webnovel

Ruined Heart

Hindi ginusto ni Maureen ang mahulog sa amo niyang si Zeus, ngunit nangyari pa rin. Ang hindi niya alam, pasakit pala ang aabutin niya sa pagkahumaling sa mayamang katulad nito. Matapos ang ilang taon, may himalang darating sa kanya na makakapagpabago ng buhay niya. Ang akala niya'y maayos na niyang mundo'y guguluhing muli ng unang lalaking minahal. Hahayaan ba niyang makapasok itong muli sa kanyang buhay at pati na sa kanyang puso?

elysha_jane · 青春言情
分數不夠
60 Chs

Kabanata 55

Chapter theme song : Akin Ka Na Lang (cover) by Erik Santos

Kabanata 55

"So, kamusta naman 'tong bagong PA mo?" tanong ni Ate Mercedes habang kumakain siya ng umagahan. Tinatamad pa 'kong kumain, kaya uminom na lang muna ako ng kape.

"Okay lang," sagot ko pagkatapos ay naisip kong magtanong para maiba ang usapan. "Si Celestia? Tulog pa?"

Napairap naman sa'kin si Ate Mercedes na nahulaan ang gusto kong mangyari. "Wag mong ibahin ang usapan!"

Napabuntong-hininga na lang ako at ibinaba ang tasa sa mesa pagkatapos ay umupo sa upuang malapit sa kanya.

"Ate, akala ko ba don't trust a stranger?" makahulugang tanong ko sa kanya habang naniningkit ang mga mata ko.

"Maureen naman! He even turned his back against his own brother just for you! And in addition to that, he gave up a week of relaxation in his bar to work as your PA so he could stay close to you," paliwanag naman niya. "Gagawin ba 'yon ng isang stranger?"

"Pero, Ate—" Pinutol niya uli ang sasabihin ko.

"Okay! No'ng una, I was against this. Minsan na 'kong muntik maloko ng mga pa-sweet talk na 'yan. Pero si Celestia, she insisted 'again'! And I thought, it would be good for you. I mean, we could feel how empty you are."

"I'm not," sagot ko naman. Nagpatuloy naman siya sa pagkain kaya akala ko ay 'di na siya sasagot pa. Pero mayamaya ay nagsalita pa siya.

"Yes, you are! Alam mo, iba 'yung happiness na nadadala ng lover talaga," sabi pa niya.

"Pero iba rin 'yung sakit, 'di ba?" sagot ko naman.

"Oh. . . Well, hindi ko na itatanggi 'yon," sagot naman niya.

"Anyway, today is his last day," sabi ko na lamang at tumayo mula sa kinauupuan.

"Last day?" takang tanong nama ni Ate Mercedes na mukhang hindi pa nakukuha ang sinabi ko.

"You said one week, 'di ba? I agreed," sagot ko naman. "But after that, hindi muna siya lalapit sa'kin. 'Yon ang usapan namin."

"Maureen you are so cruel," sagot naman niya.

"Ate, ano ba talaga? Last time you were against about me dating a guy tapos ngayon. . ." medyo inis nang sabi ko.

Napatayo na rin naman siya sa kinauupuan niya. Tapos na pala siyang kumain ng sandwich niya. Masyadong conscious si Ate sa fitness niya, e. Kaya 'di siya madalas kumain ng carbs. Ang payat tuloy.

"Maureen, I could feel it. Apollo is way too different from his brother," seryosong sagot naman niya sa'kin. "My instincts are always right! Tignan mo kay Zeus."

"E, bakit kay ano?" tanong ko naman. I didn't really want to argue with her. Pero sana dahil dito makaramdam na siya na kahit ate ko siya at okay kami, mali pa rin na mag-desisyon siya para sa'kin.

"I felt it, Maureen. I had an instinct that he'd hurt me. That he wasn't true to his words. But I chose to ignore it—wishing I would be wrong," may bahid ng lungkot na sagot niya sa akin. Hindi naman niya ako hinintay na sumagot at nilagpasan na niya ako. Pero bago pa siya makaakyat nang tuluyan ay tinawag ko siya.

