webnovel

Two

Nagising ako sa aking pagkakaidlip ng marinig ko ang malakas na katok at dagundong ng panahaon. And I saw Lovely, wearing her floral dress ngunit basang basa ito ng ulan. Umiiyak at kaagad na niyakap ako. Nagtataka akong niyakap siya ng mahigpit habang hinihintay ang kanyang sasabihin.

"Bryle broke up with me" aniya at tuluyan ng bumigay. Wala akong magawa kundi ang haplusin lamang ang likod niya. Wala akong magawa kundi ang yakapin siya ng mahigpit. Her almost 3 year relationship are gone? Ano ba ang dapat kong gawin

~*~

Bigla akong nagising sa aking pagkakatulog at sinuri ang nagsusuklay na si Love sa harap ko. She wearing that floral dress na nasa panaginip ko. Pinaningkitan ko lamang siya ng mga mata habang hindi mapakali.

I dont know, bigla akong kinakabahan para sakanya, what if my dream will come true? What if?

Gusto ko itong sabihin sakanya. But it is the first time na hindi insidenteng iyon ang aking napanaginipan. Natatakot ako.

"B-Bakit?" Nagtatakang tanong niya saakin.

"Aalis ka?" Wala sa loob na tanong ko.

"Hello, obvious ba?"

"Wag na lng kaya. Di ba maghahanap pa tayo ng malilipatan?" Pigil ko sakanya.

"Nope, di pwede. Hinihintay ako ni Bryle, tsaka may ibang araw pa naman." Kinuha na niya ang sling bag niya at patakbong umalis doon. Bigo akong naupo sa aking kama.

H-hindi naman siguro mangyayare yun.

Hinayaan kong ma-focus ang aking sarili sa paglilinis at pagsisimulang magligpit ng mga gamit namin. Nagluto din ako ng noodles para saaking umagahan.

At tamad na humiga sa aming kama, idinako ang aking paningin sa Bank Account na nasa ilalim ng kama.

Nagpakawala ako ng malalim na paghinga, nauubos na ang pera ko. Insurance pa ito nila Mama. Kailangan ko ng magtrabaho for my expenses.

Maya maya ay hindi ko namalayang nakatulog na ako, nagising ako sa napakalakas na dagundong ng pagkatok at panahon. Nanayo ang balahibo kong nakita si Lovely na umiiyak sa harap ko. Niyakap niya ako ng mahigpit pero hindi ako makagalaw.

Hindi ako makapaniwala, it is true. My dream.

"Bryle broke up with me." Salitang pilit na nag e-echo sa pandinig ko. Pangyayareng ayaw ko paniwalaan.

Biglang tumulo ang luha ko habang nakayakap sakanya. Hindi, hindi ito totoo?

Paanong mangyayare ang isang panaginip? Paano mangyayare iyon?

Pinagmasdan ko ng maigi si Love, pero ito yun. Ito yung nasa panaginip ko. Kumawala ako sa pagkakayakap niya at kumuha ng towel para ibigay sakanya. Tumabi ako sa tabi niya habang patuloy lamang ang kanyang pag-iyak.

Gusto kong ifocus ang sarili ko sa mga sinasabi niya, but I cant explain what is happening to me.

First is that accident, na ikakakasal ako? And then this?

How come? Paano? Nakalunok ba ako ng power? Sino namang mapapaniwala sa mga ganuong kalokohan.

Mas lalo akong natakot, natakot sa mga mangyayare.

Baka ito lang yung sinasabi nilang Dejavu? Itinigil ko ang mga iniisip ko, dinamayan ko si Love ng gabing iyon. Ginawa ko lahat para lang maibsan lahat ng sakit na nararamdaman niya.

~*~

Tipid niya akong nginitian habang isa-isa naming inayos ang aming mga gamit, nakalipat na kami sa aming bagong apartment, walking distance lamang ito sa State University.

"Well thanks to you at makakalayo ako kay Bryle for good." May pagka bitter na sambit niya saakin habang binubuhat ang gamit niya.

"Yeah." Tanging naging sagot ko na lamang at nagfocus sa mga gamit.

"Yung hayop na yun, sasabihan pa ako its not about you, its me. Saksakin ko kaya siya sa likod para matauhan siya, na BABAERO talaga ang rason niya. Pasalamat nga siya at pinagtiyagaan ko yang napakaliit niyang etits. Neknek niya." Natatawa na naiinis ako sa mga sinasabi niya.

"Tapos kung makahingi siya saakin ng favor sa mga assignment niya akala mo pinapasahod ako? Buti na nga din ito, ng makahanap siya ng kalevel niya." Galit na galit na litanya niya saakin. Hindi ko maiwasang hindi mapa-ngiti at matawa habang daldal siya ng daldal.

Ganyan nga ata kapag broken hearted in order for you to move on, gagawa ka na lang ng paraan para makita ang pagkakamali niya.

Nilamon kami ng araw na iyon na puro paglilinis, naiayos na din namin ang aming mga gamit at sa wakas tapos na din.

Biglang kumatok ang aming Landlord at pinagdalhan kami ng makakain.

"Tapos na kaagad kayo?" Pambungad na tanong niya saaming dalawa.

"Opo. Hindi naman po gaanong madumi, kaya hindi po kami nahirapan." Pambungad na sagot namin sakanya.

Lumapad ang ngiti niya saaming dalawa. "Ah nga pala, may dinala akong pagkain sainyong dalawa. Paniguradong hindi pa kayo kumakain. Kumain na muna kayo..."

"Naku, salamat po." Tuluyan ng nagpaalam saamin ni Tita Joy (Landlord).

Nagkatinginan kaming dalawa ni Love at ngumiti sa isat-isa, para kaming mga hindi dalaga dahil sa way ng pagkain naming dalawa. After uminom ng tubig ay may kakaibang ngiti siyang ibinigay saakin.

"Ice cream tayo?" Anyaya niya.

Hindi ako nagsalita ngunit tumayo ako.

"Tara." Sagot ko. Pareho kaming nakapambahay habang palabas ng apartment, nakamulsa lang ako sa akong cardigan na suot.

"Tinawagan mo na Mama mo?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami.

"Ou." Tipid na sagot niya.

"Okay lang ba siya na lumipat ka ng school and apartment?" Tiningin niya ang sarili niya sa daan.

"Wala namang magagawa si Mama. Gusto ko ito, kung ayaw nilang maglaslas ako sa bahay, dahil sa nakikita ko yung babaerong Bryle na iyon." Napapikit na lamang ako.

Naguumpisa na naman siya sa mga cursing word niya.

"Huwag lang talaga mabalik balik saakin yung gagong yun." Tipid akong nguniti sa sinabi niya at tuluyan na kaming pumasok sa convenience store.

Tamad kaming naupo ni Love sa upuan na nasa labas at sabay na pinagmasdan ang bituing nasa itaas. Buti at maganda ang naging panahon ngayon.

Huminga ako ng malalim. "Maghahanap na ako ng part time job. Sana may mahanap kaagad ako." Bulong ko.

"At sana this school year, mas maayos ang takbo ng buhay estudyante natin." Bulong din ni Lovely.

Sabay kaming napatingin sa ice cream naming natutunaw na.