Araw ng linggo ngayon at hindi ako sanay magising ng sobrang aga. Alas-3 palang ng umaga pero ginising na agad kami. Nakakainis lang kasi napakaaga pa. Inaamin ko, tinatamad talaga akong magsimba pero dahil nandito ako sa sinaunang panahon, kailangan kong magsimba. Pumasok ako sa CR nila dito at napansin ko na de-tabo dito. Hindi pa naman ako sanay na maligo ng nakatabo. Nilibot ko ang aking tingin at hindi ko mahanap ang dapat meron dito. "Manang Perla..." Lumapit naman sya sa akin kaagad nang tawagin siya siya. "Bakit po, Binibining Vionne?" Hindi pa naman ako sanay na tawagin sa pangalang yun.
***flashback***
Nandito kami ngayon sa hardin ng kanilang bahay. Kaharap namin ang iba't-ibang mga manggagawa. Kase, pinatipon lahat ni Mr. Edward ang mga katulong, guardia personal at maging ang mga trabahador nila sa ubasan. Nakatayo sila nang tuwid at seryosong-seryoso ang kani-kanilang mga mukha. Nakakailang din kasi lahat sila, nakatingin sakin.
"Siya si Binibining Catalina Sonata subalit magmula ngayon ay tatawagin nyo na syang Binibining Vionne Wilson." utos ni Mr Edward. "Pwede po bang Catalina na lang?"tanong ko kay Mr Edward na noo'y napatingin sa akin nang sabihin ko yun. Binalik nya naman ang kanyang tingin nang matapos ko yung suggestion ko. Ayoko kasi ng Vionne, ang hirap ipronounce.
"Uulitin ko, Binibining Catalina na lamang ang itawag ninyo sa kanya. Binibining Catalina Wilson. Sino mang marinig kong tawagin sya sa kanyang tunay na pangalan, magbunyag o magpakalat ng kanyang tunay na pangalan ay papatayin kasama na rin ang pamilya!" tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang marinig ko yun mula kay Mr. Edward. Nagkatinginan naman lahat ng mga trabahador. Nakita ko na lahat sila ay nangamba at nag-alala. Simpleng kamalian lang, may parusa na agad. Kamatayan pa!
***end of flashback***
"Patawad po Binibining Catalina, hindi na po mauulit."natatakot nyang sabi sa akin habang sya'y humihingi ng tawad at kasabay din nito ang pagyuko nya sa akin habang ako naman ay nakadungaw dito sa bathroom curtain. "Ayos lang po, basta wag nyo nang uulitin. Wag din po kayong mag-alala dahil hindi ko sasabihin iyon sa kanila." sabi ko sa kanya. "Salamat po, Binibini."
"Nga pala, nasaan ang tissue nyo?" tanong ko, nagtaka sya kung anong tinutukoy ko. Oo nga pala, hindi pa nga pala nila alam ang tissue sa mga panahong to. Ano ba yan!Pinaalis ko na lang sya at titiisin ko na lang ang paggamit dito ng tabo sa pagdumi. Hindi pa naman ako sanay! Kainis!
Pagkatapos kong maghugas ng kamay at pagdumi, nakipagtitigan muna ako sa timba. Sobrang tahimik lang dito banyo at hindi ko magawang maligo ng sobrang aga. Sinubukan kong alamin kung gaano kalamig ang tubig sa pamamagitan ng pag dutdot ng kamay ko sa tubig. Nasa pinakadulo pa lang ng daliri ko ang tubig pero ramdam ko na agad ang mala-yelong tubig. Ang lameeeggggg!!!
"Catalina, tapos ka na riyan? Malapit na tayong kumain ng desayuno." Ang desayuno ang Spanish word para sa almusal. Nang marinig ko yun agad ko nang hinawakan ang tabo at kakayanin kong makaligo kahit na sobrang lamig ng tubig! Hindi ko mapigilang mapatigtig muna sa tubig bago ibuhos.
"One, two, three..."pagbibilang ko pero di ko parin binuhos. Isa pa,
"One, two, three..."
"One, two, three..."pero di ko parin magawang ibuhos ang tubig sa katawan ko. Naramdaman kong may parang tumalon galing sa taas ko na may apat ang paa. OMYGOSSSHHHHHHHH!!!!!!!!!
