webnovel

Queen and the Nine Tailed Fox

Sa mundo ninyong mga mortal, ako ang iyong tagasunod ngunit dito sa aming mundo... ...ikaw ay alipin ko. -Isagani Simeon Sa pagsikat nang sobra ni Queenzie Ruiz na kinilala nang Queen sa pagkanta, kinain na siya ng kasikatang iyon at sumama ang ugali niya. Biktima naman ng pagbabago niyang iyon ang mga P.A. niya na kaunting mali lang ay sinisisante niya na kaagad. Kasabay ng pagdating sa buhay niya ng bago niyang P.A. na isang misteryosong lalaki ay ang pagkasira ng boses niya dahil sa isang sakit at doon nangyari ang pagbagsak ng career niya. Hanggang isang araw, nagising na lang siya sa isang mundo na bago sa kaniya. Doon, magtatagpo ang landas nila ng misteryoso niyang P.A. at ang mas nakapanglito pa sa kaniya sa mga nangyayari ay sinasabi nito na nasa mundo siya ng mga ito na tinatawag na Sargus at... ...siya na ay alipin na nito.

BonVoyage_Ten · 奇幻言情
分數不夠
26 Chs

Chapter 7

Chapter 7

Title: A Fox's Tail

Dalawang araw ang makalipas...

Nakatitig lang ako ngayon sa mukha ng mahimbing na natutulog na si Gani. Sikat na sikat na ang araw ng umaga pero tulog pa rin siya at ang paya-payapa ng expression niya na parang hindi kami nanggaling sa life and death situation nitong nakaraang dalawang araw.

Inangat ko ang kumot niya para tingnan ang sugat na natamo niya nang gabing 'yon. Nakabenda ang kaliwang balikat niya kung saan siya sinakmal ng leon at hanggang braso niya 'yon.

Naalala ko ang nangyari nang gabing 'yon. Nagawa niya pa akong mabuhat hanggang makabalik kami ng Leibnis at nang makarating na kami, nawalan na siya ng malay. Humingi kaagad ako ng tulong para magamot siya at dali-dali naman siyang dinala sa manggagamot ng mga Gisune na nahingian ko ng tulong.

Tinanong din nila ako kung ayos lang ako dahil duguan din ako pero ipinaliwanag ko na dugo 'yon ni Gani na umagos sa'kin. Nakahinga sila nang maluwag na wala akong tinamong sugat dahil wala raw silang kakayahang gamutin ang taong katulad ko. Tinanong din nila kung ano ang nangyari at sinabi ko ang totoo na iniligtas ako ni Gani sa leon kaya siya nagkaganoon.

Pagkatapos siyang gamutin, dinala na siya rito sa bahay niya at in-advice-an ako na dalawa hanggang tatlong araw pa ang kailangan niyang ipagpahinga bago humilom ang ganoong kalalim na sugat niya at magising.

Simula noon, isa ako sa nag-aalaga sa kaniya nang mabuti. Kaunti na nga lang, hindi na ako umalis sa tabi niya at kahit sa gabi, sa sulok ako ng kwarto niya natutulog habang nakaupo para lang madulutan ko agad siya kung sakaling magising siya ng gabi.

Ako naman ang may gawa kung bakit siya nagkaganito... kaya nararapat lang na ibalik ko ang tulong na ibinigay niya.

Sobrang asikaso rin ang ginagawa ng mga servants niya para sa kaniya at alam ko na kahit kating-kati na silang alamin kung bakit nagkaganoon siya, hindi sila nagtatanong sa'kin.

Dahan-dahan kong dinampian ng pinigaang tela ang mukha niya para linisin 'yon nang mapatingin ako sa mga labi niya.

Bigla kong naalala ang paghalik niya sa'kin no'ng buhat-buhat niya ako kaya nagsimula na namang kumabog ang dibdib ko sa pagwawala ng puso ko sa loob n'on.

"Mayamaya lamang ay maghihilom na ang sugat mong iyan." naalala kong sabi niya pagkatapos akong halikan. Ngiting-ngiti pa siya.

Napahawak ako bigla sa mga labi ko at naramdaman ko ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko.

Totoo nga ang sinabi niya dahil pagkabalik namin dito sa Leibnis, nawala na ang sugat dito sa labi ko.

Nagflash ulit ang paghalik niya sa'kin na 'yon at natandaan ng memory muscle ko sa labi ang lambot ng mga labi niyang dumampi ro'n kaya ipinilig ko ang ulo ko para alisin na 'yon sa isip ko.

Hindi ko namalayan na isang ngiti na pala ang puminta sa mga labi ko at pinagmasdan ko ulit siya. "Salamat Gani. Kahit napakasama ko sa'yo, iniligtas mo pa rin ako. Maraming-maraming salamat." Inilapit ko ang mga labi ko sa noo niya at ginawaran 'yon ng isang halik.

