webnovel

Qarly Meets Syre

Qarly Renue is an aspiring actress. One day, she met Syre Dane the guy who swept off her feet. Will meeting Syre make Qarly change her mind to be an actress? And who is this co-aspiring actor that meddles with her like there's no tomorrow? Find out soon. SleepingDreamer's note: Hey my Sleepies! (tawag ko sa aking supporters and readers kung may magbasa nito), anyway, this is my next story after or during "Eternal Infatuation." I was really in a nervous yet happy state when I first got the idea to begin another story here at Webnovel. It isn't difficult to create new stories, it's the process that gives me tension yet fulfillment when I update them. So, due to my curiosity and pessimism, I thought about this story. It will focus on Qarly and Syre. They already exist way before I thought about them, having their own story. I first introduced them at my Wattpad acc. Maybe someday I will tell you my pen name there at Watty, so whenever you get curious about them or what happened to them in their future life, you may read them. The title of the watty story is, "The Dream." Tagalog siya and may english rin. Taglish. Ganun rin itong story. Hahahaha!

SleepingDreamer · 现代言情
分數不夠
25 Chs

Kabanata 11

Nang makarating na si Rijo sa mansyon ng Renue, nakita niya agad si Qarly.

"Oh! excited much na makita ako?" Rumolyo ang mga mata nito. Nag-duckface si Rijo at sumunod na lang pumasok sa loob si Qarly.

"Hi Rijo! Ikaw pala ang friend ni Qarly." Masayang binati ni Mrs. Renue ang dumating na batang lalaki. Napansin niya na mas mukhang matanda ng ilang taon ito sa kanyang anak.

"Qarly's father is gardening right now, kaya later mo na siya ma-memeet."

Tumango sa kanya si Rijo. "Mommy, dun muna kami sa may vacant lot natin."

Bago ba maka-react si Mrs. Renue, hinila na ni Qarly si Rijo papunta sa vacant lot.

"Ano gagawin natin sa vacant lot niyo?" Hindi sumagot si Qarly at nagsenyas gamit ang isang kamay kung saan. Napanganga ng maliit ang bibig ni Rijo sa nakita.

"Is that what I think it is?" Ngumiti si Qarly. "What? Can't a Queen have her own carriage and horse?"

Nang makalapit na ang baby horse ni Qarly, binigay ni Yaning ang rein sa kanya.

"Oh! Ikaw maglead ng kabayo, paikot sa vacant lot." Kumurap-kurap si Rijo pero hindi na umangal masyado at tinanggap ang rein.

"Sakay ka mamaya." Nang makasakay na si Qarly sa carriage, tinanguhan niya si Rijo.

"Hanep mo talaga, Queen!" Masaya namang nilead nito si Hara papunta sa gilid ng vacant lot.

Ilang ikot ang nakalipas, pinatigil na ni Qarly si Rijo sa paglalakad.

"Ano, ikaw gusto mo sumakay? Ako na maglalakad with Hara."

Umiling ito. "Gusto ko horseback, hindi carriage ride." Qarly shrugged.

"Queen Renue! Come here this instance!" boses ni Sir Renue. Napalunok ng kanyang laway si Rijo.

"Bakit po?" Kinuha ni Yaning ang inabot niyang rein dito. Hindi pinakinggan ng kanyang ama ang tanong.

"Ikaw! Pumasok na kayo sa loob, bilis!" Nang mauna nang pumasok sa loob ng mansyon ang ama ni Qarly, dun naman tumawa nang malakas ito.

"That was my father." Tinapik niya ang isang braso ni Rijo at umuna papuntang mansyon.

"Magbibihis muna ako, Daddy." Busangot ang ama niya na nakaupo sa isang sofa.

"Huwag na, upo na kayo dito." Qarly shrugged at pinauna niya si Rijo sa isang single seat na sofa.

Umupo naman sa far end ng inuupang sofa ng kanyang ama si Qarly. "What is it Daddy?"

"Anong balak mo kay Qarly?" Tumingin nang seryoso at kunot ang noo nito kay Rijo.

Rijo wet his lips before speaking. "Gusto ko pa sana maging long-time friend si Qarly."

May beverages na pinatong si Mrs. Renue sa coffee table. "Kuha ka ng gusto mo dyan, Rijo mijo."

Kumuha naman ng softdrink in can si Rijo at binuksan para isalin sa baso na may yelo.

"Daddy, si Rijo ang magiging asawa ko kapagka nag-eighteen na ako." Parehong napadura ng iniinom ang dalawang lalaki.

"Ano?!"