webnovel

PAANO MAGING TAO? (mga aral, leksyon, biro at sekreto ng buhay)

May isang dakilang nilalang ang sumagip sa'kin sa tiyak na kamatayan!.. Marahil utang ko sa kanya ang lahat-lahat!.. Magmula sa paghihirap hanggang sa kaginhawaan na muli n'ya sa'king pinaranas... "HINDI KO ALAM at KUNG PAPAANO!!??", na ang dati ng patay ay muli pang nabuhay. Isang malaking palaisipan o sabihin man nati'y maging isang "MISYON" man na gumugulo sa magulo kong isipan. O, sadyang "MASAMANG DAMO LANG!". ITO ANG AKING KWENTO, LASAPIN N'YO. At tulungan n'yo akong hanapin iyon... [ANG DAKILANG LUMIGTAS SA AKIN SA TIYAK NA KAMATAYAN]

Axl_Carbonell · 现实
分數不夠
71 Chs

LOVE WILL TEAR US APART!!!

*Buhay binata*

Ang aking payat na pangangatawan noon ay unti-unting nagkakalaman. Doon sa 9 J's barber shop marami akong natutunan sa buhay. Noong mga panahong nandon pa ako, madalas din ang pagtambay sa'kin ni Rey 'don. Nabanggit n'ya noon sa'kin na nandon daw sa Jollibee nagtatrabaho ang naging chrush ko noon sa high school. Mga ilang hakbang lang ang layo ng Jollibee sa shop namin, tanaw na tanaw 'yon mula sa trabaho ko, sobrang lapit lang. Wala pa noon akong cellphone kaya naisipan kong gumawa ng plano para muling mapalapit sa kanya at ligawan na din na sana s'ya. Naisip kong padalhan s'ya 'non ng love letter. Bumuili akong hallmark love letter, nagsulat din ako ng nararamdaman sa kanya. (Hindi ko na maalala ngayon kung anung sinulat ko sa card)

Sinabi ko kay Rey kung kailan mabibigay ang sulat sa kanya. Araw yata ng sabado 'non sa pagkakatanda ko, inutusan ko si Rey na magpuntang Jollibee para ibigay ang card sa babae. Binigyan ko rin s'ya noon ng perang pambili ng chicken joy. (take out) At sinabi ko rin na sa counter n'ya pumila. Pumunta na noon sa Jollibee si Rey at ginawa ang sinabi ko. At ng makabalik sa'kin si Rey bitbit ang take-out na chickey joy meal, habang kumikislap ang kanyang mga mata at abot-abot langit ang ngiti, nandon din noon si Nestor sa shop. Napagkamalan pa daw s'ya ang nanliligaw sa babae ng kasama nitong service crew din. Kinuwento sa'kin ni Rey noong inabot n'ya ang sulat sa babae ay kinilig daw ito, maging ang katabi din daw na katrabahong babae nito. Masaya ako nu'ng gabing iyon! Hindi na rin ako nakakain sa kagalakan, habang sila Rey at Nestor ay kumakain ng chicken joy.

Lumipas ang mga araw, nagpasama din ako noon kay Ian na pumupunta din sa'kin sa shop. (Naging kaklase s'ya namin ni Ian) Nagpasama ako sa kanya na bumisita sa bahay ng babae noong birthday nito. Gabi na kami noon pumunta, hinanap pa namin ang bahay nito na lumipat na dati sa Marikina village. Maswerte naman at may mga tropa ako 'don na napagtanungan namin. May dala ako noong cd na pinaburn ko na mga ballad love song ang kanta.

Nauna pa kami na makapunta sa bahay ng babae dahil nasa trabaho pa s'ya noon. At hindi n'ya rin alam na pupunta kami sa kanilang bahay. Pinapasok kami ng kanyang nanay habang hinihintay ang kanyang pagdating. Gabi na rin ng sya'y makauwi sa kanila. Nadatnan n'ya kami doon na may pagkabigla. Binati namin s'ya ng happy birthday at nakipag-usap ng ilang oras sa kanya. Nagpaalam na din kami sa kanya noon dahil gabi na din at ramdam kong pagod na din s'ya na gusto na rin magpahinga.