"AHHHHHHHHHHH!!!!!!!"
Napahiyaw na lang ako sa sobrang takot nang makita ko ang isang butiki na kumapit sa braso ko. Ramdam ko kung gaano kagaspang ang mga maliliit nyang daliri at nang mapatingin ako sa kanya ay nakipagtitigan din sya. Nakita ko ang bilugan at maliliit nyang itim na mga mata. Lalo pang umapaw ang pandidiri at takot ko nang sinabayan pa ito ng pagbuka ng bibig nya.
"AHHHHHHH!!!!!!!!"
Hiyaw ko nang ibinuhos ko ang napakalamig na tubig sa braso ko para matanggal ang dumikit na butiki. Grabe, nakakadiri!
••••
Madilim palang sa labas pero kailangan na naming magpunta sa simbahan. Buti na lang at nasa kabilang lupain lang ang simbahan. Pagtawid kasi ng tulay, mararating mo na agad ang simbahan. Ang isa sa unang simbahang naitayo sa Pilipinas, ang Simbahan ng San Jose. Pagkababa namin ng karwahe, inilabas ko na agad ang pamaypay na kulay pink. Ang pabebe naman nito, mamaya magpapabili ako ng blue.
Namangha ako sa laki ng simbahan na to, dati nababasa ko lang to pero ngayon heto, papasok na ako sa simbahan na dati ini-imagine ko lang. Masyado pa kasing madilim kaya hindi ko pa mapagmasdan ang structure nito. Pinapaligiran pa ito ng mga puno pero sa panahon ko, yung tunay nito, may katabi nang school tapos di na masyadong dagsaan ang mga mamamayang nagsisimba. Nakakalungkot lang dahil sa kasalukuyang panahon, pupunta lang sila pag may okasyon sa simbahan o di kaya para lang makapagpaporma o makapagbida tsaka may maipakita sa mga friends nila na nagsimba sila. #feelingBlessed
Pumasok na kami sa loob at di ko akalaing napakaganda talaga nito sa personal. Halo-halo na ang aking nararamdaman sa tuwing makikita ko ang kagandahan ng simbahan. Punong-puno ito ng mga ilaw kaya't kitang kita ko ang mga paintings na naka-paint sa bawat pader. Nakakamangha din ang mga sculpture. Andaming mga rebulto ng mga santo at buong simbahan ay binalot ng halimuyak (amoy) ng sampaguita at ilang-ilang. Ang sampaguita ay ang pambansang bulaklak ng ating bansa na kadalasang nilalagay sa mga santo na nilalagay sa tali at ibinebenta sa harap ng simbahan habang palaging kapares nito ang bulaklak ng ilang-ilang. Yung mukhang mahabang dahon na katabi palagi ng sampaguita.
Napansin ko na tila maraming tao ang naririto. Buti na lang at maaga kami kung kaya't may mauupuan pa kami. Oo nga pala, sa panahong ito, mahigpit ang simbahan. Marami ang ipinagbabawal at isa na dun ang mahuli sa misa. Pero, kapag kami ang nagsisimba, Ama Namin na ang naaabutan namin. Nang makaupo na kami, bigla namang nagsitayuan ang lahat. Medyo mataranta ako kasi parang sa akin ang tingin nila. napatingin naman sa akin si Mrs. Rosa. Nakakainis lang kasi, alam nyo yung feeling na nakaupo ka na pero tatayo ka na naman. Naalala ko, nasa simbahan nga pala ako.
Kasabay ng hudyat ang paglalakad ng mga sakristan, mga iba pang kasamahan at huli naman ang pari. Ngayon lang ako nakasaksi ng sa bungad na pintuan talaga nanggagaling ang mga pari. Sa panahon kasi ngayon, magugulat ka na lang nasa unahan na pala ang pari. Kasabay ng paglalakad ng pari ang pagkanta ng mga choir. Sinabayan ko ang pagkanta nila kahit sa bawat buka ng bibig ko ay sinisimplehan ko ang paghikab. Inaantok pa talaga ako guys. Ang aga kasi.
••••
Nagsesermon na ngayon ang pari pero di ko magawang umayos dito sa kinauupuan ko. Nagtaka kasi ako dahil imbes na nasa unahan ang pari ay nasa taas sya nagsesermon. Nasa isa syang platform na gaya sa mga palasyo.