Napangiti muli ako nang biglang bumukas nang malakas ang wooden sliding door ng kwarto nito ni Gani kaya napatingin ako sa taong nagbukas n'on.

Isang babaeng may napakahabang color purple na buhok na nakabraid ang nakita ko. Kahit na walang ekspresyon ang mukha niya, bakas na bakas naman sa mga mata niya ang sobrang galit na sa'kin nakatutok.

* * *

"Bitiwan n'yo 'ko! Ano ba?! Nasasaktan ako!" pagpalag ko sa mahigpit na hawak sa'kin ng dalawang babaeng servant ni Gani.

Sapilitan nila akong dinadala ngayon papunta ng Plaza at nauuna sa paglalakad sa'min 'yung babaeng nag-utos dito sa dalawa na gawin sa'kin 'to.

Dalawa ang buntot niya at may hawak siyang latigo. Natatandaan ko siya. Siya 'yung nakaalalay dati kay Gani noong ikukulong ako at nasalubong namin sila.

"Hoy! Sino ka ba at bakit mo ba ako pinahuli?! Wala naman akong ginagawang masama ah!" sigaw ko sa kaniya.

Napatigil naman siya sa paglalakad kaya tumigil din kami at matalim ang tingin na nilingon ako. "Ang aking pangalan ay Hilva Opriel at ako ang punong tagapagsilbi ni Ginoong Isagani. Nawala lamang ako ng ilang araw dahil may iniutos siya sa akin ngunit sinalubong na ako ng isang napakasamang balita ukol sa nangyari sa kaniya. At nabatid ko na ang pagliligtas sa iyo ang dahilan kung bakit nangyari iyon sa kaniya kaya nararapat lamang na maparusahan ka."

Namilog naman ang mga mata ko. "A-ano?!"

"Hilahin n'yo na siya patungo ng Sentro(Plaza)!" maawtoridad na utos niya rito sa dalawang servant kaya hinila na ulit nila ako.

Nagpapalag pa rin ako at pinagtitinginan na kami ng mga Gisune na nadadaanan namin. Nagbubulungan sila kung ano ang nangyayari.

Nang marating na namin ang Plaza ay tinalian ng dalawang servant nang mahigpit ang mga kamay at paa ko saka ako pinaluhod sa harap ng Hilva na 'yon. Ni hindi ko magawang makatakas dahil tinutuunan ako sa magkabilang balikat ng mga servants.

Ang dami ng Gisune na nanonood sa'min at mukhang alam na rin nila ang dahilan kung bakit ako ginaganito ngayon.

Nang iwasiwas ng babaeng 'to ang hawak niyang latigo malapit sa'kin, napapikit ako nang mariin. Wala naman akong naramdamang sakit.

"Sisiguraduhin ko na pagkatapos ng pagpaparusang gagawin ko sa iyo ay hinding-hindi mo na muli magagawang ipahamak ang pinagsisilbihan at pinagkakaingatan naming si Ginoong Isagani," sabi n'ong Hilva at sinadya niya pala na hindi muna ako patamaan. "Ihanda mo na ang iyong sarili!"

Mas lalo akong napapikit nang mariin nang marinig ko na sa hangin ang latigong dumaan doon.

"ANONG GINAGAWA N'YO?!"

Napamulat kaagad ako nang marinig ang galit na galit na boses na 'yon ni Gani.

Lumingon kaagad ako sa pinanggalingan ng boses niya at doon, nakita ko siya na nagtatagis ang mga ngipin at may labas ng litid sa gitna ng noo niya. Nakaputing robe lang din siya at 'yun ang suot niya habang natutulog kanina. Halatang nagmadali talaga siyang puntahan ako.

Dali-daling napabitaw ang dalawang servant sa'kin at agad na yumuko sa kaniya. "G-g-ginoo!" bulalas nila sa pagkagulat.

Naglakad naman papunta sa tabi ko 'tong Hilva at yumuko rin sa kaniya. "Ginoong Gani, hindi po nararapat na bumangon kaagad kayo sa inyong higaan. Huwag din kayong mag-alala dahil paparusahan ko na ang aliping ito na dahilan kung bakit kayo napahamak—"

"TUMAHIMIK KA!" Isang kulay puting apoy ang lumipad papunta kay Hilva at lumagpas 'yon sa gilid ng mukha niya saka sumapol sa isang puno hindi kalayuan kaya lumikha 'yon ng isang pagsabog.

Napasinghap naman ako at nanlaki nang sobra ang mga mata ko dahil kitang-kita ko na galing 'yon sa kamay ni Gani. Mukha 'yun din ang ginamit niya noon sa Leong umatake sa'min kaya sunog na sunog 'yon nang makita ko na.

