webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · 历史言情
分數不夠
41 Chs

Chapter 14

"Ano?" Tanong ko nang kulbitin ako ni clark.

Kakatapos lang namin mag training at inabot na din nang gabi. Pinilit pa ako nila Nicole na dito nang mag over nyt pero hindi ako pumayag dahil walang makakasama si Veil sa condo.

"Ayos naba kayo ng kaibigan mo?" Tanong nito at uminom ng isang basong tubig bago magpunas nang pawis.

"Ok naman kami ah, bakit ba concern ka?"

"Kilalang kilala na kita, Xyria. Sa talas ng dila mo ay mayroon talagang masasaktan kapag hindi mo pinag desisyunan nang tama," Wika nya habang nakatingin sa akin kaya hinarap ko sya.

"So, you say na?" Tanong ko nang hindi ko sya ma gets. Inirapan na muna nya ako bago magsalita.

"Kung may pinag awayan kayo o missunderstanding ay malamang hindi ka kikibuin non," Tinignan ako nito na para bang ang 't*nga' ko dahil hindi ko pa na gets ang sinabi nya.

Pilit kong inalala kung ayos nga ba kami bago ako pumunta dito. At nang maalala ay panay ang iwas nya sa akin. Dahil siguro ay bukang bibig ko ang girlfriend nya?

"Anong connect?" Biglaang pagsabi ko na ikinapag taka ni Rico nang dumaan sya sa harap ko.

"Sinong kausap mo?" Tanong nya habang nagpupunas nang pawis at nakapameywanh.

Tinignan ko kung nasaan kanina si Clark ngunit umalis na pala ito kaya naman tanging iling na lang ang sinagot ko sa kanya habang pinapanood syang magpunas ng pawis at inilagay sa balikat nya.

"Follow me, let's eat dinner before you go" Sumunod naman ako sa kanya nang walang kibo bago pumuntang dining upang kumain.

"Bakit ang bilis mo naman yata kumain?" Tanong ni Ken habang ngumunguya.

"Nagmamadali ako, diet na rin." Pagmamadali ko ngunit hindi ko aakalain mabubulunan ako kaya naman inabutan pa nila ako ng tubig.

Tumayo na rin ako ng matapos at nagpaalam sa kanila bago lumabas nang bahay at nag drive papuntang condo.

***

"Should I say sorry to him?" Bulong ko habang nasa loob ng elevator.

Nang magbukas ay parang kinabahan ako bigla sa hindi malamang dahilan. Isinantabi ko muna ito bago buksan ang susi ng unit ko at pumasok doon.

Inilagay ko ang mga maruruming damit sa gilid bago maupo sa kama upang hubarin ang sapatos ko. Matapos non ay lumabas na rin ako agad ng naka paa bago kumatok sa kaharap kong unit.

*Knock! knock

Nagulat ako nang hindi sya ang nagbukas nito kundi ang girlfriend nya na si Aisha. Ngumiti ito nang tipid bago magsalita.

"Pasok ka," Tumango na lamang ako at pumasok. Naririnig ko ang shower sa loob ng cr kaya naman alam kong naliligo ito.

"Kamusta kayo?" Pagbubukas ko ng topic habang nahagip nang mata ko ang pinagkainan nilang hindi pa naliligpit.

"As usual, ok naman kami at medyo busy nga lang ako kaya bihira lang kaming magkita." Sambit nito habang nag ta-type sa kanyang cellphone.

"Work?"

"Oo, mahigpit ang boss kaya naman kinakailangan kong mag trabaho para sa future namin ni Veil,"

Napa irap ako ng palihim ng banggitin nya iyon at pinagkibit balikat ko nalang. Kung titignan at kikilalanin mo sya ay mabait naman syang makitungo at makaka-usap mo nang maayos. Mali lang ba ang tingin ko sa kanya noon?

Narinig ko ang pagbukas nang pinto kaya naman sabay namin na nilingon sya habang ang kanyang buhok ay basa pa rin at naka tuwalya lang.

"Babe, nandito ang kaibigan mo" Nilingon naman agad ako ni Veil ngunit agad din na nag iwas nang tingin.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako sa lamig nang boses nya kaya naman napatayo ako at nilapitan siya.

"Sorry?"

"Sorry? Sigurado kabang nag so-sorry ka?" Sarkastikong sambit nito at agad akong nilampasan upang kumuha nang damit nya.

"No, I'm sorry kung may nagawa man akong mali,"

"Bakit ba hindi mo nalang pakiramdaman yung sarili mo?"

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Malaki kana Xyria, alam mo na dapat ang desisyon mo at alamin mo na rin ang tama sa mali." Galit na ani nya habang nakatingin sa akin.

"Ayoko lang na mangielam ka, pero bakit iyon ay gusto mong baguhin ko?" Nagsisimula na naman akong mainis.

"Para matuto ka, you shouldn't be careless, Xyria."

"I'm not being careless-"

"- I told you, I already told you. Noon pa, na tigilan mo na ang kahibangan mo. Matuto kang mag -isip at mag desisyon nang tama!"

"But this is my life!" Sigaw ko sa kanya. "Kahit anong gawin ko, kung kontrolado ako nang pamilya ko ay wala akong magagawa!" Galit ko syang tinignan at ganoon din sya sa akin.

"Kaya mong labanan Xy, pinanghihinaan ka lang nang loob." Lumambot ang tingin nito sa akin.

Umiling lamang ako nang magsalita si Aisha. "Enough please, sa harap ko pa talaga kayo nagtatalo. Seriously?" Humarap sya kay Veil ngunit sa akin pa din ito naka tingin.

"Makaka alis kana," Sambit nito nang nakatingin sa akin kaya naman nang paalis na ako ay bigla ulit itong nagsalita. "Hindi ikaw," Lumingon naman ako sa kanya nang pagtataka.

Tinignan nito si Aisha nang gulong gulo. "Bakit ako, kayo lang naman ang nag-aaway-"

"-Sa susunod na tayo mag-usap, may kailangan lang akong ayusin." Tumingin na ulit ito sa akin ngunit nag iwas naman agad ako ng tingin.

"Why are you always choose her?! at ako ang girlfriend mo Veil! anong karapatan mong pagsabihan ako ng ganyan?!" Sigaw nito kay Veil.

Napabuntong hininga ito nang malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. "Just once, please?"