorry sir, pero na late lang po ako dahil lang sa haba ng traffic ng EDSA..." pinili ko na ung mga safe words. Hanggang sa maisip kong… may mga kaya akong sabihin.

"Para kay Mama ang pagta trabaho ko po sir." hahayaan ko nang magsalita ang puso ko.

"Pero, naisip ko lang po na napapabayan ko sya dahil sa trabaho. Isa yun sa rason, sir. Kung bakit nawawalan ako ng gana. Nag aalala ako kay Mama. Tsaka isa pa..." balak ko nang sabihin ang totoo.

"Hindi ko maramdaman na may tiwala sakin ang mga tao dito, sir. Hindi na 'ko sigurado kung para talaga ako dito."

Alam ko na sa corporate world, malaking 'HINDI DAPAT' na magdrama sa harapan ng boss mo. Dapat objective ang mga dapat gawin - ang mga dapat pag usapan. Kaya nga hinahanda ko na ang puso ko sa panggigisa niya sa pagiging emosyunal ko.

Ready na kong marinig na "Wala akong pakialam kung anong drama meron ang buhay mo. Pumasok ka sa oras ng trabaho" o kaya naman "Tapos ka na mag MMK? Ipapasa mo na kwento mo kay Mam Charo? Ipasa mo agad ah, baka ma late ka pa ng pasa"

Durog na bawang na ko. Ready na kong magisa.

"You know what? I read this." pinasa niya sakin ang papel na kanina niya pa hawak. Binuksan ko kaagad. Kailangan kong malaman kung sulat ko nga 'to tulad ng sinasabi ni H.

"Naiwan mo ata yan sa isa sa mga meeting room." paliwanag niya.

College birthday writing ko 'to nung bago lang ako sa University. Sobrang positive ko. Sobrang motivated.

"I need that Sept. Hindi yung Sept na madaming doubt. Hindi yung Sept na nasa harapan ko ngayon." pagdidiin niya sa sulat.

"Plano kong mag leave ng one week. Kailangan din ako ng nanay ko. I need someone, who understands the work like me. At itong Sept na nagsulat nito, he understands. Kaya ko bang iwan sa kanya ang isang project ng hindi ako nag aalala kung nakapasok ba sya on time?" tumingin sya ng diretso sakin.

Tama si H. Uuwi sya dahil sa sulat. Halos maramdaman ko ang galaw ni H sa conference room.

"Yes, sir." takang taka parin ako. Bibigyan niya ko ng malaking project. Gustong gusto ko nun. Masarap sa pakiramdam na mapagkatiwalaan ka ng boss mo. Nakaramdam ako ng pakinabang at excitement.

Hindi na kami nag usap ng tungkol sa late ko. Nag usap na kami ng tungkol sa incoming project. Konting discussion niya lang tapos nag meeting na kami ng isang buong team na ako ang mag handle.

Maaga din syang nagpaalam samin. Nagmamadali syang umalis.

Pinagpatuloy namin ang pagdi discuss sa team pero tumatakbo ang isip ko kay sir. Makakahabol ba sya, H?

Magkikita pa ba sila ng nanay niya?

Pinilit kong inalala ang sagot ni H habang nakaupo ako sa bus. Pinilit kong inalala ang kwento niya pagtapos mabasa ni sir ang sulat ko.

"Wag kang mag alala. Magkikita pa sila"

Napakalma ako ng alaala kong yun ni H.

At sa kauna unahang pagkakataon sa loob ng mahabang panahon, nakaramdam ako ng gaan sa dibdib. Hindi lang dahil sa project na nakuha ko para mag lead ng team. Gumaan ang puso ko sa pag gawa ng mabuti.

Nakagawa ako ng mabuti. Ang sarap sa pakiramdam. Masigla akong gumawa ng maghapong trabaho dahil sipag na sipag ako. Kitang kita din ng mga ka opisina ang sigla ko. Natakot nga yung iba kung may sanib daw ba ko. Hindi naman mawawala sa kanila ang ganun. Nakakagulat naman talaga.

Biglang pumasok sa isip ko si Elya. Kung totoong nabasa ni Sir ang sulat ko, ibig sabihin, nabasa na din ni Elya yung mga dati naming palitan ng e-mail. Pero alin dun? Alin sa maraming ipinadala ko sa kanya?