webnovel

RION aka Jaguar (Complete)

Dollar Viscos, a pyromaniac college student, has a huge crush on Rion Flaviegjo, the SSC President of their University. While she was doing everything to make her presence known to him, Rion was also doing everything to avoid her for many reasons including his traumatic past and secret night job...

Royal_Esbree · 青春言情
分數不夠
67 Chs

Ang Habulan

Dollar's POV

"Unsmiling Prince!" Malakas na tawag ko kay Rion at nagmamadaling tumakbo para makasabay sa paglalakad niya.

Dahil lunch break, maraming estudyante ang nasa hallway kaya nakisiksik na lang ako. And then came their expletives. Pero sorry my fellow schoolmates, hindi makakahadlang ang pagmumura ninyo sa paghabol ko sa pangarap ko. *Grin

Hindi pa rin siya nalingon. Hindi pa 'ata niya alam na iyon ang endearment ko sa kanya. Tinapik ko siya sa braso nang makalapit ako sa kanya para matawag ang pansin niya.

"What?" tanong niya at bahagya lang akong nilingon.

I gave him my signature smile. "Kamusta ang weekend mo?"

No response. Pero inaasahan ko na 'yan. At dahil makapal ang mukha ko, " Pwede ko bang makuha ang mobile number, home address, email ad at class schedule mo?"at naglabas ako ng pen at notebook.

"No."

"Why?" napatingala ako sa kanya habang lakad-takbo na ang ginagawa ko, ang laki kasi ng mga hakbang niya.

"Dahil ayoko. Got it?"

"Hindi."

Alam kong mahihirapan akong kuhanan ng personal info. ang lalakeng ito. Nabigyan na ako ng briefing ng fans club niya. Oo, may fans club si Rion. At sa kanila ako unang lumapit at nagtanong sa disimuladong paraan ng tungkol sa kanya. Hindi naman sila na-threaten sa'kin. Siguro iniisip nila na hindi ang tulad ko ang papansinin ni mighty Rion. Inalok nga nila akong sumali sa grupo nila pero tumanggi ako. Gusto kong mag-solo. Pero wala rin akong nakuhang info sa mga fans club niya.

For a school body like Rion, he is so secretive. Kaya nga ako na mismo ang kukuha ng info mula sa kanya at paraan ko na rin ito para magpa-cute.

"Bakit ayaw mong ibigay, hindi ko naman pagkakakitaan ah."

"Bakit gusto mong alamin?"

Bakit ba pag tinatanong ko siya ay lage na lang niya akong sinasagot ng tanong din? 'Problema ng lalakeng 'to?

"Because I like you."

Nakagat ko ang lower lip ko. At bakit din ba lage akong nauunang magsalita kesa mag-isip?

Hindi naman akong nahihiyang sabihin at malaman niya ang nararamdaman ko sa kanya, dahil sooner o later ay talagang ipapaalam ko rin naman sa kanya but not now! Not in this place! Hindi sa matao at maingay na hallway! Ni hindi pa 'ko nagsusuklay dahil nga nakita ko na siya at hinabol bago pa man ako makapuntang CR.

He smirked. Parang hindi naniniwala sa'kin.

Grabe 'tong lalakeng 'to. He should be proud dahil siya lang ang hinabol ko ng ganito at nagustuhan ng todo sa tanang sixteen years ng buhay ko! Kainis!

"Yes, I do." Pangangatawanan ko na since nasimulan ko na.

"At sinasabi ko sa'yo 'to agad dahil naniniwala ako na kapag may nararamdaman ang isang tao ay dapat niya agad ipagtapat sa taong gusto niya. It is to avoid the 'what ifs' and years of misery kung hindi niya 'yon ginawa dahil hindi na pala sila magkikita ng taong 'yon. 'Yong iba kasi hindi kayang sabihin when they have all the time in the world tapos iiyak-iyak 'pag wala na. At para makatulog na din ako ng maayos. At saka...Malay mo ito na pala ang huling araw ko dito sa earth at least nasabi ko na sa----"

Bigla niya akong kinabig gamit ang isang kamay papunta sa kanya.

