webnovel

Chapter Four

Natutulog si Sparkle sa kama niya nang biglang may humagis ng bato sa kristal na bintana ng kuwarto nito. Napasigaw ang dalaga sa gulat at napagising ito. Napatitig agad ang dalaga sa bintana ng kuwarto nito at nakita niya na basag na ang bintana na yari sa kristal. Nakita din ni June na may bato sa sahig. Mukhang may humagis ng bato sa bintana ng kuwarto nito at nabasag. Nakita ni June sa alarm clock nito na alas 2:30 pa lamang ng umaga. Natatakot na ang dalaga. "Kuya!!!" sigaw ng arista sa kuya nito ngunit di sumasagot si Ricky sa sigaw ng kapatid. Lumakad si Sparkle papunta sa pintuan ng kuwarto nito. Binuksan niya ang pinto at tumitig sa paligid at baka nasa labas ang kapatid ngunit walang Ricky na dumadating o lumalakad papunta sa kuwarto niya. Napapatitig si June sa bato na nasa sahig. Kahit takot ay pinuntahan niya ang bato at kinuha. May nakatali na sobre sa bato gamit ang isang laso na pula. Kinuha ng dalaga ang nasabing sobre sa bato. Nagulat ang dalaga nang nalaman niyang may 'Protégée' na nakasulat sa sealed na sobre. Pinunit ng dalaga ang itaas na bahagi ng sobre at kinuha ang laman sa loob. Nalaman ng dalaga na isa iyong invitation letter. Natatakot na ang dalaga. May nakasulat na "You are ivited to die tonight" sa papel kahit di pa niya iyon nabubuksan at kung ano pa ang sa loob ng sulat ay di pa niya alam. Nang binuksan na niya ang papel ay may nakasulat na salitang 'SURPRISE!'. Bumilis ang tibok ng puso ni June. Biglang may nagsalita ng "Surprise..." sa likuran nito na boses babae. Napasigaw ang dalaga sa takot. Napatalikod ito at nakita niya si Starkiller sa likuran niya...

Napasigaw ulit si June at napatayo sa kanyang kama. Nanaginip pala ang dalaga. Nang nalaman niyang panaginip lamang pala iyon, napaupo si Sparkle sa kama niya at napahinga ng malalim. Nalaman niyang alas 5:30 na ng umaga. Nakita niya ang kristal na bintana ng kuwarto nito na walang basag at nakita rin niya na walang bato sa sahig. Huminga ulit ng malalim si June. May naririnig si June na parang may tumatakbo papunta sa kuwarto nito. At ginulat siya nina Ricky at Kitty nang biglang pumasok ang dalawa sa kuwarto niya. "Ano?! Ba't napasigaw ka?! May ano? What is it dear?" tanong ni Ricky sabay na tinabihan ang kapatid at pinapakalma. "Ano 'yon girl? Anong problema? Nawawala ba ang lipstick mo? Blush-on? Napkin?" tanong naman ni Kitty sa amo nito. Napatitig ng masakit si Ricky kay Kitty. Napayuko ang dalagang make-up artist. "Wala, I just... had a very bad dream." Sagot ni Sparkle. "Ano? Tell me." Sabi ng kapatid nito. Napatigil si June at nagsabi ng, "Nanaginip ako kay Starkiller." Sagot ng dalagang artista. Nagulat ang dalawa sa sinagot ni June.

