webnovel

Please, Laniel

A transexual woman's story

pencoloredman · LGBT+
分數不夠
18 Chs

XV.

"LANIEL, tapatin mo nga ako. Ayos lang ba talaga sa'yo ang kalagayan ni Carina?" rinig kong tanong ni Risza.

Dahan-dahan kong iniangat ang aking sarili sa sofa. Hindi nila ako napansin kaya itinayo ko na lang ang aking sarili. Nang makatayo ay saka lang sila napalingon sa akin.

"Ayos ka lang ba, Carina?" tanong ni Laniel sa akin saka ako inalalayan.

"Nasaan si Mama at si Tita Loraine?" agad na tanong ko rito kaysa sa sagutin si Laniel.

"Umalis sila. Nagshopping," sagot ni Risza.

"Anong oras na?"

Napatingin si Laniel sa relo niya. "Alas sais na ng gabi."

Napahawak ako sa uloko dahil sa hilong-hilo pa ako. Pakiramdam ko ay may tumama sa ulo ko. Nanlalabo na naman ang paningin ko kaya kaagad na napahawak ako sa braso ni Laniel.

"Ayos ka lang ba? Gusto mo bang dalhin ka namin sa hospital?" Pag-aalalang tanong nito.

Umiling ako. Ayokong dumagdag pa sila sa nararamdaman ko kaya naman sinabi ko na ipasok na lamang ako sa loob ng kuwarto ko. Dahan-dahan akong inalalayan ni Risza sa loob ng kuwarto. Nang makaupo na sa kama ay pinalabas ko na rin siya. Kahit pa na kaibigan ko siya ay gusto ko pa rin na mapag-isa.

Isinara ni Risza ang pintuan saka ako nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Bakit ba ganito ang nangyayari sa akin?

Gusto kong matuwa sa nangyayari pero naguguluhan pa rin ako. Gusto ko rin naman na mapasakamay si Laniel ulit tulad noon pero paano kung hanggang ngayon ay takot ako sa puwedeng maging resulta?

Si Laniel lang ang nakilala kong lalaki na kayang magmahal ng transexual woman na tulad ko. Kapag naglalakad ako sa labas, puno ito ng mapanghusgang tingin. Titignan ka ng mga ito mula ulo hanggang paa. Mga bulungan na hindi mo maiiwasang mapakinggan. Tila mga masakit na musika sa iyong tainga. Mga lalaking mapanghusga; sasabihan ka ng salot, pandidirihan ka, at para kang isang dumi na itatapon sa kung saan. May sukatan ba ng pagmamahal sa mundong ito? Paano ba magmahal ang tao? Magandang babae? Guwapong lalaki? Sexy? Mayaman? Ano? Kasi gulong-gulo na ako. Iba si Laniel sa ibang lalaki pero paano ko siya matatanggap ulit kung sa harapan ng magulang nito ay hindi ako naipaglaban? Hindi ko pa alam kung pinaalam na ba niya sa mga magulang niya na transexual ako. Paano kung ilayo nila si Laniel sa akin sakali mang malaman nila? Ayokong mangyari iyon balang-araw. Gusto kong magkaroon ng normal na katuwang sa buhay. Gusto ko iyong tanggap ako. Ayokong matulad sa ibang baklang hindi pa retoke na halos ipatapon na sa ibang planeta para lang mawala sila. Marami akong tanong simula ng bumalik muli si Laniel sa buhay ko. Tulad na lamang ng 'Kaya ko na ba?', 'Seryoso na ba siya?', 'Maibibigay ko ba ang mga kailangan niya bilang lalaki?' at iba pa.

Inihiga ko ang aking sarili. Pinagmasdan ko ang kisame. Ipinikit ko ang dalawang mata. Pinakinggan ang ihip ng hangin at ugong ng mga sasakyan. Ganito kagulo sa mundo.

"Bes?"

Hinayaan kong tawagin ako ni Risza hanggang sa narinig ko ang pagpihit ng pinto at naramdaman ko ang pagpasok nito sa kuwarto ko.

