Chapter 22. Crush
HINDI maipagkakailang nabigla si Jinny nang mabungaran si Timo sa conference room. Kahit matagal silang hindi nagkita ay hinding-hindi niya malilimutan ang itsura ng tanging lalaking pumukaw sa kaniyang interes. Ang lalaking siyang gumising sa makamundong pagnanasa niya na hindi naman nangyayari noon. Ang tanging lalaking nagpapalakas sa kabog ng puso niya na halos kumawala na sa katawan niya.
Kaya siya nagpunta sa conference room ay nautusan kasi siya ng boss nila na sabihin sa reporter na naghihintay roon na sa opisina na nito gaganapin ang exclusive interview para sa susunod na issue ng Vibe magazine, kung saan sila ng mga miyembro ng Sunshine ang magiging cover.
Bumalik ang tingin niya sa lalaki at nag-iwas naman ito ng tingin. Bakit namumula yata ang magkabilang tainga nito?
Technically, it's been a year or so since they last saw each other this close. Palaging sa evening news na lamang niya ito nakikita at mas iba pa rin talaga ang tindig nito sa personal. Mas matindig, mas malakas ang dating.
Sa loob ng isang taon ay wala siyang ibang ginawa kung hindi ang mag-focus sa pag-aaral at pag-aalaga kay Luella. She took online classes and shifted to Education course. She actually wanted to take music-related course to enhance her knowledge about music, but she realized that once she grew older and Sunshine's contract would be over, she still wanted her future job to be related with music. Kaya gusto niyang magturo ng musika, at para makapagturo, nag-aaral siya upang maging isang guro.
Sa kanilang lahat ay siya na lamang ang hindi nakapagtapos, siya rin ang pinakabata pero hindi naman magkakalayo ang edad nila. She was barely nineteen when she was casted to be a trainee under Wang Xi Agency, but, then, she went to the province. She's barely twenty when Rexton and Rachel personally asked her to be the member of the band, and she was the last to join Sunshine. And shortly before turning twenty-one, they already debuted.
Si Bree naman ang pinakamatanda sa kanila pero ang leader ng Sunshine ay si Milka. They all appointed her to lead the band because between them, Milka had the skills. As if she was born to be a leader.
At dahil nag-aaral na ulit siya ay tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang nang malaman ang bagay na iyon kasi iyon daw ang pangarap ng mga ito noong araw. Hindi nga lang natupad gawa ng kapus-palad ang mga ito noon.
Hanggang ngayon ay nag-o-online class pa rin siya lalo pa't nag-comeback na sila kaya hindi talaga siya pwede sa face to face class. She only went to school whenever it's needed—exams, or demo teaching.
Masayang-masaya rin silang lahat sa pagkabalik ni Acel at nang masigurong maayos na ito ay kaagad silang nag-record ng bagong album. Wala pang kalahating taon ay nakatanggap sila ng platinum plaque dahil marami ang nabentang kopya ng latest album nila. Baka sa mga susunod na buwan ay magre-record ulit sila ng special album, pasasalamat sa mga taong naniwala at matiyagang hinintay ang pagbabalik nila sa industriya.
Mayroon ding bumabatikos sa kanila, lalo na sa kaniya na kesyo may anak na siya, na dapat ay inaalagaan na lang niya ang anak sa bahay at hindi na siya nagbabanda, na kesyo dapat ay mag-matured na siya't hindi para sa de-pamilya pagbabanda, pero hindi na lamang niya pinansin ang lahat ng iyon. Walang maidudulot na mabuti sa kaniya kung didibdibin niya ang mga masasakit na salitang nanggaling sa mga taong ni hindi man lang siya kilala at hindi niya rin kilala.
Life's too short so she wanted to only focus about the positive aspects of living. And only about the things that's making her alive and happy.
"Jinny! Ang tagal mo naman—" Natigilan si Lana nang makilala ang tanong nasa conference room. "Uy, kumusta ka? Pa-fresh tayo nang pa-fresh, Sir, ah? Hiyang na hiyang mo sa evening news!"
Timo just smirked and said hi to Lana. Bakit sa kaniya, hindi ito bumati ng ganoon? Bakit hindi ngumiti?
"Lagi ka naming napapanood, paano, itong bunso namin, babad sa news. Balak sigurong mag-shift ng kurso. Course hopping yata ang nais."
Nangunot ang noo ni Timo at kaagad naman niyang dinipensahan ang sarili. "Hindi, ah. M-mahilig lang talaga akong manood ng balita."
