Nagsilakihan ang mga mata ng tatlo sa sinabi ni Qarly. "What, ayaw mo ba yun Syre Dane?"
Tumunog ang kampana ng simbahan kaya naman hindi na nakasagot si Syre. Nagsipasok na sila sa simbahan at pumunta na sa kani-kanilang upuan kung nasaan ang pamilya nila.
Si Nella lang ang napahiwalay kay Greta at Syre ng upuan kasi katabi niya si Rijo.
"Kinikilig ako masyado, Rijo." Ngumiti naman at hinalikan niya ang kasintahan sa may ulunan nito.
Qarly fake gagged because of the scene she witnessed. Nasa kabilang banda sila nakapwesto.
"Queen Aurora Ly Renue, pagtapos nitong misa, diretso tayo sa bahay, may pag-uusapan tayo." Gusto man umangal ni Qarly sa sinabi ng ina, hindi niya na lang ginawa. Mukhang 'di matutuloy date nila ni Syre.
Nagsimula nang magsermon si Madam Renue, pagtapak pa lang nila sa front door ng kanilang bahay. "Napahiya naman ako! Qarly bakit ba hindi niyo sinubukan ni Rijo na ayusin ang relasyon niyo? Hayan tuloy maghahanap na ulit ako ng future mong mapapangasawa."
Hindi na lang pinansin ni Qarly ang ina at nagtuluy-tuloy paakyat ng hagdan.
"Hoy bata ka! Bumaba ka rito at kinakausap pa kita!" Sinarado na lang niya ang kanyang pinto para tumigil na ang pagbubunganga ng ina. Hindi niya namalayan na nakatulog siya ng naka-fetal position sa sahig at nakasandal siya may pinto.
Medyo hindi siya nakatayo dahil sa paninigas ng kanyang mga hita sa posisyon kanina.
'Tumatawag si Syre bebe boy, sagutin mo!' natawa naman siya nang konti dahil sa recorded ringtone na sinet niya for Syre, sa kanyang cellphone.
"Hello?" groggy ang boses na sinagot niya ang tawag. "Ayos ka lang ba?"
Nang tanungin siya ni Syre ng ganun, bigla na lang siya napaiyak. "Magtanan na kaya tayo?"
Nanahimik sa kabilang linya si Syre. "Forget it, medyo maayos naman, ikaw?"
"Nalulungkot na hindi natuloy ang first date natin." Pinahid niya ang luha na di matigil sa pagtulo mula sa kanyang mga mata.
Hindi akalain ni Queen Aurora Ly Renue na iiyak siya dahil sa pag-ibig na dati rati nandidiri siya. Kuntento na siya sa pagiging omnipotent person.
Kaya ngayon hindi siya mapakali at naguguluhan sa mga nangyayari. "Pagtapos talaga ng highschool natin, pakasal na lang tayo, I think hindi ko kaya na mahiwalay pa sayo."
Pagkatapos ng araw na yun, biglang nabago ang buhay ni Qarly. Sa ibang bansa na siya pinag-aral ng kanyang mga magulang.
Wala rin naman siyang nagawa dahil minor pa rin siya at hawak pa siya sa leeg ng kanyang ina.
Lumipas ang senior highschool niya at pinayagan na siya na umuwi sa Pilipinas para doon magpatuloy ng pag-aaral.
"Hi anak!" Masaya siyang sinalubong ng ina mula sa airport. Buwan-buwan naman siya dinadalaw ng ama at ina, kaya naman hindi siya masyado namimiss ng mga ito.
Nagbago lang talaga siya sa pakikitungo sa mga ito dahil broken-hearted.
Umayos lang talaga si Qarly mag-aral dahil na rin gusto niya, bumalik kung nasaan sila Rijo, Nella at Syre. Si Syre na kanyang iniibig.
"Pagdating natin sa mansyon, may ipapakilala ako sayong possible husband mo, kaya wear make-up now, buti at maganda naman ang ayos mo ngayon."
Hinimas ni Madam Renue ang mas humaba pang buhok ni Qarly. Sanay siya sa maiksing buhok niya pero nang mapunta siya sa ibang bansa, she didn't bother with her hair.
"Smile!" She smirked. Napaka-controlling ng kanyang ina. Best mother of the year!
Sa isip-isip ni Qarly, tatakas siya mamayang gabi para makipag-kita kay Syre. Pinutol niya ang communication nila nang umalis siya.
Hinihiling niya lang talaga na sana, hinintay siya ng lalaking iyon makabalik. Dahil kung hindi, magrerebelde siya.
Hi my sleepies! Sa totoo lang pagod na ako sa pagkekwento nitong Qarly meets Syre.
Kaya baka hindi ko na siya pahahabain. Nagiging gross na for me yung naiisip kong scenes.
Bitter much? Single life is boring? Tsss...
Dasvidanya for now!