2006
Jen's POV
"Diyan ka talaga kakain?" Tanong ko sa kanya
"Ha? Bakit naman hindi?" Tanong nito sakin na para bang nagtataka sakin
Ang arte naman nito. Simpleng boodle fight hindi maka kain? Yan siguro ang iniisip niya sakin ngayon.
"Tara na, masaya to" sabi nito at tsaka ako hinila papunta dun sa boodle fight
Hinanap ko naman si Francis pero nasa kabilang dulo siya kumakain kasama ng mga ka grupo niya.
"Mamaya mo na hanapin boyfriend mo. Kumain ka na at mauubusan ka pa" sabi nito at tsaka bigla akong sinubuan ng ulam
Natulala naman ako sa ginawa niya.
Never ako pumayag na may gumalaw ng pagkain ko. Never din ako pumayag na may humawak sa mukha ko at ito siya ngayon humawak sa pagkain at sinubuan ako.
"Kumain ka na" naka ngiti nitong aya sakin
Ang weirdo naman ng babaeng to....
Dito sa school na to, kilala ako sa pagiging tahimik ko at sa pagiging "loner" ko. Pero ito ako ngayon may kasamang kahit sino makausap at makasama ka close na agad niya. Weird....
"Tapos na kayong kumain?" Tanong samin ni ate Jane
"Ate kain ka na din" aya sa kanya ni Bettina
"Mamaya pa kami kakain after niyo. May 1 hour na break kaya enjoy kayo" sabi naman ni ate Jane at tsaka ito naglakad lakad para check ang ibang ka grupo namin
"Kumakain ka ng hipon?" Tanong sakin ni Bettina
"Oo, bakit?" Tanong ko dito
"Oh" sabi nito habang inaabot ang himay ng hipon
"Ikaw?" Tanong ko dito
"Di ako pwedeng madami niyan" sabi nito at tsaka uminom ng tubig "mangangati ako kapag naparami ako. Paborito ko pa naman yan" sabi nito at tsaka ngumiti at sinubo ulit ang pagkain sakin "Ikaw, kumain ka nauubusan ka ng pagkain kakadaldal mo" natatawa nitong biro sakin at tsaka kumuha ng mga ulam at inilalagay sa tapat ko
"Ok na ko... busog na ko" sabi ko dito at tsaka pinigilan ang kamay niya
"Sure ka" tanong nito at tsaka ako nginitian
Bakit ang weird niyang tumingin? Ganto ba talaga ka friendly tong babaeng to?
"Okay, if tapos na kayo pwede na kayong maghugas ng kamay at mag break for 1 hour. Magkikita kita ulit tayo dito para ituloy ang activities" announcement ng teacher namin at tsaka isa isang nag alisan ang mga estudyante
"Jen" tawag ni Francis sakin
"Oh, andyan na boyfriend mo. Puntahan mo na, baka sabihin niya inaagaw kita sa kanya"
"H-Ha?"
Present
"Ano naman kung andun?" Tanong ni Francis sakin
"Wala" sabi ko dito at tsaka humiga at nagtakip ng unan sa mukha ko
"What if magkita na nga talaga kayo?" Tanong nito sakin
"Ano sa tingin mo mangyayari?" Tanong ko dito
"Edi magkakaalaman na" natatawa nitong biro sakin
"Gago" sabi ko dito at tsaka muling nagtakip ng unan sa mukha
"Pero kidding aside, di na kayo mga bata and mature na kayo ngayon. Malay mo this time mababago niyo ang history?" Sabi nito at tsaka tinanggal ang unan sa mukha ko "Let's confirm our attendance hmm?" Aya nito sakin at tsaka kinuha ang phone niya para mag confirm
Mature?
History? Mababago?
Imposible na siguro yun. Pero siguro its time na rin para harapin ko ang past para ma introduce ko ang present na sarili ko. Siguro naman this time hindi na ko matatakot mag out.
Agad ko naman kinuha ang phone ko at nag confirm ng attendance ko.
"Wow, makikita ko si Jen. Walang atrasan ah"
"Uy si crush pupunta!"
"See you Jen! Can't wait to see you and talk to you"
"See you, Jen!"
Bettina Abrillas is Attending
Nang mabasa ko ang huling notification... Bakit nakaramdam ako bigla ng kaba? Tama ba ang decision ko?
Bettina's POV
"Bes, nakita mo ba yung plan na reunion?" Tanong sakin ni Michy habang nag aayos ng gamit niya
"Yes, makakapunta ka ba?" Tanong ko dito
"Hmmm parang ang konti naman ng mga pupunta and I'm still not sure with my schedule" sabi nito habang chinecheck ang phone niya
"Hi, sorry I'm late" Bati ni Amed samin at tsaka ito lumapit sakin at humalik
"Photoshoot?" Tanong ni Michy dito
"Yes, sobrang late kasi nung photographer" reklamo nito
"Sikat ba siya para magpaka late?" Naiinis na tanong ni Michy
"Yun na nga hindi naman siya kilala. Buti sana kung level siya ni JEN JOTSU" sabi naman ni Amed
Natigilan tuloy ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang pangalan ni Jen.
"Ganun ba siya ka sikat?" Tanong ko kay Amed
"Oo, super swerte mo kapag siya ang naging photographer mo kasi after papasok na lahat ng offers sayo. Sobrang galing niya kumuha ng shots" sabi naman ni Michy
"Talaga ba?" Natatawa at di ako makapaniwala sa sinabi ni Michy
Hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya at hindi din dahil sa kinuwe-kwestyon ko ang talent ni Jen pero dahil sa halos araw araw kaming magkasama nitong si Michy pero never man lang niya ko inupdate tungkol kay Jen.
Alam naman niyang dati kong bestfriend yun tapos di man lang ako binabalitaan.
"Oo nga pala, may reunion. Game kayo?" Tanong samin ni Amed "Babe, punta tayo?" Tanong nito sakin
"Ano naman gagawin natin dun?" Natatawa kong tanong dito
"Masaya yun, makikita natin mga dati natin friends" excited nitong sabi "Isa pa, naka leave ka kaya pwede ka pumunta"
Kinuha ko naman ang phone at tsaka tinignan ang invitation at mga nag confirm na pupunta.
Jen Jotsu is Attending
Uy, himala pupunta siya? After all these years.
"Wow, makikita ko si Jen. Walang atrasan ah"
"Uy si crush pupunta!"
"See you Jen! Can't wait to see you and talk to you"
"See you, Jen!"
Ang dami parin nitong fan boys. Hindi nagbabago grabe naman kasi talaga ang appeal nitong bruha na to eh.
Press ko ba ang attend? Tsk.. Bahala na nga kung magkikita kami edi go. Tapusin na ang gap at iwasan na to.
ATTEND.
To be Continued...