Napatingin agad ako kay Hilva at nanlalaki rin ang mga mata niya dahil sa gulat sa nangyari.

"PAKAWALAN N'YO SIYA NGAYON DIN!" galit na galit pa ring sigaw ni Gani at hindi naman magkandaugaga ang dalawang servant sa pagtatanggal ng mga itinali nila sa'kin kanina.

Nang makawala na ako at makatayo na ay may bigla kaagad humawak sa magkabilang balikat ko at iniharap ako sa direksyon niya. "Ayos ka lamang ba Queen?" nag-aalalang tanong sa'kin ni Gani.

Napatulala lang ako sa kaniya pero sa loob-loob ko, sobrang hindi na mapakali ang puso ko sa pagtibok n'on na ang ligalig.

Chineck niya kaagad ang mga kamay ko at nang makita ro'n ang mga namumulang bakat ng tali kanina ay gumalaw ang panga niya sa pagtagis ng mga bagang niya at matalim na tingin ang ipinukol niya ro'n sa Hilva. "Ngayon ay ihanda ninyo ang inyong sarili lalo ka na Hilva!"

B-bakit ganito?...

Napatingin ako sa kamay ko na hawak-hawak niya.

B-b-bakit kinikilig ako?!

"Ginawa ko lamang naman ang nararapat Ginoong Gani. Ang pagpaparusa sa tagapagsilbi na may nagawang pagkakamali ay aking responsibilidad..." sumeryoso si Hilva na nakatitig sa kaniya. "...kaya sa ayaw o sa inyong nais, mapaparusahan ang alipin na iyan." Biglang tumayo ang mga balahibo sa dalawang buntot niya na parang pusang makikipag-away. Naging sa fox din ang mga mata niya na naging kulay gold.

Hindi man dapat ako mamangha sa mga oras na 'to pero 'yun ang nararamdaman ko sa pagkakakita ko sa mga pagbabago sa kaniya.

"Hindi lamang basta-basta alipin si Queen. Siya ay aking Fenea kaya ako lamang ang maaaring magparusa sa kaniya." Bumitaw sa kamay ko si Gani at bigla ay lumabas sa likuran niya ang napakaraming mga buntot na puting-puti kaya napasinghap ako saka nanlaki ang mga mata. Nagtataasan din ang mga balahibo n'on at katulad ng kay Hilva, naging sa fox din ang mga mata niya.

Ngayon ko lang siya nakitang magtransform nang ganito... at nakakaintimidate masyado ang aura niya.

Nagtatagis sila ng tingin ni Hilva pero ewan ko ba sa abnormal kong curiousity at binilang ko ang buntot niya sa likuran sa tensed na atmosphere na 'to. 

9 'yon.

Ang dami! Baka daya ang iba dito ah.

Sa pagkacurious ko pa, hinawakan ko ang isa sa mga 'yon at ang fluffy n'on pero biglang napaangil si Gani sa'kin kaya gulat na napabitaw kaagad ako. Napasinghap din ang mga nasa paligid at ako naman, napapikit nang mariin sa takot dahil nakaamba na sa'kin ang humaba niyang mga kuko na parang kakalmutin niya ako kaya hinintay ko na lang na masugatan niya ako.

Wala naman akong naramdaman na masakit kaya unti-unti na akong nagmulat at napatingin kay Gani pero hinawakan niya kaagad ako sa magkabila kong balikat kaya napapitlag ako.

Hindi naman madiin 'yon. Nagulat lang talaga ako at ngayon, magkatitigan kami. Balik na sa pagiging normal ang mga mata niya at nanlalaki ang mga 'yon na parang biglang-bigla siya pero hindi ko inakala na makitang namumula ang mukha niya pati ang mga tenga niya na para siyang... nagbablush?

Inilapit niya ang mukha niya sa'kin at akala ko, hahalikan niya ako kaya ang lakas-lakas na ng tibok ng puso ko na parang lalabas na 'yon ng dibdib ko pero isinandal niya lang 'yon sa balikat ko. "B-bakit mo hinawakan ang buntot ko?"

Naguilty naman ako sa ka-abnormalang ginawa ko. "T-tiningnan ko lang kung t-totoo." nauutal kong sabi dahil pakiramdam ko, may isang bagay akong nagawa na hindi ko dapat ginawa.

Naramdaman ko sa balikat ko ang paghinga niya nang malalim at niyakap niya na ako. "Napakalaking gusot ang pinasok mo Queen."

Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. "H-ha?"

* * *

Nasa kwarto ko na ako ngayon at hinubad ko ang front layer ng damit ko dahil nadumihan 'yon sa pagpapaluhod sa'kin kanina ng mga servants kay Hilva. Puting top at palda na lang ang natira sa'kin na ilalim lagi ng layers ng traditional dress dito.

