webnovel

Reality: My kind of Story

Si Freya Reyes ay isang college student na adik sa kdrama, anime, wattpad at manhwa... Dahil dito hindi niya alam ang magiging kinabukasan niya dahil pinagsasabihan siyang wala siyang mararating kung nakatuon ang kanyang pansin sa mga ganitong bagay ngunit isang araw may nakilala siyang isang lalaki na nagsasabing may mararating siya sa buhay. Dahil dito hinalikan niya ang isang total stranger-Wait!! Bakit ang arte ng story description Author!! Ang description lang naman ng story na ito ay Expectation vs. Reality kasi lahat ng expectation ko!! HINDI NANGYAYARI!! REALITY ITS HIT ME!!

Aristeia_Lapiz · 青春言情
分數不夠
6 Chs

4

Freya's P.O.V

****2 weeks later****

@Classroom

*sigh*

"Luka, pwede ba tigilan mo na yang pagbuntong hininga mo kasi nakakainis na promise..." Gale

"Gusto rin kitang batukan luka ka pero wala ako sa mood..." Xienna

"Mga Luka.... Gusto ko ng tumigil sa pagiging SA..."

"Dahil na naman ba kay Sir Matt."

Napatango naman ako..

*deep sigh

Bwesit kasi eeeh!!! Yes inaamin ko, may kasalanan talaga akong ginawa!! Pero lang....

SOBRA NA!!

PAG NASA OFFICE AKO AT NAGTATRABAHO LAGING LUMALAYO SI SIR NA PARA BANG BABABOYIN KO NA NAMAN SIYA AT TUWING LUMALAPIT AKO PARA MAGTANONG!! Sinasagot naman niya mga tanong ko pero lang.. LUMALAYO SIYA!! AS IN LUMALAYO!! YUNG TIPONG KAUSAP KO SIYA PERO NASA MALAYO SIYA!! ANO MAY NAKAKAHAWA AKONG SAKIT!!

"Luka, time na para pumunta ka sa office.."

"Aish!! Napatayo naman ako at nagpapadyak!"

"Tsk. Tsk. Hopeless ka talaga"

"Dun na ako mga luka!! Ipagdasal niyo sana na hindi ko mapatay si Sir ngayon!!"

Sabay labas ko na at naglakad patungong office .

Pagkarating ko ay bago ako pumasok, napabuntong hininga naman ako..

Binuksan ko na ang pinto at pagkapasok ko palang ay gulat agad na mukha agad ang tumambad saakin..

Ganito nalang parati.. Yung feeling na may natatakot saiyo.. Oo ganun, sitwasyon ko ngayon..

"Good afternoon Sir.."

"Goodafternoon."

Mabilis na tugon ni Sir.. Umupo agad ako sa table ko at tahimik na nagtatrabaho.

Dalawang oras na nagdaan at break time na..

Lalabas na sana ako ng pumasok sa office na ito yung kaibigan ko rin na isang working din sa school na ito na si Mady...

"Frey. Nood tay-"

Napahinto naman siya ng makita si Sir.

"Good afternoon Sir. Makikinood lang."

Ngumiti lang si sir at balik sa ginagawa niya. Agad ding tumabi saakin si Mady at napakalapad ng ngiti...

"Frey. Panoorin natin yung sinasabi mong kdrama."

Ah. Yung kdrama na ginaya ko sa kabaliwan ko.

Napabuntong hininga naman ako. At napangiti ng pilit. Napaoo nalang ako.

****

Bigla nalang napasigaw tung katabi ko nung kiniss nung babae yung lalaki na hindi niya kilala. Sabi sainyo eh, dito ko kinuha. Nagtaka ako ng ipause niya sabay hampas sa braso ko..

"Oh my gosh Frey!!! Kinikiliiig akoooo!! Pero kung isipin mali yung ginawa ng babae. Eh sino bang baliw, biglang hahalikan ang isang stranger."

Heh. Mukhang ako yun. Nagulat nalang ako ng tumawa bigla si sir.

"HAHAHA. Sino ngang baliw bigla bigla nalang hahalik.."

Sabay tingin ni Sir saakin..

Gusto ko siyang barahin pero sumingit tong isa.

"Kunwari Sir, nangyari to saiyo. Anong mararamdaman mo?"

Nananadya ka beh! KAINIIIS!!

Tiningnan ako ni Sir at napangisi..

Napaiwas ako ng tingin at GUSTO KONG ILIBING SARILI KO NGAYON AT SYEMPRE ISASAMA KO TUNG EPAL NA SI MADDY! KAINIS!

"Hmm.. Nagulat at higit sa lahat parang nabastos ako.."

Natawa ako ng malutong..

Tiningnan lang ako ni Maddy ng nagtataka at sinabi ko lang, natawa lang ako sa binabasa ko..

