webnovel

Chapter 233

編輯: LiberReverieGroup

Nawala ang dalawang karakter sa entablado, iniwan ang dalawang anino sa lamesa. Sinabi ng bata na may pasulyap na ngiti, "Pagkatapos noon, nagpakasal sila at masayang namuhay. Nagkaroon sila ng maraming anak. Ang mga lalaki ay kasing kisig ng Emperador, at ang mga babae ay kasing ganda din ng Emperador. Namuhay sila sa kagalakan hanggang sa tumanda, hanggang nabungi ang mga ngipin nila. Sa wakas, nang malaman ng diyos sa kalangitan ang tungkol dito, ginawa niya silang mga diyos, pinangakong hahayaan silang magkasama ng walang hanggan, at hinding-hindi magkakahiwalay."

Nagsimula siyang makaramdam ng panibagong bugso ng kalungkutan na dumadaluhong sa kanyang puso. Nagsimulang suamkit ng kaunti ang kanyang mga mata; ang tinis ng kanyang boses ay nagbago ng bahagya nang nagtanong siya, "Hindi ko narinig na ikinwento mo ito dati."

"Binili ng isang gastador na young master ang pagtatanghal na iyon. Madalas siyang pumupunta dito upang kumain ng bihon. Araw-araw niyang pinagtatanghal ang mga iyon dito, hanggang magsawa ang lahat doon. Ang amo ng pagtatanghal, si Lola Qin, ay napakalungkot. Isa kang dayuhan. Nasiyahan ka bang noong unang beses mo narinig ang kwento? Gusto mo ba ang kwentong ito? Gusto mo bang pumunta sa bahay ni Lola Qin upang marinig ulit ito? sobrang matutuwa yun."

Nang umihip ang hangin, ginamit ni Chu Qiao ang kanyang manggas upang takpan ang kanyang mukha at tumalikod. "Napuwing ka ba?" tanong ng bata sa mainit na tono.

Nang nanatiling tahimik si Chu Qiao, inisip ng bata na napuwing talaga siya. "Maghintay ka dito. Kukuha ako ng mantika para sayo." Nagmamadaling saad ng bata.

Nang natapos ng bata ang kanyang sasabihin, palukso itong bumaba ng lamesa upang kuhanin iyon. Nang bumalik siya, bakante na ang upuan. Isang punong supot ng pilak ang naiwan sa lamesa.

Ang mga kalye ay malamig; walang mga naglalakad, mga sirkero, mga mangangalakal, o mga mananayaw. Ang ibabaw ng lawa ay tahimik; walang bangka ang makikita. Siya lang ang tanging tao na nasa kalye, tulad ng naggagalang espiritu na lumulutang-lutang sa pag-iisa. Nang napadaan siya sa tindahan ng kendi, saglit siyang napatigil sa paglalakad bago tumungo doon upang bumili ng meryenda. Iyon ang mga binili sa kanya ni Li Ce noong nakaraan. Mayroong mga minatamis na prutas, dates, osmanthus keyk, at mga kastanyas, lahat ay nakabalot sa isang lalagyan. Habang naglalakad siya, unti-unti siyang kumakain. Parang robot niyang nginunguya ang mga pagkain. Habang iniisip niya ang kwento ng bata kanina, nagsimulang lumuha muli ang kanyang mata habang ang kanyang luha ay dumaloy sa kanyang bibig. Ang maalat na lasa ng luha, kasama ang amoy ng kendi, ay ginawang napakapait ng lasa sa kanyang bibig. Ang kanyang mga alaala ay prang mga purasong lumulutang-lutang sa kanyang ulo.

"Kung ganoon ay dapat mo akong wastong pasalamatan. Hindi ordinaryong pabor ang pagligtas ko sa buhay mo. Bakit hindi ka nalang manatili dito sa Tang at pakasalan ako upang bayaran ang pabor?" Dati, nakatayo ang lalaki sa harap niya tapos ay masaya itong binanggit.

Nang napapalibutan siya ni Zhao Yang, nakialam ito sa mahalagang sandali. May isang tiyak na uri ng kahambugan at katigasan, niyakap siya nito habang paulit-ulit na sinabi: Ayos na. Ayos na.

Habang naglalagalag siya sa kalaliman ng bangin, nagpakita ito sa harap niya at inalo siya sa pagsabing: Qiaoqiao, bakit hindi mo pahintulutan ang sarili mo?

Sa malamig na gabing iyon sa palasyo, lasing itong dumating at hindi alam na niyakap siya. Matapos iyon, sinabi nito na may ngiti: Mas maganda ang pigura ni Fu'er kaysa sayo.

...

