***********************************
IMPOSSIBLE
PAPAANO NANGYARI YUN?
Nagbasa lang ako tapos nandito na ako? Saka ko na pala iisipin yun kapag tapos na ako sa panibago kong problema. Nang makatakas ako sa bahay nila Aling Clarita at Mang Obet, napadpad naman ako sa ubasan. Habang ako'y walang tigil sa aking pagtakbo ay nauntog ako sa isang bagay. Isang matigas na bagay. Katawan yata to ng isang malaking tao. Lumingon ako at nakumpirma kong malaking mama nga ang nadali ko. "SINO KA?" tanong sakin ng isang lalaking may malalim na boses.
Napatingala na lang ako sa kanya at nakita ko ang isang matangkad na lalaki na maputi. May balbas sya at may malaking katawan. Nakasuot sya ng Americana, kilala ko na kung sino ito. Ang may-ari ng ubasan, si Mr. Maxjames Edward Wilson. Isang Amerikanong nanirahan dito sa Pilipinas dahil naririto ang kanyang asawa at lupain. Marunong syang magsalita ng English, Tagalog at Spanish kung kaya't hinahangaan sya ng mga tagarito. Bibihira lang kasi ang may alam ng maraming language kaya't pag marunong ka sa maraming wika, kinagigiliwan ka. Sa present time at sa real world, kapag magaling kang mag-English, matalino ka. Sucks!
"Marahil ay isa kang magnanakaw!"bintang nya sakin. Grabe! Agad nyang hinawakan nang mahigpit ang wrist ko at kinaladkad nya ako. Sobrang lakas nya at di ko magawang makawala sa pagkakahawak nya. Di lang pala sakit sa paa ang mararanasan ko dito, pati na ang sakit sa wrist at kamay. Pinilipit kong magpumiglas sa pagkakahawak ng lalaking to. Akala ko ba mabait to?
••••
Dinala nya ako sa isang bahay na Spanish style. Malaki ito at kasya ang eighteen-g tao kung gagawin itong paupahan. Hindi mo aakalaing dadalawa lang ang nakatira dito at may iilan lang na mga trabahador. Maganda ito pero mapapansin mo ang kalungkutang bumabalot dito.
"Bitawan nyo po ako!"sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakapit nya. "Isa kang magnanakaw! Dapat kang parusahan!"sigaw nya din sakin. " ANO BA!!!!" sigaw ko. Hindi ako nagpatalo sa kanya. Pinilit kong makawala sa pagkakapit nya. Nagpalitan lamang kami ng sigaw habang paulit-ulit ko lang tinatanggal ang kamay nya. Balak nya yata akong dalhin sa isang puno para itali. Pwes, hindi ako papayag!
"Mahal?" isang mayuming tinig mula sa isang babaeng nasa bintana na sa ami'y nakasilip. Napatingin naman si Mr. Edward sa bintana kung saan naroroon ang babae. "Manatili ka lamang diyan sa loob, Mahal." utos ni Mr. Edward. "Anong ginagawa mo kay Vionne?"tanong ng babae. Wait....
Vionne?
Ahhhhh!!!! Siguro sya si Mrs. Maria Rosa Wilson, ang asawa ni Mr. Edward Wilson. Naalala ko, sinabi lang sa kwento na matapos ang isang taon ng kanilang kasal ay biniyayaan sila ng isang anak na babae. Sya si Vionne, masakitin ang dalaga kung kaya't pumanaw ito noong sya ay eighteen years old. Two years na ang nakakalipas subalit di parin yata makamove on si Mrs. Wilson kung kaya't nagbago sya at nabaliw. Dahil ayaw mapahiya ni Mr. Edward ng kanyang maybahay, itinago nya ito sa loob ng bahay at hindi hinayaang makalabas. Kaedad ko lang sya kaya siguro tinawag nya akong Vionne. Nawala sya saglit at nagpatuloy parin ang pagpupumiglas ko dito. Habang tumatagal, pahigpit nang pahigpit ang hawak nya sa kamay ko. Agad na lumapit sa amin si Mrs. Rosa at pinigilan ang asawa. Napabitaw na lamang ang mister nya at tumingin sya sa akin. Nakita ko sa mga mata nya ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Ikaw na ba yan, anak?" tanong nya sa akin. Napahawak sya sa pisngi ko at bigla nya kong niyakap. Dama ko ang labis nyang pagkagalak na makita ako. Ramdam ko ang labis nyang pagka-miss sa unica hija nila.