Biglaan yun ah! Feeling ko bumaliko ang ilong ko dahil masakit ang pagkaka-landing noon sa matigas niyang dibdib. Mga ilang segundo rin kaming nasa ganoong tayo kaya amoy na amoy ko ang pabango niya.

Hmn...

What's this? Gusto din ba niya ako?

Titingalain ko na sana siya nang bigla naman niya akong bitawan. Tsk! Na-miss ko bigla 'yong amoy niya ha.

"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo." Pagalit niyang sabi habang naka-kunot ang noo niya bago ako iwan.

Nakita ko pa ang dalawang estudyante na tumatakbo at walang pakialam kung may mabunggo mang ibang tao. So iniligtas lang pala niya ako mula sa muntikang pagkakasubsob?

Hmp. False alarm.

Mga 7 seconds na ang nakakalipas pero nakatanga pa din ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako maka-get-over sa pakiramdam habang yakap-yakap niya kanina kahit sandali lang.

Ilusyonada talaga ako kahit kailan. Hindi naman niya ako niyakap, pinrotektahan lang niya 'ko. Pero kahit ano pa 'yon eh 'di ba parehong nakakakilig? Yeah boy!

I grin. Lalo lang niya akong binibigyan ng dahilan para magkagusto sa kanya.

Teka nasaan na ba 'yun? Hindi pa ako tapos sa sinasabi ko ah.

^^^^^^^^

Hapon.

Syempre alam ninyo na kung saan ang rampa ko tuwing hapon.Tama, sa mga lugar kung saan ko mai-spot-an si Unsmiling Prince.

Nagwarning knock muna 'ko sa pinto ng SSC office. Iba-iba ang schedule ng mga officers at uwian na din kaya malamang na konti lang ang mga nasa loob. Tyinempo ko rin na wala si Stacy. Mahirap na, baka um-epal pa 'yon sa mga diskarte ko.

"Hello, Unsmiling Prince." Ang swerte ko talaga, siya agad ang una kong nakita.

Nasa desk niya siya, playing his pen in his left hand at parang nag-iisip pero diretso naman ang tingin sa'kin, hindi man lang nagulat sa pagsulpot ko. Hindi siya sumagot at diretso pa ding nakatingin sa'kin. Ano pa nga bang gagawin ko, di makipaglaban ng tititgan.

Umupo ako sa armchair na nasa harap niya. I smilingly look up at him. Ewan ko pero pag nakikita ko ang mata niya ay napapangiti ako. How odd that his cold eyes bring me warm feelings. Mas matindi pa kaysa sa nararamdaman ko kapag nagsisindi ako ng apoy.

His eyes... It's like falling under his spell... Haay. We could stare here at each other forever!

Kung sinasabi ng iba na 'the eyes are the windows of the soul', Rion's eyes seemed to covered up all the things about him. Parang ang mga ito ang nagsara para hindi makilala ng mundo ang totoong Rion. And that adds to his mysterious aura.

They are lifeless. Parang hindi dinadaanan ng emosyon na pinagtibay pa ng hindi niya pagngiti.

Pero kahit ganoon, hindi pa rin nakakasawa ang kagwapuhan niya kahit hindi madaling basahin ang nararamdaman niya. And he will still be my Unsmiling Prince...

"What do you want?" tanong niya at nagbasa na siya ng kung anu-anong letters.

"Alam mo naman kung ano ang gusto ko di ba? Pero dahil ayaw mo namang ibigay sa'kin, ok lang. Huwag na. Hindi na kita pipilitin."

"Yeah? I'm glad." Pero wala naman sa mukha niya na natutuwa siya.

"Haha! Ok lang kahit hindi ko alam kung paano kita mako-contact eh kasi... araw-araw mo naman akong makikita. I'll make sure of that. Hahahahaha!"

"Such a spirit."

"Thank you." At bumalik na siya sa pagbabasa.

