webnovel

Rewrite (Tagalog)

Arabella Romero is a girl from an orphanage is going to meet her father whom left them. He ask her to move and live with him in Manila with his family and she agreed. When her father enrolled her to a famous private school that only rich can afford it. And the moment she enter her new school, she already feel unwanted. DISCLAIMER: This story is fictitious. Characters, Names, Businesses, Places, events, and incident are just a product of Author's imagination. Any actual person, living or dead, or actual events or incidents are purely coincidence. Started: Sat, July 3, 2021 Finished: Mon, August 9, 2021

Gummy_Sunny · 青春言情
分數不夠
26 Chs

Scary Dad

Chapter 20

– Heaven's POV –

Pagkababa ko pa lang ay nandoon na ang sundo namin ni Bell. Hinayaan nalang namin syang pumunta sa gym dahil alam naming si Devin ang kikitain nya.

Pagkababa ko palang ay agad na tumambad sa akin si Ryan. Napatigil ako sa paglalakad at sandaling napatitig sa kanya. Nakaputing polo ito at nakapantalon.

Nakatingin din ito sa baba na parang may iniisip. Nang mag-angat ito ng tingin sa akin ay agad kaming nagngitian pareho. Umayos ito ng tayo ay saka ko na itinuloy ang paglapit sa kanya.

"Where's Bell?" Nakangiting tanong nya sa akin.

"She meet someone. Mauna na tayo." Sagot ko naman sa kanya.

"I think, matatagalan pa sya. May maghahatid ba sa kanya? Mapapagalitan ako ng kuya nyo nyan, ehh." Sabi nya tapos kumamot sa ulo nya habang nakangiwi.

"Ano ka ba, it's ok. She's safe with Devin." Nakangiting sabi ko. Tumango nalang ito sa akin.

"Do you want to go somewhere muna? Mall or cafe?" Tanong nya sa akin.

"Sure." Sagot ko. "Sa The Barb nalang tayo." Suggest ko.

"Sure." Sabi nya tapos inalalayan akong sumakay ng kotse. Nang makasakay kaming dalawa ay dumiretso na agad kami roon. Pagdating namin ay nandoon din sila Brigitte.

"Ohh? Akala ko ba uuwi ka na?" Tanong nya sa akin.

"Mamaya na. Niyaya kasi ako ni Ryan, ehh." Sabi ko.

"Ayy, may date naman pala." Sabi nya na ikinapula ng muhka ko.

"Hi, guys." Biglang bati ni Ryan sa mga taong naroon.

"Hi, pogi!" Bati nilang lahat.

"Ohh, nandito rin pala kayo?" Sabi ji Ryan ng makita nya sila Levi at Noah.

"Yeah." Sagot nila. Naupo na kami sa isang lamesa at agad na umorder. By the way, hindi na pala nagtatrabaho dito si Bell dahil pinagbawalan na sya ni Dad at Kuya.

"Kumusta ka na?" Tanong nya sa akin.

"I'm fine. Ikaw? Parang ngayon nalang ulit kita nakita, ahh?"

"Medyo busy lang ako ngayon. Madami kasing shots at may pelikola pa akong ginagawa." Nakangiting sagot nya sa akin. Nag-usap pa kami habang inuubos ang parehong kape namin at agad ding umuwi nang maubos iyon.

– Arabella's POV –

Palabas na kami ni Sensui ng school ng biglang makasalubong namin sila Destiny. Muhkang hindi pa kami nito napapansin kaya hindi nalang namin pinansin ang mga ito.

"Wait." Biglang sabi ni Destiny kaya napatigil kami pareho no Sensui. "Why are you two together?" Tanong nito habang nakaturo pa sa amin.

"Wala naman kaming nakikitang masama doon, ahh?" Inosente kong tanong kasabay ng pagkunot ng noo ko.

"Tara na, Bell." Sabi ni Sensui at inalalayan na akong umalis. Umalis na kami at dumiretso sa bahay. Nang makarating kami doon ay agad kaming sinalubong ni Heaven, na tatawa-tawa pa.

