Chapter 4
- Devin's POV -
"Kumusta?" Biglang tanong ni Noah. Kakatapos lang ng practice namin at nakaupo na kami ngayon dito sa basketball court at nag-uusap.
"Anong kamusta?" Tanong ko sa kanya.
"Yung kiss nyo ni Bell." Natatawang sabi ni Levi.
"Shut up, Levi." Naiinis kong sabi.
"Why? You really like the kiss?" Tanong naman ni Noah. Nanunukso din.
"Hindi ko magugustuhan ang Taguro'ng yon."
"Taguro?" Sabay na tanong ng dalawa.
"Oo. Yung mayabang na character sa ghost fighter?"
"Ahh." Sabay na sabi nila. Nanunukso parin.
"Pero, wala ka ba talagang naramdamang kahit ano?" Singit nanaman ni Noah.
"Wala." Maikli pero masungit kong sagot.
"Grabe, trending kayo ngayon, master. Trending yung kiss nyo ni Bell. Ang daming bad comments. Ang daming haters ni Taguro." Biglang sabat ni Kyle. Pinakita nito ang sa akin ang phone nya at nakita ko ngang tama sya. "Ito, ohh. 'She planned it all.' 'Grabe na talaga ang mga Trash sa ngayon.' 'She want to be our new queen.' 'Hindi kami papayag.' 'Magkano ang binayag mo doon sa mascot at sa kulot?' Tapos ang dami pang iba." Natatawang sabi ni Kyle.
"Yeah. Ang daming galit ngayon kay Bell dahil sa sinapak at sa kiss nyo. Everyone is jealous to her now." Natatawang sabi ni Levi.
"Ano kaya kung buksan natin ang project blocked? Paniguradong maraming tutulong sa atin."
"Sige, Kyle. Open project blocked."
"Hehehe. Yes, master!" Sabi nito tapos may kinalikot sa phone nya.
"You know, I never seen you interested to a girl like this. The last time is.... Sa pinsan ko pa." Sabi naman ni Levi.
"It's nothing. I just want her suffer." Sagot ko. Nagkibit-balikat lang sya tapos humagikgik naman si Noah.
- Arabella's POV -
"But I didn't do anything!" Sigaw ni Heaven. Nandito kami ngayon sa sala. Pinapagalitan sya ni Dad ngayon kahit na ako naman ang may kasalanan.
"I know you do something to her to deny it. I know you done something." Sabi pa ni Dad.
"I swear I don't anything! Bakit mo ba sya kinakampihan? She's just an outsider!" Sigaw pa ni Heaven.
"But she's your sister!" Sigaw naman ni Dad.
"Why did you guys, let Bell explain? Bakit hindi mo muna alamin ang side ni Bell bago ka magalit, Heaven?" Sabat naman ni Tita.
"Mom? Pati ba naman ikaw? I thought you're on my side! Kinakampihan mo na din sya?!" Sigaw pa ni Heaven.
"No. I'm just asking you and your father, let Bell explain." Mahinahong sabi ni Tita. Napalunok nanaman ako dahil sobrang lakas talaga ng tensyon sa lugar na to.
"Ako po talaga ang may kasalanan." Pagsingit ko sa kanila. "Ako lang po talaga ang nagsabi non kasi, hindi ko po alam kung paano ko ii-explain sa kanila." Mahinang sabi ko.
"See?! So, if you don't mind, dad? I'm going to my room now!" Sigaw ulit ni Heaven bago kami iniwan sa sala. Nagbaba ako ng tingin at naramdaman kong bumuntong-hininga si Dad at napailing naman si Tita Made.
- Heaven's POV -
"Ahh!!!" Inis kong daing. "She's really getting into my nerves! Argh!!" Inis ko paring daing. "Shaaa!!" Galit na galit kong daing habang nakatapat sa cellphone ko. "You're making my life miserable. Ahh!!" Wala sa sariling nakita ko ang ginawang GC ni Kyle.
Tinignan ko kung para kanino iyon kahit obvious naman talagang para sa magaling kong kapatid iyon. Napangisi ako at agad na tinignan kung nagchat na sila Saylor.
