webnovel

Our What Ifs (Filipino)

Si Jen ay isang sikat na photographer sa pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Halos nasa kanya na ang perfect life dahil sa kasikatan na tinatamasa. Pero pano kung may kulang parin? Kung maraming "What ifs" na walang kasagutan? at ang tanging kasagutan lang ay kung a-attend siya ng grand reunion ng highschool batch niya. ano ang dapat niyang click? "Attend" "Ignore" Ano ang dapat niyang sundin? Puso o isip?

LustinusWrites · LGBT+
分數不夠
8 Chs

What if: Tanungin niya ako?

2006

Bettina's POV

"Okay ka ba diyan? No bullys? Just call me if magkaroon ng problem okay?"

"Opo, papa okay naman ako at wala naman bully. Nakapila lang ako at malapit ng pumasok sa room. Magtetext na lang ako para sa update. Love you papa" 

"Okay sige. Mag iingat ah"

"Opo, wag ka na mag-alala masyado. Bye papa"

First day ng school, first day sa bagong school and sana gaya ng expectations ko maging maayos ang lahat para naman hindi na ko palipatin ni papa ng school.

"Ang ganda talaga ni Jen no?"

"Oo nga eh. Kaso ang tagal na nila ni Francis eh"

"Oo nga eh. Pero ang ganda niya talaga"

HINDI AKO CHISMOSA PERO KANINA PA KASI ITONG DALAWANG TO NA NAG-UUSAP TUNGKOL KAY JEN.

Sino nga ba si Jen? Agad naman akong napatingin sa direksyon kung saan nakatingin tong dalawang to. At dun, nakita ko yung Jen na bukambibig nila kanina pa.

Kasama niya yung lalaki na I think jowa niya. Hmm... in fairness naman totoo ang chismis... Maganda nga siya puwedeng model.

Ay putek! Buti na lang naka iwas agad ako ng tingin nang tumingin siya sa direksyon ko. Kundi iisipin niya may chismosa sa may pintuan ng classroom nila.

Hoooo hirap naman maging transferee walang makausap tapos makiki chismis na lang muntik pa mabuking.

"Section V bababa tayo for some orientation pumila na kayo dun okay" announcement naman ng teacher na napadaan samin tapos nag room to room na siya para papilahin ang ibang sections

"Okay, first years kaya namin kayo pinatawag dito kasi magkakaroon tayo ng peer coach from our senior students para hindi kayo mahirapan mag adjust"

Announcement ng teacher samin at tsaka naman naglabasan ang mga seniors at pumila. Nakaka excite naman, at least may makakausap na ko kahit na hindi ko ka year basta may makausap man lang.

"Igugrupo kayo consisting of 10 members at yun ang mga magiging "brothers and sisters" ninyo na kailangan ninyong treat as brothers ans sisters. Ngayon lalapit at pipili ang mga senior leaders ninyo kung sino ang gusto nilang maging members and kapag kumpleto na kayo pumila kayo bty group at mag start na ang program natin" paliwanag ng teacher samin at tsaka ito lumayo sa stage para makipag usap sa mga co teachers niya

"Hi, ako si Jane" pakilala ng isang senior sakin at tsaka nagpaliwanag tungkol sa ribbon at tsaka ako tinalian ng red na ribbon sa braso

"Marami na po kami?" Tanong ko dito

"Kulang pa ko ng lima" sabi naman nito

Hmmm.. lima nalang? Nag tingin tingin naman ako sa paligid para tulungan si ate maghanap ng ka grupo then nakita ko si....

"Ayun ate mukhang wala pang peer coach" turo ko kay Jen na kausap ang boyfriend niya

"Tamang tama dalawa na sila no?" Sabi naman ni ate Jane

"Kaso ate boyfriend niya ata yun. Diba mas maganda kung maghihiwalay sila? Para makapag focus sila sa group?" Suggestion ko dito

Hindi ako chismosa at mas lalong hindi ako pakialamera... pero tama naman suggestion ko ah.

Nakita ko naman si ate Jane na lumapit sa kanila at tsaka tinalian ng red ribbon si Jen at pagkatapos iniwan ito.

Nagsimula naman siyang maglakad papunta dun sa binilin ni ate Jane na puno kung saan magkikita kita ang mga magkaka grupo.

Hindi ko naman maintindihan sarili ko kasi imbis na maglakad na din ako papunta meeting area ay naglakad ako papunta kay Jen at tsaka ito kinalabit

Shit, anong sasabihin ko dito? Nakakahiya parang nagulat siya sakin.

"Red team ka rin?"  Tanong ko dito

"Papunta ka na ba dun sa puno?" Tanong ko sa kanya

at tsaka ngumiti at nilahad ang kamay ko para makipag shake hands "By the way, I'm Bettina transferee" pakilala ko dito at tsaka muling inilahad ang kamay ko para makipag shake hands

Ewan ko ba, pero parang feeling ko kasi masaya siyang maging friend. Hindi dahil sa sikat siya kundi dahil ang gaan ng pakiramdam ko unang kita ko pa lang sa kanya.