Isang gabi, naisipan kong hintayin s'ya sa labas ng kanilang trabaho. Malapit na rin noon ang paglabas n'ya kaya naghintay na lang ako sa gilid ng Jollibee. Hindi n'ya ako noon kita at 'di rin naman ako nagpakita sa kanya.

Akala ko lalabas na s'ya nu'ng oras na 'yon, hindi pa pala. Bumilang pa ng mahigit isang oras bago s'ya lumabas. May katagalan din ang hinintay ko noon! Sarado na din sila 'non ng s'yay lumabas na. Nilapitan ko s'ya at nag-alok na ihatid s'ya sa kanila.

Hindi ko noon malaman at maintindihan kung bakit n'ya ako iniwasan at kausapin man lamang. Parang aso ako noon sa paghabol sa kanya dahil sa bilis ng kanyang paglakad. Parang naramdaman ko na ikinahiya n'ya ako sa katrabaho nitong sabay n'yang lumabas. Para akong may sakit noon na nakakahawa, at tuluyan na s'yang sumakay ng trycle ng hindi man lamang lumingon sa'kin.Nagtanong ako noon sa sarili, meron ba akong ginawang masama at ganon na lamang ang naging pakitungo n'ya sa'kin.

Kung tutuusin nabastusan talaga ako sa ginawa n'ya sa'kin! Kahit papano naman siguro may pinagsamahan din kami. 'Yung mga gabing magkasabay kami dati sa pag-uwi. 'Yung mga oras na s'ya pa mismo noon ang nagsasabi sa'kin na, "Sabay tayo mamayang uwian ha." At ang pagiging mabuti n'ya noong kakilala sa'kin. Hindi ko na nakita sa kanya noong gabing iyon!

Natulala na lang ako noon habang hindi makapaniwala sa inasal n'ya. Natauhan na lang ako ng makauwi na ako sa'min at tinulog na lang ang mapait na gabing iyon. Ngunit hindi ako makatulog 'nung gabing iyon! Buhat noon nawala na ang damdamin ko sa kanya. At kahit makita ko pa s'ya noon ay wala na akong pakialam sa kanya.

Makalipas ang tatlong taon muli kaming nagkita. Nagkita kami noon sa simbahan ng Recto sa Parang ng matapos na ang misa. Palabas na kami noon ni Edna ng simbahan ng bigla ko s'yang nakasalubong sa loob kasama ang kanyang kapatid na babae. Nakita ko na lng na malaki na ang kanyang tiyan at may laman na itong bata/sanggol. Nagsalubong ang aming mga mata, ngumita s'ya noon sa'kin habang ako'y nakatingin lang sa kanya. Wala akong narinig na salita sa kanya, at wala din s'yang narinig na salita sa'kin. 🤐👻

Self esteem

"Offspring"

La la la la la la la la

I wrote her off for the tenth time today

And practised all the things I would say

But she came over

I lost my nerve

I took her back and made her dessert

Now I know I'm being used

That's okay man 'cause I like the abused

I know she's playing with me

That's okay 'cause I've got no self-esteem

Oh yeah yeah yeah

Oh yeah yeah yeah

Oh yeah yeah yeah

Oh yeah yeah yeah

We make plans to go out at night

I wait till two the I turn out the lights

This rejection's got me so low

If she keeps it up I just might tell her so

Oh yeah yeah yeah

Oh yeah yeah yeah

Oh yeah yeah yeah

Oh yeah yeah yeah

When she's saying that she wants only me

Then I wonder why she sleeps with my friends

When she's saying that I'm like a disease

Then I wonder how much more I can spend

Well I guess I should stick up for myself

But I really think it's better this way

The more you suffer

The more it shows you really care, right, yeah yeah

Now I'll relate this a little bit

That happens more than I'd like to admit

Late at night she knock on my door

She's drunk again and looking to score

I know I should say no

But it's kinda hard when she's ready to go

I maybe dump

But I'm not a dweeb

I'm just a sucker with no self-esteem

Oh yeah yeah yeah (4x)