"Ano po yung tawag sa tinatayuan ng pari?" pasimple kong tanong kay Mrs. Rosa na noo'y tahimik na nakikinig. Itinaas nya ang kanyang pamaypay at pasimpleng nagtakip ng kanyang bibig para sagot ang tanong ko. Bakit kailangan nya pang gawin yun?
"Ang tawag doon ay pulpito, doon nagsesermon ang pari. Huwag ka nang magtanong pa at ika'y tumahimik na lamang sapagkat baka makita tayo ng pari."habang sinasabi nya yun ay biglang may kung sinong bumato sa mga taong nasa likuran namin. Napatingin kaming lahat sa nasa likod at nakita ko ang isang binatang binato ng kung anuman sa mukha. Napansin kong may namuong luha sa mga mata nya. Alam kong inaantok sya at nang batuhin sya ay nakaramdam sya ng hiya. Wala namang ginawa ang kaniyang magulang. Napahawak na lamang sya sa kanyang mga hita at nanahimik.
Tumawa naman sa kanya ang katabi nya. Napansin kong parang magkamukhang-magkamukha sila. Siguro kambal sila, kasi pareho sila ng mukha at pangangatawan. Napatingin ako sa itaas dahil napansin kong imposible namang nanggaling yun sa likuran nila pati sa harapan namin. Edi sana kami ang natamaan. Nalaman ko na ang pari pala ang nambato. Seryoso?
••••
Nang matapos ang pagsesermon ay nilibot ko ang aking tingin sa paligid. Syempre, dahil malinaw nga ang mga mata ko pagdating sa mga gwapo, napatingin ako sa mga sakristan. Grabe, ang gaguwapo nila! Kahit mga binata lang sila at mas bata sila sakin, papatulan ko to. Aba! Child abuse na kung child abuse, nagka-jowa naman ako ng gwapo.
Nilibot ko pa ang aking paningin at nakita ko ang ilang mga pamilya na sama-samang nagsisimba. Mapapasana ol ka na lang talaga. Buti pa sila, kumpleto ang pamilya habang nasa simbahan at nagsisimba. Ako kasi, hindi na nakakapagsimba. Busy si Mama sa online business nya habang yung dalawa, puro laro ang inatupag. Oo nga pala, kailanman ay hindi na muli pang mabubuo. Wala na nga pala si Note. Nawala sya nang dahil sa akin.
••••
Nang matapos ang simba ay bumungad na kaagad sa amin ang sumisilip na ang haring araw. Kung di ako nagkakamali, nasa alas-6 na sa mga oras na ito at sa di kalayuan, ilang metro lang mula dito sa simbahan ay makikita mo ang mga nagtitinda ng mga pagkain. Halos katabi lang kasi ng simbahan ng San Jose ang palengke habang sa likod naman ng simbahan ang sementeryo at ang Ilog Sumuko.
Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita ko. Mas maganda pala sya sa personal kaysa sa iniimagine mo lang!For sure, papanget to pag ginawang movie. Habang naglalakad kami ay biglang may isang nagmamadaling madre ang bumangga sa akin. Agad naman syang nagsorry sa akin at umalis. Sinabi ko na lang na bilhan nya sana ako ng panyolito. Panyolito ang mahabang version ng panyo. Pumayag naman sya at sinimulan na naming tungo dun.
Pero...
Pupunta pa lamang kami sa mga magtitinda ay agad kaming napatigil nang may magsalita ng, "Buenas Dias, Don at Doña Wilson! Hindi ko inasahan na bumangon sa kanyang libingan ang iyong anak!" sabay tawa ng isang lalaking may bigote at parang nasa 50 years old na. Hindi ko makilala kung sino ang character na to. Napakayabang nya kung magsalita. Sarap banatan!
"Buenas Dias din Don Sicario Monteveros! Patawad subalit katatapos pa lamang ng simba subalit ang napakarumi na kaagad ng iyong lengua! " sabay smirk ni Mr. Edward. Ang lengua ay Spanish word para sa dila. Balak ko pa sanang sabihan sya ng Nice one! Kaso naalala ko, pang modern nga pala yung expression na yun.
