Padabog na isinara ni Pio ang pintuan ng kanyang kwarto. Uminit ng sobra ang kanyang ulo nang marinig niya ang pag-uusap ng Daddy niya at ni Tasia. Hindi siya makakapayag na magpapakasal si Tasia sa kanyang Kuya. Aba! Siya itong nawalan ng puri dahil kinuha ng babaeng iyon limang taon na ang nakaraaan tapos hindi siya nito pananagutan?
"Wala akong pakialam kung pinahid mo man ang sperm ko sa kumot, Tasia! Kinuha mo ang pinaka-importanteng bagay sa akin kaya dapat mo lang itong paninindigan." nanggigigil niyang wika. Sapat na ang limang taon na hinayaan niya ito. Kilala na niya ito bago pa sila mag-aral sa iisang eskwelahan sa Los Angeles. Tasia's parents and his parents are best of friends.
Matanda lang siya ng isang taon kay Tasia. Siyam na taon siya ng una niya itong makita. Kapag bumibisita kasi ang kanyang mga magulang sa Hacienda ng mga ito ay ang kuya lang niya ang sumasama. Ayaw niya kasi ng nakakakita ng bundok kaya nagpapaiwan siya. Pero simula ng araw na makita niya ito ay palagi na siyang sumasama sa mga magulang. Gusto niyang nakikita si Tasia pero hindi naman siya nakikipaglaro rito tulad ng kanyang kuya. Nahihiya kasi siya kasi gusto niya ito. Hindi naman siguro ipinagbabawal na makaramdam ng pagkagusto ang isang siyam na taong gulang sa kapwa niya ring bata, hindi ba?
"Sir Pio?"
"What is it?!" nitong mainit ang ulo niya, baka pati kasambahay ay madamay sa inis niya sa ama.
"Pinapatawag po kayo ng daddy niyo." He rolled his eyes. Alam niya naman na may kinalaman sa pang-i-isturbo niya kanina sa pag-uusap nito at ni Tasia ang dahilan ng pagpapatawag nito sa kanya.
"Sabihin mong tulog na ako!" Sigaw niya rito.
"May tulog ba na kung makasigaw akala mo miserable ang buhay?" it was his Dad's voice. Padabog niyang binuksan ang pinto.
"Dati hindi. But after what I've heard? Mas higit pa sa pagiging miserable ang nararamdaman ko, Dad! Para akong pagkain na basta na lamang tinikman at itinapon na lang kung saan kasi ang pangit ng lasa!"
Kunot-noo na idinampi ng Daddy niya ang palad nito sa kanyang noo at leeg. "You're not sick, are you, Pio?"
"Whatever, Dad! Kung ang tungkol sa sinabi ko kanina ang gusto mong pag-usapan, tama naman 'yon. Ayaw ni Kuya Anthony ng babaeng hindi na virgin, kaya bakit mo siya ipapakasal kay Tasia?!" Napaigik siya nang sinikmurahan ng ama.
"Alam kong malaki ang pagpapahalaga mo sa virginity, Pio, pero hindi ibig sabihin nun ay p'wede mo nang husgahan si Tasia!" galit na wika nito sa kanya.
"Paano kung sabihin kong ni-rape ako ng babaeng 'yan? Anak mo ako Dad! Nararapat lang na mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng pagka-lalake ko."
Hindi ito nakaimik sa sinabi niya. Inilabas nito ang cellphone na nasa bulsa ng suot na khaki shorts at may tinawagan. Bigla siyang nabahala baka totohanin ng ama ang hustisyang hinihingi niya. Ang gusto lang naman niya ay ang panagutan siya ni Tasia.
"It's me, Francisco Benedicto. I would like to talk to Doctor Falcon," Sinulyapan muna siya nito bago muling nagsalita. "Yes, Doc, it's me. I would like to visit your clinic tomorrow."
Ilang sandali pa ay tinapos na nito ang tawag. May sakit ba ang ama niya? Bakit kailangan nitong makipagkita sa Doctor?
"Are you sick, Dad?" Nag-aalala niyang tanong dito.
He shook his head. "You are the one who's sick here, Pio. We will visit the Psychiatrist tomorrow."
"I'm not sick, Dad! Tasia did really rape me back in L.A!"
"Ano naman ngayon? Daig mo pa ang babae kung maka-atungal. You're the future CEO of our company, Pio Francis, ayusin mo 'yang utak mo. At kung sakaling totoo man 'yang sinasabi mo, hindi ba dapat ay si Tasia ang naghahabol sa'yo?"
"Dahil hindi naman siya ang nawalan ng virginity, Dad. You know how much my virginity means' to me." naiinis niyang turan sa ama. Para kasing wala itong pakialam kung kinuha nalang basta-basta ng isang babae ang virginity niya na wala man lang consent galing sa kanya.
"So, ano ngayon ang gusto mong palabasin?"
"Hindi ako ang tipo ng lalakeng basta na lang mag-do-donate ng semilya, Dad. I need justice!"
"Sue her, then." Tumalikod ito at iniwan siya. Ganoon nalang iyon? Hindi man lang naisip ng ama niya na ipakasal siya kay Tasia? Ang unfair! Bakit kapag ang babae ang nawalan ng virginity, papatay ang tatay nito panagutan lang ang anak? Bakit ang daddy niya ay hindi? Hindi ba siya nito love?
Muli niyang isinara ang pinto at pabagsak na nahiga sa kanyang kama. Na-di-disappoint siya sa kanyang ama. Kapag talaga siya napuno pababagsakin niya ang pinakamamahal nitong kompanya.