*WASTED LOVE... how I wish you were here!*

Lumipas ang ilang buwan, may natatanawan akong isang magandang collage student na nag-aabang ng masasakyan sa may waiting shed na halos tapat lamang ng shop namin. Lagi ko na s'ya noong inaabangan tuwing hapon sa kanyang pagpasok. Pinapangarap ko rin noon na sana makilala ko man lamang s'ya. At sana maging girlfriend ko din s'ya. Nainlove at first sight ako sa kanya dahil sa perpekto nitong kagandahan at pangangatawan. S'ya din ang naging dahilan kung bakit ako bumili ng cellphone noon. Naikwento ko na din s'ya kay pareng Nestor at Rey.

Isang hapon, natanawan ko na naman s'yang muli sa labas ng barber shop ng nakapang-alis, at andon na naman noon sa'kin si Rey. Pare kita mo 'yung babaeng 'yun na nakatayo...Iyon 'yung sinasabi ko sa inyo. Inutusan ko muli noon si Rey na lapitan s'ya. Ayaw pa noon ni Rey dahil marami din noong mga taong nag-aabang din ng masasakyan. At talagang nahihiya s'ya noon.

Sabi sa'kin ni Rey na...

"Ikaw na pare ang pumunta." Kaya mo 'yan!

Hanggang sa mapilit ko na lang s'ya na pumunta sa babae.

Dahil sa pagiging imatured ko pa noon, kumuha ako ng papel at sinulat 'don ang cellphone number ko. Sinabi ko kay Rey na iabot ito sa babae at sabihing galing sa'kin ang papel. Nang makabalik sa'kin si Rey pangisi-ngisi ito at sabihing,"Pare, sabi ng babae. Kung sino daw ang may kailangan, s'ya daw ang lumapit." Hindi n'ya kinuha ang papel na pinaabot ko pero, nabuhayan ako noon sa kanyang sinabi. Sumulyap din noon sa'kin ang babae. At maya-maya'y tuluyan na s'yang umalis.

Isang gabi, muli ko s'yang nakita sa tapat ng shop namin, sa kabilang kalsada malapit sa waiting shed. Doon inutusan ko ang batang anak ni 'te Nene na lapitan ito at sabihin sa bata na,"Kung pwede akong makipagkilala sa kanya." Itinawid ko sa kalsada ang bata at bumalik na muli ako sa shop, nakatingin ako noon sa labas ng pintuan habang pinapanuod ang paglapit ng bata sa babae. At ng makabalik na ito sa akin. Sinabi n'ya sa'kin na, "Kuya, sige daw po. Lapitan n'yo daw s'ya." Doon na ako lumapit ng may halong saya. Binigyan ko noon ang bata ng pera.

Lumapit ako noon sa kanya ng may konting panginginig o nerbyos, ngunit nangingibabaw pa rin ang saya sa akin. Noong makalapit na ako sa kanya, napangiti s'ya noon sa akin. Nakipagkamay ako sa kanya at nakipagkilala. Sinabi n'ya din sa'kin na doon tayo umupo sa waiting shed. Nakapag-usap kami noon sa shed ng may katagalan din, hanggang sa s'yay nagpaalam na lang sa'kin. Noong gabing 'yon ng makabalik na ako sa shop, nagtatalon ako sa tuwa at kinilig din, dahil nakilala ko na s'ya at nakausap pa. Nakuha ko din na noon ang cellphone number n'ya.

Lumipas ang mga araw at kaming dalawa ay naging magkaibigan na noon, at nakakatext ko na din na s'ya. Bihira din ko s'ya noong makausap sa text kaya minsan ay nilu-loadan ko s'ya. Sinabi n'ya sa akin na dapat hindi ko na 'yon ginagawa, ang bigyan s'ya ng load.