"Haha, lagot ka. Bakit ngayon lang kayo ni Devin?" Natatawang tanong nito sa akin. "Kanina ka pa hinahanap ni Daddy. Nandito na din sila kuya." Natatawang sabi nya pa. Narinig ko namang napalunok si Sensui mula sa likod ko.

Nang pumasok kami ay agad akong sinalubong ng yakap ng tatlo kong kuya. Halatang-halata ang pag-aalala nila sa akin dahil bakas na bakas iyon sa mga muhka nilang tatlo.

"Saan ka ba nanggaling?" Tanong ni Kuya Chase.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong naman ni Kuya. "Alam mo bang kanina ka pa namin tinatawagan?" Tanong nya. Ako naman ay napakamot sa ulo dahil naalala kong nawalan nga pala iyong ng baterya.

"Na-lowbat ako, ehh." Napapakamot sa ulo kong sabi.

"Sino ba ang kasama mo?" Singit naman ni Dad.

"A-Ako po." Singit din ni Sensui.

"Ikaw? Wait, who are you?" Tanong ni Dad kay Sensui.

"Ahh, manliligaw po ako ni Bell." Lakas-lob nitong sabi. Agad naman akong umalma at narinig ko naman ang paghagikgik ni Heaven.

"Sensui!!" Sigaw ko at pinanlakihan sya ng mata at sinasabing 'anong ginagawa mo?'.

"I'm sorry, Bell. Hindi ko nasabi sayo ng harapan kanina. Ngayon ko nalang sasamantalahin ang pagkakataon na nandito ang Daddy mo para isahan nalang." Nakangiwing sabi nya tapos humarap ulit kay Dad. "Mr. Sai, kuya Billy, kuya Chase, kuya Chandler, gusto ko pong ligawan si Bell. Sana po payagan nyo ako." Nahihiyang sabi nito habang pinagpapawisan din sa kinakatayuan nya. Habang si Heaven naman ay humahagikgik lang sa tabi ko.

"Hoy, Sensui, ano ba?!" Bulong kong saway sa kanya. "Tigilan mo nga yan!" Pabulong ko ding sabi.

"Bell, I really serious about you. I can do whatever you want me to do, please, let me court you." Senserong sabi nito habang nakaharap sa akin.

"Tama na yan." Biglang sabi ni Dad habang seryosong-seryoso ang muhka. "Pumasok na muna tayo sa loob." Sabi nya tapos nauna nang pumasok. Kasunod namang pumasok ang kuya ko.

"Good luck, Devin." Natatawa paring sabi ni Heaven at nauna sa aming pumasok. Kaming dalawa naman ay nagkatinginan muna bago kami tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

Pagpasok namin ay pinaupo nila agad si Sensui at nakaupo sila ngayon sa isang lamesa at parang iniimbistigahan nila si Sensui at isa itong suspect na may ginagawang krimen.

"Narinig kong ikaw daw ang nambully sa anak ko?" Masungit na tanong ni Dad kay Sensui.

"Opo, pero ok na po kami ngayon." Mabilis nyang sagot.

"Nakikita ko nga." Masungit at istrikto namang sabi ni Dad. Habang si Heaven naman ay natatawa lang sa tabi ko.

"Bakit ka ba tawa ng tawa?" Takang tanong ko sa kanya.

"Ayan kasi yung dahilan kung bakit wala parin akong boyfriend hanggang ngayon. Masyado kasing nakakatakot si Daddy, tapos ngayon, kasama na sila Kuya Billy, kawawa naman yung magiging manliligaw natin, Bell." Natatawa paring sabi nya. Ako naman ay napangiwi nalang at nagulat ako ng hilahin ako ni Heaven palabas ng kusina.

"Ano ba, Heaven? Wag tayong lumabas doon. Baka kung anong gawin nila kay Sensui." Sabi ko tapos naglakad ulit pabalik pero hinarangan nya ako.

"Hayaan mo na sila doon. Hindi naman nila kakainin ng buhay si Devin, ehh. Tyaka, paano nila matatanong yung mga bagay na hindi mo dapat marinig? Hayaan mo na lang muna sila." Nakangiting sabi nya. Ako naman ay bumuntong-hininga nalang at parang nawawalan na nang pag-asa.

