webnovel

ONE SHOTS [tagalog]

daltsuki · 青春言情
分數不夠
21 Chs

[9] WISH GRANTED

[9] WISH GRANTED

[1st Monthsarry]

"Hey, hon. Happy 1st monthsarry! What's your wish for us?"

"Happy monthsarry, too. My wish? Is for us to stay strong until the end."

"Same, hon! I love you, too."

[1st Anniversary]

"Happy anniversary, hon. Stay strong for us. I love you. You, what's your wish for us?"

"Happy anniversary, too. My wish is still the same, let's stay strong until the end."

"I really love you, hon! Thank you for everything."

[2nd Anniversary]

"Hey, hon. Happy 2nd anniversary. What's your wish for us?"

"Hon. You look pale, Are you okay?"

"Yes. Of course."

"Happy anniversary, too. My wish is still the same.. I guess."

"I love you."

[3rd anniversary]

"Hey, hon. Happy 3rd anniversary to us. I love you. Stay strong to us. What's your wish for us?"

"Happy anniversary. My wish? To be free."

"Pft. Mapagbiro ka talaga, hon. Hahaha."

[4th anniversary]

"I love you, hon. Always remember that, hm? Happy 4th anniversary. Let's stay strong until the end. What's your wish for us?"

"Yeah. Happy anniversary."

"Hm. Your wish, hon?"

"Still the same as last year."

Napalunok ako at pilit na ngumiti habang pinipigilan ang mga luha ko sa pag tulo. Masakit. Sobrang sakit. Parang binibiyak ang puso ko dahil sa sinabi n'ya.

Pinilit kong ngumuso, "Mapagbiro ka talaga, hon." saka ako tumawa.

Pero nananatili lang s'yang nakatingin sa'kin dahilan upang mawala ang pilit na ngiti sa aking mukha. Napalunok ako. Alam ko naman, eh. Alam ko ang katotohanan. Alam ko ang lahat lahat. Napailing ako at tumalikod upang maglakad papalayo sa taong mahal ko.

Alam ko naman na ganito ang mangyayari, eh. Pero hindi ko maiwasang masaktan. Akala ko handa na ako. Akala ko handa na ako sa sakit na maari kong maramdaman kapag dumating ang araw na ito.

Lumingon ulit ako sa kan'ya. Aking huling lingon na maibibigay sa kan'ya. Kagaya ng inaasahan ko ay hindi na s'ya nakatingin sa'kin. Nakangiti lamang s'ya at masayang kausap ang ate ko.

Tumulo na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na pinalis pa ito dahil alam kong may tutulo nanaman kahit anong pagpigil ang gawin ko. Isang taon nalang naman na, eh. Hindi ba s'ya nakapaghintay? Ganoon n'ya ba kaayaw sa'kin kaya ganoon na lamang s'ya ka atat na mawala ako sa landas nila ni ate?

Alam ko naman na sa simula palang na hindi n'ya ako mahal. Na si ate talaga ang gusto n'yang makasama. Pero ako itong si tanga inaakala at umaasa na mamahalin rin n'ya ako pabalik kagaya ng pagmamahal ko sa kan'ya.

Alam ni ate na mahal ko si Trevor. Bakit nga ba naging kami ni Trev kahit ayaw n'ya sa'kin? Ah. Oo nga pala.

Dahil sa AWA.

Alam ni ate na may sakit ako. Naawa s'ya sa'kin. Mahal nila ni Trev ang isa't isa at ako si tanga ay minahal din ang lalaking mahal ni ate. Alam kong nakiusap lang si ate kay Trev na ligawan ako kasi alam n'ya na sa dulo ay sa kan'ya parin ang bagsak ni Trevor dahil limang taon na lang ang itatagal ko ng panahong iyon. At dahil mahal ni Trev si ate, sinunod n'ya ang kagustuhan nito.

Napangisi ako habang lumuluhang nakatanaw sa dalawang taong mukhang masaya sa piling ng isa't isa.

Sa apat na taon na pagsasama namin ni Trevor. Malungkot. Dahil kahit kasama ko s'ya? Si ate ang hanap n'ya. Si ate, puro si ate ang bukam bibig n'ya. Nakakasakit na s'ya.

Isang taon nalang eh. Pwede pa s'yang umakto na parang mahal n'ya ako kahit hindi naman talaga. Pero last year.. Last year atat na s'ya. Hindi na s'ya makapag hintay.

Tumakbo ako papalayo. Biglang umulan pero hindi ako tumigil. Takbo lang ako ng takbo kung saan ako dalhin ng paa ko. Hanggang sa makarating ako sa kalapit na dagat.

Napangiti ako ng mapait habang nakatayo sa gilid nito habang lumuluha at dinadama ang huling ulan na madadama ko. Napaka tanga ko. Tutal mamamatay naman na ako. Bakit ko pa papatagalin ? Tutal atat naman na ang mga tao sa paligid ko na mawala ako. Mas magiging masaya siguro sila kung mawala na ako. Imbis na magluksa ay baka magdiwang pa sila.

Napailing ako at tumitig ng ilang sandali sa malakas na alon ng dagat habang dinadama ang huling ulan at huling hanging dagat na madadama ko.

Unti unti akong naglakad papalapit sa dagat. Nadama ko ang lamig ng tubig dagat sa'king paa. Napasinghap ako at aking naamoy ang hanging dagat. Nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa umabot ang tubig sa aking binti.. Tuhod.. Hita.. Baywang.. Sa aking leeg, hanggang sa nilamon na ako nito ng buo.

Ramdam ko na sa buong katawan ko ang malamig na tubig dagat. Unti unti na akong nawawalan ng hinginga.

Habang nag aagaw buhay ako ay hindi ko maiwasang isipin. Bakit ako? Bakit ganito ang naging buhay ko? Bakit may sakit ako? Bakit pinatagal pa ng ganito katagal kung pe pwede namang mamatay nalang ako? Wala namang natutuwa sa existence ko. Hindi ko alam kung anong purpose ko sa mundo. Hindi ko alam.

Trevor, you want to be free? Fine I'll give you what you want. You're now free. You can now be happy with your true love. I love you. Wish granted.

———

Akane Daltsuki