Si Don Sicario Monteveros ang tiyuhin ni Ginoong Mateo. Siya ang nagmamay ari ng pinakamalaking lupain sa buong San Jose. Ang ugali nya ay kabaliktaran ng kanyang pamangkin. Pera lang ang habol nya at kapangyarihan. Tss. Hinanap kaagad ng mga mata ko si Ginoong Mateo. Para kasing hindi nila kasama. Tanging ang nandidito ay si Doña Rivera at ang pamangkin nilang babae na si Elizabeth na kasing edad ko lang. Maya-maya pa'y dumating na nga ang pinakahinihintay ko. Kasama nya ang isang binata. Gulat na gulat si Ginoong Mateo nang makita ako. Nagtataka siya nang makitang katabi ko sila Mr and Mrs Wilson.
"Ikinagagalak kong makilala ka, Binibining Wilson. " bati sa akin ni Don Sicario sabay hubad ng kanyang suot na sumbrero. Ang pagtatanggal kasi ng suot gaya ng earphone at sumbrero ay sign of respect. Napansin kong napatingin si Ginoong Mateo sa kanyang tiyo nang bangitin ang pangalan ko. "Tawagin nyo na lamang po akong Binibining Catalina. " suggest ko. Napataas lang ng kilay si Don Sicario at napapaypay naman si Donya Rivera. Naalala ko tuloy sa kanilang dalawa sina Don Tiburcio at Donya Victorina ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na kapwa characters na ginawa ni Jose Rizal.
"Ikinagagalak kong makilala ka Binibining Catalina. " bati sa akin ni Ginoong Mateo sabay silip ng maliit na ngiti sa dulo ng kanyang labi. Medyo nakakaramdm ako ng akward feeling ngayon. Nakakahiya kasi baka may magawa na naman akong kabaliwan sa harap nya. "Mr. and Mrs. Wilson, inaanyayahan namin kayong lumahok sa munting piging na aming ihahanda mamayang gabi. Isipin mo na lamang na isa yung pagtanggap namin sa resureccíon ng inyong hija." pang-iinis na alok ni Don Sicario sabay talikod sa amin at nagpunta sa pamilihan.
••••
Namimili kami ngayon ng bibilhin naming mga panyo at iba ko pang gamit. Sila na daw bahala sa lahat ng kailangan ko. Hindi ako makapili kung nong bibilhin kong mga gamit kasi nga, nahihiya pa ako. Ilang araw ko pa lang kasi silang kasama at hindi pa kami masyadong close. Narinig ko ang isang boses na napakamahinhin na nagmumula sa likuran ko.
"Manang, patingin nga po ng isang damit na iyon."sabay turo sa isang pink na saya. Sinunod naman sya nung tindera at kinuha ang tinuturong damit. Inabot nya ito sa kanya at napalingon ako dahil parang kilala ko tong babaeng ito. Saktong paglingon ko ay bigla ko namang nagtamaan ang damit. Kainis! Nalaglag ko tuloy! Pinulot namin yun ng sabay at napatingin ako sa kanya. Maganda sya at napakayumi. Nakasuot sya ng pink na baro't saya na bagay na bagay sa malaniyebe nyang balat. Simple lang ang kanyang porma dahil maganda na sya. Buti pa to, kaunti lang yatang make up, maganda na e ako, tinadtad ko na ng pampaganda ang buo kong mukha pero wa epek! Pero ayos lang, ang tunay na maganda, hindi na kailangan pang magpaganda. Kahit mag-ayos lang ng sarili, pwede na.
Nakikilala ko na sya, sya si Binibining Cecilia Villanueva. Ang kabit ng asawa ko, charr! Siya ang babaeng nagpatibok sa puso ni Ginoong Mateo. "Ikaw pala, Binibining Catalina! Buenas Dias!" pagbati nya sa akin. Agad kong inagaw ang saya na hawak nya, yung nahulog ko.
"Lalabhan ko na lang. Hehe" sabi ko. Nakakahiya naman kasi nabayaran na nya yung damit tapos nalaglag ko pa. May kumapit pang makapal na putik. Medyo basa kasi ang lupa dahil umambon kanina habang nasa loob kami. "Ahh, huwag na. Sa mga katulong ko na lamang ito papalabhan."sabi nya pero hindi pwede yun sakin. "Ako na, nakakahiya kasi.. "sabay ngiti ng napipilitan.