Nakatulogan na niya ang inis na nararamdaman sa ama. Bandang alas-siete ng umaga ng siya ay nagising. Nag-tootbrush at naghilamos lang siya at agad nang bumaba para mag-almusal. Wala siyang naabutan ni isa sa dining table ng pumasok siya. Nag-toast na lamang siya ng slice bread at nagtimpla ng kape.
"Good morning." Nilingon niya ang nagsalita. It was her. Hope Anastasia Aranque. The woman who took his virginity back in Los Angeles.
"Don't good morning me, rapist!"
"I'm sorry?"
"It's too late to say sorry."
"Ano ba ang iyong pinagsasabi, Pio?" bakas sa tono nito ang pagtataka.
"Don't act like you know nothing, Tasia!" asik niya rito.
"Wala naman talaga akong alam... "
"An apartment near in UCLA unit 506." limang taon na ang lumipas person hindi niya magawang kalimutan ang unit number na kung saan ninakaw nito ang bagay na napaka-importante sa kanya.
"It was you?! Paano mo naman nalamang ako ang may-ari ng unit na iyon?"
Aba! Nagmaang-maangan pa ang gaga! Sa taglay niyang kagwapuhan na ito ay nagawa pa nitong kalimutan?
"Ang tanga nito! Malamang naka-pangalan sa 'yo ang unit. Balibhasa'y puro pasarap ka lang sa loob ng limang taon," may dumaan na sakit sa mga mata nito pero bigla ring nawala. "You took something important from me, Tasia. There's no way on earth I'll let you marry my brother!" He hissed at her.
"Hindi ikaw ang mag-de-desisyon kung sino ang dapat na pakakasalan ko, Pio." walang emosyong tugon nito.
Nilapitan niya ito at matalim na tinitigan,"Kinuha mo ang iniingatan kong pagka-lalake na sana ay magiging regalo ko sa babaeng aking pakakasalan! Hindi ba at nararapat lamang na panagutan mo ako?!"
Tasia chuckled, "Hindi ka naman nabuntis kasi wala kang matris, bakit kita pananagutan? Hiyang-hiya naman sa iyo ang malinis kong pagkababae noong gabi na 'yon."
"Malinis? Wala ngang bakas ng dugo ang bed sheet." Umingos siya.
"Hindi lahat ng virgin dinudugo. Matalino ka, Pio. Huwag mong pairalin ang pagiging isip bata mo."
"Hindi mo ako katulad na basta na lang bubukaka at i-offer kung kanino lang ang virginity, Anastasia! Mahalaga 'yon sa'kin! Pero basta mo na lang kinuha ng walang pahintulot!"
"Limang taon na ang lumipas, hindi ka pa rin ba nakapag-move on, Pio Francis?"
"Paano ko gagawin 'yon kung nawala sa akin ang iningatan ko ng dalawampu't isang taon?"
Mariin itong pumikit at muling nagsalita. "Ano ang nais mong gawin ko para manahimik ka?"
"Panagutan mo ako!"
"At bakit ka naman niya pananagutan, Pio?"
"Mom!" Inilapag niya sa Mesa ang hawak na tasa ng kape at inilang hakbang ang ina para yakapin ito. "Good morning, Mommy kong sexy!"
"Answer me, Pio." gustong-gusto naman ng mommy niya kapag nilalambing at binobola niya ito pero bakit ngayon napakaseryoso ng boses nito? Siguro binitin ng Daddy niya ito kagabi kaya masungit.
"Hindi na kasi ako virgin, five years ago pa, mommy. That woman took it." parang batang sumbong niya rito. Siniko naman siya nito, hindi pa nakuntento at sinapak pa siya. Parang gusto na niya talagang maniwala na hindi siya mahal ng kanyang mga magulang. Dati naman sinisigawan lang siya at hindi pinipisikal.
"Tapusin mo na ang pag-aalmusal. We really need to see a Psychiatrist."
"Hindi ako baliw, Mom! Pero kapag hindi ako pinanagutan ng babaeng 'yan, ako na mismo ang magpapamental sa sarili ko!" Binitbit niya ang tinapay at kape at padabog na umakyat sa kanyang kwarto.
Ano ba ang mali sa pagsasabi ng totoo? E, talaga namang ang babae na iyon ang nakauna sa kanya! Porke ba at lalake siya kaya ganoon na lang ang reaksyon ng mga magulang nang ipagtapat niya sa mga ito na hindi na siya virgin? Tumalon nalang kaya siya mula sa terasa ng kanyang kwarto para mas may saysay? Pero hindi! Bago siya kainin ng lupa, kailangan niya munang mapanagot ang babaeng iyon. Sinayang na nga nito ang semilya niya tapos basta na lang nitong kakalimutan ang lahat? Aba! Hindi naman yata makatarungan iyon. Matalim na binalingan niya ng tingin ang cellphone na tumunog sa ibabaw ng kanyang bedside table. Sino naman kaya itongw isturbo na ito? Inabot niya ang kanyang cellphone at sinagot na hindi inalam kung sino ang tumawag.
"Siguraduhin mo lang na importante 'yang itinawag mo kung ayaw mong manahimik pati kaluluwa mo."
"Pinagbabantaan mo ako, Pio Francis?!"
"Dad!" Nang tingnan niya ang caller id ng kanyang cellphone, tama nga ang boses na narinig niya. It was his dad.
"Hindi gawain ng isang responsableng General Manager ang magpaka-late sa trabaho, Pio. Get your filthy ass here or you'll end up nothing?"
Napamura siya sa sarili. Lunes pala ngayon at kailangan niyang pumasok sa opisina. Kasalanan talaga ni Tasia ang lahat ng ito.
"Papunta na po, Dad."
"Make it fast. I asked Doctor Falcon to come here instead."
"What?!"