webnovel

Runaway With Me

"Diba gusto mong mawala ung mga problema at sakit na nararamdaman mo? Kung ganon... sasama ka ba sa paglayas ko?" -Yvonne Tamayo

iboni007 · 奇幻
分數不夠
205 Chs

Enchanted Forest 12

~Umaga~

"Mayroon ka pa rin bang lakas ng loob para kutyain si Yvonne?"

Nakangising tanong ni Jervin kay Dalis habang lumulutang pa rin silang dalawa sa ere, karga pa rin niya ang bangkay ni Yvonne at tinitignan na nito ang mga mata ng matandang babae gamit ang kaniyang itim na mga mata. Takot nang tinignan ng matandang babae ang binata at saka hinabol ang kaniyang hininga. Bahagyang natawa ang binata dahil sa inasta ng matandang babae sakaniyang harapan at saka inilapit na ito sakaniya.

"Bakit hindi ka maka sagot ngayon? Dinala na rin ba ni Daisy ang dila mo nang makita mo siyang tumakbo papalayo?"

Tanong muli ni Jervin kay Dalis habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang ngisi at ang kaniyang tingin sa matandang babae. Hindi muling sinagot ng matandang babae ang binata at saka lumingon na sa kanan nito upang iiwas na ang kaniyang tingin sa binata. Napasimangot na lamang ang binata nang iwasan siya ng tingin ng matandang babae at mabilis namang ngumising muli, dahilan upang tignan niyang muli ang binata.

"Gusto mo bang iligtas ang apo mo o ang sarili mo? Pag bibigyan kita kung gusto mong iligtas sarili mo."

Sabi ni Jervin kay Dalis habang tinitignan pa rin nito ang matandang babae na kaniyang kinokontrol gamit ang kaniyang kapangyarihan. Hindi pa rin sinasagot ng matandang babae ang binata at sinubukan nanamang iiwas ang kaniyang tingin dito nang magsalita nanamang muli ang binata.

"Sumagot ka na bago pa magbago ang isip ko."

Sabi ni Jervin kay Dalis habang seryoso na nitong tinitignan ang matandang babae at ang ngisi sakaniyang mga labi ay naglaho nanamang muli.

"P-p-patawarin mo… a-ang… a-aking… apo. H-hindi… hindi niya… a-alam ang… k-kaniyang… ginagawa."

Pautal-utal na sagot ni Dalis kay Jervin habang tinitignan na nito ang binata gamit ang kaniyang naluluha nang mga mata. Bigla nang inalis ng binata ang kaniyang kamay sa binti ng bangkay ni Yvonne, tinignan na ang mukha ng bangkay ng dalagang kaniya nang pinapa lutang at saka marahang hinawakan ang malamig nitong pisngi.

"Ano sa tingin mo Yvonne? Gawin ko ba ung gusto ni Dalis?"

Tanong ni Jervin sa bangkay ni Yvonne habang hawak pa rin nito ang likuran ng bangkay ng dalaga at ang pisngi nito. Napakunot ng noo si Dalis nang masaksihan ang ginawa ng binata sakaniyang harapan at saka pinandirihan na ito ng tingin.

"Nasisiraan ka na ng bait!"

Sabi ni Dalis kay Jervin, dahilan upang mabilis siyang nilingon ng binata, panlisikan siya nito ng tingin, inalis na ang kaniyang pagkakahawak sa pisngi ng bangkay ni Yvonne at saka itinapat na ang kaniyang kamay sa matandang babae. Nagagalaw nang muli ng matandang babae ang kaniyang buong katawan ngunit ang pakiramdam naman nito ay para siyang binitay, sapagkat nakaka ramdam siya ng pawang tali na nakapalibot sakaniyang leeg kahit na wala naman talagang tali roon.

"Ako? Nasisiraan ng bait? Hindi mo ako kilala, Dalis. Maski rin ako ay hindi ko rin kilala ang sarili ko."

Sabi ni Jervin kay Dalis habang binitawan na nito ang bangkay ni Yvonne at pinalutang na ito sakaniyang likuran. Pilit pa ring inaalis ng matandang babae ang kaniyang nararamdamang nakapalibot sakaniyang leeg kahit na wala siyang makapa roon. Natawa nanamang muli ang binata dahil sa matandang babae.

"Sige. Susundin ko ung gusto mo."