"Mahal, hindi yan ang ating anak." panggigising sa katotohanan ni Mr. Edward sa asawa. Hindi ko na lang magawang umimik. "Hindi mahal, sya si Vionne." pagtatanggi ni Mrs. Rosa. Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin at hinawi ang buhok kong nagulo dahil sa kanina ko pang pagpupumiglas. Hinawakan nya ang kamay ko at nagulat sya nang makita nya ang mga pasang natamo ko sa pagpupumiglas. Bubugbugin ko talaga tong si Mr. Edward pag ako nakaganti dito. "Halika, anak"alok nya sa akin habang hawak nya ang kamay ko. Wala na akong magawa pa dahil hindi ko naman paghihinalaan tong si Mrs. Rose. Naiwan naming nakatayo lamang at nakatingin sa amin si Mr. Edward.
••••
Nandito kami ngayon sa loob ng kwarto ni Vionne, nalaman ko yun dahil punong puno ng mga larawan ni Vionne ang buong kwarto. Hindi ko maikakaila na magkahawig nya kami subalit mas mapayat sya sakin. Iba din ang hairstyle nya. Medyo kulot kasi sa akin, yung kanya, straight. Napaisip tuloy ako, saan kaya sila nakakakuha ng pangsalon dito? Tsaka, may salon na ba dito? Hindi ko alam kung nagkasalon na sa bansa sa mga panahong to pero dahil fiction lang uto at nasa loob lang ako ng libro, kung anong gusto ng author ang syang masusunod pero may kinalaman kaya si Binibining A sa pagkapunta ko dito?
Nakaupo ako ngayon sa isang upuan (salumpuwet kasi ang tawag dito noon) habang pinupunasan ng basahang basa ang mga paa at kamay ko. "Manang Perla, maaari ka bang mag-init ng tubig at lagyan mo ng dahon ng bayabas?" pakiusap ni Mrs. Rose at agad namang umalis ang katulong. "Anlaki mo na" hindi ko namalayang sinabi nya iyon. Napa "Po?" Na lang ako pero binigyan na lamang nya ako ng matamis na ngiti. Lutang yata ako.
Ginamot nya ang mga sugat na natamo at ipinagluto pa nya ako ng Arroz caldo, ang tawag ng mga Kastila sa lugaw. Ang salitang Arroz ay kanin habang ang caldo ay broth o sabaw na pinagpakuluan ng karne. Masarap syang magluto at tamang-tama lang ang timpla. Iniwan nya muna ako para raw makapagpahinga ako. Ginagawa ko nga ang sinabi nya, nagpahinga muna ako ng kaunti pero hindi ako makatulog. Alas-7 na pala ng umaga at mamaya-maya ay mag-aalmusal na. Sa panahong ito, dalawa ang breakfast, ang pre-breakfast na kung saan tanging mainit na kape at kakambal ng mga pagkain mayaman sa carbohydrates gaya ng pandesal o kahit anong uri ng tinapay, kamote at kamoteng kahoy o balinghoy. Habang ang breakfast talaga ay kadalasang alas-7 o alas-8 ginagawa. Ang inihahanda sa mga ganitong oras ay sinangag na kanin, ginisang hiniwang carrots na may green beans. Hindi ko na tanda yung iba dahil hindi naman na ginagawa sa panahon natin ngayon ang ganung bagay. Kung meron man, sana ol pero ngayon, puro nagmamadali ang mga tao kaya isang kainan sa umaga na lang ang nagaganap.