At kahit hindi ako nakatingin kay Sir alam kong nakatingin siya saakin ngayon. DAHIL RAMDAM KO YUNG TINGIN NIYANG PARANG KINAKATAY KA NA!

"Tapos Sir, kunwari magkita kayo? Hala ang awkward! Hahahaha!"

Sige Maddy ipush mo yan! DI KO ALAM KUNG ALAM MO YUNG NANGYARI , O ANO BA!! KASI PARANG NANADYA KA NA!

"Siguro, awkward? Pero alam kong magiging awkward, lalo na kasama mo yung gumawa yun saiyo tapos every minute, kakabahan ka kasi baka hahalikan ka ulit."

Alam kong magdadaldal tung gagang to kaya nagsalita na ako ng hindi tinitingnan si Sir.

"Sir, parang ang unfair naman. Baka malay mo di na niya gagawin. Narealize niyang nakakadiri."

Natawa si Sir ng malutong na para bang nainsulto ko siya or more like nainsulto ko talaga siya.

"May gana pang mandiri ang babae, dapat diba ang lalaki ang mandiri? Eh, siya nahalikan eh!"

"Para saakin Sir, may karapatan ang babae. Sino ba naman mandidiri. Nagsisisi talaga siya sa ginawa niya."

"Ha! Nagsisisi? Kung nagsisisi siya? Bakit niya hinalikan ang lalaki? For the experiment lang? Ganun?"

"Sir, baka may dahilan yung babae. Before kasi kabahan kung gawin ba talaga niya yun ulit dapat tinanong muna kung anong dahilan. Hindi yung bigla bigla nalang matatakot at lalayuan na para bang may nakakahawang sakit."

"Hmm... M-May gagawin pa pala ako.. Sir, Frey! Wag mainit ang ulo, nagtanong lang ako. Hahaha! S-Sige aalis na ako.."

Sabay labas ni Maddy.. Tsk! Kainis!

Di ko lang pinansin si Sir at nagkukunwaring may tinatype sa Kompyuter.

Natigil ako ng magsalita si Sir.

"Kahit stranger pa o ano, hinding tama ang paghahalik bigla."

ALAM KO YUN SIR! KAYA NGA DIBA NAGSORRY AKO!

Sarap sabihin yan eh! Pero hindi ako ang topic kahit parang!

Kaya babarahin ko siya, kainis eh!

Tiningnan ko siya at nagsalita.

"Sir, alam ko po. Atsaka sir, move on na kasi kdrama lang yun at kunwari nga diba? Baki-"

Di ko natapos sasabihin ko kasi nagsalita siya.

"Bakit mo iyon ginawa?"

Huh?

Di ko narinig, ano nga yun?

"*sigh* Bakit mo iyon ginawa?"

WHAAAATTTT THE!!!!!!!!!

Seryosong tanong saakin ni Sir at ang galit na expression niya napalitan ng seryoso. At dahil dito hindi agad ako nakapagsalita at napanganga.

Wait! Wait! WAIIIIITTTTTTT!!!!

Napanganga nalang ako habang nakatingin sakanya!! Di ko alam pero...

LALABAAAAS. NA YUUUUUNG HEART KO SA GULAAAAATTTT!!!

*internal screaming*

Hinintay niya ako magsalita at dahil nagulat ako at hindi ako ready. Nagmaang maangan ako..

Dahan dahan ako humarap sa computer para umiwas sakanya..

"Ha! Ha! Ha! I need to do this. *monologue tone*"

At agad akong nagtype..

Waaaaaaahhuhuhuhuhuhu!! Bakit kasi ako nagsalita!!!

"Freya. This is what you want right? At ikaw na nagsabi dapat alamin ang dahilan. So I asked you again, why you kiss me?"

Agad akong napaubo sa tanong ni Sir!

WAAAAAHHHH!!! LOOOOOONGGGGGYAAAAAA!!!! 

SIIR NAMAAAAN!!!

Huminto ako sa ginagawa ko at napayuko.. Nagbuntong hininga ako.. I-Ito naman gusto ko diba, ang pakinggan ako ni Sir.

*internal screaming*

BESSSSSHHHH!!! DI KO KAYAAAAAA!!!

"Freya." In commanding tone

SIR WIT MUNA!! LONYA!! DI BA AKO HANDA!! ERRRRSEEEEEETTTT! ANONG SASABIHIN KO?!

SIR! VIRGIN PA AKO!! AT HINDI PA AKO NAKATIKIM NG HALIK, KAYA GANUN AKO KASI GUSTO KO?! AT NATATAKAM AKO SA LEPS MO! GANUN?! Waaaaaahhhh!!!

Agad kong hinampas ulo ko sa lamesa. Seryoso..

(=_=)

"Freya! Are you alright?!"

