webnovel

PHOENIX SERIES

***PHOENIX INTERNATIONAL AGENCY SERIES***

jadeatienza · 现实
分數不夠
366 Chs

Crowd

Chapter 6. Crowd

    

     

DAHIL katatapos lang ng Debut and Promotional Tour ng bandang Sunshine ay nagkaroon sina Jinny ng libreng araw para maghanda sa mga susunod na tours sa iba't ibang lugar sa bansa. Kinabukasan ay kaagad niyang niyaya ang mga magulang niya na mamasyal sa mga pamosong lugar sa Maynila, nag-rent na lang siya ng kotse at driver, pati na rin makakasama nilang maglibot sa ka-Maynilaan. At dahil parehong lumaki at tumanda sa probinsya ay nababakas sa mga ito ang matinding pagkamangha sa lugar. Maraming desbentaha ang pagtira sa siyudad subalit hindi maipagkakailang may mga pakinabang din naman ang pagtira nila roon. Mas accessible sa mga establisyimento gaya ng pamilihan, malls, ospital, banko, na kung nasa probinsya sila ay milya-milya pa ang layo ng mga lugar na iyon sa tinitirhan nila.

Gayunpama'y naisip niyang mag-hire ng kasama ng kanyang mga magulang sa pag-aalaga kay Luella, at para na rin may makasama ang mga ito sa bahay kung sakaling may gigs ang Sunshine, lalo na kung puno ulit ang schedule.

Ilang araw matapos niyon ay napagkasunduan nga nilang kumuha na ng yaya ni Luella. Pero hindi niya kaagad maasikaso dahil punong-puno na ang schedule ng Sunshine. Halos sa hotel na nga sila matulog dahil may schedule kinabukasan ng umaga, at sa tuwing umuuwi siya, imbes na asikasuhin ang paghahanap ng yaya para sa kanyang anak ay mas pinipili niyang makasama ito. Mula nang maging abala kasi sila ay madalang na lamang siyang makauwi kaya sinusulit niya nang husto gaya na lamang ngayon.

"Magpaskil ka na lang kaya ng papel sa gate na nangangailangan tayo ng makakasama rito?" suhestisyon ng kanyang ama nang minsang maaga siyang nakauwi, nakasalo niya ang mga ito sa hapag. Ang tinutukoy nitong gate ay ang entrance ng village kung nasaan ang apartment complex na tinitirhan nila.

Speaking of apartment, balak niyang kumuha ng hulugan na condo para lumipat na sila ng pamilya niya roon. Nakakahiya naman kasi sa boss nila na ngayong kumikita na siya, pero nakatira pa rin sila sa apartment na iyon. 

Bumalik ang atensyon niya sa usapan nang magsalita ang kanyang ina. "Huwag, baka mamaya'y manloloko ang pumasok dito sa atin," katwiran ng nito. May punto ito lalo pa't sa panahon ngayo'y hindi dapat basta nagtitiwala. Kayrami na ng news na napanood niya kung saan ang yaya mismo ng ilang mga musmos ang nananakit sa mga ito o hindi kaya'y kini-kidnap.

"Hayaan n'yo po, 'Nay,' Tay, magtatanong ako sa mga kasama ko kung may maire-rekomenda ba sila."

"Mas mainam nga iyan nang mapanatag ka sa tuwing may tugtog kayo."

Ngumiti siya bilang pagsang-ayon sa tinuran ng kanyang ina.

"Kailan ba ang sunod ninyong tugtog? Iyong manonood ako?" tanong ng kanyang ama. Binigyan niya kasi ito ng libreng ticket para sa tour nila sa susunod na linggo. Malapit lang naman ang venue sa tinitirhan nila, at isa pa, bukod sa gusto niyang masaksihan ng mga magulang niya na ginagawa niya ang bagay na matagal niyang ninais, ay gustong-gusto rin ng kanyang ama na panoorin siya. Hindi nga lang natuloy noon dahil ayaw nitong iwan ang ina niya't si Luella dahil wala raw makakasama.

"Sa susunod na Sabado ho, 'Tay."

Her father smiled widely and dearly, and that she could feel he was beyond proud to her right now.

"Hindi muna ako sasama, 'tsaka na, kapag malaki-laki na ang apo ko," sabad ng kanyang ina at bumaling kay Luella na nahihimbing sa stroller nito.

Nalingat ito at siya na ang nagpresinta na buhatin ito nang akmang tatayo ang kanyang ama.

"Kumain pa ho kayo, 'Tay, alam kong paborito mo iyang pansit guisado, eh," nakangiting bulalas niya. May dala kasi siyang pansit na t-in-ake out ni Bree kaninang bago sila umalis sa kinainang restaurant.