Napayuko na lang ako at nabato sa kinatatayuan ko. I realized I was wrong with what I've said. Nasasaktan pa nga rin pala siya sa nangyari sa kanila ni Kuya Diego noon. Dapat hindi ko na lang sinabi, e. Naaawa tuloy ako sa kanya ngayon.

"Maureen." Isang istriktang boses ang tumawag ng atensyon ko. Paglingon ko ay nakita ko si Lola Adel na suot pa ang mahabang cardigan niya.

"L-Lola," bati ko naman.

"May bisita ka raw sa labas," aniya sa boses niyang parang laging nagbabanta. "Apollo raw."

Napaawang ang mga labi ko dahil 'di ko inaasahang sa ganitong oras siya pupunta dito sa bahay. Tanghali pa kasi ang lakad dapat namin dahil malapit-lapit na ang location namin. Gano'n kasi talaga kami lagi; paiba-iba ng location. Pero pinili ko na lang din na labasin siya.

Paglabas ko ay para bang lalong napaawang ang mga labi ko dahil sa nasaksihan. Pormal na pormal ang suot niyang polong asul kumpara dati na shirt lang ang suot niya. Bukod pa ro'n ay may dala siyang bouquet.

"A-Apollo," bati ko sa kanya at tinanggap ang bulaklak na dala niya. "Ang aga mo naman."

"Sorry." Napakamot pa siya sa batok niya bago magpatuloy, "Gusto ko lang sanang sulitin 'yung huling araw ko, e."

Muli ay hindi na naman ako makasagot sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko kasi alam kung ano'ng dapat isagot na 'di siya masasaktan, pero 'di rin siya aasa nang lubos.

"Ah, halika muna sa loob," pagyaya ko na lang sa kanya at mas nauna na akong naglakad papasok. Naramdaman ko namang sumunod siya sa akin. Iginiya ko naman siya papunta sa salas namin.

Naabutan naman namin si Lola Adel doon na umiinom ng tsaa. Kaagad na lumapit sa kanya si Apollo para magmano.

"Oh, 'wag na," natatawang sabi ni Lola Adel at bineso na lang si Apollo. "Beso na lang."

"Uh, upo ka muna d'yan," aligagang sabi ko naman. "Nag-breakfast ka na ba?"

"Actually, kaya ko inagahan kasi yayayain sana kitang mag-breakfast," sagot naman niya sa akin, kaya't napatigil na naman ako.

"Uh, a-ano. . ." Nag-isip naman ako ng isasagot. Sa totoo lang, ayoko sanang lumabas muna na may kasamang ibang tao na 'di pa kilala ng publiko. Ayoko namang maging laman na naman ng issue. Lalo na't wala pa namang namamagitan sa'min ni Apollo.

Bago pa man din ako makasagot ay nagmungkahi na si Lola Adel. "Bakit 'di na lang kaya kayo sa garden kumain? Para na rin makaiwas kayo sa issue."

Napatango naman ako at ngumiti. "Lola Adel's right. Dito na lang tayo kumain."

"Sure! Kahit ano," masayang sagot naman ni Apollo.

"Uh, s-sige, mag-uutos na lang ako sa mga maid namin na maghanda na. And, uhm, I'll just go upstairs. Makapag-ayos man lang," natatarantang sabi ko. Palagi na lang akong ganito sa tuwing tatanggap ako ng lalaking bisita. Kahit nga si Vincent pa 'yan, e. Lalo na ngayon na 'di ako handa.

"Sige, hitayin na lang kita," tugon naman sa'kin ni Apollo na mukhang tuwang-tuwa pa sa ikinikilos ko ngayon.

Tumango-tango na lang ako at mabilis na nagpunta sa kitchen para sabihan ang mga kasambahay namin na maghanda ng umagahan namin sa garden. Pagkatapos noon ay umakyat na ako sa kwarto ko. Napangiwi pa ako nang makita ang sarili sa salamin; naka-blouse pa ako at maiksing short lang tsinelas pambahay.

Oo nga't disente naman ito, pero nakakahiya naman sa suot ni Apollo na semi-formal. Kaya naman naghanap ako ng kahit na anong simpleng dress sa cabinet ko. Sa huli ay peach na sun dress ang napili kong suotin.

