webnovel

Rewrite (Tagalog)

Arabella Romero is a girl from an orphanage is going to meet her father whom left them. He ask her to move and live with him in Manila with his family and she agreed. When her father enrolled her to a famous private school that only rich can afford it. And the moment she enter her new school, she already feel unwanted. DISCLAIMER: This story is fictitious. Characters, Names, Businesses, Places, events, and incident are just a product of Author's imagination. Any actual person, living or dead, or actual events or incidents are purely coincidence. Started: Sat, July 3, 2021 Finished: Mon, August 9, 2021

Gummy_Sunny · 青春言情
分數不夠
26 Chs

The Punch

Chapter 2

- Arabella's POV -

Nag-uusap padin kami habang kumakain kami ng kung ano-ano at panay din ang lingon ko sa paligid. Pinapakiramdaman kung anong nangyayari sa paligid.

Maya-maya pa ay biglang nagkagulo at naging maingay ang paligid. Bigla akong kinabahan dahil may nangyari na ding ganito noong nagkasunog noon sa ampunan.

Agad akong napatayo ay natatarantang nilingon-lingon ang paligid. Ang lahat ay sumisigaw na parang kinikilig. Parang mga baliw na ewan kasi sumisigaw sila tapos mabilis na nagliligpit ng gamit.

"Anong nangyayari?" Tanong ni Anna.

"O. M. G!!! Nandito na ang Master 4!!!" Malakas na sigaw ni Brigitte. Agad nilang niligpit ang mga gamit nila tapos hinila ako patayo.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Pupunta tayo doon." Excited na sabi ni Brigitte.

"Saan?" Tanong ko pa habang hila parin nila ako.

"Titignan natin ang Master 4!!!" Sigaw nilang tatlo. Ako naman ay napangiwi.

'Master 4 nanaman? Tsk.'

Naging mas maingay ang paligid at lagi kong naririnig ang pangalang Devin at Levi. Pati ang tatlong kasama ko ay nakikitili din habang ako naman ay naiirita lang sa kanilang lahat.

"Ayon si Devin, ohh! Yung leader nila!" Sabi ni Reggie sa akin at may tinuturo sa bandang harap ko. Bago ko pa man lingunin iyon ay biglang namang may bumangga sa akin at dumausdus ako sa sahig.

"Bell!!!" Sigaw nilang tatlo tapos tinulungan akong tumayo. Dahil hindi ko ata naisara ang bag ko ay nahulog ang karamihan sa mga gamit ko. Kunuha ko iyon isa-isa at tinulungang makatayo yung mascot na natumba ng mabangga ako.

"Ano, Bell? Ang ga-gwapo nila, noh?" Excited na tanong ni Brigitte.

"Huh? Hindi ko nga sila nakita, ehh. Yung mascot kasi, ehh." Kunwaring naiinis kong sabi.

"Sayang, ang ganda sana ng araw mo." Nakangiting sabi ni Brigitte na parang nananaginip. Yung parang kilig na kilig. Yung kulang pa ang salitang kinikilig para maipinta ang kilig nya. "Ang gwapo-gwapo ni Levi ngayon, noh? Oh my god, Levi! Anakan mo ako!!" Malakas na sigaw ni Brigitte.

"Hoy!" Saway namin pareho ni Reggie sa kanya.

"G*ga, wag ka ngang sumigaw ng ganyan. Have a shame to yourself." Parang nandidiring sabi ni Reggie. Natawa naman ako ng bahagya.

"Sino ba kasi yung Levi na yon?" Tanong ko sa kanya.

"Sya yung pangalawang sikat dito pagkatapos ni Devin. Sya yung hot guy at sya din ang pangalawang magaling magbasketball pagkatapos ni Devin. Magaling din sya magsulat ng kanta." Parang kinikiliti sya habang sinasabi nya iyon.

"Yung pangatlo naman ay si Noah. Sya yung happy-go-lucky na guy. Sya din yung makulit at ang pinakacute sa kanila." Kinikilig din na sabi ni Anna.

"Ang pinakasikat naman sa kanila ay si Devin. Sya yung magaling sa lahat ng bagay, magaling sa lahat. Basketball, music, acads. Basta! Para ngang perfect na sya, ehh." Sabi naman ni Reggie.