Nang makapasok na sa silid at mapatulog niya na si Luella. Nalingat lang talaga ito at antok na antok pa. Matapos niyon ay kaagad na nag-send siya ng message sa group chat ng Sunshine para magtanong nga ukol sa paghahanap nila ng yaya. Pero dahil gabi na, nag-chat ulit siya para sabihing sa personal na nila pag-usapan at inaantok na siya.

Inilipat niya si Luella sa kuna nito at mabilis siyang naghilamos ng mukha at nag-toothbrush. Nakapag-shower na rin naman siya kanina habang niluluto pa ng kanyang ina ang pagkain nila para sa hapunan.

Kinabukasan ay pupunta silang lahat sa agency dahil may meeting ulit para pag-usapan ang mga susunod na magiging schedule ng banda. She booked a taxi instead of letting the girls pick her up. Sa kanilang lahat kasi ay ang apartment kung saan siya nakatira ang pinakamalayo kaya nga ba sa tuwing hinahatid na sila ng driver nila ay palaging siya ang huli. Pwera na lang kung sumasama ang mga itong magpunta sa kanila o kung kasabay nila ang manager nilang si Rachel dahil mas malayo ng kaunti ang bahay—o mas tamang sabihing mansiyon ng mga Gozo.

Today was their second month in the industry since they debuted on eighth of June, and they just finished their Debut Tour. Ang alam niya'y magkakaroon pa ng karagdagang schedule para roon, at baka isa iyon sa pag-usapan nila ngayon.

Subalit malayo pa lamang ang sinakyan niyang taxi sa gusali ng Montreal Agency ay natanaw niyang marami nang reporters ang nagkukumpulan sa tapat niyon.

"Ano'ng mayroon?" takang-tanong niya. Saktong pagbayad niya sa driver at pababa na nang tumunog ang cellphone niya. Bumaba muna siya nang tuluyan at kukuhanin na sana niya iyon sa sling bag na dala niya nang may makapansin sa kanya.

"Si Jinny!"

Dahil sa sigaw na iyon ng isa sa mga nagkukumpulan ay dinumog siya at hindi na nasagot ang tawag.

"Totoo bang tumiwalag na ng banda si Acel Mariano?"

"Is it true that she eloped with Romano Caballero?"

"Will Sunshine go on with the tours without your keyboardist?"

"Magpapa-audition ba kayo ngayong wala na kayong keyboardist?"

Nangunot ang noo niya sa maraming tanong na tila bombang pinasabog sa kanya. At wala siyang kaalam-alam sa mga bagay na tinatanong ng mga ito.

What are they talking about? She was frowning as she was asking silently.

Ano'ng nangyari kay Acel?

And who's Romano?

She's asking a lot of questions in her mind, too. And because of the crowd, she was violently pushed backwards and she tried to balanced herself as she was stepping back. She would trip and fall if she wouldn't balance herself now.

At dahil hindi gaanong handa ay nabuwal siya nang matamaan ang ulo niya ng isang mic. Napapikit na lang siya nang hindi niya matantiya ang pag-atras at mukhang babagsak siya sa sementadong sahig.

"Shit!" mura ng kung sinong nasa likod niya dahil naapakan niya yata ito o baka masyadong malakas ang pagkakahampas ng katawan niya rito. Ramdam kasi niya ang kagyat na pananakit ng kanyang kaliwang balikat kung saan sa palagay niya ay nasiko niya ito bago tumama ang buong katawan sa matigas na katawan ng huli. Pero pasalamat siya'y hindi siya tuluyang bumagsak.

Napasinghap siya nang lingunin ito at makilala. Mukhang isa ito sa mga nagkukumpulang reporters na naroon. Sabagay, trabaho nga pala nito iyon.

"I, uh... I'm sorry?" wala sa sariling bulalas niya.

Kasabay niyon ay ang pagdating ng ilang security para alalayan siyang makapasok ng gusali. And what's making her feel as if she was floating in cloud nine was the fact that Timo Estacio never left her. Inakbayan at inalalayan siya nito lalo na ang kanyang ulo,  dahilan upang mas mapalapit siya sa matinupong katawan nito. Hindi siya makapaniwalang maging sa sitwasyong yaon ay nagawa pa niyang purihin ang matigas na pangangatwan nito kung saan ramdam na ramdam niyang ligtas siya. And his manly scent was making her heart beat wildly. Napalunok siya nang maramdaman kung gaano kalaki ang kamay nitong nakaalalay sa ulo niya habang naglalakad para iiwas siya sa nagkakagulong mga reporter. Wala sa sariling humawak siya sa baywang nito gamit ang dalawa niyang kamay na para bang doon nakasalalay ang kaligtasan niya.