webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · 奇幻
分數不夠
205 Chs

La Vie En Rose Hotel 7

~Gabi~

"Sa gabi ung shift namin ni Yvonne?"

Tanong ni Jervin kay Lyka habang naka tayo silang dalawa sa lobby ng hotel, nakasuot na ito ng uniporme na gamit ng mga nagtatrabaho sa La Vie En Rose Hotel at nakatingin sa Bampira. Tumango ang Bampira bilang tugon nito sa tanong sakaniya ng binata at saka bigla nang sumulpot si Yvonne at tumayo na sa tabi ng binata habang nakasuot na rin ng uniporme na kapareho ng mga nagtatrabaho sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ng kaniyang matalik na kaibigan.

"Hindi naman kasi halata masyado na ayaw niyong matulog tuwing gabi, e."

Sabi pa ni Lyka kila Yvonne at Jervin sabay cross arms na nito habang pabalik-balik na ang tingin nito sa dalawa. Bigla namang natawa ang dalaga dahil sa sinabi sakanila ng kaniyang matalik na kaibigan habang ang binata nama'y takang tinignan ang dalaga sakaniyang tabi at saka ibinalik na ang kaniyang tingin sa Bampira na nanlalaki ang mga mata habang nakatingin sa dalaga.

"Ilang oras shift namin?"

Tanong muli ni Jervin kay Lyka habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang Bampira na ibinaling na sakaniya ang atensyon at saka inalis na ang pagkaka cross ng kaniyang braso.

"8 hours. From 8:00 pm to 4:00 am. Wag kayong mag-alala, hindi ko kayo guguluhin sa umaga. Lunch and onward na lang para makapagpahinga rin kayo ng sapat."

Nakangiting sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata. Tumango na lamang ang binata bilang tugon nito sa sinagot ng Bampira sakaniyang tanong. Natigil na sa pagtawa si Yvonne, tumayo na ng tuwid at saka tinignan na ang kaniyang matalik na kaibigan.

"Ano mga gagawin namin?"

Tanong ni Yvonne kay Lyka habang nakatingin pa rin ito sa matalik na kaibigan at nakangiti ng matamis rito. Tinignan nang muli ng Bampira ang dalaga gamit ang namimilog nitong mga mata at saka nginitian ito pabalik.

"Ikaw… sa housekeeping. Si Jervin naman ay sa room service."

Nakangiting sagot ni Lyka sa tanong sakaniya ni Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Jervin nang marinig ang sinagot ng Bampira sa dalaga, kaya't mabilis nitong tinignan ang dalaga at saka inilapit ang kaniyang bibig sa tainga nito.

"Ano ung room service?"

Bulong na tanong ni Jervin kay Yvonne sabay dahan-dahan na nitong inilayo ang kaniyang bibig sa tainga ng dalaga habang nakatingin pa rin ito rito. Dahan-dahang nilingon at inosenteng tinignan ng dalaga ang binata habang si Lyka nama'y magkadikit na ang kilay habang pabalik-balik ang kaniyang tingin sa dalawa.

"Ano ung sinabi niya?"

Mausisang tanong ni Lyka kay Yvonne habang tinitignan na nito ang dalaga at pinanlakihan ito ng mga mata. Inosenteng tinignan din ng dalaga ang matalik na kaibigan at saka mabilis ring ibinalik ang tingin sa binata na umiiling na habang nakatingin pa rin ito sakaniya. Ibinalik nanamang muli ng dalaga ang kaniyang tingin sa matalik na kaibigan, nginitian ito at saka umiling.

"Wala naman."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Lyka habang tinitignan pa rin nito ang matalik na kaibigan. Napa nguso na lamang ang Bampira, napa cross arms at saka naglakad na sakanila papalayo.

"Maghahatid ka lang ng mga pagkain sa unit na nag-order nun. Un ung room service."

Nakangiting sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya kanina ni Jervin sabay hawak na nito sa kamay ng binata at saka hinila na ito patungo sa locker room ng mga nagtatrabaho roon. Bahagyang namula ang pisngi ng binata habang nakangiti na ito at hinahayaan lamang na hatakin siya ng dalaga.

"Kelan po ililibing si Lolo, Lola Jacqueline?"

Malungkot na tanong ni Jay kay Jacqueline habang nakatingin ito sakaniyang Lola at nakaupo silang dalawa sa salas ng pamamahay nila. Napabuntong hininga ang matandang babae habang nakatingin na ito sa sahig. Hindi kaagad sinagot ng matandang babae ang tanong sakaniya ng apo hanggang sa mayroong pumasok sakanilang pamamahay na nakasuot ng itim na damit at derederetsong naglakad tungo sa salas.

"Jacqueline…"

Malungkot na tawag ng babae kay Jacqueline habang tumutulo ang luha nito mula sakaniyang mga mata at nakatingin sa matandang babae. Mabilis na nilingon at tinignan nila Jay at ng matandang babae ang tumawag sakaniya at saka tumulo na rin ang luha ng matandang babae nang masilayan kung sino ito.

"Kimberly…"

Naiiyak na tawag pabalik ni Jacqueline sa babaeng tumawag sakaniya kanina na si Kimberly. Mabilis itong tumayo mula sakaniyang pagkakaupo sa pang-isahang upuan at saka nilapitan ito upang yakapin. Napatayo na rin si Jay mula sakaniyang pagkakaupo sa sofa habang nakatingin sakaniyang Lola at sa babae.

"Nakikiramay ako, Jacqueline."

Sabi ni Kimberly kay Jacqueline habang yakap na nito ang matandang babae at patuloy pa rin sakanilang pag-iyak. Ilang segundo pa ang lumipas ay kumawala na silang pareho mula sakanilang yakap at dali-daling nilapitan ni Jay ang kaniyang Lola upang alalayan itong makabalik sa kinauupuan nito kanina.

"Ano na ang balita?"

Mahinang tanong ni Jacqueline kay Kimberly nang makaupo na ito sa pang-isahang upuan habang si Jay nama'y naglalakad na pabalik sakaniyang kinauupuan kanina sa sofa. Naupo na rin ang babae sa sofa na inuupuan ng binata bago sagutin ang tanong sakaniya ng matandang babae.

"Magpahinga ka muna Jacqueline, kakamatay lang ng asawa mo."

Tugon ni Kimberly kay Jacqueline habang nakatingin na muli ito sa matandang babae nang mayroong pag-aalala sakaniyang mukha. Bahagyang ngumiti ang matandang babae sa babae at saka umiling ito.

"Alam mo naman kung ano ang inaalala ko diba?"

Tanong muli ni Jacqueline kay Kimberly habang bahagya pa rin nitong nginingitian ang babae. Napabuntong hininga na lamang ang babae dahil sa sinabi sakaniya ng matandang babae.

"May balita ka na sa kalagayan nila Yvonne at Jervin sa Canada?"

Nag-aalalang tanong ni Jay kay Kimberly habang tinitignan na nito ang kaniyang katabing babae. Biglang nagdikit ang kilay ng babae at saka takang tinignan nito ang binata.

"Akala ko ba ano..."

Sabi ni Kimberly kay Jay ngunit hindi na niya itinuloy ang kaniyang itatanong sa binata sapagkat umiling ito sakaniya. Biglaang tumango ang babae at saka tinignan na si Jacqueline.

"Alam na ng mga De Gracia na nagpunta sa Canada si Yvonne."

~ Do not let what others think about you, your fears your sadness, and loneliness stop you to achieve your happiness. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts