webnovel

final ending

Nagising ako ng nakasuot na Wedding gown.

Nabigla ako na nanduon ang parents ko. Kinurot ko ang sarili ko. Pero hindi pala panaginip to.

"Ma! Pa! Ano to?"

"You're getting married anak." Si mama na nakangiti.

"No way! Ma" ako na akmang tatayo ng biglang pumasok si Trixie at niyakap ako.

"Congratulations."

"Huh? This is supposed to be your wedding day Trixie." Ako na nakatingin kay trix.

"Im sorry eyedi. Pero last year pa kami kinasal ni Van." Biglang sumulpot si Van dala ang baby nila.

"Eyedi? I want you to meet Baby Trodi." Si trixie na iniharap sakin ang baby. Ang cute nya para syang anghel sa suot nyang baby suit.

Ilan minuto naglabasan na sila at sinimulan na ang pag mamakeup sakin, naiwan si mama at trixie sa loob.

"Kanino ba ako ikakasal? Bakit di ko alam? Ano to set up? "

"Sorry anak alam namin di mo gugustuhin ikasal.. pero for the sake sa company tulungan mo ang papa mo."

"Ma! Para naman binibenta nyo ako nyan eh! " hindi ko mapigilan ang emosyon ko.

"You need to accept the fact Eyedi. Hindi habang buhay nakakulong ka sa nakaraan. Move forward. And move on."

Nalungkot ako na tila nasagot na ni trixie ang katanungan ko.

"Wala na ba sya?" Tinignan ko si trixie.

Tahimik lang sya at yumuko.

Para san pa? Kung wala na sya? Napaluha ako at Yumuko.

Pagkatapos akong ayusan at make up an bumaba na kami at nakatayo nako sa labas ng pintuan.

Di ko mapigilan ang sarili ko kundi ang umiyak.

Bumukas ang pintuan at nagsimula nakong maglakad. Nasa loob lahat ng mga kaibigan ko sa school at ang pamilya ko. Di ko kinaya kaya yumuko at napaluha nalang ako.

Playing:

Canon

Dahan dahan akong naglakad sa red carpet hanggang sa May umabot sa kamay ko. Sya na ata ang pakakasalan ko. Hindi ko sya tinignan Umiiyak parin ako dala ng emosyon ko.

Nabigla ako ng pahiran nya ang mga luha ko. Inangat nya ang ulo ko.. hindi ako makapaniwala sa lalakeng nakatayo sa harap ko.

"Wag kang umiyak nasasaktan ako." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at Niyakap sya ng mahigpit at umiyak ng umiyak.

"Troy." Ako na nakayakap parin kay troy. hiyawan silang lahat sa loob ng venue.

"Namiss kita ng sobra hmm mahal na mahal kita eyedi."

Pinahiran nya ang luha ko at dahan dahan akong hinalikan sa labi.

Wala akong ginawa kundi ang pumikit na lamang.

Pagkatapos ng masayang araw. Nagtungo kaming lahat sa rooftop kung san nakahanda ang mga pagkain. 6:30 pm ng magsimula ang kasiyahan.

Playing :

Baam by : momoland

Sayawan lahat ang mga kaibigan namin at ang pamilya namin masayang nagkukuwentuhan.

"Pano nyo nagawa sakin to?" Ako na di parin makapaniwala.

"Araw araw kitang binabantayan kung alam mo lang. isang araw wala ka sa bahay nyo sa america nilapitan ko ang papa mo at nagpapakilala."

Flashback

Troy pov :

"Magandang umaga po mr viniel. Ako nga po pala si Troy. Pwede ko po bang hingin ang kamay ng anak nyo?" Matagal bago sumagot ang papa ni eyedi.

"Seryoso kaba sa nararamdaman mo?" Tumango ako.

"Wag na wag mo syang lolokohin kundi malilintikan ka sakin."

"Pangako po." Nabigla ako ng ngumiti ang papa nya at yakapin ako ng mama nya.

"Masaya kami at nagising kana Troy." Ang mama ni Eyedi na mahigpit ang yakap sakin.

End of flashback

"Talaga?"

"Oo.. isang taon akong nasa America. Gusto kitang surpresahin kaso hindi ako nabigyan ng chance. Kaya hiningi ko ang tulong ng lahat at eto finally natupad din ang pangarap ko."

Niyakap ako ni Eyedi at bakas sa mata nya ang saya.

"Namiss kita sobra." Si eyedi na nakatingin sa mga mata ko.

"Mas sobra kitang namiss eyedi." Ako na Niyakap sya.

Eyedi POV :

Kinagabihan umuwi kami ni Troy.

"San tayo pupunta troy? Hindi naman dito ang bahay ko ah."

"Haha alangan naman ihatid kita sa bahay nyo. Uuwi tayo sa bahay natin." Si troy na nakangisi lang.bahay namin? Soo ibig sabihin my bago kaming bahay?

Dumating kami sa isang villa at my isang napakagandang bahay. My nakalagay pang ribbon sa gate. Nilapitan namin ito at may naka indicate na congratulations TroyDi from: ate .

"Ate? Regalo ni ate to?" Ako na na e excite.

"Oo ehe tara? Pasok na tayo?" Sabay kaming pumasok ni Troy at nong makarating kami sa loob. Nanduon na pala ang mga gamit namin dalawa. Pumasok ako sa isang napakagandang kwarto.

"Wow." Ng biglang pumasok din si Troy.

"Oh T-Troy?" Ako na nauutal na kinakabahan. Ngumiti si Troy at niyakap ako.

"Masaya ako." Sya na nakayakap parin. Ngumiti ako kung alam mo lang kung gano ako kasaya na nakasama ka ulit.

"Masayang masaya ako." Ako na Yumakap pa sa kanya.

Biglang bumitaw si troy at tinignan ako sa mga mata.. ngumiti sya at dahan dahan akong hinalikan. Pero hindi ko alam na nag rerespond nadin pala ako, naghalikan kami hanggang sa mapaatras kami sa kama.

Ni Un zeeper ni Troy ang suot kung puting Dress.

"Troy?"

"Bakit?"

"Not now"

"Why?"

"My mens ako eh."

Napakamot si troy sa ulo nya at tawanan kaming dalawa.

Ang gabing to ang simula ng pamumuhay namin bilang mag asawa.

"Iloveyou Troy "

"Iloveyou eyedi."

THE END