webnovel

Reason To Stay [MR Series #4] (Taglish)

MysteryRomance#4 Xyria Haimeni Melendes and Veil Ace Gomez are friend's. They are known each other because of the party. Well, then. Veil is a heart broken man and he can't move on to his first love. He's always drunk at night and go home at the middle of the night. Sometimes he's actually want to suicide because of his first love. He got mad at her but he's still loving her. One time. Xyria Haimeni. Are joyful and careless girl found his friend in the bar. Are the two friends are going to a lovers? You'll see it soon.

ItsMeJulie · 历史言情
分數不夠
41 Chs

Chapter 11

"Oh, bakit hindi yata kayo nagda-date ng girlfriend mo?" Napa buntong hininga sya sa tanong ko habang papunta kami nang Mcdo para umorder nang pagkain.

"She's busy yesterday, and the other day." Simpleng sambit nito kaya naman napa tango ako.

Hindi na ako nagtanong pa dahil wala naman akong pakielam dun sa Aisha. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa babae na iyon ngunit hindi ko lang masabi sa kaibigan ko at baka isipin na sinisiraan ko ang girlfriend nya.

Malamang ay mas kakampihan nya iyon kaysa sa akin. Magaling makipag plastikan sa tao iyon panigurado at marami na ring naka ex-flings.

Pagkarating naman sa fast food ay nag drive thru na lang kami. Dahil ako'y nagugutom na rin at tanghaling tapat na. Ramdam ko ang sobrang init sa labas kahit na hanggang tingin pa lang.

Pagkarating nang condo ay binuksan ko ang unit ko at hindi aakalaing papasok siya doon. Nagkalat ang mga sandals at damit ko pero wala akong pakielan kung makita nya. Hindi naman sya mao-offend at mag kaibigan lang din naman kami.

"I'm hungry," Paninimula nya at binuksan agad ang order bago sumubo ng kanin.

"Kahit ako, nagutom na din." Umupo ako sa harap nya at binuksan na din ang akin upang kumain na nang manok na may kanin at kumuha pa ako ng ice cream at fries.

"How's your training day?" Bored na sambit nito habang hinihimay ang manok.

Lumunok muna ako bago magsalita. "Ayos naman, may naka-away lang pero hindi ko nalang din pinansin," Bumalik ang inis ko nang maalala ko iyon.

Hindi naman na sya nagulat doon dahil sanay na rin sya sa ugali ko at tanggap nya iyon. Tinignan ko sya habang ngumuguya at paniguradong marami na namang tumatakbo sa isip nya.

"Ikaw ba, kamusta trabaho at napa-aga ka yata?" Sabay inom nang coke habang hinihintay siyang sumagot.

"Half-day, emergency." Simpleng sambit nito at natapos na ka agad. Pinapapak na lang ang fries at Ice cream.

"Bakit ka nandito kung emergency?"

"Ikaw ang emergency."

"Paano naging ako?" Takang tanong ko, minsan talaga ay hindi ko sya maintindihan dahil ayaw nya nang I-straight to the point.

"Kinakailangan kitang samahan at bantayan at baka mapano kapa. Hindi ka naman kase marunong sumunod at kung ano ang naging desisyon mo ay gagawin mo,"

Magsasalita na sana ako nang unahan nya ako. "Hindi ka nakakapag isip nang tama, basta kang nag dedesisyon ayon sa gusto mo. Hindi mo iniisip ang sarili mong kaligtasan." Kalmadong dagdag pa nya halos mapanganga ako sa dami nang sinabi nya.

"Wala na akong time para makapag-isip-"

"Ano?" Agad na tanong nito na parang nagulat pa.

"Wala na kako akong time para makapag-isip." Pag-uulit ko habang naka tingin sa kanya at kumuha nang tatlong piraso na fries bago iyon kainin.

"Kailan kaba nakapag isip nang tama?" Natatawang sambit nito kaya inirapan ko sya.

"Saya ka?" Sarkastikong tanong ko at tinignan ang itsura nyang natatawa. "Kung binabalikan mo na kaya ang trabaho mo doon? Pag-iiba ko nang usapan.

"Ayoko pa," Halos pabulong nyang sinabi iyon pero narinig ko pa din.

"Wag ka masyadong umasa sa secretary mo at baka maumay lang sa mukha mo," Irap ko at tinignan ako ng masama. "Eh ikaw anong plano nyo ng girlfriend mo at tumatanda kana?" Pang-aasar ko at sumama naman ang tingin nito sa akin na ikinahalakhak ko.

"I'm just 23 and you're 21," Simpleng sambit nya.

And yes, 2 years lang ang gap namin at bata pa lang ako noon nang ipinakilala kami ni Nicole or ate nung nagkaroon nang party at 16 lang ako noon!

At anong connect ng edad nya sa edad ko?

"Mag-asawa kana kaya?, baka hinihintay kana lang din ng girlfriend mo na mag pro-pose ka?" Ngising sambit ko na ikina seryoso naman nito.

"Bakit ba siya lagi ang topic kung ikaw naman yung kasama ko?" Pagsusungit nya bigla na parang nagbago agad ang mood nya.

Umiling na lang ako at hindi nagsalita. Pinagpatuloy kong inubos ang fries na natitira at ramdam ko ang titig nito sa akin kaya tinaasan ko sya ng kilay at tinignan din ito pabalik.

"Problema mo?" Pagsusungit ko, at hindi ko alam kung bakit nabwisit ako nang hindi nya sabihin kung ano ang dahilan nya at ayaw pa nyang mag-asawa.

"May hinihintay ako," Napatingin ako dito nang maramdaman ko ang kaba nya na ipinagtaka ko.

"Sino pa bang hinihintay mo? Gusto mo pa yata abutin nang apat na taon bago ka makapag-asawa." Pagdadaldal ko habang nililigpit na ang mga pinagkainan namin.

"Hindi mo pa maiintindihan, Xy. Because you're not in my situation." Pagbuntong hininga nito bago tumayo at naglakad pa alis.

Iniwan nya akong nakatunganga lang at biglang napa isip kung may kahulugan ba ang sinabi nito.