"Tsk. Walang taong perfect, noh." Pag-angal ko sa kanya. "Tsk." Mahinang singhal ko pagkatapos.

'Pinakamagaling... Tsk! Baka matalo ko pa nga sya sa basketball, ehh.'

"Tara na. Balik na tayo sa pwesto natin kanina. Tyaka, nandoon na din ang Master 4." Excited nanamang sabi ni Brigitte.

"Oo nga! Tara na!" Sabi naman ni Anna.

- Devin's POV -

"Malapit na nga. Kailangan na natin ng maraming practice." Sabi ni Noah.

"Antahimik ni Master, ahh?" Rinig kong bulong naman ni Kyle.

"I can hear you, Kyle." Masungit kong sabi.

"Bad mood." Rinig ko nanamang bulong nito.

"Baka may dalaw kaya ganyan." Bulong naman ni Noah tapos humagikgik.

"I'm the number one fan of Devin and Destiny's LoveTeam!" Malakas na sigaw ng kung sino. Agad na nag-init ang noo ko at tiningnan kung sino ang sumigaw na yon. Napakunot ang noo ko dahil hindi ko kilala ang babaeng iyon.

"Hoy, Margot, ano ba? Bakit nagsasabi ka ng bad words?" Tanong ni Kyle.

"Where did you find that pictures?" Tanong ko.

"Sa profile mo, Devin."

"That photos was deleted."

"I'm so sorry. Ide-delete ko nalang---" sabi nya at paalis na sana ako pero hinawakan nya ako.

"Don't touch me!" Malakas kong sigaw at itinulak sya.

- Arabella's POV -

"Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanila.

"Nagsabi kasi sya ng bad words, ehh." Sabi ni Anna.

"Nasaan ang bad words doon?" Tanong ko sa kanila. Nanood nang ako para malaman kung anong nangyayari.

"Oww!!!" Sigaw ng lahat ng biglang itulak nung lalaki yung babae kanina. Lahat ay nagulat at ang iba namang ay tumatawa na. Nagtagis ang bagang ko at talagang kumunot ang noo ko. Wala sa sarili akong napatayo.

"G*go yon, ahh!" Sigaw ko.

"Bell!!" Sigaw nila Reggie at pinipigilan ako pero hindi ako nagpapapigil sa kanila.

"Ano bang problema ng g*ngg*ng na yon, ha?!" Sigaw ko pa tapos pilit na pinapa-alis ang mga estudyante sa daanan ko. "Hoy! Lalaking mayabang!" Sigaw ko ng malapit ako sa kanya. Hindi ko pa nakikita ang muhka nya dahil nakatalikod pa ito sa akin.

"Bell! Tama na!" Awat sa akin ng mga kaibigan ko. Nang humarap ito ay halos mapamura ako.

'Alam mo kung bakit? Kasi kilala ko na tong g*gong to!'

"Ikaw?!" Sabay naming tanong sa isa't isa.

"Huh! Kaya naman pala. Ikaw pala yan?! Napaka-ano mo, nohh!?" Malakas kong sigaw sa mismong muhka nya.

"Excuse me, miss, ha?! I already said that... It! Was! An! Accident!" Sigaw din nito sa muhka ko.

"Aksidente nga! Pero, bakit hindi mo kami tinulungan?! Alam mo bang munting mong mapatay si Suzzy?! Yung bata! Bata yun! Tapos tinakbuhan mo lang kami?!" Sigaw ko.

"Bakit ka nandito ngayon? For the money? Ok, fine." Nang-iinis na sabi nito. "Kyle, give me my wallet." Sabi nito sa isang lalaki sa may gilid. Agad naman sya nitong sinunod at ako naman ay napabuga nalang ng hangin dahil sa frustration. "Ayan! Gusto mo yan, diba? Sabihan mo lang ako kung kulang pa." Mayabang na sabi nito tapos itinapon sa harap ko ang ilang piraso ng pera.

Dahil doon ay mas lalo akong nainis. Akmang aalis na sya pero bigla ko syang hinila at...

SINAPAK!!

"Sayo na yang pera mo! Walang may kailangan ng pera mo!" Sigaw ko bago ako naglakad at kinuha ang mga gamit ko. "Reggie, Anna, Brigitte! Tara na!" Sigaw ko at nagpatuloy nalang sa paglalakad.

"OH MY GOD!!" Sigaw ni Brigitte.