Nilingon ko ang may kalakihang office nila at nakita ko si Shawarmi. Siya yung nakasagutan ko kahapon.

"Hello, Shawarmi!" bati ko sa kanya at kumaway pa ako. Naisip ko na kaibiganin na lang siya, base kase sa research ko ay wala siya masyadong kaibigan dahil puro ilag sa kanya at saka lage siyang kasama ni Rion.

"It's Shamari." She corrected coldly habang naghahanda na sa pag-uwi.

"Shalani, Shawarmi, Shavani. Nice name you got." Try ko lang kung maiinis si I-am-so-composed-don't-try-to-annoy-me Shamari. Hehe! Pero sinamaan lang niya ako ng tingin at lumakad na papuntang pinto.

"Wait me at the parking lot. Sabay na tayong umuwi."

Bigla akong napalingon kay Rion dahil sa sinabi niya. Ano?!

Tumango lang si Shamari at umalis na. Teka...

Niyaya este inutusan ni Rion na maghintay si Shamari sa parking lot para sabay na daw sila. Bakit sabay sila dapat umuwi? May relasyon ba sila? The President and the Vice President?

"Teka bakit sabay pa kayong umuwi? Malaki na naman siya ah, kaya na niya ang sarili niya." Syet. Baka nga may relasyon sila, epal ako nito. Pero kung meron man, bakit hinahayaan ni Shamari na habul-habulin ko ang boyfriend niya?

Tiningnan lang niya ako saglit at naghanda na din para umuwi.

"Girlfriend mo ba siya?" tanong ko pa din at sumunod sa paglabas niya.

Heto na naman kami sa hallway pero dahil hapon na, konti na lang ang mga estudyante. Haist! Sana may magtakbuhang mga kalabaw, elepante, kabayo at toro dito sa hallway para makatsansing ulit ako. Pero wala. Kasingtahimik ng hallway ang tahimik na si Rion.

"Uy, girlfriend mo ba?"

"What do you think?"

"I don't want to think. Nah. Hindi. Hindi pwede dahil hindi kayo bagay. Pareho kayong tahimik at seryoso. Kapag magde-date kayong dalawa, wala kayong mapag-uusapan dahil wala kayong mabubuong sentence. At saka wala akong nafi-feel na romantic atmosphere sa inyong dalawa."

Tumawa lang siya nang mahina, parang na-amuse pa sa sinabi ko.

Can't be! Wala namang ganyanan.

Pero hindi ba at sinabi ni Euna na playboy nga daw si Rion. Well, hindi halata pero hindi dahil tahimik at seryoso ay santo na din siya pagdating sa mga babae. Ngayon na nga lang ako nagkagusto sa isang lalake ay mang-aagaw pa yata ang drama ko.

Nakarating na kami sa parking lot at nasa tabi ng kotse ni Rion si Shamari. Diretso ang tingin niya sa'kin.

Emotionless. Tiningnan ko si Rion. Emotionless din. Baka naman kambal sila. But no, hindi sila magkamukha. O baka naman talagang masikretong couple sila?

"Shalami, may sasakyan ka 'di ba?"

"Banned." she said at pumasok na at umupo sa front seat.

"Kailangan nyo pa ba talagang magsabay?" tanong ko kay Rion nang umikot siya sa gilid ng driver's seat.

What a pathetic me! Ni wala akong makuhang matinong sagot sa lalakeng 'to.

Bago pumasok sa kotse si Rion ay nilingon ulit niya ako. " A child like you must not go home alone. Hintayin mo ang service o kahit na sinong sundo mo." and gave me one last look bago pinaandar ang kotse niya.

Naiwan ako sa parking lot.

Nakatungo at...... Nakangisi.

Hahaha!

Child pala ha. Ilang taon lang ang tanda mo sa'kin!

At hindi mo ako masisindak Marionello Flaviejo. Mas lalo lang akong naging interesado sa'yo. At since hindi mo nilinaw na may relasyon nga kayo, malalaman at malalaman ko din yun.

My way. Whatever it takes.