Sa tuwing naghihintay na s'ya noon ng masasakyan sa tapat ng barber shop, lagi ko na s'yang nilalapitan, para kumustahin s'ya at muling makipagkwentuhan sa kanya. Minsan, nagtatagal ang aming usapan. Hindi rin noon ako nahiyang manigarilyo sa harapan n'ya, bagkus pinagpaalam ko muna sa kanya na kung pwde akong manigarilyo habang kami ay nag-uusap. Walang problema! Wika n'ya. Niyaya ko rin s'ya noon na pumunta kaming 7 eleven para bumili ng mamemeryenda, sumama naman s'ya noon. Sinabi ko sa kanya na kumuha ka lang ng gusto mo at 'wag kang mahiya. 🙂 Ngunit busog pa daw s'ya at kakakain lang daw n'ya, kaya kumuha na lang s'ya noon ng maiinom. At bumalik na muli kami sa waiting shed. Nabanggit n'ya rin sa'kin noon na sa St. Mary din s'ya nag-aral ng elementary. Sinabi ko sa kanya noon na doon din ako galing at nakapagtapos ng grade six. Sinabi ko rin sa kanya na, "Alam mo bang nasusulyapan na din kita dati sa St. Mary...Ah, talaga..Ang galing naman ng memorya mo. Dagdag pa n'ya. Hindi na lang daw s'ya nakapag-aral ng high school noon sa Marikina. Nabanggit n'yang sa ibang lugar daw s'ya pumasok ng high school o sa kanilang probinsya.

Napalimit din noon ang usapan namin sa waiting shed habang s'yay may hinihintay din noon. Noong una palang na makita ko na s'ya may namuo ng damdamin sa'kin para sa kanya. Napakabait n'ya at Ibang-iba talaga s'ya kumpara sa babaeng niligawan ko na hindi naging maganda ang naging trato sa'kin. Bukod sa pagiging maganda n'ya, maganda rin ang kanyang kalooban. Tinanggap n'ya ako bilang tao o kung anu ako. Hindi pa rin ako noon nagtapat ng damdamin sa kanya.

Isang gabi habang nakatambay ako sa bakery nila nestor. Naisipan ko s'yang itext noon para yayain s'yang lumabas at mamasyal. Alam kong may boyfriend na s'ya noon dahil nabanggit n'ya 'yon sa'kin sa mga aming pag-uusap. Nabanggit n'ya din sa'kin na may katagalan na din sila at nag-aaral ito ng kolehiyo bilang kursong marino. Napatawa ako noon sa kanya ng sinabi n'ya sa'kin na sea manloloko ng mabanggit ko sa kanyang, "Ah, magsi-sea man pala ang boyfriend mo.

Noong una, ayaw pa n'ya noon na pumayag sa paanyaya ko. Sa ilang palitan ng mga text ay napapayag ko din s'ya na mamasyal kasama ko. Sinabi ko rin noon sa kanya na wala naman akong intensyon na masama at sirain kayong dalawa, gusto ko lang talagang makasama ka bilang kaibigan.

Tinuruan din ako noon ni Nestor para s'ya mapapayag na makipagkita sa'kin. Tumulong din s'ya na magtext sa babae. Laking tuwa ko na lang nang umoo na din s'ya. Tinanong namin s'ya noon kung kelan n'ya gusto at kung anung oras. Nagbigay din ako ng mga araw noon ngunit sinabi n'yang may pasok daw s'ya kaya, s'ya mismo ang nagbigay sa nasabing araw ng pagkikita namin. May halong saya at kaba ang nararamdaman ko nu'ng gabing iyon ng makausap ko s'ya sa text. Humingi din ako ng suggestion kay pareng Nestor kung saan maganda ko s'ya pwedeng dalhin kapag kami ay magkasama na. Sinabi n'ya noon na katanghalian na lang kami magkita sa nasabing araw. Nagpasalamat ako noon sa kanya at kapwa rin kami nagpaalam na sa isa't-isa.