Hindi niya alam. Ang kailaliman ng kanyang puso ay parang pinagbabawal na lugar—hindi niya ito ginalugad. Hindi niya alam kung talagang nararamdaman niyang hindi siya interesado, o kung niloloko niya lang ang sarili niya. Ayaw na niyang malaman pa.

Suminag sa lupa ang malinaw at mapanglaw na buwan, inilalarawan ang ganda ng bulaklak ng crabapple sa tabi ng kalsada. Nagningning sila ng matingkad na pula, tulad ng kulay ng mataas na gradong pampaganda. Habang umiihip sa kanila ang hangin, lumipad-lipad sa ere ang mga talulot ng bulaklak bago lumapag sa buhok at damit ni Chu Qiao.

"Foxy Li, may nagustuhan ka ba dati?" sa makinang na bakuran ng sambahayan ng Mihe, magkabalikat silang nakaupo sa ilalim ng puno ng crabapple na inilipat nila mula sa kalye papunta sa palasyo. Habang napapasimangot siya, tinanong niya at nagsususpetyang tumingin kay Li Ce, kung saan ay masigasig na pumipili ng larawan ng pinaka magandang babae.

"Syempre!" Nagtaas ng kilay si Li Ce at sumagot sa seryosong tono, "Kagabi, minahal ko si Yu'er mula sa palasyong Ranli. Ang kanyang balat ay kasing lambot ng sutla, ang kanyang binti ay napakahaba. Kumpara sa..."

"Tigil, tigil!" ginambala siya ni Chu Qiao habang nakasimangot. "Ang tinutukoy ko ay tungkol...tungkol...sa ganoong uri ng 'gusto'. Parang... parang..."

Tumingin sa kanya si Li Ce mula sa gilid ng mga mata nito at nanghahamak na dinagdag, "Tulad ng kung paano ka gusto ng Zhuge Yue na iyon, tama?"

Namula si Chu Qiao at walang bahala na sumagot, "Oo! Tama ka! Ano ngayon?"

"Anong magagawa ko sayo?" Suminghal si Li Ce tapos ay itinungo ang kanyang ulo upang patuloy na mamili sa kanyang larawan. Matapos ang ilang sandali, bigla siyang tumango at sinabi.

Nagulat si Chu Qiao at nagtanong, "Para saan iyon?"

Naiinip na sumagot si Li Ce, "Hindi ba't tinanong mo ako kung may nagustuhan na ako tulad nung kay Zhuge Yue na iyon? Sinasagot ko ang tanong mo."

"Ah? May nagustuhan ka na dati? Bakit hindi ko alam?"

Mula sa pusong tumawa si Li Ce tapos ay tumingin siya tungo sa kalangitan, sinasabi na may kislap sa kanyang boses, "Kung madali mong mahuhulaan ang iniisip ko, hindi ba't mawawalan ako ng mukha?"

Nagpatuloy na magtanong si Chu Qiao na may intensyong makitsismis, "Anong itsura ng nagugustuhan mo?"

"Walang espesyal," kaswal na banggit ni Li Ce. "Ordinaryo lang ang kanyang pigura, mayroon siyang maiksing pasensya, gusto niyang makipagtalo ukol sa maliliit na detalye ng isang bagay. Pinaka mahalaga, mayroon nang iba sa kanyang puso. Hindi niya ako gusto."

"Ah?" nagulat si Chu Qiao at wala sa isip na nagtanong, "Bakit hindi mo sabihin sa kanya?"

Makisig na ngumiti si Li Ce at sumagot, "Mas magandang kimkimin ang mga ganoong bagay sa puso mo. Bakit kailangang sabihin pa iyon? At saka..." gumiging ang boses niya habang bahagya siyang huminto. Umihip ang hangin mula sa direksyon ng lawang Taiqing, inaangat ang nakawalang hibla ng buhok sa sentido nito. Tumingala ito at tumingin sa malayo sa ibabaw ng lawa, nagmumukhang nawala ng sandali. "At saka, maaaring hindi na ako magkaroon ng pagkakataon na sabihin pa iyon sa kanya."

Tahimik na tumingin si Chu Qiao sa kanya noon, tila ginugunita ang tanawin sa malayo gamit ang mga mata ng lalaki. Naisip niya si Prinsesa Fu, kung saan ay ibinitin ang sarili sa puno ng sycamore. Naisip niya si Murong Fu'er, na pinatay ang sarili sa araw ng kasal niya para sa hari ng Luo. Naaawa siya sa lalaki habang iniisip: Kung hindi dahil doon, baka naging isang desenteng tao ang lalaking ito.

Nagsimula ulit na magtubig ang kanyang mga mata habang tumutulo ang luha pababa sa kanyang mukha. Umihip ang hangin habang ang pulang talulot ng bulaklak ng crabapple ay kumalat sa ere, pinagmumukha itong bagyo ng bulaklak.

