webnovel

ME (4)

Pagkapasok ko ng bahay ay naroom pa si mama sa couch. Nakaupo, at nagbabasa ng libro.

"Mabuti at dumating kana. Inumaga ka na ng uwi ah." Malimanay niyang sita saakin. Ok lang ba si mama parang ang tamlay niya this past few months.

"Nagkayayaan lang po ma." Sagut ko nalang.

"Mabuti at wala ang papa mo. Siya matulog ka na."

" kayo din mama." Umakyat na ako ng hagdan patungo sa kwarto ko.

Hindi ko rin kayang tiisin si mama ng ganun katagal. Mabait si mama wala akong masabi. Siya ung laging nandyan para damayan ako. Si papa ni hindi ko maalala kung may bonding time ba kami. Puro siya galit, konting mali umiinit na yung ulo saakin. Feeling ko nga hindi niya ako anak eh.

Napapaisip nalang ako minsan mahal ba ako ni papa? O minahal man lang ba niya ako kahit hindi na bilang anak kundi bilang tao nalang. Ang hirap din kasing I please ni papa. Ang hirap maabot yung standards niya.

~○~

KINAUMAGAHAN

Buti nalang at sabado ngayon wala kaming pasok kaya kahit late ako gumising ay ok lang. Pagkabangon ko my isang box sa study table ko, nilapitan ko ito at binasa yung note.

* Anak eto isuot mo mamaya, dapat 4:30 bihis ka na kasi sususnduin ka ni kuya Berting. May dinner tayo kasama sina Mr. an Mrs Tan.*

"Hmmmm" binuksan ko ang box at tinignan yung dress." Wow ang cute." Tinignan ko yung oras." Maaga pa naman 12:23 palang, kaya lumabas para kumain ng lunch

"Manang what's for lunch po?"

"Eto niluto ni ma'am ang paborito niyo bago umalis ma'am."

"Saan daw siya pupunta?"

"Hindi ko lang alam ma'am, every  3rd week of the month siya lumalabas. Tapus pagdating niya ang daming dalang gamot."

"Hmmmm. Pansin ko nga manang eh ang tamlay ni mama."

"My sakit kaya siya ma'am?"  

"Yan ang dapat nating alamin." Kinakabahan ako. Pano kung may sakit si mama. Wala man lamg siyang karamay sa paglaban ng sakit niya." Alam mo ba kung saan nakatago ang mga gamot ni mama ate?"

"Ay oo ma'am ako kasi ang taga tago nia. Pero ang sabi nia vitamin lang ang mga yun."

"Ate kumuha ka ng tig iisang capsule, may tatawagan lang ako."

Nag tungo ako sa kwarto para kunin ang phone ko. Habang nag dadial ako ay naglakad ako papunta sa veranda.

RING

RING

RING 

RING

"Hello tito! Are busy?" Si tito ay isang doctor. Ewan ko baka siya ang doctor ni mama.

"Hindi naman, nandito ako ngayon sa Davao for conference. Why?"

"Alam mo ba kung ano ang sakit ni mama?"

"What anog sakit ang sinasabi mo? Hindi naman siya nagpapacheck up saakin."

"Tito kasi sabi ni ate Minda, every 3rd week of the month lagi siyang umaalis. Pagdating maraming dalang gamot raw. Nagpakuha na ako ng mga sample sa mga gamot na un tito."

"Ok send those medicines to my hospital ako ng bahala dun. Ok!"

"Ok tito"

Sana ayus ka lang mama. Sana wala kang malalang sakit. Ikaw nalang ang meron ako. Huminga ako ng malalim bago nagtungo sa banyo para maligo.

Ligo, dry hair, make up, accessories, and then sinuot ku na yung dress na bigay ni mama. Saktong pupulutin ku na ung pouch ko ng kumatok si ate Minda.

"Ma'am  nandito na po si mang Berting."

"Bababa na po ate."

Pinag buksan naman niya ako ng pintuan ng kotse. Nandun na ba si mama kuya?"

"Oo ma'am, nauna ko na siyang hinatid bago kita sunduin."

"Saan po kayo galing kuya?"

"Sa mall ma'am"

"Dun lang kayo?"

"Oo ma'am hinintay ko nalang siya sa my parking area ma'am."  

"Sige kuya"

Nakinig nalang ako ng music sa phone ko. Hindi ko namalayang nakaidlip na pala ako. Nagising nalang ako sa pagyugyug ni Kuya Berting sa balikat ko.

"Ma'am andito na po tayo."

"Salamat kuya"

Saka niya ako inalalayang bumaba.

"Salamat ulit kuya"

"Magenjoy po kayo ma'am."

Sinalubong ako agad ni mama pagkakita saakin.

"Ang ganda naman ng baby ko."puri niya saakin.

"Mana sayo." Sabay halik at yakap ko sakanya.

"Ang sarap naman ng yakap ng anak ko. Tara na't naghihintay na sila."

Nagtungo na kami sa table na kinaroroonan nila papa.

"Iha ang ganda naman ng magiging daughter in law ko."

Nagbesonkami ni Mrs. Tan.

"Salamat po tita."

"Why not call me mama na rin or mommy."

"After wedding nalang po" saad ko saka ngumiti at umupo na rin sa gitna nila mama at papa.

"How sad, sana nandito rin si Joaquin para magkakilala na kayo"

*nice! Ang gagaling nilang mag drama* sa isip isip ko.

"Oo nga po tit eh para naman makilatis ko na ang pakakasalan ko"

"Soon iha, busy pa kasi siya eh"

Dumating na rin ang mga order namin at nagsimulang kumain. Nagkwentuhan naman sina papaa at Mr. Tan about business. Si mama at Mrs. Tan naman ay nagpalno about sa wedding.