A Few Moments Later. . .

Tinatawag na kami ni Tita Made dahil kakain na daw kami ng hapunan. Nang pagpasok namin sa kusina ay nakaupo parin sila habang si Sensui ay pawis na pawis at parang takot na takot.

"Anong nangyari sayo?" Agad kong tanong nang makaupo akons tabi nya.

"Wala." Sabi nya tapos pilit na ngumiti sa akin. Ako naman ay pasimple inikot ang paningin sa buong lamesa at napansin kong nagpipigil sila ng tawa. "Ano bang ginawa nyo kay Sensui? Bakit ganito to?" Tanong ko sa kanila.

"Wala. Sya lang tong masyadong kabado at nauutal-utal pa." Nagpipigil na tawang sabi ni Dad. Ako nama ay nilingon ulit si Sensui na nakatingin nalang sa plato.

"Wag mo nalang silang pansinin." Sabi ko at kumuha ng panyong nasa bulsa ko. "Ito, ohh. Punasan mo yang pawis mo, para kang ewan na hindi ko maintindihan, ehh." Sabi ko. Agad naman nyang kinuha ang panyo at pinunasan ang sarili. Ako naman ay napailing habang pinapanood sya.

KINABUKASAN. . .

"Seryoso?" Natatawang sabi ni Brigitte.

"Oo nga. Pero hindi kasi namin napanood lahat, lumabas na kasi kami ni Bell, ehh." Sabi naman ni Heaven. Pinagkukwentuhan kasi nila ang nangyari kagabi sa bahay.

"Grabe, hindi ka nga torpe, dre, duwag ka naman." Nang-aasar namana sabi ni Noah.

"Hindi ako duwag. Nakakatakot lang talaga ang mga kuya nya. Lalo na yung Daddy nya." Depensa naman ni Sensui. Natawa nalang kami lahat dahil sa nangyaring ito. Nasa ganon kaming sitwasyon ng biglang dumating si Reggie na ipinatawag kanina ni Dean.

"Bell, pinapatawag kayo ni Dean sa office nya." Sabi nya. Ako naman ay nagtaka kung bakit nya kami pinatawag. Pumunta nalang kami at hindi na nagreklamo. Nang mkarating kami doon ay naroon si Destiny, Saylor, at Charlee.

"Dean, nandito na po kami." Sabi ko sa may pintuan.

"Yes, come here. Pasok, pasok." Sabi nya na agad naman naming sinunod. Nagtataka kami kung bakit narito kami ngayon at kung bakit narito din si Destiny. "So, Ms. Romero, Ms. Gozon, tell me that, the accident that happened to you this last few days is now just an accident. It's planned." Parang nanloolommong sabi ni Dean. "Saylor, planned all of this and kasabwat pa nya ang step-sister mong si Heaven. Akala ko ay nagulat na ako sa unang nga itinuran ni Dean pero mas nagulat ako dahil sa narinig ko ngayon.

"Heaven?" Tanong ko tapos lumingon sa kanya.

"No, Bell. I didn't do anything!! Promise! Please, maniwala ka sa akin!" Nagugulat at naiiyak na nyang sabi.

"Kasama din nila sa planong to si Cyrus. Magkakasabwat silang tatlo." Seryoso pang sabi ni Dean.

"Dean, Bell, hindi yon sinasadya ni Kuya!!" Biglang singit ni Margot.

"Alam mo?" Naiiyak ko nang tanong.

"Bell, I'm sorry. Ayoko pang kasing mapahamak si Kuya. Masyado kasi syang mabait sa akin, ganon din ang mommy nya sa akin. Simula noong dumating sila sa buhay namin, naging nasayaulit kami ni Daddy pagkatapos ng pagkawala ni Mommy. Ayoko lang naman masira ang pamilya namin kaya hindi ko nalang sinabi." Naiiyak nyang paliwanag. Ako naman ay natulala nalang sa isang tabi haggang sa matapos ang usapan naming iyon.

— To Be Continued —

(Mon, August 2, 2021)