Itinapon ko lang 'yung hinubad kong damit sa kung saan at nawawalan ng lakas na napaupo na lang ako sa nakalatag kong higaan.

Napatingin ako sa kamay ko at may mga balahibo pa ro'n ng buntot ni Gani. Bawal ba talagang hawakan ang buntot niya kaya hindi niya inilalabas 'yon?

Biglang may kumatok sa pinto ko kaya napatingin ako ro'n at ewan ko, bigla akong kinabahan nang maisip na baka si Gani 'yon. "P-pasok." Itinago ko pa ang kamay ko dahil nagiguilty talaga ako sa ginawa ko kanina.

Si Hilva naman ang pumasok kaya nakahinga ako nang maluwag at may dala siyang tray na may maliit na baso saka maliit ding takure na gawa sa bato. Kasunod niya ang dalawa pang servant na natatandaan kong humuli sa'kin kanina. May dala ang isa na mababa at maliit na lamesa at ang isa naman ay silk na kulay pula.

Yumuko muna sila sa'kin habang ako, walang imik at nakatingin lang sa kanila.

Ano na naman kayang kailangan nila sa'kin?

Maingat na inilagay sa harapan ko n'ong isang servant 'yung lamesa. Nilatagan naman 'yon ng isa pa n'ong dala n'on na red silk saka naman doon pinatong ni Hilva ang dala niyang tray.

Umupo silang tatlo sa harapan ko at sabay-sabay na yumuko ulit sa'kin kaya nangunot ang noo ko.

"Hinihingi namin ng inyong kapatawaran binibining Queen dahil sa kalapastanganang dinanas n'yo sa'min kanina. Sana'y maintindihan ninyo na para kay Ginoong Gani ang aming mga inaakto kaya nagawa namin iyon." napakagalang na sabi ni Hilva at lalong iniyuko ang ulo.

"Patawad po binibini." sabay naman na sabi pa n'ong dalawa habang ako naman speechless.

Inangat na nila ang ulo nila at halatang nag-aabang sila sa sasabihin ko.

"A-aahh... Ayos lang. Naiintindihan ko naman." Napakamot pa ako sa ulo ko. Sobrang galang kasi nila bigla na nakakailang.

"Maraming salamat binibini." sabay-sabay ulit na sabi nila.

"Batid mo na kung sino ako binibini kaya maaari bang malaman ang buo ninyong pangalan?" tanong ni Hilva.

Nagkicringe ako sa tono niya na sobrang magalang. Parang kanina lang, gusto niya akong latiguhin pero nagsorry na rin naman siya saka 'tong dalawang servants.

Baka rin pinagsabihan pa sila ni Gani kaya ganito sila kagalang sa'kin ngayon.

"Queenzie Ruiz ang buo kong pangalan at tawagin n'yo na lang akong Queen. Ordinaryo lang akong tao at napunta ako rito dahil kay Gani pagkatapos ginawa niya akong Fenea niya gamit ang singsing na 'to." Ipinakita ko sa kaniya ang singsing na suot ko.

Napatitig siya roon at napangiti nang kaunti. "Hindi na kayo dapat pang mag-alala sa bagay na iyan."

Nanlaki naman nang kaunti ang mga mata ko. "Bakit? Sinabi niya ba sa'yo na tatanggalin niya na 'to?" Na-excite tuloy ako bigla.

Ngumiti lang siya at nagsalin ng kung anong inumin mula sa takure sa baso kaya napatingin ako ro'n.

"Bilang aking pagbawi sa nagawa ko sa iyo kanina, nais kong inumin mo ang tsaang ito binibining Queen upang gumaan na ang iyong kalooban. Ako pa mismo ang nagtimpla nito para sa iyo." Nakangiti niyang inabot sa'kin ang baso na may tsaa saka tumungo bilang paggalang.

Gusto mang lumukot ng mukha ko dahil hindi ko gusto ang amoy ng ipapainom niya sa'kin pero nakakahiya namang tumanggi. Baka sabihin niya, may galit pa rin ako sa kaniya.

Hindi naman siguro nila ako lalasunin dahil siguradong magagalit sa kanila si Gani.

Napipilitan ko nang kinuha sa kaniya 'yung baso at tiningnan 'yon. Kulay green 'yon na parang tsaa nga lang. Tinikman ko at ang tamis n'on kumpara sa inaasahan kong mapait. Lasang honey nga eh. Nilagok ko na 'yon at masarap naman.

Halatang natuwa naman siya dahil nagustuhan ko ang lasa n'on. "Ngayon binibining Queen ay kailangan ka na naming bihisan dahil nais kang makausap ni Ginoong Gani."

Natigilan ako sa pagsasalin pa sana ng tsaa sa baso ko dahil narinig ko ang pangalan ni Gani saka napatingin sa kaniya.

Ipagpapatuloy...