••••
Kinagabihan, nandito pa rin ako sa kwarto ni Vionne. Nakakatakot lang kasi parang nakatingin lahat sa akin ang mga picture nya. Parang sinasabi, umalis ka nga dito! Naalala ko tuloy yung Anabelle na pelikula. Tanging tong lampara lang ang ilaw dito at hindi nito kayang balutan ang buong kwarto ng liwanag. Bumangon ako para buksan ang bintana. Kinuha ko ang rocking chair na nasa gilid lang ng kwarto at nakatambak lang. Dinala ko ang rocking chair sa tapat ng bintana at umupo. Pinagmasdan ko kung gaano kasimple ang pamumuhay noong unang panahon. Walang ingay na maririnig sa palagid bukod sa mga kuliglig. Full moon ngayon at napakaliwanag ng buong paligid. Kita ko kung gaano kalalayo ang bahay ng bawat nakatira dito. Hayyy, buti pa sa pamumuhay na ito, napakasimple.
Oo nga pala, May 18, 1896 pala ngayon, ilang buwan na lang ay balak nang lusubin ng mga kalapit lugar o probinsya ang Maynila at sa bago yun, magaganap ang tinaguriang "Cry of Balintawak". Madadamay ang San Jose sa paghihimagsik na iyon dahil isa ang San Jose sa pinakamayamang bayan sa buong bansa dahil na rin sa mga Monteveros at koneksyon ng ilang prayle o pari sa Gobernador-Heneral. Ang Gobernador-Heneral ang parang president ng bansa na ipinadala ng hari ng España/ Spain. Sya ang pinakamataas na opisyal ng Spanish government sa bansa. In over 300 years ay nalalapit na rin ang pagwawakas ng paghahari-harian ng mga Espanyol sa bansa. Noong 1892 naitatag ang Katipunan at dinakip naman noong taong yun si Dr. Jose Rizal habang ang taong 1896 ang himagsikan. Mukhang maaabutan ko pa yun. Paano kaya ako makakabalik sa amin?
"Binibini"lumingon ako at tumambad sakin si Mr. Edward. Nakasuot sya ng pantulog at parang di rin makatulog. Nasa alas-9 na ng gabi at sadyang maaga kung matulog ang mga tao dito sa panahong ito. Mabuti nga't malamig ngayon kaya't napakadali sa kanila ang matulog habang ako, nasanay akong halos di na natutulog. Mas nakakaantok pa sa hapon kaysa sa gabi. Promise!
"Ahhmmm.... Bakit po?"tanong ko. Lumapit sya sa akin at sinamahan ako dito sa bintana. Hawak nya ang isang basong may lamang tsaa. Amoy na amoy ko kasi ang aroma ng tsaa kaya nasabi kong tsaa yun.
"Ako si Maxjames Edward Wilson." pagpapakilala nya well, kahit hindi na sya magpakilala, kilala ko na sya. Pinagpatuloy nya lang ang pagpapakilala at pagkukwento sa buhay nila mag-asawa pati na ang nangyari sa anak nilang si Stella. "Narito ako ngayon dahil sa kanina, nakita ko ang kung gaano kasayang muli ang aking esposa {asawang babae} nang makita ka nya, tila nawala ang sakit nya at nabuhayan akong muli. Kaya..."
" Kaya po ano???"tanong ko. "Itatanong ko lang kung mayroon kang magulang."sabi nya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Pag sinabi kong meron pa, wala akong matutuluyan. Mukhang kailangan ko pang matapos ang kwentong ito. Halos 70 chapters ang librong to at isang taon ang kwentong ito. Saan ako titira? Kung sasabihin ko namang wala na, papatirahin nila ako dito. Bahala na nga. "Ahh... Wala po." I lied. Kailangan ko lang ng matitirhan hanggang sa makabalik ako sa mundo ko.
"Kung gayun, maaari ka bang dito ka muna sa aming poder at maging aking hija {anak na babae}. Magpanggap ka munang si Vionne Wilson na aking anak at ibibigay ko sa iyo ang lahat ng kailangan mo."alok nya sa akin. Parang ang hirap naman nun, magiging ibang tao ako para saan? "Pag-isipan mo ang aking alok, hija."pahabol nya at sabay iniwan ako sa bintana.