Nang makita ko ang chat nila ay agad akong nag chat din. Panay ang buntong-hininga ko at nanginginig din ako dahil sa inis ko sa kanya ngayon.
"I'm in." Pag-basa ko sa chat ko tapos sin-end ko agad sa kanila. "Huh! You're making my life miserable, now, I'm going to make your life MORE miserable!" Inis kong sabi tapos pabagsak kong inilapag ang phone ko sa kama ko.
- Arabella's POV -
'Dear Babu,
Nag-away kami kanina ni Heaven. Ang daldal kasi ni Brigitte, ehh. Nalaman tuloy ni Dad, hindi ko na tuloy alam kung anong sasabihin ko sa kanya kanina. Grabe, ang stressful ng araw ko ngayon.
Hindi ko nga alam kung paano ako nakapag-adjust sa bagong buhay ko, ehh. Mabuti nalang may mga bago akong kaibigan, tapos may trabaho pa ako. Grabe, feeling ko parang pagod na pagod ako ngayon.'
"Hi, ate." Agad akong napaharap ng biglang may magsalita sa gilid ko. Napangiti ako ng makita kong si Martin pala iyon at may dala pa itong pagkain.
"Ano yan?" Tanong ko.
"Cupcake po. Para sa inyo." Nakangiting sabi nya tapos inabot sa akin ang plato.
"Thank you, Martin." Nakangiti kong sabi. Kinuha ko sa kanya ang plato at inilapag iyon sa lamesa ko.
"Ate, ayaw mo ba ang maging kapatid?" Tanong ni Martin sa akin. Napabuntong-hininga naman ako.
"Hindi naman. Ayoko lang muna ipaalam sa mga taong kapatid nyo ako kasi ayaw pa ni Ate Heaven. Kapag ok na kay ate Heaven, sasabihin ko na sa mga friends ko. Hindi pa kasi sya ready sabihin sa mga friends nya." Nakangiti kong paliwanag sa kanya pagkatapos pinanggigilan ang pisnge nyang mataba.
"Ako po, sinabi ko na po sa mga friends ko na ate kita. Sabi nila, gusto na din daw nila magkaroon ng ate." Nakangiting kwento nito sa akin. Si Martin ay may pagkakahawig din kay Dad katulad ko. Pero sa aming lahat, ako talaga ang mas hawig sa kanya.
Pangalawa si Martin. Si Heaven kasi ay naglalaban ang itsura ni Tita Made at Dad kaya maganda talaga ito kahit hindi na ito maglagay ng kahit na ano sa muhka nya.
"Martin, time for bed na." Biglang sulpot ni Heaven galing sa likod. Nagtama ang paningin namin at parang gusto nya akong tumawin gamit ang tingin nya.
Nang makalabas na sila ay napabuntong-hininga ako tapos bumuntong-hininga nanaman. Hindi pa ako inaantok pero parang pagod na pagod ang katawan ko kahit wala ako masyadong ginawa.
Hindi ako napagod sa trabaho ko. Wala namang mahirap na task or activity sa school. Ang pahirap lang talaga ay yung mga estudyante sa school, ehh. Buti nalang may mga bago akong kaibigan ngayon.
'Kumusta ka na kaya, Babu? Miss na kita.'
Ang tagal ko na syang hindi nakikita. Wala na din akong balita kaya naman hindi ko malaman ang lagay nya. Dahil sa pagmumuni-muni ko ay hindi ko napansing nakatulog na pala ako.
- Devin's POV -
Nakatingin ako ngayon sa bahay ay hindi pa ako nakakapasok pero parang nanghihina na ako. Muli akong napabumuntong-hininga ng maiapak ko ang paa ko sa bakuran namin.
Nang makapasok ay sobrang tahimik ng bahay. Parang walang tao na nakatira sa sobrang tahimik. Napabuntong-hininga nanaman ako at maya-maya ay sinalubong ako ni manang.
"Sir, kumain na po ba kayo?" Tanong nito sa akin.
"Where's mom?" Balik ko ng tanong.