Pagbaba ko naman ay sinabi sa'kin ng isa sa mga kasambahay namin na nasa garden na si Apollo at naghihintay. Kaya naman dumiretso na ako doon. Sa hitsura naman niya habang nakaupo sa isa sa mga upuan doon ay mas mukha pang siya ang anak ng may-ari ng bahay.

"Hindi ka na sana nag-dress. Okay namn na 'yung kanina," komento niya nang maupo ako sa harapan niya.

Napayuko naman ako dahil sa pagkapahiya. "Baka naman kasi magmukha akong pulubi sa sarili kong pamamahay. Ba't kasi nagganyan ka pa?"

"Wala lang," sagot naman niya at napaayos ng upo. "Tara, kain na tayo."

Nag-krus muna ako bago galawin ang tinidor at kutsara ko, pero bigla naman niya akong pinigilan.

"Wait lang pala," pigil niya.

"Bakit?" Napakunot naman ang noo ko.

"Pwede selfie muna tayo?" tanong niya habang nakangiti pa.

Lalo namang napakunot ang noo ko.

"Sige na! Remembrance lang," sabi niya at napanguso pa.

Napabuntong-hininga naman ako at ibinaba ang kutsara't tinidor ko. Para talagang bata 'tong si Apollo kung minsan. Gano'n ba siya magpapansin? I mean, hindi naman ako naiinis doon. Nakakapanibago lang talaga.

"Sige na nga," pagpayag ko naman. Tuwang-tuwa namang itinaas niya ang smartphone niya at nag-peace sign pa. Ngumiti lang naman ako.

"Okay na ba?" tanong ko naman pagkatapos noon.

"Teka, isa pa!"

"Apollo. . ."

"Sige na, fan mo naman ako, e."

Pagkatapos ng isa pang selfie ay pinatigil ko na rin siya. It's not like we're not gonna see each other ever again, 'no. Magkikita at magkikita pa rin naman kami. Wala nga lang kasiguraduhan kung kailan. Sa ngayon kasi, wala pa akong maipapangako. Ayokong mangako pagkatapos ay mapupurnada rin naman. Edi wala na akong pinagkaiba kay Zeus no'n.

Pagkatapos naming kumain ay mabilis namang iniligpit ang pinagkainan namin. Inaya naman ako ni Apollo na maglakad-lakad sa garden namin. Pumayag na lang din ako, dahil pagkatapos naman ng araw na 'to, balik na sa normal ang lahat.

"Wala bang ibang nanliligaw sa'yo?" tanong niya habang abala kami sa pagtingin ng mga halaman.

"Hmm why did you ask?" tanong ko naman kahit alam ko naman na ang dahilan.

"Gusto ko lang malaman kung ilan ang competitors ko," sagot niya na may halong biro.

"Secret." Maloko naman akong napangiti. Bahala siya d'yan. Ayokong paasahin siya.

"Siguro, 'di ka na tumanggap ng manliligaw, kasi sapat na 'ko 'no?" panunudyo naman niya.

"Hindi ah! Ang kapal!" sagot ko naman.

Nagulat naman ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila pa ako papalapit sa kanya. Kamuntikan na tuloy akong matumba, pero kaagad din niya akong inalalayan gamit ang bewang ko.

"Once you're finally mine, I would never, ever let you go," seryosong sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Pagkatapos ay marahan din naman niyang binitawan ako. "Tandaan mo 'yan."

Wala naman na akong nasabi pa dahil gulat pa rin ako sa ginawa niya. Ano ba naman 'tong si Apollo! Alam naman niyang vulnerable pa 'ko sa mga ganitong bagay, e! Pero para maalis ang kaba ko ay nagpakawala na lang ako ng malalim na hininga.

"Halika na nga sa loob," mayamaya ay aya ko sa kanya. "Mag-aayos pa 'ko."

* * *

Usually, kapag nag-aayos ako ng sarili ko ay ginagawa ko lang 'yon sa kwarto ko. But this time, dahil may bisita ako, ginawa ko na lang 'yon sa sala namin. Light make up lang naman ang gagawin ko, dahil aayusan pa rin naman ako pagdating ko do'n sa set. Para lang presentable ang hitsura ko. Naligo na rin muna ako at nagpalit ng orange shirt at white jeans.

"Iba talaga 'pag artista, 'no? Daming change outfit," komento pa ni Apollo sa akin.

Bago pa man din ako makasagot ay narinig ko na ang malalaking hakbang ng kung sinong bumababa mula sa hagdanan namin. Pag-angat ng paningin ko ay nakita ko si Daddy na bumababa. Kaagad namang umaliwalas ang mukha nito nang matanawan ako.

"Good morning po." Tumayo ako para bumeso sa kanya.

"Good morning," tugon naman niya at ibinaling ang tingin kay Apollo. "Ang aga naman nitong manliligaw mo."

"He's not. . .yet," sagot ko naman.

"Hmm. Not yet, huh?"

Tinawanan ko na lang si Daddy para mawala ang nakakailang na atmospera sa pagitan naming tatlo. "Daddy, don't worry. I'll be more careful this time."

"Alright. You take care," sabi na lang ni Daddy at humalik pa sa noo ko bago tuluyang lumabas ng bahay namin.

Hanggang sa makaalis naman siya ay nakangiti pa rin ako. Ang saya lang na okay na rin kami ngayon. Somehow, pakiramdam ko ay buo na ulit ang pamilya ko. And wherever my real father is, alam kong masaya siya sa nangyayari sa akin ngayon. Wala naman siyang ibang hinangad kung hindi ang kasiyahan ko.

Nang matauhan naman ay umupo akong muli sa kinauupuan ko kanina at itinuloy ang paglalagay ng make up sa mukha.

"Okay na pala kayo no'ng step dad mo?"

Para bang bigla akong tinakasan ng dugo nang sabihin iyon ni Apollo. Unti-unti kong naibaba ang compact na hawak ko at dahan-dahang napatingin sa kanya habang namimilog ang mga mata. Pero relax na relax naman ang ekspresyon niya.

"Y-You knew?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Ha?" takang tanong niya.

"You knew that I-I'm not a real Olivarez?" tanong ko naman ulit sa kanya.

"Ah! That," sambit niya nang mapagtanto ang tinatanong ko. "Oo. Matagal na. Kinulit ko 'yong nanay no'ng kaibigan mo."

"Si Danica. . ." pabulong kong sagot.

"Pero don't worry! Wala naman akong pinagsabihan. Alam ko namang hindi dapat ipagkalat 'yon," pagpapakalma niya sa'kin sabay ngiti pa.

Napangiti rin naman ako sa kanya. Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niyang 'yon. "Salamat."

Ngumiti naman siya pabalik sa akin. Parang ipinapahiwatig na wala akong dapat nang ipag-alala pa.

Pagkatapos ko namang mag-ayos ay umalis na rin kami. Siya pa ang naglagay ng mga gamit ko sa likod ng kotse niya, pagkatapos ay pinagbuksan pa ako ng pinto. Palagi naman siyang ganoon sa nagdaang mga araw. Halos wala na nga akong ginagawa, e. Minsan, kahit 'di ako nag-uutos, gagawin na niya kaagad.

Sabi ko nga sa kanya, baka masanay ako, e. Ang tugon naman niya sa'kin, mas mabuti raw 'yon para hindi ko na siya palayuin. But nothing could change my mind. I need a break from all of these. I need to heal myself first. I need to fix my heart, para 'pag nagmahal ako ulit, buong-buo ko na siyang maibibigay.

Nawala naman ako sa mga iniisip ko nang maramdaman ko ang kamay niyang humawak sa kaliwang kamay ko. Pinagdaop niya ang mga 'yon. Nang tumingin ako sa kanya ay diretso pa rin ang tingin niya sa daan, pero may ngiti sa kanyang mukha.

"Apollo, you're driving," sita ko sa kanya.

"Please, just let me. I'm afraid this would be the last," seryosong sabi niya sa akin.

Napabuntong-hininga na lang tuloy ako at 'di na sumagot pa. Sometimes, nagi-guilty rin ako sa ginagawa ko kay Apollo, pero hindi ko naman talaga pwedeng pilitin ang sarili ko. Kaya mas mabuti talagang pag-isipan ko munang mabuti kung bibigyan ko ba siya ng chance. Pero matagal pa siguro 'yon.