Hanggang sa sumapit na ang araw na iyon. Gabi palang hinanda ko na ang mga susuotin ko. May nabili na din ako noon na regalong ibibigay sa kanya. Noong nagtext ako sa kanya ng umaga hindi pa s'ya noon nagreply sa'kin. Nakapagtext na din ako na ready na ako at naghahanda na ng medyo papatanghali na.

Dumating ang katanghalian, ako ay nakaligo na at nakapang-alis na ng nagreply s'ya sa akin at doon ako nagulantang. Ang taong nagreply sa text ay kanya pa lang boyfriend. (wala rin akong ideya kung boyfriend n'ya nga iyon!) Sinabi nito na tulog pa daw ang babae! Inaway na ako nito sa text, marami s'yang sinabi sa'kin noon na...

"Malapit na daw silang magpakasal at engage na daw sila."

Pinagkasundo na din daw sila ng kanilang mga magulang.

Kesyo daw, bakit hindi daw nakaphone book ang pangalan ko sa cellphone nito.

Kesyo daw, lahat ng kaibigan nitong lalaki ay kakilala n'ya.

At lalong bakit hindi daw n'ya ako kilala!

Sinabi ko sa kanya na, "Hindi naman ako nanliligaw at kaibigan lang ako nito."

Pinagmumura n'ya ako noon sa text at nagpahabol pa na, "lubayan ko na daw ang kanyang girlfriend."

Tumawag din s'ya noon ng paulit-ulit ngunit hindi ko ito sinasagot!

Doon gumuho ang mundo ko para akong pinagsakluban ng langit at lupa. ANG SAKIT 'NON!!! Mas matindi pa 'yon sa suntok sa'kin ng ama ko noon! Sobra talaga akong nasaktan noon sa nangyari. May gabing lumuluha na lang ako at 'di ko 'yon mapigilan. Lagi ko s'yang iniisip noon, araw-araw, gabi-gabi. Iyon na ang pinakamatinding heart broken o heart ache sa tanang buhay ko!!!

Nagdaan ang mga araw, unti-unti na akong nakakarecover. May ilang araw din ako noong hindi nagtrabaho. May mga pagkakataong namamasyal ako ng mag-isa, nililibang ang sarili, nag-iisip sa kawalan. Binabaling ko na lang din ang panahon ko sa barkada. Wala noon silang kaalam-alam sa nangyari sa'kin. At hindi ko 'yon kinuwento kay Nestor at Rey.

Magmula ng mangyari 'yon hindi ko na s'ya nakita, maging ang anino n'ya. Nabanggit na lang sa'kin ng kasama kong barbero sa kabilang shop na nakita n'ya ang babae na sumakay sa tamaraw fx. (public vehicle) Sa waiting shed lagi akong nakatanaw, hinihiling na makita s'yang muli, humingi ng tawad sa kanya. At sambitin sana sa kanya na minahal ko s'ya sa maling pagkakataon. 'Yung araw sana na natuloy kami, doon sana sasabihin ko na ang nararamdaman ko para sa kanya. At handa akong magparaya at maghintay sa kanyang pagmamahal.

Nagdaan pa ang mga araw, lagi akong naghihintay sa muli n'yang pagdaan, maging 'yung kaibigan n'ya na kapatid ng naging barkada ko na taga Marikina Village nilalapitan ko sa shed at tinatanong s'ya doon. Sinabi sa'kin ng kaibigan n'ya na wala na daw iyon sa kanilang lugar. Hindi na din s'ya sumasagot noon sa mga text ko kaya, naisipan ko na lang na sumuko na at mag move-on na din. Nanawa na din ako noon sa pagiging long hair kaya nagpagupit na ako ng buhok. Nagpagupit ako ng layers na medyo may kaigsian.

Dumaan pa ang mga buwan, habang papauwi ako ng bahay para paunorin ang inaabangan ko noong palabas na "A wish upon a star" sa tanghali sa channel 11. Habang naglalakad ako, nasipan ko s'yang itext at magbasakaling baka magreply s'ya...

Ilang minuto ang lumipas, nagreply s'ya noon ng "Hu U?"

Nagreply ako sa kanya... Si Axel 'to, ang tagal ko ng nagtetext sa'yo kung alam mo lang.