"Wala pa po. May rounds pa daw po sya, ehh. Ipaghahanda ko na po ba kayo ng pagkain?" Tanong nya pa.
"I'll bring it to Mom." Pagkasabi ko ay agad din naman syang sumunod. Ako naman ay umakyat para magbihis at pagbaba ko ay nakahanda na iyon.
MAKALIPAS ang ilang minuto ay nakarating na ako sa ospital. Nakangiti akong naglalakad habang nakatingin sa mga taong madadaanan ko. Panay din ang bati sa akin ng mga staff.
"Hi, Devin." Bati sa akin ni Doctora.
"Hello, Doc." Nakangiti ko ding bati sa kanya. Hinintay ko syang makalabas at bago ako humarap ulit kay Mommy.
"What are you doing here?" Tanong nito sa akin.
"I brought you foods. Tara, kain po tayo." Nakangiting kong sabi kahit nakatalikod sya at inaayos ang buhok ni Kuya.
"I already ate. Plus, I still have rounds." Sabi nya tapos iniwan akong mag-isa sa kwarto ni Kuya. Napabuntong-hininga ako tapos napatingin kay kuya.
Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi ng kama nya. Malungkot kong tinitigan ang muhka nya habang mahimbing syang matutulog sa harap ko, mahimbing na hindi ko alam kung kailan magigising.
"Kuys, what's up?" Pagkausap ko sa kanya. "Gumising ka na." Malungkot kong sabi sa kanya habang tinititigan parin sya. "I promise, magpapatalo ako sa basketball... Sayo lang naman ako magpapatalo... And I want mom to be happy again." Malungkot ko pang sabi.
KINABUKASAN . . .
"We are all here because we are all hate Taguro." Panimula ni Kyle. Nagpatawag kasi ako ng meeting at ngayon na namin pla-planuhin ang mga gagawin naming pranks.
"Who's Taguro?" Tanong ng isang babae.
"Si Bell." Mabilis na sagot ni Kyle.
"Ahh..." Sabi nito tapos tumango-tango.
"So, nandito tayong lahat ngayon dahil lahat tayo ay galit kay Taguro Bell na yan---" naputol ang sinasabi ni Kyle ng may tumayong isang babae.
"Yes! And, we have to find justice for our Devin. She have to pay for everything she did." Sabi nito.
"And, we have to do our best para mapaalis natin sya." Sabat naman ng isa.
"Where did she from? Who's her family? Who is she?" Sabat ko.
"I tried to search her name in any social media but she didn't have any of it." Sabat ni Noah.
"Yes. I tried it too. But I didn't get any information about her." Sabat naman ni Levi.
"Baka walang pang-load. Hahaha." Biglang biro ni Kyle. Natawa ang karamihan pero ako hindi.
'Ang corny kasi.'
- Third Person's POV -
Pranks Number One: Trash is a Trash.
Ngayon ay sisimulan na ng mga Students ang kanilang prank para kay Bell. Talagang hinanda nila ito na para lang talaga si Bell lang ang matatapunan dahil ayaw daw mangdamay nila Noah at Levi.
Nakaready na ang isang student sa likod ng hagdan at doon nya tatapunan si Bell. Ayan na nga, at palapit na ang ating bida sa pain ng mga estudyante ng school.
'Ano kayang nangyayari?'
Dahil malas ata talaga ngayon ang ating bida at natagal pa ang sintas nya at ng ayosin nya ito ay kinuha na itong pagkakataon ng estudyanteng itago nalang natin sa pangalang Kenneth.
Nagulat si Bell ng may biglang tumapon sa kanyang mga basura. Nang tignan nya kung saan ito nanggaling ay wala naman syang nakitang bakas ng kahit sino doon.
Sumama bigla ang muhka nya ng biglang dumaan ang mga gwapong Master 4 at nginisihan si Bell na parang alam ng mga ito ang mangyayari, na alam naman talaga nila.
Sa pagkakataong iyon palang ay alam na ni Bell na napranks sya ng Master 4. Doon na pumasok sa isip nya kung ito na ba ang simula ng kalbaryong sinasabi nila sa kanya?
- To Be Continued -
(Tue, July 6, 2021)