webnovel

ONE SHOTS [tagalog]

daltsuki · 青春言情
分數不夠
21 Chs

[8] DARE

[8] DARE

"I dare you na puntahan mo iyong si Caleb. Kunwari boyfriend mo s'ya at nahuli mo siyang nagchi cheat with Jessica. Sakto kasama n'ya ang malanding si Jessica. Go, bessy!" sabi ni Annie.

Nahihiyang tumayo ako at napatingin kay Caleb na s'yang crush ko. Pero kumulo ang dugo ko ng makitang nakalambitin si Jessica sa braso n'ya. Kung nakakapatay lang ang tingin, siguradong kanina pa nasa morgue iyang si Jessica.

"Go gurl!" cheer pa ni Annie sa'kin, kaibigan ko 'toh at naglalaro kami ng truth or dare. Grobi itong dare n'ya sa'kin ah. Pero kailangan kong gawin kasi kapag hindi ginawa ay iaanounce dapat sa buong campus kung sino ang crush. Nakakahiya kaya baka mamaya magkaroon akong haters kahit walang fans, 'diba?

Lumapit ako sa pwesto nila, kung kanina ay nakalambitin itong si Jessica, ngayon naman ay akmang susubuan na ng chips si Caleb kaya mas binilisan kong makapunta sa kanila.

Ako dapat 'yan, ih! Nag-iinit ulo ko habang nakatingin kay Jessica pero nung mapatingin ako kay Caleb ay parang nawala lahat ng inis ko. ihh. Kilig ako kasi nakatingin din s'ya sa'kin, well pati si Jessica nakatingin sa'kin nakataas pa nga kilay n'ya na drawing lang ih. Attitude ka girl?

"C-Caleb? Ano 'toh?" sinimulan ko ng gawin ang dare sa'kin ni Annie. Sabay silang tumayo at nakapamaywang na humarang si Jessica sa gitna namin ni Caleb.

"Excuse you? Who are you and why are you here? Can't you see we're---" hindi ko s'ya pinansin. Excuse you n'ya mukha n'ya. Hmp.

"Caleb? Ano 'to? Niloloko mo ba ako?" suminghap ako at tumingin sa kan'ya na maluha luha.

Napatingin na din samin ang ibang students, pinapanood kami habang nagbubulungan.

"What? Girl, you better leave. Kumakain kami ng boyf--"

"Ayaw mo na sa'kin?" suminghot ako at umaktong maiiyak na. Pinatulo ko ang luha ko para mas kapanipaniwala. Grobi effort ko sa dare na 'toh ah? Feel ko talaga boyfriend ko si Caleb at this moment. Hihihi.

"What the--" napatigil si Jessica ng hawakan ni Caleb ang balikat n'ya atsaka s'ya hinawi upang muli kaming magkaharap ni crush Caleb ko na s'yang ikinagulat ni Jessica pati narin ako.

"Shit. Rana. Sorry, baby." nanlaki ang mata ko at napatigil sa pag iyak iyak na peke ng bigla ako nitong yakapin at aluhin.

O--my--god..! K-kilala n'ya ako..?!

"Caleb! What are you doing?!" galit na sigaw ni Jessica.

"Manahimik ka! Dikit ka ng dikit sa'kin, 'yan tuloy nagselos ang girlfriend ko! Pinaiyak mo ang Rana ko.. Lumayo ka sa'kin Jessica. Shh.. Rana, baby ko. Stop crying. I'm here, I'm here. I love you, baby."

Sarap ng yakap n'ya I feel safe. Pero mygod. Ano daw? Girlfriend n'ya ako? Omg, 'di ko alam na girlfriend ako ng crush ko?!

"P-paano? Caleb, kilala mo ako?" Yumakap ako ng mahigpit sa kan'ya, syempre chansing na ako mygod ang bango n'ya, gaiz!

Rinig kong ngumisi s'ya, "Alam mo bang napakasaya ko ngayong araw?"

"H-ha? Bakit?"

"Kasi nalaman kong gusto ako ng taong mahal ko. I love you, Rana. I mean it. I really do."

"P-paano mo naman nasabing gusto kita. Hmpk. Hindi ba pwedeng dare lang 'toh?"

"Sus, ikaw nga 'yung nagdidikit ng flowers, chocolates and hand written letters sa locker ko eh. Oh. H'wag kang magulat, baby. Hmm. I know it's you. At saka sa gwapo kong ito? Sino ba namang hindi magkakagusto sa'kin?" sabi nito at saka tumawa.

Ramdam na ramdam ko ang bilis na tibok ng puso ko pati narin ang pag-init ng pisngi ko. OMG. Totoo 'yun huhu. Nahihiya akoooo.

"M-mahal din kita, Caleb."

"Talaga? Kiss me then."

"E-eh?!"

Tumingin s'ya sa'kin, "Kiss me, Rana baby ko." sabi nito at saka ngumuso.

Napalunok ako habang nakatingin sa labi n'ya. Mygod is this real?!

I bit my lower lip at nilipat ang tingin mula sa labi n'ya papunta sa mata n'ya na nakatingin sa labi ko na kagat kagat ko. Kitang kita ko ang paglunok n'ya. Unti unting bumaba ang mukha n'ya papunta sa'kin. Nanlaki ang mata ko. Is he going to kiss me?

"Kyaaaaah! Kayo na pala ah?! Bakit hindi ako informed?! Grabe ka, bessy!" Someone from the crown showed up and shouted those words. Nandito pala si Annie. Muntikan ko na makalimutan. Napatingin kami sa kan'ya. Napangiti ako, don't worry Annie hindi ka nag-iisa, hindi nga din ako informed, eh.

"A-ahm. O sige, gaiz. Tuloy n'yo lang 'yan. hehe." sabi n'ya with matching hand gestures pa.

Napatingin ako kay Caleb at ang sama ng tingin nito kay Annie. Mas lalo akong napangiti ng bumulong s'ya, "Tsk. Sayang." he said then pouted his lips. Napatawa ako. Tumingin din s'ya sa'kin ng masama at saka bumulong, "Mamaya ka sa'kin." saka s'ya ngumisi.

Napatigil ako sa pag tawa at napaiwas ng tingin sa kan'ya. Mali yatang tinawanan ko ang pagkabitin n'ya.

———

Akane Daltsuki