Hanggang sa makarating kami sa location ay hawak-hawak ni Apollo ang kamay ko. Kung minsan ay binitawan niya, pagkatapos ay hahawakang muli. Sa inaakto niya, para bang huling araw na niya rin ito.

Hindi rin siya lumayo sa'kin habang nasa set kami. Liban na lang kung nakasalang kami sa eksena. Pero sa tuwing magbe-break kami ay kaagad niya akong lalapitan. May napatanong na nga tuloy kung boyfriend ko ba siya, pero ang sabi ko ay hindi. Talaga naman kasi, e.

Pansin ko namang nalungkot siya dahil do'n. In fact, kahit hanggang sa papauwi na kami ay tahimik lang siya. Pero ano ba namang magagawa ko? This is all I could offer to him right now. No more, no less. Napahikab na lang tuloy ako. Nakakaantok dahil 'di rin siya nagsasalita.

"Inaantok ka na?" tanong pa niya sa'kin. Nagulat pa ako dahil no'n lang siya ulit nagsalita. "Matulog ka na."

Lalo tuloy akong na-guilty sa tono ng beses niya. I wanted to do something; at least say sorry to him. Pero 'di ko din maisip kung ano'ng dapat sabihin. Naisip ko ring baka mas okay na rin 'to para hindi na siya mahirapang dumistansya sa akin. So in the end, I followed what he said. Natulog na lang ako.

Nagising naman ako nang nasa subdivision na kami. Nag-ayos na rin ako para madali akong makababa. Pinagmasdan ko naman siya habang papunta kami sa bahay namin, pero gano'n pa rin siya; tahimik at mukhang malalim ang iniisip. Dahil doon ay tahimik na lang akong bumaba nang makaparada na siya.

"Uh, Apollo ako na lang—" Sasabihin ko sana sa kanyang ako na ang bahalang magbaba ng mga gamit ko, pero nahuli na ako. Isa-isa na niyang ibinaba ang mga 'yon.

"S-Salamat. . ." halos pabulong na sabi ko nang maibaba niya ang mga 'yon sa tabi ko. Hindi naman siya nagsalita kaya idinagdag ko pa, "S-Sorry pala. Basta, sorry."

Hindi pa rin siya sumagot at nanatiling nakayuko, kaya naman tumikhim na ako at nagpaalam.

"Uh, sige. Pasok na 'ko. Ah, ingat ka ah?" sabi ko at tumalikod sa kanya.

Pero nagulat naman ako nang higitin niya ang braso ko at bago pa man din ako makapagsalita ay niyakap na niya ako nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan.

"A-Apollo. . ." Wala akong nagawa kung hindi ang ibaba ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ko. Kahit hindi siya nagsasalita, ramdam ko ang malalim na emosyon niya ngayon dahil sa yakap niya.

"Please, Maureen. . .j-just let me do this for the last time," pakiusap naman niya sa'kin. "I want to be this close to you before I distance myself. So please. . ."

Hindi na lang ako sumagot at hinayaan siyang yakapin ako nang mahigpit. Ilang minuto ring nagtagal ang yakap niyang 'yon. Pakiramdam ko nga ay nasanay na ako dahil sa ibang pakiramdam na dinadala sa'kin niyon. Pero mayamaya ay unti-unti rin niya akong pinakawalan.

Pero 'di rin nagtagal ay hinawakan niya ang likuran ko para alalayan ako. Pagkatapos ay inilagay ang mga takas na buhok ko sa likuran ng tainga ko.

"Maureen, you don't have to promise anything. I just want you to know that I'm willing to wait for you. No matter how long it would be," sinserong saad niya habang masuyong tinitignan ako.

Napatango naman ako. Gusto kong sumagot, pero wala namang kahit na anong lumalabas sa nakaawang kong mga labi. Wala rin naman siyang salita nang unti-unti niya akong pakawalan. Hanggang sa tuluyan siyang tumalikod sa akin at wala akong nagawa kung hindi ang ihatid siya gamit ang mga paningin ko.

Don't worry, Apollo. Once I'm ready to love again, I'll make sure it would be you. Just wait, Apollo. Just be true to your words.

Itutuloy. . .