Bakit kailangan ko pang magpanggap na ibang tao? Ang alam ko, hindi pa nakakarating dito sa bansa si Vionne dahil ipinanganak sya sa Amerika at doon na din lumaki. Syempre, doon na din sya namatay. Aha! Siguro, gusto nyang makitang masaya ulit ang kanyang asawa. Napakamapagmahal naman sya sa kanyang asawa. Buti natiis nya ang pagkakaroon ng kanyang asawa ng sakit sa isip. Napatingin ako sa isang larawan ni Vionne na nakangiti. Gusto kong mapunta dito pero gusto ko, alam ko kung paano ako makakabalik. Hayyyssst... Bakit kaya ako naririto.
••••
Kinaumagahan, Buo na ang desisyon ko. Buong magdamag akong nag-isip para lang doon sa alok sa akin na magpanggap bilang kanilang anak. Tama! Catalina, hindi ka duwag at wais ka lang. Hindi ka manggagamit. Para ito sa sarili mo. Hindi mo talaga balak mangloko ng iba. Kailangan lang talaga. Habang kumakain kami at nakaupo ako sa upuan na para kay Vionne, napatigil ako sa pagkain at ibinaba ko ang kubyertos {kutsara at tinidor} sa mesa. Tumingin ako sa kanilang dalawa na noo'y sumusubo ng kanilang kinakain.
"Ahmm.... Mr. and Mrs. Wilson" napatigil sila sa pagsubo at tumingin sa akin ng sabay. "Bakit,hija?" tanong sa akin ni Mrs. Rosa. Wala namang imik at kibo si Mr. Edward. Humigop pa nga sya ng iniinom nyang kape. Parang walang paki. Ganun talaga characteristics nya. "Pumapayag na po ako." sambit ko. Yes, pumayag na akong magpanggap na Vionne at maging anak-anakan nila. Hanggang sa makabalik ulit ako sa aking mundo, dito muna ako. "Talaga, hija?"tuwang-tuwang maninigurado ni Mrs. Rosa. Napansin ko namang napatango si Mr. Edward at pinagpatuloy lang ang pagkain. Napansin kong gumagaling na si Mrs. Rosa. Hindi lang naman matitirhan ang kailangan ko, tinanggap ko din yun para makatulong. Sana sa pamamagitan ko, mawala na ang pangungulila ni Mrs. Rosa sa anak nya.
I'm Catalina Sonata ay handa nang magpanggap bilang anak ni Mr Edward and Mrs Maria Rosa Wilson na si Vionne Wilson.
••••
Nang matapos ang aming pagkain, pinag-usapan namin ang tungkol sa pagkukunwari ko. Kailangan ko palang maging best actress dito. Itinuro nila sa akin ang lahat ng dapat gawi ng isang binibini, syempre, kasama na dun:
1. Ang pagsusuot ng makating saya na napakahaba pa.
2. Kailangan kong malaman ang tamang paghawak sa pamaypay,jusko!
3. Tamang paglalakad, parang lalaki pa naman akong maglakad. Hirap!
4. Kailangan kong pigilan ang pagtawa ng malakas, dapat daw mahinhin at tinatago ng pamaypay. Jusko! E halos masira na ang panga ko sa kakatawa sa room man o kahit sa pag-uusap namin ni Med.
5. Kailangan kong maingat sa bawat salitang babanggitin ko. Bawat maling salitaay mabubuking ako. 2 in 1 ang gagawin ko dito ha, una, kailangan kong magpanggap na anak nila at ikalawa, kailangan kong magpanggap na dito sa mundong ito ako nakatira. Kailangan ko ding iwasan ang mga makabagong salita, hayyyssst... Buti na lang ay may lahing Amerikano si Mr. Bleuniue kung kaya't pwede akong magsalita ng English. At marami pang iba....