Alam mo bang nagbreak na kami ng boyfriend ko ng dahil sayo... Dagdag pa n'ya.

Nasira mo noon ang buhay ko!

Sinabi ko noon sa kanya na, "Humihingi ako ng kapatawaran sa'yo, wala akong intensyon na gawin 'yon sa'yo!"

Okey na naman na ako ngayon! At naging mabait ka naman talaga sa akin kaya pinapatawad na kita." (Reply n'ya sa'kin)

Tinanong ko s'ya noon... 'San ka na ngayon?

Sumagot s'ya... Nasa Pasay na ako ngayon, sa pinsan ko. Dito na muna ako nakatira ngayon.

Dagdag ko pa sa kanya... Ah sige, baka naman makapasyal ka dito sa Marikina.

Natapos na ang usapan namin noon at sobra akong nakahinga ng maluwag.

Minsan, nakakatext ko s'ya na kasama n'ya daw ang pinsan n'ya sa pamamasyal, matatagalan pa daw bago s'ya makabalik sa Marikina. Ewan ko ba, sa pagiging tanga ko, bakit hindi ko man lamang naisip na pasyalan s'ya doon. At puntahan kung saan s'ya naroroon. Napakaimatured ko pa talaga noon pagdating sa pag-ibig.

Lumipas ang ilang linggo. Isang gabi, nagulat na lang ako noong bumulaga s'ya sa waiting shed na dati n'yang kinatatayuan. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko at hindi ko talaga alam ang gagawin ng sandaling 'yon. Para akong nashock! Sobrang kabado ako 'non, habang 'di makapaniwalang patingin-tingin sa kanya. Matagal-tagal din s'ya noong nakatayo sa shed bago dumating ang kanyang hinihintay na barkada n'yang pinagtatanungan ko noon. Naisipan ko na lang na hayaan na lang s'ya noon, tutal, "Okey na rin naman na ako ngayon!" Maging s'ya din ay ayos na din.

Hindi ko na s'ya noon nagawang lapitan pa dahil sa sobrang kaba ko at halo-halong emosyon. Tumingin din s'ya noon sa akin hanggang sa sila'y umalis na lang. Masaya na rin ako noon na makita s'ya sa ganong sitwasyon. Natulala na lang ako sa isang tabi ng may panghihinayang!

Hindi ko man lamang noon natuldukan ng maganda ang maikli naming panahon na nagkakilala. Hahanap-hanapin ko ang pag-uusap natin.

Deep inside of you

"Third Eye Blind"

When we met light was shed

Thought's free flow, you said you've got something

Deep inside of you

A wind chime voice sounds, sway of your hips rounds rings true

It goes deep inside of you

These secret garden beams

Changed my life so it seems

Fall breeze blow outside, I don't break stride

My thoughts are warm

And they go deep inside of you

Oh, yeah, I never felt alone

Alright, oh, oh, 'til I met you

Friends say I've changed, I don't listen 'cause I live to be

Deep inside of you

Slide of her dress, shout in darkness, I'm so alive

I'm deep inside of you

You said, boy make girl feel good

But still, deep inside, still

I never felt alone

'Til I met you

I'm alright on my own

And then I met you

And I'd know what to do if I just knew what's coming

I would change my self if I coud

I'd walk with my people if I could find them

And I'd say that I'm sorry to you

I'm sorry to you

And I don't wanna call you

But then I wanna call you 'cause I don't wanna chrush you

But I feel like chrushing you

And it's true, I took for granted you were with me

I breath by looks and you look like through me (And we were broke and didn't know)

And we were broke and didn't know

And we were broke and didn't know

And we were broke and didn't know (Lies, that's lies, all lies)

Something's gone, you withdraw and I'm not strong like before

I was deep inside of you

I can go nowhere

I burn candles and stare at a ghost

Deep inside of you

And some great need in me

Starts to bleed

I've lost myself there's nothing left, it's all gone

Deed inside of you

Deep inside of you

Deep inside of you