webnovel

Pusong Nahulog sa Tulay (Pinoy BL)

Marami na ang nahuhulog mula sa tulay, sinasadya man o bunga lang ng katangahan, ito ay isang nakababahalang pangyayari. Pero paano naman kung mahulog ka para sa isang taong naging tulay mo sa pag-ibig? Masama bang mahulog para sa lalaking laging tumutulong sa'yo para makipag-ugnayan sa iba? Masama bang ma-fall sa taong nag-eeffort para tulungan ka? Masama nga ba? ~~~~~~~~~~~ There are scenes in this story that contains acts that may interfere with your beliefs, ideas, and/or opinions about such topics, Reader's Discretion Advised. "This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental." Enjoy.

sajuficnlit · LGBT+
分數不夠
38 Chs

Human Error I

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

James's POV

I survived midterm examinations! 🕺🕺🕺🕺

Pero why do I still feel challenged? Na para bang may kailangan pa akong gawin? Parang may kailangan pa akong ma-accomplish?

'Di kaya mamatay na ako maya-maya? 🙇

Hala, hindi pupwede 'yon.

Kailangan ko pang mabuhay, marami pa akong pangarap sa buhay! May mga magulang pa ako, gusto ko pang magkaroon ng sariling pamilya!

Okay, exaggerated na.

Pagkabukas ko ng main door ng bahay, ibinaba ko muna ang bag ko sa sofa at pumunta sa kitchen para pawiin ang aking uhaw sa pamamagitan ng pag-inom ng napakalamig na tubig.

Hindi naman ako singer kaya okay lang uminom ng malamig na tubig!

Habang ako ay umiinom, nagtse-check ako ng mga post sa facebook. May sumulpot na notification sa screen mula sa Messenger, "Ursula Santos sent you a message." Akin itong binuksan at binasa...

"James! Kumusta ka naman ba? Masakit ba?"

Ha? Anong pinagsasasabi ng babaeng ito?

Para malaman kung ano ang kan'yang ibig sabihin, nag-reply ako sa kan'ya, "anong meron? Bakit naman ako masasaktan? Ang saya-saya ko nga at buhay pa ako matapos ng midterm examinations week, eh!"

"Shunga, wala akong pake kung naka-perfect ka o hindi! Ang concern ko lang is 'yung puso ng tatanga-tanga kong kaibigan!"

Aray!

"How, Ursula, kung gagan'yanin mo lang ako ngayon, p'wes tigilan mo na at d'yan ka nalang sa kung nasaan ka man ngayon! Wala akong time para malait ang katangahan ko, okay? Hahahaha"

"Seryoso na ako ngayon, okay? So, wala ka pa ba talagang nababalitaan?"

"Na ano? Class suspension bukas? Wala pa naman... at tsaka wala naman talagang pasok bukas dahil Sabado na! Hilo ka ba?"

Hindi pa nag-reply agad si Ursula kaya kinuha ko muna ang bag ko at dinala ito sa kwarto, pagkatapos kong magpalit ng damit, dun palang s'ya nag-reply.

Nag-send s'ya ng isang screenshot...

Pagkatapos, link papunta ng post sa facebook...

Binuksan ko muna ang screenshot na kan'yang unang sinend, ito'y screenshot ng status update ni Julia. Sa naturang status update, nag-change s'ya from "single" to "in a relationship with food."

"So ano ngayon? Marami namang nagtse-change ng relationship status nila para maging 'in a relationship with food' ha?" Sabi ko kay Ursula.

"Punyeta, 'yung screenshot lang ba 'yung titingnan mo? Buksan mo rin 'yung link na sinend ko sa'yo nang magkaroon ka ng enlightenment!"

Pagka-tap ko sa link, na-redirect na ako, pero sa isang message na nagsasabing hindi ko makikita ang post.

"I can't seem to see the post or whatever it is you want to show me. Perhaps, I'm blocked by that person?"

"Shet, really? Seriously?"

"Oo, so kung pwede, i-screenshot mo nalang rin tapos tsaka mo i-send sa akin. Okay?"

"I'm sorry, hindi ko kaya."

"Ursula naman! Sige na, please?"

Pero seen lang ang inabot ko.

Minessage ko si Brie para alamin kung ano nga ba ang meron.

"Brie, can you tell me what's going on?" Finorward ko sa kan'ya ang screenshot ng status ni Julia.

"Oh, you don't know? No one has told you yet that Julia and Kevin are now both in a relationship?"

Parang nakarinig ako ng isang bagay na nabasag sa bandang dibdib ko. Muntik-muntikanan ko nang nabitawan ang aking cellphone pero buti nalang hindi dahil mamahalin ito. Pero talaga, ramdam ko na parang may bala ng baril na tumagos, 'di lamang sa aking katawan kundi pati na rin sa aking puso't kaluluwa.

"Thank you for telling me, Brie."

Parang nasaktan ako nang magpasalamat pa ako sa balitang natanggap ko. 🤕🤕🤕🤕

Nag-comment ako sa status update ni Julia na iyon ng "Congratulations!" Though parang may kirot sa puso akong nararamdaman, kailangang maging masaya at positive pa rin.

May nararamdaman na nga yata ako para sa best friend kong si Kevin, pero kailangan ko na agad itong puksain bago pa lumala.