Sinimulan namin ang pag-iinsayo sa pagkain. Kinailangan kong malaman ang tamang paggawi sa hapag. Buti na lang at naituro sa amin to nung grade 10 ako sa TLE kaya easying easy na para sakin to. Buti na lang at walang iba pang utensils ang itinuro ng mga Kastila. Tanging kubyertos lang o paired utensils of fork and spoon.
Sa pagtayo ng ayos, kinailangan kong gawin yun dahil kailangan kong maging Maria Clara. E matagal nang hinubad ni Maria Clara ang baro't saya nya at nagbihis ng kung sa anong nais nya sa panahon ko. Kinailangan naming gumamit ng libro para ipatong sa ulo ko at kada hulog ng libro ay may parusa— isang oangmalakasang palo ni Manang Perla. Nakailang beses akong pinalo ng katulong na ito. Pag ako talaga nayamot, aagawin ko sa kanya yung hawak nyang mahabang mala-arnis sa laking pamalo. Dear Cathy, Pumayag ka dito di ba? So, panagutan mo!
Ipinakilala naman sa akin ni Mr. Edward ang buo nilang angkan. Kinailangan ko pang sauluhin lahat ng mga pangalan ng mga kamag-anak nya. Makakasama ko pala sa bahay na ito si Ion Vionganni Blythe na pamangkin ni Mr. Wilson. Isa din syang Amerikano at darating sya sa Pilipinas sa susunod na linggo.
Buong linggo namin yung ginawa at hindi din kami lumabas ng hacienda. Nagpunta kami sa ubasan at nilibot ang buong lugar.
"Alam mo bang ang ubas na ito ay galing pang Alemanya?" pagmamalaki ni Mr. Edward. Natuwa naman ako nang malaman ko yun. Ang Alemanya ay ang tagalog ng bansang Germany gaya ng bansang Japan, Hapon ang tagalog nya. "Ang bawat piraso nito at nagakakahalaga ng 3 onsa."dagdag pa nya. Sa pagkakaalam ko, ang isang onsa o ounce sa English ay nagkakahalaga ng ₱16. So, ₱48!
48?
48?
Ang kada piraso?
Naalala ko tuloy yung kukunin ko sanang mga ubas. 11 yata yun at kung susumahin, nagkakahalaga ng 528 Php. E napakalaki pa naman ng halaga ng pera sa panahong to. Balat lang yata ng candy ang laman ng bulsa ko. "Oo, at sayo ko ipapamana ang lupaing ito kung papayag kang manatili na lamang sa poder namin. Tutal, wala ka nang pamilyang mapuluntahan at sabi mo, ulilang lubos ka na."sabi nya sakin. Nalungkot lang ako sa sinabi nya dahil hindi ko alam kung hanggang kailan ako mananatili sa mundong ito at paano naman ako makakabalik sa mundo ko. Inilihim ko muna sa kanila ang tunay kong pagkatao. Nakailang ulit na kasi silang tanong nang tanong sa akin kung sino ba ako. Sinabi ko lang ang pangalan ko pero di ko na binanggit kung kelan ako pinanganak. Hindi ko din sinabi na nanggaling ako sa ibang mundo at naririto ako ngayon sa mundo nila na binabasa ko. Tsaka, pag sinabi ko naman yun, baka isipin nila, nababaliw na ako o baka sinasaniban ng masamang espiritu! Ayokong dungisan ang pangalan ko dito sa mundong to. Baka mamaya nyan, nabago ang takbo ng kwento nito tapos maipublish pa. Tapos mababasa ng iba ang mga kabaliwang ginawa ko. No way! Nakakapanghinala lang dahil kay Mr. Blythe, hindi ko sya kilala at sa walong beses kong pagbabasa ng kwentong to, hindi sya lumabas. Maging sa Wattpad ay wala sya dun. Sino ba siya sa mundong ito?
______________________________________
—••••—
"Trust, but reserved."
—Mr.Ios
—
Note: Ang ilang mga makasaysayang pangyayaring mababanggit ay idinagdag lamang upang magbalik tanaw. Subalit kailanman ay hindi naisulat sa kasaysayan ng Pilipinas ang mga pangyayari, tauhan at lugar na nakasulat dito. Maraming salamat!