webnovel

Chapter 1: Going Back

"Anong oras na ba? Mahuhuli na ko sa klase!!"

Dali-dali kong sinuot ang aking sapatos sabay takbo ng mabilis palabas ng building at sumakay sa kotseng nag aabang sa harap.

Unang araw ng pasukan ngayon at ito rin ang unang araw ko bilang isang normal na tao yung walang "Paparazzi" o "Media".

Isa kasi akong sikat na IDOL o Artista.

Pero dahil sa mga pangyayari sa buhay ko naisipan kong tumigil na muna sa industriya at maging normal yung pumapasok sa eskwelahan, gumagawa ng assignment, project kasama ang mga kaklase.

"Ma'am Ainsleigh, susunduin ko nalang kayo mamayang 3pm hintayin niyo lang po ako sa paradahan" sabi ni Manong Randi.

"Okay po, salamat po for today Manong" sabay ngiting matamis sakanya. Siya ang personal driver ko simula ng maging IDOL ako.

Hindi ko mawari yung pakiramdam ko, medyo kinakabahan na naeexcite na Ay! ewan sanay naman ako sa mga tinginan ng tao sakin habang nag peperform ako sa stage pero ngayon bakit iba yung pakiramdam ko.

"Kyah!!!!!!!! Si Ainsleigh!!!!" sabay yakap sa akin ng tatlong babae na hindi ko kilala.

"Alam mo idolo ka namin, yung pag sayaw mo yung pagkanta mo yung pag iyak sa bawat drama wow! the best talaga" hindi magkamayaw na sabi ng babaeng nakatali ang buhok.

"Salamat" sabay ngiti. Ayun lang yung nasabi ko kasi karamihan naman sakanila ganoon ang sinasabi.

"Pwede ba kaming humingi ng autograph sayo saka selfie narin" sabi ng babaeng maikli ang buhok.

"Ahh, sige sige pero sana last na to kasi nandito ako para mag aral hehe." iyon naman talaga ang plano ko normal na buhay nga diba pero bakit ganito.

Kinuhanan naman kami ng litrato at pinirmahan ko ang album na dala nila pagkatapos noon ay dumiretso na ko sa Teachers Room para ipaalam sa aking Punong Guro na ako'y papasok na.

Karamihan kasi ng mga estudyate dito ay mga regular na galing sila sa elementarya ng mismong paaralan kaya naman magkakilala na silang lahat at pag may bagong estudyante ay pinapakilala ito ng guro nila.

"Good morning po" bati ko pagpasok sa pinto ng silid.

"Nako kaya pala ang ingay doon kasi nandito na ang idolo ng lahat" biro ng isang lalaking guro.

Natawa nalang ako sa sinabi niya kasi bago pa man ako makarating sa silid ng mga guro at ang dami kong nadaanang tao na humingi ng picture kasama ako.

"Kamusta ka naman?" sabi ng aming Punong guro

"Ok naman po sana kaso" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko ng bigla siyang nagsalita.

"Wag kang mag alala, sa umpisa lang yan pag tumagal tagal na magiging normal din ang lahat" wika pa nito.

"Sana nga po"

At sabay na kaming umalis para pumunta sa aking silid aralan kung hindi niyo maitatanong kilala kong matalik ang punong guro dahil matalik silang magkaibigan ng aking ina.

Matalik din kaming magkaibigan ng kanyang anak ngunit sa hindi masabing dahilan o dahil siguro sa aking pag aartista ay lumayo na ang loob sakin ng kanyang anak.

"Nandito na tayo, kakausapin ko lang yung Homeroom teacher mo then siya na ang bahala sa iyo." sabi ng Punong Guro na si Mrs. Lee

"Auntie, thank you so much po"

"Wala iyon ikaw pa ba? Wag kang mag alala nandito siya sa klaseng ito" sabay ngiti at kindat niya sa akin.

Mas lalong kumabog ang aking dibdib sa sinabi niya at para bang nabaon ako sa aking kinatatayuan.

Lumisan na si Mrs.Lee at ngayon ay tinatawag na ako ng aming Homeroom Teacher.

*********Mari's Point of view *********

Parang may isang anghel na pumasok ng tawagin ng Homeroom teacher ang bago naming kaklase.

Lahat ng lalaki nakatingin sa kanya, naakit at kulang nalang tumulo ang laway.

Isa siya sa mga idolo ko simula palang ng magsimula siya sa industriya . Ngayon ay mag papakilala na siya.

"Good morning, alam ko kilala niyo na ako pero ipapakilala ko parin ang sarili ko hehe. My name is Ainsleigh Kim pwede niyo akong Leigh for short, kinagagalak ko kayong makilala" sabay ngiti niya ng napaka tamis.

Isa rin ang napukaw ng aking mata. Nakatingin siya sa partikular na tao isa sa mga kaclose ko si Dong Min Lee. Para nangungusap ang kanilang mga mata hindi ko maintindihan pero may kirot akong naramdaman na hindi ko alam kung saan nang galing.

********* Ainsleigh's Point of view *********

Ito na, nakita ko na siyang muli gusto kong lumapit sakanya at agad siyang yakapin pero may nagsasabi sakin na huwag baka mapahiya ka lang. Madami akong gustong itanong sakanya sobrang dami pero paano ko sisimulan.

"Sige Ainsleigh pwede ka ng umupo.... Hmmm , doon nalang sa likod ni Dongmin tapos ikaw na rin Dongmin ang tour sakanya sa school" sabay sabi ng aming guro.

"Yung iba nalang" biglang sabi ni Dongmin.

Nadurog.

Nadurog yung puso ko sa sinabi niya. Anung nangyari saming dalawa?