Nagsisiesta ngayon si Qarly at nanaginip siya. "Yucks! Magkakaroon kami ng dalawang anak tapos kambal na babae at lalaki." Yan ang sabi ni Qarly sa kanyang sarili nang magising. "Sino ang aanakan ka ng kambal?" tanong ni Miya na kakapasok lang.
"Wow! Bunk beds sa taas ako pwede?" sumunod na pumasok ang excited na si Nella.
"Sige lang Ate Nella, we haven't had a roommate number 3 for a long time." Noon kasi apat ang pwedeng gumamit ng dorm room nila Qarly. Nagsi-transfer ang dalawang roommates nila sa ibang school, kaya naman dalawa na lang natira.
"Ayos! Feel ko na magkakasundo tayong tatlo, right Qarls?" Tinignan ng dalawa si Qarly at tumingin naman sa kanila ito. "Sorry, I left the group convo, try again later."
Natawa si Miya at si Nella naman ay nalukot ang mukha. "Ano raw?" gusto matawa ni Qarly kasi slow pala itong si Nella Dane.
"Ate, have you had lunch?" Miya asked. Kanina pa sila pasyal nang pasyal sa school grounds ni Qarly kasi may teachers' monthly meeting ang mga guro nila, kaya naman may two hours and a half silang free time.
"Ay ala-una na pala, masyado kasi ako excited kaya nakalimutan na namin ni Syre kumain ng tanghalian." Daldal nang daldal si Nella kaya naman nagtalukbong ng kumot si Qarly. "Qarling, may period ka na ba or talagang may indigestion ka?"
Hindi sumagot si Qarly. "Tara na Ate, samahan na kita sa cafeteria para makakain, Aurora, nasa study table mo ang basket mo, huh?" Sumilip si Qarly kay Miya and she nodded at her. Then she covered herself again with the blanket. "Shy girl, kaya pala ikaw ang natipuhan ni Syre, yieee!" sinundot ni Nella ang tagiliran ni Qarly.
Kaya naman tinanggal niya ang talukbong, "Ate Nella, I have a boyfriend!" Natawa sila sa reaksyon nito. "Bilhan ba kita ng napkin, Aurora?" Medyo naalibadbaran na si Qarly sa dalawa. "Nah! Miyaka Ribbons! Wala akong period pa, baka ikaw?" tinuro nito ang pwet ni Miya.
"Ay shucks!" Maagang nag-period si Miya kaya naman kahit eleven years old siya tulad ni Qarly, mukha na siyang teenager.
"May sarili kayong banyo?" Nawala na sa kanyang shy self si Qarly at tumayo na from the bed. "Ate, mauna na tayo sa cafeteria."
"Sige sunod na lang ako, magpapalit muna ako ng damit and of course ng pad."
Napailing na lang si Nella, "Kaya nga kapagka alam ko na heavy flow ako, nagdadiaper or nagdidisposable panty ako." Natulala si Qarly sa sinabi ng Ate Nella.
"Masakit ba yun talaga Ate?" tanong niya.
"Siguro as you age more in the coming months, masakit pa rin pero bearable." Tumango si Qarly. "Tara na."
Nasa cafeteria sila Rijo at Syre ngayon, kumakain na sila ng tanghalian. "Rijo, when will you break up with Qarly?"
Napangiti si Rijo, "Are you interested?"
Sumubo muna ng chicken strip ito at nagsalita, "Yes, so much."
"Well, charade lang naman kami ni Qarly and I noticed na she kinda likes you too." Nagblush si Syre sa sinabi ng kausap.
"Uy! Naniwala naman," biglang sumimangot si Syre. "I know, you're just a pretend bf of hers kaya naman, I will make sure na ako ang magiging real." Sumubo ulit ng chicken strip si Syre.
"Ayun ang aking poging Syre oh!"
Good morning my Sleepies!
I have an announcement! Next Tuesday, walang update itong "Qarly meets Syre," kasi i-update ko ang Wakas ng "Eternal Infatuation."
Next next Tuesday na ang update nito.
Kaya thanks for your patience ans support in advance. Lito pa rin ako kung ano age nila Nella at Rijo. I really need to reread The Dream sa wattpad. Sequel nitong story.
Kaya yay me! For starting the sequel first. Lols
Dasvidanya!