"Si Laniel ay nasa salas pa rin. Uuwi na ako dahil gabi na rin," ani Risza. Hinayaan ko siya. Hindi ako nag-abalang imulat ang aking mata. Naramdaman ko ang pagyapak ng magkabilang paa nito saka dahan-dahan nitong isinara ang pintuan.

Bumuga ako ng isang hinga; hingang gulong-gulo na sa mga pangyayari. Sa mga mapanghusgang tao at sa buhay ko.

Tumayo ako pero halos matumba ako ng makita ko si Laniel na nakasandal sa kanto gilid ng bukana ng pintuan at nakapamulsa pa ito. Nagtagpo an gaming mga mata. Nanunukso. Nakakapanghina ang mga tingin niya.

"Ayos ka na ba?" tanong nito. "Tila napakalalim ng iyong iniisip?"

"Iniisip ko lang naman kung paano ulit ako makakabalik ng Thailand gayong nandiyan ka pa," palusot ko rito.

"Talaga ba? Ibig bang sabihin nito ay ayaw mo ako iwan?" nakangising sabi nito. Napakunot ang nook o sa sinabi niya.

"Hindi. Alam ko kasi na haharangin mo na naman ako," mataray kong sagot rito.

"Talaga lang, a. Sige pala. Umalis ka na para naman matuloy ko na ang inudlot kong pag-ibig sa Japan. Mukhang naghihintay pa rin naman si Akhura roon, e."

Nanlaki ang mga mata ko. Sino si Akhura? Girlfriend niya ba iyon? Bakit hindi ko alam iyon? At bakit ganito ako umakto sa loob-loob ko? Nagseselos ba ako? Hindi naman ako dapat magselos, e.

"Salamat! Umuwi ka na para naman makapag-impake na ako ng mga gamit ko," sabi ko rito nang mayroong nginig.

"Talaga bang seseryosohin mo?" usisa nito na ikinakunot ng noo ko.

"Ikaw na rin nagsabi na ituloy ko na ang pagpunta sa Thailand para makabalik ka sa Japan at matuloy niyo no'ng Akhura girl mo," sagot mo rito. "Tapos ngayon tatanungin mo ako?" I tsked.

"At sa tingin mo totoong may Akhura? Ganiyan mo na ba ako hinayaan na mapunta sa iba, Carina?" ani nito.

"Ano bang gusto mo? Laniel, gulong-gulo na kasi ako sa mga nangyayari. Puwede bang hayaan mo muna akong makapag-isip? Nakakapagod na kasi, e."

"Carina, hindi ka mapapagod kung hindi mo ako iniiwasan ng ganito. Dahil ba ito sa hinayaan kitang pagsalitaan ni Mommy kanina? Ano para alam ko ang gagawin ko?!"

Nanahimik ako nang panandalian lamang. "Oo, Laniel. Dahil siguro ito sa hinayaan mo lang si Tita Loraine na pagsalitaan ako ng gano'n. Masaya ka na ba? Na nalaman mo ang dahilan kung bakit ako umiiwas?" sagot ko rito. "Nakakapagod na isiping nagbago ka na, Laniel. Nakakapagod na ipinagtatanggol kita sa puso ko kahit na ayaw pa rin ng isipan ko na maniwalang nagbago ka na. Please, Laniel. Tell me if you're still the same old."

Naluluha na ako. Nararamdaman ko na ang pagbagsak ng taksil kong luha pero ayokong ipakita sa kaniya na nasasaktan ako sa ginagawa niya.

Lumapit siya sa akin saka ko naramdaman ang mainit na yakap niya. Ramdam ko ang pagtibok ng kaniyang puso— mabilis na pagtibok ng kaniyang puso.

"Carina, tinanggal ko na ang dating Laniel. Binago ko na ang sarili ko dahil sa'yo," bulong nito. "Ako ngayon ang Laniel na kaya kang ipagsigawan sa buong mundo na mahal kita kahit na transexual woman ka pa. Hindi basehan ang kasarian ng tao para mahalin mo ang isang tao. Pakatandaan mo iyan."

Natahimik ako. Niyakap ko siya pabalik sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ako masaya dahil kayakap ko siya kun'di masaya ako dahil may lalaking tulad niya.