Nag-react sa comment ko si Julia, ang kan'yang reaction ay "love".

Tinawagan ko si Ursula, agad naman n'ya itong sinagot.

"Oh, ano? Nakita mo na ba? Masakit ba? Masakit ba?" Bungad nito sa akin.

"Kailangan pa bang itanong 'yan? Masakit pero kailangan tiisin, kailangan maging masaya ako para sa kanila."

"So, ano 'to? Inaamin mo na ba 'yung feelings mo para sa kan'ya?"

"Oo-"

"'Wag mo nang ituloy, huli ka na, naunahan ka na, may nanalo na, umuwi ka na!"

"Dami mo namang nasabi, free ka ba tomorrow? I think kailangan kong gumala para makalimot kahit papaano."

"Hay nako, hectic ang schedule ko."

"Sige, 'wag nalang, mas impor-"

"Pero para sa'yo, friend, ipapa-cancel ko lahat 'yon dahil special ka, bes!"

"Special talaga?"

"Oo, special as in sa siopao!"

"Anong kinalaman ng siopao sa akin, Ursula?"

"Binola-bola na, asadong-asado pa!" 💁

"Gasgas na 'yan, hindi ako natawa. Sige na, busy ka pa yata. See you tomorrow nalang, ha?"

Doon natapos ang aming pag-uusap sa cellphone.

♦♦♦♦♦♦♦♦♦

"Tagal mo naman! Akala ko dito na ako mamamatay sa paghihintay na makarating ka!" Sabi ko kay Ursula na nagmamabagal pa lalo sa paglalakad papalapit sa akin. "Nang-aasar ka pa, ah!"

"Kapal naman ng mukha mong magdemand, ano ka? Special?"

"Oo, special ako, sinabi mo naman kahapon 'yon!"

"Akala ko ba gasgas na 'yon? Nako, ano na? Magpapatayan na ba tayo here? Tumayo ka na nga d'yan, tara na! G na G na ako!" Hinahatak n'ya ako patayo.

"G na G?" Tanong ko.

"G na G, gutom na gutom na ako!"

"Oh, ano ngayon? Ba't 'di ka kumain sa bahay n'yo? Wala akong pampalamon sa'yo, ha! Ikaw 'tong rich kid, hindi ako."

"Napakakapal talaga! Kailan mo ba ako nilibre, aber? Ako po kaya ang nanlilibre sa ating dalawa, every single time!"

"Thank you in advance! Salamat sa mga bibilhin mo para sa akin ngayong araw!"

"James! Nako, kung inililista ko lahat ng mga libre kosa'yo, mas mahaba pa siguro sa listahan ni Santa Claus! -Ber months pa naman na!"

"Naughty na kung naughty! Hindi ko naman sinabing ilibre mo ako ng ganito, ilibre mo ako ng gan'yan. Kusa mo naman at bukal sa kalooban mo ang magbigay, kasi generous ka, 'di ba?" Niyakap ko si Ursula ng mahigpit.

"Sipsip ka James!" Tinulak ako nito papalayo.

"Look, babe! Si James, oh!"

Napatingin kaming pareho ni Ursula sa babaeng sumigaw ng aking pangalan na nakatayo sa hindi kalayuang kiosk, si Julia pala.

At 'yung kasama n'ya, ang babe na tinutukoy n'ya... si Kevin.

Kumaway sa akin si Julia, si Kevin naman ay tumalikod.

Kinawayan ko rin s'ya, sa ginawa kong 'yon, siniko ako ni Ursula.

"James, ba't mo kinawayan?" Tanong nito sa akin.

"Ba't naman hindi ko kakawayan?"

"Eh, 'di ba, karibal mo 'yan? Da't irapan mo! Kailangan mong magtaray!"

"Ursula, una sa lahat, hindi teleserye ang buhay ko para gawan mo ng kwento at maging director. Tapos, hindi ko ugaling maging plastik at makipagplastikan sa kahit sinuman." Bulong ko dito habang tuloy sa pagkaway.

"Nako, ikaw na ang may pakpak at halo!" Pagkatapos n'ya itong bigkasin, tiningnan n'ya mula ulo hanggang paa si Julia sabay ngiti, 'yung halatang naiinis.

Lumapit sa akin si Julia, "James, what a coincidence! Nandito ka rin pala sa mall na 'to? What are the chances?!"

Si Ursula na talaga ang sumagot sa kan'ya, "ilan lang naman ba ang pwedeng puntahan na mall dito sa Bataan, bessy? Do the math naman, oh! 'Wag tanga, tsaka 'wag mo namang ipahalata ang magiging palengkera mo here! Nakakahiya."

"Ay oo, nga! How stupid of me!"

Pareho silang tumawa, pero, fake at pilit 'yung tawa nilang pareho.

"OH MY GOD, tama ka! Ang tanga-tanga mo girl!" Mala-Kris Aquino na sa puntong ito si Ursula. Tumatawa pa rin s'ya ng fake at ngayo'y sinabayan pa n'ya ng paghampas kay Julia.

'Pag nagtuluy-tuloy 'tong dalawang ito, fight of the century na ang mapapanood ng lahat dito sa mall na ito. 😱🙈🙊

'Wag naman sana, nasa kalagitnaan pa naman kami ng mall. 🙈🙈🙈🙈

♦♦♦♦♦♦♦♦♦