"It is Xyria Haimendi Melendes, Ma'am?"
"Yes,"
"What is your middle name ma'am?" Napakunot ang noo ko dahil kinakailangan pa nyang tanungin iyon.
"Haimendi or H. is my middle name, get it?" I sarcastically said while rolling my eyes na hindi nya makikitang ginawa ko iyon.
Humingi naman siya ng sorry, natakot siguro sa itsura ko kaya naman hinintay ko na lang muna ang Starbucks coffee ko sa may lamesa at umupo doon.
Bigla kong naalala ang kaibigan ko na iyon, at ilang buwan na rin akong hindi nagparamdam sa kanya. Kamusta na kaya sya?
"Xyria, Haimendi Melendes!" Tawag niya sa buong pangalan ko kaya naman napatayo na ako at kinuha iyon bago lumabas.
Balak ko sana siyang bisitahin at bilhan ng pagkain sa condo nya kung sakali man na nandoon sya. Umorder na lang ako ng KFC bago pumunta sa condo nya.
****
"Why are you here?" Hindi ko siya pinansin at pumasok na lang, doon ko inilapag sa lamesa ang pagkain na in-order ko.
Inulit nya pa muli ang tanong na iyon kaya naman sinagot ko na siya.
"To visit you," Halos pabulong kong sambit nang maalala ang nangyari.
"Ilang buwan kang hindi nagpakita, tapos ngayon bigla kana lang susulpot?" Ramdam ko ang pagiging sarcastic nya kaya naman hinarap ko sya.
"Why not? Na miss lang naman kita, masama nabang bisitahin ka dito?" 'Kahit na patago akong tumakas sa mga Kuya ko?' Gusto kong dugtungan iyon pero pinigilan ko ang sarili ko.
Huminga sya ng malalim bago ako harapin. "Ilang buwan kita hinanap, Xy! Ni wala ka man lang text o tawag, hindi ko alam kung paano ka ko-kontakin! Si Lia ay tinanong ko na pero hindi rin daw nya alam kung nasaan ka, tapos ngayon magpapakita ka na parang walang naghahanap sayo-"
"Shh, calm down" Hinawakan ko ang mga kamay nito para pakalmahin. Kita kong paluha na sya at ramdam ko ang pag-aalala nito sa akin.
Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Normal lang naman ang mag-alala dahil kaibigan niya ako. Hanggang dun na lang siguro ako, hanggang dun na lang siguro kami. Dahil kahit ilang beses man akong mag practice o magpaulit ulit na aamin ako sa kanya ay kapag mismo kaharap ko na sya ay hindi ko na masabi.
"I'm sorry," Nagsisimula na akong maiyak pero pinipigilan ko. "For leaving you without you all knowing na umalis ako."
"I will forgive you, if you won't leave me or us again," Humigpit ang hawak nya sa kamay ko at nagmama kaawa sa akin na huwag siyang iwan ulit.
"I'll try," I'll try my best and as long na hindi ako mahahalata nila Kuya ay gagawin ko para lang makita siya at hindi ko siya iiwan ulit.
"Don't try Xy, just do it"
Maya maya ay nakita ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa kama kasama sya. Parehas namin tinitigan ang taas ng ceiling at nakatulala lang doon.
"Bakit ka umalis?" Pag o-open ng topic nya na hindi ko na ikinagulat. Expect ko na rin na ganito ang itatanong nya sa akin.
"Dahil gusto ko," Pagpapalusot ko. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang mga nalalaman ko.
"Talaga ba? Ano yon trip-trip mo lang?" Natawa sya sa mismong tanong nya.
Bumangon ako mula sa pagkahiga at umupo na lamang sa kama at ramdam ko ang paglingon nya agad sa akin na para bang aalis ako.
"May importante lang akong ginawa," Simpleng sagot ko pero ayoko nang pag usapan pa.
Humarap sya sa akin habang nakahiga at ayaw tumigil sa pagtatanong. "Ganoon katagal?"
Tumango na lang ako at hindi na nagsalita habang nakatitig sa kanya. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil hindi masabi ang gusto kong sabihin.
"Bakit ka nakatitig? Na gu-guwapuhan kana naman sa'kin no?" Biglaang ngisi nya kaya natawa ako at hinampas sya ng unan.
"Sira!"
"Suss, swerte mo at may kaibigan kang concern at gwapo na tulad ko." Bumangon ito at umupo na din sa kama.
"Hangin mo," Sagot ko habang nakatitig pa rin sa kanya.
"Totoo naman ah," Tumawa ito pero agad din nawala ng maramdaman na kanina pa ako nakatitig sa kanya. "Xy, wag ka naman ganyan, naiilang ako"
Umiwas ako ng tingin at kinagat ang labi ko upang pigilan ang lungkot na nararamdaman ko.
"Salamat sa lahat," Natahimik sya ng magsalita ako. "Sa lahat lahat. Ikaw yung kaibigan na malalapitan ko at ni lia kapag may problema ako," Ngumiti ako ng pilit sa kanya. "At hanggang ngayon ay hindi nyo ako kinakalimutan, ni hindi kayo nagtatampo o nagagalit kapag umaalis ako ng walang paalam sa inyo, dahil mas nangingibabaw ang pag-intindi nyo sa'kin."
"Xy," Hinawakan nito ang kamay ko pero agad akong napa gilid ng kaunti ng magsimulang tumulo ang luha ko.
Pinipigilan kong humikbi pero alam kong nararamdaman nya ang kalungkutan ko. Niyakap nya ako patalikod kaya mas lalo akong napaiyak.
"Xy, alam mo ba na nasasaktan ako kapag umiiyak ka, wag mo naman itago oh," Bulong nya sa akin pero umiling iling ako at pilit na nagmamatigas.
"Sinong may sabi na... umiiyak ako?" Pigil ko sa mga luhang nagsisilabasan pero ayaw no'n tumigil.
"Ako na mismo nagsasabi, kilala na kita. Wala ka nang maitatago pa sakin," Mas lalo nya akong niyakap ng mahigpit.
Humarap ako sa kanya pero agad din syang niyakap para hindi nya makita ang itsura ko.
"I missed you," Pabulong ko sambit at parang ayoko na lang na umalis dito at mas stay na lang sa kanya.
"I missed you so much, Xy. Don't you ever leave me again okay?"