"Parang hindi naman," Lana murmured. "Pero tara na sa taas! Ang tagal mo raw kasi kaya inutusan na rin ako na tawagin ka. Nakakaloka, pwede namang tawagin ka sa cellphone..." tunog nagrereklamo ito.
"I went to the restroom pa kasi kaya natagalan ako," dahilan niya.
"Blah blah blah. Tara na nga," bulalas muli nito.
"Ah, oo nga pala." Naalala niyang hindi pa niya nasabihan si Timo. She assumed he's that reporter Rexton was talking about. "Sa taas na raw ang meeting, pinapasabi ni boss," she informed him. Though, their CEO didn't want to be called 'Mister' or 'Boss', sometimes, they preferred to call him 'Boss'.
"Tara na," ulit ni Lana.
She noticed he clenched his jaw but she chose to avoid staring at him. Parang kakawala na kasi sa dibdib niya ang kaniyang puso sa sobrang lakas ng pagtibok niyon. She noticed he's growing his stubble now and she immediately shove away those worldly thoughts that wanted to linger on her mind, like, how would it feel if she'd be kissed by him at that moment? Or...
She licked her lower lip and totally stopped those thoughts. Sa loob ng isang taon ay hindi totoong hinangaan niya lamang ang news anchor. Higit pa roon. She learnt how to touch herself, making herself feel good sometimes, inside the bathroom, while imagining him doing her. Umabot pa sa puntong nagtingin siya ng adult toys online, pero sa tuwing naaalala niyang hindi dapat niya pinag-aaksayahan ng panahon ang bagay na tulad miyon ay 'tsaka siya nagigising sa kaniyang mga pantasya.
Dahil sa pag-iisip ng kung ano-ano, 'yan tuloy, sa buong durasyon ng meeting ay wala siyang gaanong naintindihan, panay kasi ang pagsulyap niya sa magiging interviewer cum host para sa susunod na exclusive guesting and interview nila sa isang TV Show, at si Timo nga ang magiging special host sa special episode na iyon. He's also in talk to be the host of their upcoming variety show.
At hanggang sa pauwi na ay hindi siya mapakali. Gusto niyang pagsisihan kung bakit nagpagupit siya ng buhok hanggang batok, hindi tuloy niya ma-feel na mahaba ang hair niya sa tuwing mahuhuling nakatingin din si Timo sa kaniya.
"Gosh, Jinny, I thought you're so over him!"
Napaangat siya ng tingin kay Bree na nasa katapat na upuan. Lulan na sila ng van na maghahatid sa kani-kanilang tirahan.
Rachel tilted her head as she stared at her, as if her mind was being read by those stares.
"Who?" maang na tanong niya.
All of the girls exaggerated their reactions except for Acel. Nakangiti lang ito habang nakatitig sa kaniya. Bumalik din naman kaagad ang atensyon ng apat sa kaniya matapos magsalita ng kung ano-ano. Na-pressure tuloy siya kahit wala namang dapat na ika-pressure.
"Makikitulog kami sa inyo."
Nagtaka siya sa desisyon ni Bree. "Bakit?"
"Hindi ba obvious? Makiki-tsismis kami kung may something ba sa inyo ng reporter na iyon, 'no! Kung magtitigan kayo kanina, parang walang ibang tao sa office." Lana even slapped her left shoulder lightly. Katabi niya kasi ito sa upuan, napagigitnaan siya ni Acel at nito. Si Rachel naman ay napagigitnaan ni Milka at Bree sa harap nila. Si Kuya Teban na driver lang nila ang nasa harap, walang nakaupo sa passenger's seat ngayon.
"Mayroon?" gulat na tanong ni Milka. "Kaya ba lagi ka nang nakasubaybay sa evening news?"
"Ha? W-wala! Ni hindi nga ako pinapansin ng lalaking iyon masmi noon, hindi ba?"
"'Ku! Hindi pinapansin, pero kung makatitig nga kanina..." ulit ni Lana.
"Wala nga sinabi! Crush ko lang siya, 'tsaka m-may anak ako!" bahagya siyang nabulol dahil huli na nang mapagtanto niya ang pag-aming ginawa niya.
"Crush crush pa, kala mo naman hayskul," kantiyaw ni Lana.
"Hey, what's wrong with crush? I have a crush with our boss kaya," pagtatanggol ni Milka.
"What did you just say?" agap naman ni Bree na sinamaan ng tingin si Milka.
"Crush lang! 'To naman, akala mo aagawan, eh."