Wala akong magawa kundi kumain nalang. Wala akong makausap, hinintay ko nalang na matapos sila sa pagkukwentuhan.

Hindi sumabau saamin si papa, may babalikan daw siyang paper works sa office. Ganitong oras 8 na ng gabi trabaho parin ba ang nasa isip. Habang sakay naman kami ni mama sa kotse, nakakabinging katahimikan. Halata kay mama na hindi siya ok, na may dinaramdam siya.

"Ma ok ka lang ba?"

"Oo naman anak, bakit mo natanong?"

"Halata kasing hindi ka ok eh, gusto mo magpahangin muna tayo mama?"

"Sige tara. Kuya Berting sa malapit na beach tayo papahangin lang."

"Sige po ma'am."

Pagdating namin sa beach, inilatag ni mama ang kanyang scarf, saka kami umupo.

"Ma ok lang ba kayo ni papa?"

"Oo naman anak."

"Mama parang may mali sa inyo ni papa. Ma gusto kong malaman may problema ba kayo?"

"Hayaan mo nalang kami anak. Ayaw kong madamay kapa."

"Ma anak niyo ako, damay ako sa kahiy ano mang gulo ng pamilya."napabuntong hininga nalang ako." Ma magsabi ka ng totoo saakin."

"Anak kasi masakit, gusto ko ako nalang ang makaramdam. Wag na ikaw anak." Saad ni mama na naluluha na.

"Ma gusto ko hati tayo sa sakit. Gusto ko magkaramay tayo ma." May tumulong luha na rin sa mata ko.

"My iba na ang papa mo. Kaya madalang nalang siyang umuwi dahila sa babaeng yun."

"Hinayaan mo nalang ma. Lumaba ka ma ikaw ang ligal na asawa."

"Anak wala akog laban, ako ang sumira sa relasyon nila noon. Bago kami ipakasl ng mga lolo mo, meron ng sila, 6 years silang my relasyon. Kaya ganun nalang ang galit ng papa mo saakin. Sa 22 years na kasal kami ni hindi ko naramdaman ma mahal niya ako."

"Kaya ba pati sakin galit din siya?"

"Ang alam kasi ng papa mo anak ay hindi ka niya tunay na anak, siniraan ako ni Sofia sa papa mo na anak daw kita sa ibang lalaki. Wala na akong ibang lalaki sa buhay kundi ang bestfriend ko at ang papa mo. Kaya hanggang ngayon ay hindi parin tayo tanggap ng papa mo dahil sa mga kwento ni Sofia."

"Nag try ba siyang magpa DNA mama?"

"Oo anak at negative ang kumabas, isinampal ng papa mo saakin ang DNA result niyo noon saakin. Pero nagsagawa din ako ng sarili kong DNA at psitive ang lumabas. Hindi ko nalang sinabi sakanya dahil nabulag na siya ni Sofia."

Umiiyak na rin ako sa sakit ng katotohanan.

"Mama bakit hindi mo nalang siya hiwalayan?:

"Ayaw kong masira ang pamilya natin ng dahul saakin. Ayaw kong sisihin mo ako."

"Ma gayung alam ko na ang totoo, please mama makipaghiwalay ka na kay papa. Kaya natin to, kaya natin kahit wala si papa. Basta magkasama tayo." Niyakap ko siya nv mahigpit.

"Salamat anak." Sabi niya at gumanti na rin sa yakap." Sana laging kang masaya kahit wala na si mama, mahal na mahal kita anak, ikaw ang buhay ko. Ikaw ang nagbibigay ng lakas at tatag saakin."

"Mahal din kita mama." Ramadam ko ang sakit na nararamdaman ni mama, sakit na dulot ng taong mahal namin.

Kung sino pa dapat ang kakampi at iintindi sa lahat ng kamalian mo sila pa ang manghuhusga  sayo.

Yung taong dapat karamay at kasama mo sa hirap at ginhawa, sila pa ang mang iiwan sayo.

Yung taong dapat magpapalakas ng loob mo para ipaglaban at lumaban para sa inyo sila pa ang mananakit sayo.

"Ma suko na tayo ha, tama na yung sakit, tama na yung pag titiis. Alam ko mama sobrang sakit na." Dagdag ko pa at lalong humagulgul si mama." Alam ko ma mahal mo si papa pero ma magtira ka naman sa sarili mo. Hindi n kayo bumabata, intindihin mo naman muna ung sarili mo."

"Basta kasama kita anak hanggang sa huli anak gusto ko kasama kita."

"Opo mama sasamahan kita."

"Anak para minsanan yung sakit. May sasabihin pa ako sayo." Tumago lang ako at hinintay siyang magoatuloy." Malala na ang heart diseases ko. Any time pwede n akong mawala, pero lumalaban ako anak para sayo."

Humahagulgul ako ng iyak habang nakikinig kay mama. Hindi ko kaya, hindi ko kayang mawala si mama.

"Ma lumaban ka, wag mo akog iiwan. Ma dito ka lang, ma."iyak parin ako ng iyak habang yakap yakap ni mama

"Hindi ako mawawala anak lagi lang andito si mama, lagi kitang aalagaan. Mahal na mahal na mahal ka ni mama." Sambit ulit ni mama habang hinahagud ang ulo ko sabay halik.

Iyak parin ako ng iyak. Bakit ganun bakit kung sino pa ang mababait sila pa ang mag durusa. Bakit hindi nalang ung mga my gawaing mali. Bakit si mama pa. Bakit saakin pa.

"MA LALABAN TAYO OK KAYA NATIN TO MA."