"Bell, why did you do that?!" Sigaw ni Reggie.

"G*go sya, ehh. Muntik na syang makapatay tapos pera ang ibibigay nya? Anong magagawa ng pera? Maibabalik ba non yung buhay kung napatay nya si Suzzy?" Tanong ko sa kanila.

"Oo nga. Pero, si Devin yon! Campus King! Gusto mo bang mabully ng buong taon?!" Sigaw sa akin ni Reggie. Hindi nalang ako sumagot at dumiretso nalang sa paglalakad papunta ng classroom.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang sila ay pilit akong tinatawag. Nang akmang papasok ako ay may biglang humarang sa akin. Nagulat ko dahil tinulak pa ako nito pero hindi ganon kalakas para mapatumba ako.

"It's you, right? The trash who punched our Devin." Mataray na sabi nito habang nanlilisik ang matang nakatingin sa akin. Ganon din si Heaven at yung Charlee ata. "How dare you to do that to him. You're an attention seeker! You're such a trash!" Sigaw nito bago ako binangga at umalis. Sumunod naman yung dalawang kasama nya.

"Hala! Ayan na nga ba ang sinasabi ko, ehh! Tignan mo, isa-isa ka nang aawayin ng mga students dahil sa ginawa mo, Bell." Nag-aalalang sabi ni Reggie.

"Ano ka ba, kakayanin ko lahat ng pang-bubully. Basta wag lang kayong madadamay, kaya... Tara na! Pasok na tayo!" Sigaw ko at sabay-sabay kami pumasok ng classroom namin.

Pagpasok namin ay nakatingin sa amin lahat ng estudyante. Actually, sa akin lang. Yung iba may nakikita akong inis, yung iba naman may nakikita akong hindi ko alam kung ano.

Hinila ako ni Brigitte sa isang upuan at muhkang upuan nya ang sa tabi ko. Tapos bigla namang dumikit din sa amin si Reggie at Anna habang nakangiti.

Nagtaka ako at inayos muna ang mga gamit ko bago ko sila hinarap ulit at nakangiti na din si Brigitte ngayon sa akin. Doon na tuluyang kumunot ang noo ko.

"Mag-kwento ka naman, ohh. Ano bang nangyari at bakit mo sinuntok si Devin?" Tanong ni Reggie.

"Ganito kasi yun. Nameet ko noon si Devin sa Leyte at ang first meeting naming dalawa, muntik nya kaming mabangga nung kasama kong bata. Hindi naman kami napuruhan, tapos imbis na manghingi ng sorry or kamustahin man lang kami saglit. Sinigawan pa kami nung g*go. Sabi "Umalis kayo dyan sa daanan! You're blocking the driveway!" Sabi nya pa!" Naiinis kong kwento sa kanila.

"Ahh..." Tumatango-tangong sabi nila.

"Alam nyo na?" Tanong ko. Tumango-tango naman silang tatlo. Maya-maya pa ay biglang pumasok na ang tatlong babae kanina at maya-maya pa ay tumunog na ang bell.

Bago pa man pumasok ang guro namin ay pumasok na yung apat na lalaki at nagkaroon ng mahinang ingay sa loob ng classroom. Nagbulungan ang mga estudyante na dahilan ng ingay.

Pagkapasok nila ay kasunod naman ang guro namin at nakangiti ito sa aming lahat. Hanggang sa unti-unti nang nawala ang bulungan nang makarating na sya sa harapan.

"Good morning, class. So, we have our new student today. Care to introduce yourself infront of us?" Nakangiting tanong nito. Agad naman akong tumango. Tumayo ako tapos tumayo sa tabi nya tapos doon ko nakitang nakatingin na ang lahat sa akin.

"Good morning, everyone. My name is Arabella Romero. Bell for short." Maikling sabi ko.

"Yon lang? How about hobbies?" Tanong pa ng guro namin.

"Madami po,ehh... Let's say...." Nag-isip muna ako bago sumagot. "Pagkanta po." Sabi ko.

"Ok. Sige maupo ka na." Sabi nya na mabilis ko namang ginawa.

"Thank you, po." Naiilang kong sabi tapos mabilis na naupo. Nang makaupo ako ay doon na ako nakahiga ng maluwag. Para kasi akong hinihigop kanina.

- To Be Continued -

(Mon, July 5, 2021)