"Sige, kung iyan ang iyong gusto. Maiwan na kita, Binibini. Tinatawag na ako ng aking Ina. " at iniwan nya sa akin ng saya na may putik. Kainis! Ang hirap pa namang maglaba sa panahong to. Handwash talaga kung handwash.
••••
Nakakarating lang namin dito sa bahay at hindi pa ako nakakapagpahinga ay nagpunta na agad ako sa CR para maglaba. Hinanap ko ng palanggana dito sa loob ng banyo pero makita. "Mananggggg..... "at dali-dali namang lumapit sa akin ang isang dalaga.
"Bakit po Binibini? "tanong nya sakin. 12 years old palang yata to e. Ambata! "Anong pangalan mo? "tanong ko. "Ako po si Lolita, ako po ang inyong bagong personal na criada." sagot nya. Katulong yata ang ibig sabihin ng criada.
" Nasaan ang washbasin este palangana?" nagtaka sya ng kaunti pero buti na lang, taga America ang mga kumopkop sakin dito kaya madali lang sa akin ang makapagpalusot. Agad naman syang umalis saglit at pagbalik ay butbit nya ang isang malaking tansan. "Ano to?"pagtataka ko. Syempre, hindi ko naman alam ang hawak nya. Aanhin ko naman ang malaking tansan di ba?
"Ngunit sabi nyo po,Binibini, kailangan nyo ng palanggana kung kaya't dinala ko po sa inyo ang palanggana."sagot nya. "Seryoso? "At napatango na lang sya. Binitbit ko yun sa loob ng banyo at dun naglaba. No choice ako kundi maglaba dito. "Nais nyo po bang ako na lamang ang maglaba nyan para sa inyo?"tanong nya.
" Wag na, abutan mo na lang ako ng sabon at Downy."sagot at utos ko. Ayyyy.... Ba't ko sinabi yun e wala pa nga palang Downy sa panahong to. "Po???"pagtataka nya. "Este... pampabango ng damit." at tumango naman sya at nagtungo sa kung saan habang naiwan naman ako dito at sinimulan nang maglaba. May ibinigay din syang kahoy na mukhang pamalo. Anong gagawin ko dito?
Tinanong ko sya kung para saan ang kahoy na yun at sagot nya, ipapalo daw yun sa damit pag naglalaba para matanggal ang matinding dumi. Hindi din daw sila naglalaba sa banyo, sa ilog daw. Kainis naman! Wala bang washing dito? Bakit kasi napunta ako sa lugar na wala pang washing machine????
••••
Kinagabihan, nagpunta kami sa isang malaking bahay. Bago kami makarating dun ay dinaanan namin ang tulay ng San Jose, ang simbahan ng San Jose, ang palengke at ang malawak na lupain na tinaniman ng mga palay. For sure, papunta kami sa bahay ng mga Monteveros. Gosh!!!! Makikita ko ang mga biyanan ko!!! Nagbihis ako ng maayos at ako na rin ang nag ayos sa sarili ko para naman, mukha akong presentable sa harap nila. Sinuot ko ang puting saya dito. Mukha syang gown, o di ba? Ready na akong ikasal! Hindi ko mapigilang mapamangha sa nakikita ko. Napakalaki ng kanilang bulwagan para sa mga bisita. Kasing laki yata nito ng isang basketball court! Napakagara at napakasosyal ng buong lugar. Enggarande! Para sa akin dapat ito ah! Bakit ba hindi na lang sila Mr. Edward ang naghanda ng ganitong piging? Malawak naman ang lugar nila tapos maganda naman ang bahay.
Pagpasok namin ay agad naman kaming sinalubong ng mga tao ng isang masigabong palakpakan. We are the VVIP, very very important people tonight. Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakikita ko dahil nasa harapan ko ang mga taong pinapangarap kong makasama. Ang mga taong dahilan ng aking pagtawa, pagkatakot, pagkainis, pagpupuyat, pagdadrama, kilig, pagdurusa, at pag-ibig sa taong noong una'y hindi ko kailanman makakasama subalit heto ako ngayon, sinalubong nila kami.
_____________________________________
—•••—
"Happiness does not come from having much, but from being attached to little."
Mr. Ios
—•••—