Umihip ang mapanglaw na hangin sa syudad, iniiwan nito ang bakas ng pula. Ang itim na mga kurtina sa palasyo ay pinalitan ng puti. Sa loob ng isang gabi, pumanaw ang emperador, habang ang empress dowager ay pinatay ang kanyang sarili. Sa susunod na 49 na araw, tumutunog ang kampana ng paglilibing habang ang bansa ay nagdadalamhati.

Sa araw na inilibing si Li Ce sa imperyal na mausoleo, umalis ng palasyong Jinwu si Chu Qiao. Habang ang mga dahon ng taglagas ay naging bihira, mukhang malungkot ang kapaligiran. Nakasuot siya ng puting koton na damit habang nakatayo siya sa tuktok ng tarangkahang Xilan, nakatingin sa pangkat na naghahatid sa lalaki sa huli niyang paglalakbay habang naglaho sila sa dulo ng kalye.

Pinintahan ng papalubog na araw ang kapaligiran ng mala-gintong dilaw. Matataas na damo ang tumubo sa kaparangan sa labas ng Tang Jing habang umuugoy sila sa mapanglaw na hangin ng taglagas. Sa gitna ng takipsilim, lumilipad pa-timog ang mga ibon. Isang matingkad na pula ang nakita sa kalangitan. Habang ang kanyang anino ay humaba at naging manipis, nareplekta ito sa pader ng syudad ng Tang Jing, kung saan ay daan-taon ang nalagpasang bagyo.

Li Ce, patawarin mo ako dahil hindi kita maihatid. Mag-ingat ka.

Sa paglubog ng araw, umakyat ang buwan sa tuktok ng bundok, pinatatama ang sinag ng liwanag nito sa kanyang damit at maputlang mukha. Habang nilalanghap niya ang hangin ng taglagas, isang masamang pakiramdam ang biglang nag-umpisang mabuo sa kanyang puso, kumakalat sa buo niyang katawan. Malamig ang kanyang puso.

Naglakad palapit sa kanya si Meixiang at bumulong, "Binibini, halika na."

Tumingin siyang muli sa kalye sa huling pagkakataon, bago tumalikod at bawat hakbang na naglalakad palayo. Ang mga pader ng syudad ay madilim at mukhang mabangis, tulad ng nahihimlay na hayop na naghihintay na makain ang huling piraso ng kanyang determinasyon.

Nawawalis ang alikabok habang naglalakad siya sa lupa. Inunat ng malalaking ibon ang itim nilang pakpak habang pumapaikot-ikot sila sa himpapawid. Naglakad siya pababa, bawat hakbang, na para bang naglalakad siya sa malalim na lati. Sa likod niya ay tigang na kaparangan. Higit pa, ang marilag na kabundukan ng Tang, maunlad na mga syudad ang naghihintay sa kanya. Sa wakas, ang pass ay matatagpuan sa dulo ng mga lugar na iyon. Pagkatapos noon, naghihintay ang teritoryo ng Xia.

Nakatawid na sa maraming lupain, hindi niya nagawang takasan ang ilog ng kapalaran habang nadala siya ng alon nito.

Isang karwahe ang huminto sa ilalim ng tarangkahan ng syudad. Nakasuot si Sun Di ng berdeng kasuotan at mukhang makisig habang nakatayo ito sa gilid upang marespeto siyang salubungin. Malambot nitong saad, "Binibini, pakiusap sumakay ka sa karwahe."

"Gusto kong maglakad mag-isa." Malambot na sagot ni Chu Qiao na may kalmadong ekspresyon sa kanyang mukha.

Nang nais sumingit ni Meixiang, nag-abot ng lampara si Sun Di kay Chu Qiao at sinabi, "Mahirap ang paglalakbay sa gabi. Binibini, pakiusap umuwi ka agad." Ang magandang pagkakagawa na papel ng lampara ay nakabalot sa palibot ng ilaw habang nagbibigay ito ng mapanglaw na puting liwanag. Tumango si Chu Qiao tapos ay tumalikod siya upang umalis dala ang lampara. Sumunod sa kanya si Meixiang sa nagmamadaling paraan, ngunit pinigilan ni Sun Di habang bahagyang iniiling ang kanyang ulo. Suminag ang gasuklay na buwan sa dalaga habang naglalakad ito sa kalayuan.

Ngayon ang libing ni Li Ce. Walang kahit isang anino sa mga kalye, tanging bulaklak lang ng crabapple na umuugoy sa tabi ng kalsada at ikinakalat ang mga talulot nito.

