webnovel
avataravatar

Sixteen

Sixteen

Tahimik akong umupo sa tapat niya, dala ko na rin ang mga librong aking pagaaralan.

Bigla na naman akong nailang sa mga titig niya.

"Tagal mo." Aniya. Iniyuko niya ang kanyang ulo at tinitigan lamang ako. Blanko na naman ang kanyang ekspresyon.

S-sinubukan kong iharang ang mga librong nakuha ko sa mga titig niya ngunit maagap niyang hinawakan ang aking kamay at umiling iling.

"C-can I?" Malambing na bigkas niya. Bigla akong natunaw sa mga titig niya, mabilis akong napaiwas ng tingin habang may pilyong ngiting gumuhit sa labi niya.

Nag-aral ako, nagsulat at nagbasa at hindi ko namamalayang nilalamon na ako ng oras ngunit itong kaharap ko ay nakatulog na pala.

Napasulyap ako sa paligid at ko-konti na lang ang mga tao, ngumiti ako at tinitigan siya. Gusto kong haplusin ang kanyang maamong mukha ngunit nagpigil ako. Ayokong mahuli niya.

I miss you.

Bulong ko sa aking isip, at habang pinagmamasdan ay may kusang lumandas na luha sa mata ko. Kaagad kong pinunasan ang mga iyon para hindi niya mapansin.

~*~

-Flashback-

Naglalakad ako sa kabuuan ng school ng walang pakirmdam, walang pakiramdam sa mga tingin, walang emosyon habang tinitingnan ko ang mga matang alam kong naaawa saakin.

Iniyuko ko ang aking ulo para hindi makita ang madilim na katotohanan.

Biglang nag-unahan ang luha ko sa pagtulo ng bigla kong makita si Liam na binabato ng kung ano-ano.

"Anak ka ng mamatay tao, Anak ka!" Paulit-ulit na sabi sakanya.

Bigla akong napaluha ng makita ko siya, inalalayan ako ni Tita sa pagpasok at mas lalong nag unahan ang luha sa mata namin ng magtama ang mga tingin naming dalawa.

Nakayuko ako habang nasa loob kami ng Teachers Office, ramdam na ramdam ko ang tinginan ng mga tao saakin. Pati mga guro ay nagbubulung-bulungan ngunit ang mga mata niya kanina ang mas nangingibabaw sa isip ko.

"A-ayusin na po sana namin ang mga Records ni Billy, itatransfer na po namin siya ng school." Kaagad akong kumalas sa pagkakahawak kay Tita at tumakbo patungo sa kung nasaan si Liam.

Niyakap ko siya habang ptuloy parin itong binabato ng mga estudyante.

Tulala siya, tulala siya sa mga nangyayare.

Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sakanya at tuluyan na ring umiyak.

"Liam, wala kang kasalanan." Naramdaman ko ang pagdiin ng mukha niya saakin at walang tunog na umiyak.

"Wala kang kasalanan, huwag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo kasalanan at hindi kita sinisisi"

Tahimik ang bawat hikbi namin hanggang sa naramdaman ko na lamang ang biglang paglapit saakin ni Tita at tuluyan na kaming pinaghiwalay. Tuluyang nagsibagsakan ang luha sa aking mga mata. Pinilit kong kumawala at makapag paalam ng maayos sakanya, ngunit hindi ko nagawa.

Nakita ko ang tuloy tuloy na pagbagsak ng luha niya habang hinahabol ang sinasakyan ko.

-End of Flashback-

Napatayo ako sa aking kinauupuan at patakbong nagtungo sa book shelves para pilit na patahanin ang aking mata.

Sinulyapan ko siya sa pagitan ng aking kinatatayuan at matiwasay parin itong natutulog, pansin ko rin na may babaeng lumalapit roon at may inilapag na papel.

He really turn to a better person. Hindi na siya iyong katulad ng dati na madalas binubully.

Naglakas loob na akong lumapit sakanya para gisingin siya ngunit kapansin-pansin ang pawis niya, na animoy nananaginip.

"Liam? Liam." Gising ko sakanya.

"Liam." Tuluyan na siyang nagising ngunit namumuo na naman ang luha sa mata niya.

"Okay ka lang?" Nakatulala siyang tumatango saakin.

Maagap niyang kinuha ang aking kamay at mahigpit na hinawakan.

"Akala ko mawawala kana naman." Naiwan akong nakatingin sakanya, biglang kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi niya.

T-Tuluyan ng lumandas ang luha sa mata niya kaya kusa na lamang tumaas ang aking kamay at pinunasan iyon.

Ngumiti ako sa harap niya. "Nope, h-hindi na." Lakas loob na sambit ko.

Sabay kaming napatayo at lumabas roon, itinanggal ko narin ang pagkakahawak niya saaking kamay dahil alam na alam kong, pagtitinginan na naman kami ng mga estudyante.

~*~

Wala akong sali-salitang nakatanaw sa malawak na kalangitan habang nilalanghap ang sariwang hangin.

"Kanina ka pa dito?" Tanong ng kararating na si Lovely.

Tumango, ibinalik ko ulit ang aking paningin sa bintana at tumingin sa nagkikislapang bituin.

"Whats the score? Kayo na ba?" Biglang tanong niya saakin.

"Anong kami na?"

"Usap-usapan kaya sa school na nagliligawan kayo." Kumunot noo ako.

"Magkaibigan lang kami ni Liam..." mas lalong mapanukso ang tingin niya saakin.

"Ou alam ko pero ang mga taga-hanga niya, hindi! Kaya for sure ikaw ang pagpi-pyestahan niyan."

Huminga na lamang ako ng malalim at isinawalang bahala ang sinabi niya. Napatingin ako sa kalendaryong nakasabit roon.

"Tomorrow is their death Anniversary." Nagtama ang mga tingin namin ni Love.

"Nagpaalam kana ba sa mga prof?" Tanong niya. Tumango ako.

"Samahan ba kita?"

"Huwag na, gusto ko rin mapag-isa." Niyakap niya lamang ako.

"For sure tatawag si Mom sayo tomorrow." Ti-nap ko lang ang kamay niya bilang pagsasabing, okay lang ako.

Hinayaan niya na lang akong namnamin ang bawat segundo ko roon. Napadako ang tingin ko sa ibaba at nagsalubong ang kilay ko ng makita kong nakatanaw roon si Liam. Napatayo ako sa pagkakaupo ko.

"Love." Tawag ko kay Love.

"Uh."

"Nakita mo ba si Liam sa baba kanina?" Tanong ko sakanya.

"Ou bakit?"

Inibahan ko siya ng tingin. Sumilip siya sa pwesto ko at kumaway pa kay Liam na nasa ibaba.

"She's fine." Sigaw pa niya. Hinila ko si Love at inupo sa kama.

"Anong mga sinasabi mo? Kailan pa to?"

"Hindi ba sinabi ko sayo na hiningi niya ang address natin? Yun, simula nun." Nanlaki ang mata ko.

"B-Bakit?" Naiwan akong nakatulala doon.

"I dont know, baka naninigurado lang na safe ka. Everynight, nariyan siya." Wala ka emo-emosyong sambit nito at tuluyan ng nagtungo sa banyo.

"At base sa observation ko, He. Is. Into. You."

Bigla na namang naghurmitado ang ugat sa puso ko. Naririnig ko pa ang pagkanta niya sa loob ng banyo, sinubukan ko ulit silipin sa bintana si Liam ngunit wala na ito.

Nakahinga ako ng maluwag. Is he the one who's been follwing me, all this time?