Bumaba ng hagdan ang tatlo. Panay ang tanong nina Kitty at Ricky kay Sparkle. "Sis, baka gusto mo na tawagan natin ang personal doctor mo?" tanong ni Ricky kay June, "baka di ka na niyan makatulog ng maayos sa susunod mong sleep." Dugtong pa ng kapatid nito. "O baka gusto mong mag bakasiyon muna tayo sa Paris, o Italy, o Egypt?" tanong din ni Kitty kay Sparkle. Napatitig na naman ng masakit si Ricky sa make-up artist. Napangiti si June. "Okay lang ako guys," sagot ng dalaga, "dream lang 'yon." Dugtong pa ng artistang dalaga. "But dreams do come true." Sabi ni Kitty. Kinilabutan si June sa sinabi ng make-up artist. Nagalit na naman si Ricky kay Kitty. "Kanina ka pa! Hindi makakamove-on itong kapatid ko kung puro ka-buwisetan ang sasabihin mo!..." Panay ang bangayan ng kuya ni June at ng make-up artist nito habang ang dalagang artista ay natatakot sa kinauupuan niya. Iniisip ang sinabi ni Kitty at si Starkiller. Napansin ni Ricky na nanginginig ng patago itong si June. Panay ang banat ni Kitty kay Ricky sa mga sinabi nito sa kanya. "Bakit? Di ba totoo ang mga sinabi ko? Lahat ng dreams nagiging totoo! Bakit? Dreams mo ba di pa natutupad?--" sabi ni Kitty kay Ricky nang biglang tinakpan ni Ricky ang mukha ng make-up artist gamit ang kamay nito at agad na lumakad papunta kay June. "Nanginginig ka sis, anong problema?" tanong ni Ricky sa kapatid. Lumapit na din ang make-up artist sa amo nito at kay Ricky. "Kuya," sabi ni June, "puwede ba tayong magpatawang ng detectives? Kasi gusto kong paimbestigahan ang pagkamatay nina Daisy at ang relasiyon ng pelikula kong Protégée sa pagkamatay nila." Dugtong pa ng artistang dalaga. "Eh, tawagan natin si Warren--" lalakad sana si Ricky papunta sa telepono para tawagan ang sheriff ngunit pinigilan siya ng kapatid. "'Wag kuya!" sabi ni June sa kapatid, "nahihiya na 'ko sa dating nobyo ko, dating nobyo na nga di ba tapos bibigyan ko pa siya ng obligasiyon? 'wag na." dugtong ni Sparkle. Huminga ng malalim si Ricky, "Bakit? Ano bang iniisip mo't hindi ka mapakali?" tanong ni Ricky sa kapatid. "Sa tingin ko kasi, ang sumulat ng pelikula ko na, Protégée,... ang pumatay kay Daisy at kay sir Tolentino." Sagot ni Sparkle. Nagtitigan sina Kitty at Ricky sa sagot ni June.

Umuupo sa sofa sina June, Ricky at Kitty. Nakatitig sila sa poster ng pelikula ni June na Protégée na nasa center table. Tahimik ang tatlo habang nakatingin sa nakasulat sa poster, sa parte ng poster kung sino ang sumulat. Nakasulat sa poster na ang sumulat ng pelikula ay si "Seb". Nakagawa lang pala si June ng pelikula na horror at di pa nakikilala ang pangalan ng sumulat. Tanging 'Seb' lamang ang nakasulat sa poster kung sino ang writer ng 'Protégée'. Naka-steady lang ang tatlo habang nakatitig sa poster. "Isa sa mga malaking katanungan sa pelikula ko na Protégée kung sino ang sumulat. Hanggang ngayon di pa rin alam ng mundo kung sino ang 'Seb' na 'yan." Sabi ni June kay Kitty at sa kuya nito. Natatakot silang tatlo habang nakatitig sa poster. Nang biglang may nahulog na tuko sa center table at napatalon ang tatlo at napasigaw sa gulat. Agad namang nawala ang nahulog na tuko sa center table. "Diyos ko!, hihimatayin ako nito!" sabi ni June, "tuko lang pala." Sambit pa ni Sparkle. "Ba't di ka naglinis ng bahay?" tanong ni Ricky kay Kitty. "Duh! make-up artist ako hindi ako kasambahay!" sagot ni Kitty kay Ricky. Mag-a-away na naman sana ang dalawa ngunit pumagitna si June sa kanilang dalawa. "Let's stick to the main problem 'wag niyo ng dagdagan ng isa pang problem... please...." Sabi ni June sa kanilang dalawa. "So!" sabi ni Sparkle, "May idea ba kayo kung sino si Seb?" tanong pa ni June sa kanilang dalawa. "Wala eh." Sagot ni Kitty. "May nakikilala akong Sebastian, pero Seb, wala din eh," sagot din ni Ricky, "pero baka ang director ang killer! At hindi ang writer! Di ba ang director ng shino-shooting na pelikula ni Daisy ngayon, director din ng Protégée! Si direk Greg Romano!" dugtong pa ni Ricky. "Ano ba kuya, wala na'ng oras na pumatay ng tao si direk dahil pagod na ang tao mula sa trabaho, ugod-ugod na 'yon kung gumalaw, pagkakita niya siguro ng ice pick, iisipin no'n alak. At alam mo ba'ng kahit siya di rin niya alam kung sino si Seb." Sabi ni June. "Just thinking lang naman." Sabi ni Ricky. "Teka ano ba'ng takbo ng istorya ng Protégée? Pasensiya, di ko pa kasi napapanood 'yan eh." Sabi ni Kitty. "Ay, naku mahabang kuwento--" sabi ni Ricky ngunit pumagitna na naman si June sa kanilang dalawa. "Okay lang kuya, isa-summarize ko lang..." sabi ni June. At kinuwento ni June kay Kitty ang takbo ng istorya ng Protégée.