webnovel

Chapter Twelve

Nakasara na ang pintuan ng kusina ngunit patuloy pa rin ang pag-iyak ni June. Pinapakalma naman ni Paige ang kasamang patuloy sa pag-iyak. Naririnig ng dalawang artista mula sa kusina na may tinutulak ang killer sa sala, parang aparador na parang kabinet at agad na lumakad palabas ng bahay. Naririnig nina June at Paige na may tumutunog na sasakyan sa labas ng bahay. Bumayahe ang killer paalis ng teritoryo ni Paige. Patuloy pa rin sa pag-iyak si June. Pinigilan ni Paige ang pag-iyak nito para makatulong sa pagtigil din ni June sa pag-iyak. Binuksan ni Paige ang pintuan ng kusina. Ngunit nang buksan ni Paige ang kitchen door, isang aparador ang tumanbad sa harapan niya. Nagulat si Dazzle. Iyon pala ang tinutulak ng killer. Tinulak ng killer ang aparador ng mga libro sa harapan ng kitchen door para hindi makaalis ang dalawang dalaga sa kusina. Iyak pa rin ng iyak si June lalo pa nang makita rin niya ang aparador at napaupo pa ito sa sahig. Nilapitan ni Paige si Sparkle, lumuhod sa tabi nito at kinausap, "Tama na June," sabi ni Dazzle na napapaiyak ulit, "di tayo makakaalis dito kung iiyak ka na lang ng iiyak... Oo, sorry na, mali na 'ko! Ako ng may kasalanan, sumulat ako ng pelikula sa'yo at naging dilubyo sa buhay mo, oo, sorry na mali na 'ko, suspense-thriller pa ang naisipan kong genre sa sa nobela ko, sorry na! pinagbintangan ko si Ricky na siya ang killer, na siya ang nagpakalat ng pagiging ampon mo! Pero di ko naman maiiwasan na pagbintangan siya eh! Di rin naman kasi ako ang nagpakalat eh! Sorry na!" dugtong pa ni Paige na napaiyak na ng todo. Grabe na sa iyak si Paige. Napatigil na si June sa pag-iyak at napansin ang lumuluhod na kasama sa tabi niya, yumuyuko, at humahagulgol sa pag-iyak. Si June naman ang nagpapakalma kay Paige. "Calm down na Paige," sabi ni June, sabay pakalma kay Dazzle gamit ang kanang kamay nito. "Noong pinuntahan kita dito sa bahay, hindi naman ako pumunta noon sa'yo para pagbintangan ka, pumunta lang ako para pagsabihan ka. Buwiset kasi na balitang 'yon tungkol sa pagiging ampon ko, nasira tuloy pagkakaibigan natin." Sabi pa ni June kay Paige. Biglang napatigil si June sa pagpapakalma kay Paige at napaupo ito ng diretso. Napansin naman siya ni Paige. May naalala si Sparkle. "Ano?" tanong ni Paige na napatigil sa pag-iyak dahil sa pag-pause for a moment ni June. "Alam ko na Paige, kung sino si Starkiller." Sabi ni June kay Paige. Nagulat si Paige. "Sino?" tanong ni Paige, "Baka magkamali na naman tayo ng suspek." Dugtong pa ni Paige. "Sa tingin mo, si Van nga ba ang killer?" tanong ni June. "'Kala ko kung may bago ka namang pinaghihinalaan, oo! Ang gagang reporter na 'yan ang killer for sure!" sabi din ni Paige. "hindi naman ilalagay ni Garry ang mga CD tapes sa mga DVD players kung hindi siya inutusan ni Van." Dugtong pa ni Dazzle. Napatayo silang dalawa at nag-usap pa tungkol sa newscaster. "Kasi kung naaala mo, 'yong balita sa TV, tungkol sa pagiging ampon ko, news program iyon mula sa TV station ni Van." Sabi ni June sa kasama, "Tama, she used other newscasters, para ibalita ang pagiging ampon mo para hindi siya natin mapaghihinalaan," sabi din ni Paige, "pero pa'no niya nalaman na adopted ka? Sinabi mo ba sa kanya?" tanong pa ni Dazzle. "Di na kailangan. Paparazzi si Van, at taga-media," sagot ni June, "kaunting silip lang niya sa butas ng kisame o dingding, makukuha na niya ang balitang sinilip niya." Dugtong pa ni Sparkle. Napatitig ang dalawang dalagang artista sa aparador. "Paano ngayon tayo, makakaalis nito?" tanong ni Paige kay June.