End of Flashback

Jen's POV

"Sure ba ko dito? Aattend talaga ako?" Tanong ko kay Francis. Nasa parking lot na kami ng campus pero halos 30 mins na ata kaming nandito

"Bruha ka, ngayon pa ba naman tayo aatras eh andito na tayo" sabi naman nito habang nag aayos ng make-up niya

"Wag mo kong iiwan bakla ka ah" naiinis kong bilin dito

"Ano pa nga ba role ko? Diba julalay mo?" Panunumbat nito

"Sige na" lambing ko dito "Ikaw ang comfort zone ko"

"Dati iba ang comfort zone mo eh" biro nito "Na bigla bigla iniiwasan mo" habol pa nito

"Wag na natin alalahanin ang mga bagay na dapat binabaon na sa limot" sabi ko naman dito

"Oh? Bakit ka tulala diyan?" Tanong naman nito sakin

"Frans, pano kung magkita kami.. tapos..."

"Tapos?" Tanong naman nito nang hindi ko matuloy ang sasabihin ko

"What if tanungin niya ko?" Tanong ko dito

"Edi go, edi may closure na kayo after years ng taguan" sabi naman nito

Agad naman akong umiwas ng tingin dito at tsaka bumaba ng sasakyan. Tama naman siya eh, siguro nga its time to face them lalo na siya. Siguro we both need closure talaga.

"Let's go?" Tanong sakin ni Francis na naka baba na rin ng sasakyan

"Tara" sabi ko dito at tsaka kami sabay na naglakad papunta sa venue

Bettina's POV

"Ladies and Gentlemen, let's welcome Ms. Bettina Abrillas na isa ng stewardess kasama si Ms. Michy Dominguez and Amed Remalla na parehas ng naging model"

Pakilala samin ng host nang makapasok kami sa venue. Sobrang daming tao and may mga nagpalakpakan naman nang ipakilala kami. Pero grabe din pala nakaka kaba din pala lalo na kapag ganito ng katagal na hindi mo nakikita mga dati mong batchmates.

"Hi Bettina, kamusta?" Tanong ng isa sa mga naging classmate ko dati

"Okay naman, its been a while hindi ako naka attend last time" sabi ko naman dito at tsaka kami naupo nila Michy sa assigned table namin

"Babe you need anything? Water?" Tanong sakin ni Amed

"Wala, dito ka lang" sabi ko naman dito at tsaka hinawakan ang kamay nito

Sa totoo lang na a-anxious ako sa dami ng taong nandito. Iba pala ang feeling.

"Ladies and Gentlemen, let us welcome Mr. Francis Andaya na isa ng sikat na Fashion designer kasama ang pride ng ating alma mater na si Ms. Jen Jotsu na hindi lang kilala locally kundi internationally as a famous photographer"

Nakaka bingi ang palakpakan nang dumating si Jen sa venue. Para naman akong napako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pangalan niya.

"Mas lalo siyang gumanda"

"Ang ganda talaga ni Jen"

"Hanggang ngayon crush ko yan"

Napatingin naman ako sa direksyon kung saan sila nakatingin lahat. Dun, dun ko nakita ang nag iisang Jen...

Wala parin nagbago sa kanya. Ang ganda ganda parin niya at iba parin ang aura at charisma niya.

"Hi" bati ni Francis samin nang makalapit sila sa table namin

Naupo naman sila sa table tapat ng table namin.

Bigla naman nanlamig ang mga kamay ko nang magtugma ang mga mata namin dalawa. Pero bakit ganun? Bakit parang hindi niya ko kilala? Hindi niya ba ko naaalala? Hindi niya ba naaalala?

Jen's POV

Nagtugma ang mga mata namin dalawa pero agad naman akong naka iwas ng tingin. Buti na lang din at maraming tao ang nakapaligid para magpa picture. At least mawawala ng konti ang attention ko kung saan siya nandun.

"Long time no see"

Agad naman akong napatingin nang marinig ko ang boses niya.

"Mark" bati ko dito

"Hindi ka parin nagbabago, ang ganda mo parin" bati nito sakin at tsaka umupo sa tabi ko

"How have you been?" Tanong ko dito

"Same parin, hawak ko na ang AdGen and speaking of business pwede ko bang makuha contact info mo for business purposes?" Tanong nito sakin

"Sure" sabi ko naman dito at tsaka ako naghanap ng business card ko at ibinigay sa kanya "here"

"Siguro naman may discount ako? Sobrang sikat mo na hindi ka ma ma reach eh" biro nito sakin

"Uhm excuse me?" Singit naman bigla ni Francis

"Francis! How are you" excited na bati naman ni Mark kay Francis at tsaka ito nag akap

"I'm good! Ikaw, how are you?" Sabi naman ni Francis habang naka akap din kay Mark

"Hey, ikaw ulit kukunin ko next project ko ah"

"Sure, wala pa naman akong next launch so masisingit pa kita sa sched ko" biro ni Francis dito

"Jen, kamusta?"

Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses niya. Siya ba talaga tong nasa harap ko ngayon? Ako ba talaga ang kinakausap niya? Bakit?

"Its me, Bettina, remember?" Naka ngiti nitong tanong sakin

Siya nga....

To be Continued...