Napapoker face ako at napatingin kay Sir.

"O-Okay lang kung hindi ka pa handang sabihin saakin.. P-Pwede tayong magusap sa susunod."

Tiningnan ko lang si Sir ng walang emosyon at agad kong sinampal pisnge ko..

"Ahmmm... Mukhang hindi ka talaga okay Freya."

Ngumiti ako..

"Sir, don't wory. Ginagawa ko iyon kapag gusto kong linawin isip ko.."

"S-Sure ka?"

"Yes sir, and tungkol sa tanong mo."

Sumeryoso agad ako kasi pachar char lola niyo.

"*lunok laway* sasagutin ko na ngayon..."

At dahil sa sinabi ko sumeryoso si Sir..

Waaaaahhhh!!!

Di ko kaya!!

"Sir! D-Dahil... Dahil nagustuhan ko po sinabi mo.. A-At ginayakonarinyungsanapanoodko."

Mabilis kong sabi... Balakajan! Ikaw na umitindi sa sinabi ko...

Agad akong tumayo at aalis sana pero nagsalita si Sir..

"Tatakbo ka ulit?"

Napatingin ako sakanya at napaupo nalang! Agad akong napayuko at naiiyak ulit!!

"Sir!! Sory talaga!! A-Alam kong mali talaga ginawa ko!! P-Pero S-Sir p-pinagsisihan ko ginawa ko!!"

"So totoo lahat ng sinabi mo?"

"Huh?"

Wait? Anong totoo? Kunot noo akong napatingin kay Sir.

Napahawak siya ng batok at napaiwas ng tingin..

Di ko alam pero, famillar siya promise!!

Napanood ko na kasi ganyang kilos eh!!

SER! ANONG IKINAHIYA MO! BAKA ANONG MAISIP KO AT MAY PABLUSH BLUSH KA PANG NALALAMAN JAN!

"Y-Yung s-sinabi mong n-nakakadiri.."

Di ko alam pero nasagot ko siya agad.

"Oo Sir, narealize kong nakakadiri ginawa ko."

Totoo naman eh! Nandidiri ako sa sarili ko! Bigla bigla nalang nanghahalik! Parang ang Cheap kong babae!! Huhuhuhu!!!

Nagtaka ako kasi parang nagalit si Sir.

"Ha! Nandiri ka talaga sa ginawa mo?!"

"Oo sir."

"Me too! Ganun din naramdaman ko!!"

"Attitude ka sir?"

Agad akong napatakip ng bibig ng marealize ko kung ano nasabi ko!

Bw*** talagang bungangang to!

Tiningnan ako ni sir ng masama.

"Sory Sir! Atsaka, tanggap ko po kung bakit nadidirian ka saakin eh pati po ako nadidirian sa ginawa ko-sa sarili ko. Nakakahiya ako at sory po sa ginawa ko. Di ko lang alam talaga kung bakit ko nagawa yung mga oras na yun, siguro naging abnormal ako nung araw na yun... Kaya po diring diri ako sa sarili k-

Di ko natapos sasabihin ko ng natawa si Sir.

"Wait! Hahahahaha! So, hindi ka nadidirian sa paghalik mo saakin pero nadidirian ka kasi ginawa MO?"

Ha? Sir, kunting kunti na talaga Sir! Gusto kitang irespeto pero Sir! Di kita gets at gusto kitang tapunan ng tsinelas! Sory Sir!

Umoo nalang ako kasi nakakapagod kahit di ko siya gets!

"O-Oo S-Sir? K-Kaya S-Sir nakikiusap po ako, alam ko pong ang kapal na ng mukha ko! At promise Sir! Di ko na yun gagawin ulit kasi hindi po kita crush, I mean boyfriend! Wait! Waaah! Basta Sir, di ko na po yun gagawin! Kaya po, please Sir. P-Pwede niyo na po bang tigilan yung pagiwas niyo saakin... At yung pakikitungo niyo po na parang bababoyin kita.. Kasi Sir, hindi po. Hindi rin ako interesado.. Atsaka Sir, kunting tiis. Aalis po ako dito kasi po magO-OJT rin po ako.."

"Miss Freya, hindi ko alam kung nakikiusap ka or nangiinsulto. Pero, i try. So promise me, never do it."

Sir! Hindi talaga tayo nagkakaintindihan. Anong nangiinsulto? Eh, klarong humihingi ako ng favor.

Umoo nalang ako baka kasi bawiin ni Sir, at masumbong pa ako..

"Sory talaga Sir, hindi ko na po talaga gagawin!"

Ngumiti naman siya.. Ay syet! Gwapo talaga ni sir!!!

Freya!! Stop it!

"Ok, pinapatawad na kita but promise me not to do it again?"

"Yes sir!!"

Sabay salute ko..

O my gash!! I'm free!!