Sabi ni Jervin kay Dalis sabay baba na ng kaniyang kamay na nakatapat sa matandang babae, dahilan upang bumagsak na ito sa lupa at umubo. Nang marinig ni Jay ang sinabi ni Jervin sa matandang babae ay mabilis itong tumakbo papalapit sa likuran ng matandang babae at saka tinignan na ang binata nang mayroong galit sakaniyang mukha.

"Seryoso ka ba Jervin?! Matapos patayin ni Daisy si Yvonne?!"

Galit na tanong ni Jay kay Jervin habang galit pa rin nitong tinitignan ang binata na lumulutang pa rin sa ere. Hindi pinansin ng binata ang kaniyang kababata, sapagkat ngumisi lamang ito at saka pinatayo na si Dalis mula sa pagkakaupo nito sa lupa.

"Pu$%^$#&@ naman nitong lalaking to."

Sabi ni Jay sakaniyang sarili habang galit pa rin nitong tinitignan si Jervin at saka naglakad na paatras sa kaniyang kinaroroonan. Tinignan nanamang muli ni Dalis ang binata nang mayroon pa ring takot sakaniyang mga mata habang nakatayo na ito. Dahan-dahan nang bumaba ang binata mula sakaniyang pagkaka lutang sa ere, habang ang bangkay naman ni Yvonne ay lumulutang na pabalik sa harapan ng binata.

"Sabihin mo sakanila na ikaw ang nag-utos kay Daisy na patayin si Yvonne at sumuko ka sa SCOWW."

Seryosong sabi ni Jervin kay Dalis habang tinitignan pa rin nito ang matandang babae, nawala nanamang muli ang ngisi sakaniyang mga labi at karga nang muli ang bangkay ni Yvonne. Nanlaki ang mga mata ng matandang babae nang marinig ang sinabi sakaniya ng binata habang patuloy pa rin itong tinitignan nang mayroong takot sakaniyang mga mata.

"Ng-ngunit… h-hindi ko iniutos iyon saaking apo."

Sabi ni Dalis kay Jervin habang tinitignan pa rin nito ang binata nang mayroon pa ring takot sakaniyang mga mata. Tinaasan na ng isang kilay ng binata ang matandang babae, dahilan upang makaramdam nanaman ito ng tali na nakapalibot sakaniyang leeg at tumayo na nang patiyad.

"Gagawin mo ang sinabi ko sayo o papatayin ko si Daisy bilang kapalit sa ginawa niya kay Yvonne. Mamili ka."

Seryosong sabi ni Jervin habang pinanlilisikan na ng tingin ang matandang babae, dahilan upang mawala nanamang muli ang tali na pumalibot sa leeg nito at umubo nanamang muli.

"Bakit mo pa kasi pinatay ang dalagang iyon, Daisy?! Ako pa tuloy ang Magbabayad ng iyong kasalanan!"

Pabulong na sigaw ni Dalis sakaniyang sarili habang hawak na niya ang kaniyang leeg at saka dahan-dahan nang tumingin kay Jervin na pinanlilisikan pa rin siya ng tingin gamit ang itim nitong mga mata.

"Gagawin ko na ang iyong pinapa gawa. Huwag mo lamang isama ang aking apo rito."

Tugon ni Dalis kay Jervin sabay alis na ng kaniyang kamay sakaniyang leeg at saka tumayo na ng maayos sa harapan ng binata. Ngumisi lamang ang binata sa matandang babae habang karga pa rin nito ang bangkay ni Yvonne. Tinalikuran na ng matandang babae ang binata, huminga ng malalim at nagsimula nang maglakad papalapit sa mga Balderas at sa mga Diwata na nakapalibot kila Anna, Liyan, Hendric at Melanie. Akma na sanang sasapakin ni Jay ang matandang babae nang maglakad na ito sakaniyang harapan ngunit mayroong pumigil sakaniyang kamao at mabilis nitong nilingon ang binata na nakasunod sa likuran ng matandang babae.

"Anong ginagawa mo Jervin?!"

~ The most beautiful revenge is you achieving your dreams in life and showing your beautiful smile to the world. ~

Hello po~!! Please vote, rate and support my story!! Maraming Salamat po sa pagbabasa ng story ko. Kung nagustuhan niyo po ang story ko, may iba pa po akong ginawang story. "Love Yourself: Wonder” po ang title ng finished story ko. Please read, vote, rate and support my other story!! BTS Fan-Fic po siya~ Sana po magustuhan niyo!!

Always wash your hands, stay at home and stay healthy po para maiwasan ang COVID-19~!!

iboni007creators' thoughts