"Qiaoqiao, Qiaoqiao..." Sa iglap na iyon, tila narinig niyang muli na tinatawag siya ng lalaki. Napasimangot ang lalaki na may tusong tingin sa kanyang mga mata, habang nakangiti itong nakatingin sa kanya.

Mukhang paraiso ang kapaligiran habang kumikinang ang mga ilaw. Pinalabo ng hamog ang mata ng lalaki, pinagmumukha itong mapanglaw at malungkot. Sa wakas, sumandal ito sa upuan habang mahinang ngumiti sa kanya, inunat ang mga kamay at sinabi, "Qiaoqiao, hayaan mong mayakap kita."

Isang patak ng luha ang tumulo mula sa mata ng dalaga. Hindi niya ito pinunasan habang nagpapatuloy na maglakad. Naglalabas ang lampara ng mahinang sinag ng puting liwanag, kahalintulad ng sinag ng buwan.

Marami na siyang napagdaanan sa nakalipas na sampung taon. Kalahati ng kanyang buhay, naglakbay siya sa mahirap na landas. Maraming beses siyang bumagsak at bumangon, ngunit sa huli ay napunta siya sa isang hindi siguradong landas. Ang nakaraan niyang sarili ay nabitag ng pag-ibig. Naranasan na niyang lahat, mula sa madala ang damdamin, tungo sa mawalan ng magawa, sa pagiging matigas ang ulo, maging mahina at maging malungkot. Sa kasalukuyan, ang walang kakayahang babae na iyon ay namatay kasama ang kapus-palad niyang katayuan.

"Ang buhay ay puno ng tinik. Kung nananatiling hindi nagbabago ang sarili at puso ng isa, hindi ito masasaktan. Kung nabago ang sarili at puso ng isa, tatagos ang sakit hanggang sa buto, ginagawang impyerno ang buhay nito."

Zhuge Yue, tama ka. Katulad kita, naitapon sa mga tinik na iyon. Imbis na isara ang puso ko, bakit hindi ko ito buksan at putulin ang mga tinik sa paligid ko?

Nang pumatak ang luha niya sa lampara, isang bugso ng hangin ang umihip din dito, pinapatay ang apoy sa loob ng lampara. Ang makikita lang ay ang mahamog na daang paakyat. Huminga siya ng malalim at itinapon ang lampara sa lupa. Idiniretso niya ang kanyang likod at naglakad pasulong. Nangako siya sa kanyang sarili na ito na ang huling patak ng luha na tutulo sa kanyang buhay. Simula ngayon, hindi na siya muling luluha pa kahit na maubos pa ang dugo niya.

Mayroong maliwanag na hanay ng ilaw sa harap. Mula sa malayo, isang marangyang residensya ang nakaupo kasama ang makukulay na bulaklak. Ang marilag na ilaw ay nagliliwanag kahit saan, ginagawang kagila-gilalas ang tanawin.

Nakasuot si Sun Di ng malinis na kasuotan habang nakatayo sa harap ng pinto na may hawak na ilaw ng palasyo, hinihintay ang kanyang pagbabalik. "Binibini, naayos mo na ba ang mga iniisip mo?"

Tumingin si Chu Qiao sa lalaki habang ang malapilak na puting liwanag ng buwan ay suminag sa kanyang mukha. Tahimik siyang tumango at sinabi sa mabigat na tono, "Hindi pa ko lubos na nalinawan ng ganito."

Tumawa si Sun Di at iniabot sa kanya ang papel na lampara nito. Doon, sinabi nito na may ngiti, "Ang paglalakbay sa gabi ay mahirap. Hayaan mong ilawan ng lamparang ito ang daan para sayo."

"Ang liwanag ng kandila ay mapapatay ng hangin, ngunit ang apoy ng silakbo ng damdamin sa puso ay hindi." Naglakad si Chu Qiao sa harap ng lalaki tungo sa marangyang residensya at idinagdag sa mabigat na tono, "Simula ngayon, ang mga mata ko ang magiging lampara ko habang ang puso ko ang magiging apoy sa lampara."

Nang tumapak siya sa gate ng sambahayan, isang masidhing hanay ng liwanag ang bumati sa kanya, sinilaw siya pansamantala. Isang puting jade na daanan ang mula sa pasukan hanggang sa harap na bulwagan. Ang tubig sa lawa sa gilid ng silid ay malinaw. Mayroong hindi mabilang na silid sa gusali, nasasabitan ng mga larawan at istatwa. Isang halimuyak ang nagtatagal sa dingding ng gusali. Ang mga kurtinang gawa sa brocade at perlas ay nakasabit kahit saan. Ang mga poste ay gawa sa ginto. Ang paligid ay tulad ng hangin ng tagsibol sa ikatlong buwan ng taon, pinahahanga ang sinuman makita ito.